2. SIMULA NG ISLAM
Isinilang si Muhammad sa Mecca noong 570 C.E.
Sa panahong ito ang mga arabe ay sumasamba sa
maraming diyos. Si Muhammad ay naging
matagumpay sa kanyang pangangalakal at sa
kanyang paglalakbay at naimpluwensiyahan siya
ng paniniwalang kristiyanismo,Judaism, at
paniniwala sa iisang diyos.
Ang islam ay tinatag ni Muhammad noong ika-70
siglo. Nag simula mangaral si Muhammad na
mayroong lamang iisang diyos na tinawag na
Allah(salitang Arabic para sa Diyos).
Ang mga taga Mecca sa simula ay hindi tinanggap
ang mga pangaral ni Muhammad at inakala nila na
mapanganib sya.
3. MGA ARAL NG ISLAM
Ang islam ay relihiyon na batay sa mga aral ni
Muhammad. Ang mga aral na ito ay nakasulat sa
Qur’an nakasaad dito ang limang tungkulin na
nagsisilbi ring gabay sa buhay ng mga muslim,
tinawag na Limang Haligi ng islam (Five pillars of
Faith)
Nang pumanaw si Abu Bakr noong 634 C.E. Si
Omar ang naging calliph hanggang 644 C.E.
Nakapagtatag sya ng imperyo hanggang sa labas
ng Arabian Peninsula.
Nakuha nila mula sa imperyong Byzantine ang
Syria at Palestine noong 635 C.E.
4. MGA HALIGI NG ISLAM
Shahadah- Pagpapahayag na walang ibang Diyos
kung hindi si Allah at ang kanyang propetang si
Muhammad.
Salat- Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.
Zakat- Pagtulong sa mga nangangailangan.
Sawm- Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
Hajj- Paglalakbay sa banal na lungsod ng Mecca.
5. AMBAG NG MGA KABIHASNANG ISLAMIC
Nakapagtatag ang mga Arabeng muslim ng mga Unibersidad, lalo na sa
Egypt, Baghdad, at Spain. Nakapagtayo sila ng silid aklatan at paaralan. Sa
matematika , pinalaganap nila ang paggamit ng zero at Arabic numerals na
mula sa India. Mahusay ang mga Muslim sa larangan ng agham.
Sinimulan nila ang paggamit ng Surgery at sumulat ng mga aklat sa medisina
kabilang ang Book of Healing at Canon of Medicine ni Avicenna.
Sa paglalayag, Pinaunlad ng mga Arabe ang astrolabe,isang instrumento na
sumusukat sa posisyon ng mga bituin.
Isa sa mga tanyag na manlalakbay ay si Ibn Battuta na naitala ang
paglalakbay sa Gitnang silangan , India,China, Timog Silangang asya, at
Africa.
May matatag na tradisyon ang mga Arabe sa larangan ng panitikan na
makikita sa kanilang mga kuwento at tula. Isa sa mga kilalang manunulang
Muslim sa persia ay si Omar Khayyam na may akda sa Rubaiyat.
The Arabian Nights isang koleksyon ng mga kuwento patungkol sa pakikipag
sapalaran, sa kasalukuyan ang mga kuwento ni ali Baba, Sinbad, at Alladin
ay kilala sa buong mundo na parehong bahagi ng literaturang Arabic.
6. TRIVIA
Naganap ang Hegira noong 622 C.E. Ito ang unang
taon sa kalendaryong Muslim.
Ang Damascus ang pinakamatandang lungsod sa
mundo na patuloy na tinitirhan ng mga tao simula
noong sinaunang panahon hanggang sa
kasalukuyan.
Nagtayo ng mga Mosque kung saan nagtutungo
ang mga muslim upang magdasal sa pamumuno
ng Imam.
Ulama kung saan ang mga iskolar nag aaral ng
relihiyon at batas ng Islam.