SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU 
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson 
Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang 
Japan. Ginawa ang Tanka noong ikawalo siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa 
mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng 
kakaunting salita lamang. 
Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na 
Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t 
ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami. 
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang 
impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Japan. Ang mga 
unang makatang Japanese ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang 
ang wikang Japanese sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.Sa pagitan ng 
ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Japanese ang nilinang na 
mula sa karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng Japanese. 
Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “ hiram na 
mga pangalan”. 
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng 
mga makatang Japanese ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming 
pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Japanese na 
ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili 
nila. 
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka 
ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, 
pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang 
taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig 
samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka 
upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). 
Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong 
taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang 
isang Tanka. 
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 
siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Japanese. Ang bagong 
anyo ng tula ay tinawag na Haiku. 
Noong panahon ng pananakop ng mga Japanese sa Pilipinas lumaganap nang 
lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.
Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong 
antala o paghinto .Kiru ang tawag dito o sa English ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng 
sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting word”. 
Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. 
Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na 
paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang 
kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari rin namang makapagbigay - 
daan ito sa marangal na pagwawakas. 
Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa 
ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman 
ay “ unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng 
Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Japanese upang lubos na mahalaw 
ang mensaheng nakapaloob sa tula. 
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku 
Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Japanese. Maiikling awitin 
ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang 
hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din 
na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin. 
Samantala, ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong bilang ang 
pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 
o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. 
Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang 
ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong 
nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.

More Related Content

What's hot

Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng DamdaminFilipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng DamdaminJuan Miguel Palero
 
SENRYU,HAIKU AT TANAGA
SENRYU,HAIKU AT TANAGASENRYU,HAIKU AT TANAGA
SENRYU,HAIKU AT TANAGAJean Demate
 
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptxPAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptxrosemariepabillo
 
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haikuFILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haikuEarl Daniel Villanueva
 
Kay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarKay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarmichael saudan
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoJenita Guinoo
 
Filipino 9 Panitikan ng Thailand
Filipino 9 Panitikan ng ThailandFilipino 9 Panitikan ng Thailand
Filipino 9 Panitikan ng ThailandJuan Miguel Palero
 
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang AsyaFilipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang AsyaJuan Miguel Palero
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)faithdenys
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)gielmark
 

What's hot (20)

filipino 9- Dula
filipino 9- Dulafilipino 9- Dula
filipino 9- Dula
 
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng DamdaminFilipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
 
SENRYU,HAIKU AT TANAGA
SENRYU,HAIKU AT TANAGASENRYU,HAIKU AT TANAGA
SENRYU,HAIKU AT TANAGA
 
Tanka at haiku
Tanka at haikuTanka at haiku
Tanka at haiku
 
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptxPAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
 
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haikuFILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
 
Kay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarKay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaar
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
 
Filipino 9 Panitikan ng Thailand
Filipino 9 Panitikan ng ThailandFilipino 9 Panitikan ng Thailand
Filipino 9 Panitikan ng Thailand
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Elehiya kay ram
Elehiya kay ramElehiya kay ram
Elehiya kay ram
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
 
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang AsyaFilipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
 
MAGASIN (Grade 8) FILIPINO
MAGASIN (Grade 8) FILIPINOMAGASIN (Grade 8) FILIPINO
MAGASIN (Grade 8) FILIPINO
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Filipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at HaikuFilipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at Haiku
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Komiks
KomiksKomiks
Komiks
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
 

Viewers also liked

K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleNico Granada
 
Benefits of marijuana cannabis to chemotherapy (thesis)
Benefits of marijuana cannabis to chemotherapy (thesis)Benefits of marijuana cannabis to chemotherapy (thesis)
Benefits of marijuana cannabis to chemotherapy (thesis)Daniel Bragais
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuPRINTDESK by Dan
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2paul edward
 
Filipino inside
Filipino insideFilipino inside
Filipino insidejeffkian06
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Merland Mabait
 
Research thesis (effects of bullying)
Research thesis (effects of bullying)Research thesis (effects of bullying)
Research thesis (effects of bullying)frncsm13
 

Viewers also liked (10)

K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
Benefits of marijuana cannabis to chemotherapy (thesis)
Benefits of marijuana cannabis to chemotherapy (thesis)Benefits of marijuana cannabis to chemotherapy (thesis)
Benefits of marijuana cannabis to chemotherapy (thesis)
 
Exhibit 5-2
Exhibit 5-2Exhibit 5-2
Exhibit 5-2
 
Tanka at haiku
Tanka at haikuTanka at haiku
Tanka at haiku
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2
 
Haiku
HaikuHaiku
Haiku
 
Filipino inside
Filipino insideFilipino inside
Filipino inside
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
 
Research thesis (effects of bullying)
Research thesis (effects of bullying)Research thesis (effects of bullying)
Research thesis (effects of bullying)
 

Similar to Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku

FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docxFILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docxAjegVillar
 
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docxRommel Tarala
 
tankaathaiku-211010040304 (1).pptx
tankaathaiku-211010040304 (1).pptxtankaathaiku-211010040304 (1).pptx
tankaathaiku-211010040304 (1).pptxCherryCaralde
 
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka, Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka, Jenifer Acido
 
Akdang Patula
Akdang PatulaAkdang Patula
Akdang PatulaSCPS
 
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptxtankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptxayeshajane1
 
Yunit 2 aralin 1-filipino 9
Yunit 2  aralin 1-filipino 9Yunit 2  aralin 1-filipino 9
Yunit 2 aralin 1-filipino 9RizzaSiapno
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tularosemelyn
 
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog
Mga anyong tula ng panitikang tagalog qayku
 
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdfPanahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdfRenanteNuas1
 
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTOPAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTOIvy Joy Ocio
 

Similar to Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku (20)

FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docxFILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
 
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
 
tanka at haiku-.pptx
tanka at haiku-.pptxtanka at haiku-.pptx
tanka at haiku-.pptx
 
Aralin 2.1 (2)
Aralin 2.1 (2)Aralin 2.1 (2)
Aralin 2.1 (2)
 
Tanaga at haiku
Tanaga at haikuTanaga at haiku
Tanaga at haiku
 
tankaathaiku-211010040304 (1).pptx
tankaathaiku-211010040304 (1).pptxtankaathaiku-211010040304 (1).pptx
tankaathaiku-211010040304 (1).pptx
 
tanka-at-haiku.pptx
tanka-at-haiku.pptxtanka-at-haiku.pptx
tanka-at-haiku.pptx
 
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka, Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
 
Akdang Patula
Akdang PatulaAkdang Patula
Akdang Patula
 
M2-Q2.pptx
M2-Q2.pptxM2-Q2.pptx
M2-Q2.pptx
 
Mga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula aMga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula a
 
tankaathaiku-.pptx
tankaathaiku-.pptxtankaathaiku-.pptx
tankaathaiku-.pptx
 
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptxtankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
 
Yunit 2 aralin 1-filipino 9
Yunit 2  aralin 1-filipino 9Yunit 2  aralin 1-filipino 9
Yunit 2 aralin 1-filipino 9
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
 
Haiku sa panahon ng hapon
Haiku sa panahon ng haponHaiku sa panahon ng hapon
Haiku sa panahon ng hapon
 
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
 
TULA.pptx
TULA.pptxTULA.pptx
TULA.pptx
 
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdfPanahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
 
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTOPAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
 

Recently uploaded

6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 

Recently uploaded (20)

6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku

  • 1. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Japan. Ginawa ang Tanka noong ikawalo siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami. Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Japan. Ang mga unang makatang Japanese ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Japanese sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Japanese ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng Japanese. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “ hiram na mga pangalan”. Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Japanese ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Japanese na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila. Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Japanese. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku. Noong panahon ng pananakop ng mga Japanese sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.
  • 2. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto .Kiru ang tawag dito o sa English ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay “ unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Japanese upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula. Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Japanese. Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin. Samantala, ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.