SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
+

                                             JMJ

Jewel Mae P. Leonidas                                                             11B

Gng. Zenaida Guotana                                                              10/18/12

                                    Pagsusuri ng Pelikula

  I.   Pamagat: The Healing

       Director: Chito S. Roño

 II.   Mga Tauhan:

              1. Vilma Santos       - Seth – pangunahing tauhan

              2. Kim Chiu           - Cookie – kapatid ni Jed sa parehong tatay

              3. Martin del Rosario- Jed – anak ni Seth at kapatid ni Cookie

              4.   Daria Ramirez    - Manang Elsa – ang tagagamot o “faith healer”

              5. Jhong Hilario      - Dario – ang binuhay at ginamot ni Manang Elsa at siya rin

                                    ang puno’t dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula.

III.   Kwento/ Buod

              Sa simula pa lamang ng pelikula ay marami na ang dumarayo sa bahay ni Manang

       Elsa para magpa “healing”. Marami kasi sa mga tao ang naniniwala sa panggagamot ni

       Manang Elsa na tinatawag na faith healing. Dahil sa marami nang tao ang nagamot ay

       dinala ni Seth ang kanyang tatay at pinasubok ang nasabing panggagamot. Gumaling

       naman ito at bumuti rin ang pakiramdam. Nang nalaman na gumaling ang tatay niya’y

       dinala din niya ang ibang kasamahan para malunasan ang kanilang karamdaman.

              Sa kabila ng kagalingan ng iba’t ibang karamdaman ay kasawian at kamatayan

       ang naging kapalit nito. Ito’y dahil kay Dario, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa

       kamatayan. Siya ang sanhi ng lahat-lahat ng mga problema at kinailangan putulin ang

       sumpang ito. Tanging kamatayan lamang ni Dario ang magiging lunas sa lahat-lahat ng
mga pangyayari.

             Sa dulo ng kwento ay natigil ang sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor- kapatid ni

      Manang Elsa- kay Dario. Tanging si Cookie lamang ang nabuhay at nakaligtas sa

      kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa.



IV.   Banghay ng mga Pangyayari

             Ang pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang nagdala ng mga kasamahan

      niya kay Manang Elsa para magpa-healing. Lahat ng mga kasamahan niya’y bumuti ang

      kalagayan ngunit higit pa sa pagiging mabuti ang naging kapalit sa kanila. Isa-isa silang

      namatay tuwing nakikita nila ang kanilang “doppleganger”, simula sa unang

      nagpahealing at sunod-sunod na. Ang tanging sagot sa problemang ito ay ang

      pagkakamatay muli ni Dario.

             Ang pagkakabuo ng pelikula ay mahusay at maganda dahil madaling

      naiintindihan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at meron talagang parte na

      epektibo ang paggulat sa mga manonood.

V.    Paksa/ Tema

                  Tayo mismo ang haharap sa magiging bunga ng ating mga aksyon.

             Ang pinahihiwatig ng temang ito ay kung may papasukin tayong sitwasyon ay

      dapat handa natin itong harapin. Dapat din nating siguraduhin na kakayanin natin ito at

      kung nasimulan na ay dapat din itong tapusin.

      Katulad sa pelikula, ang mga taong nagpahealing mismo ang nagdusa dahil hindi muna

      nila inalam kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang pagpapagamot.

VI.   Cinematograpi

             Ang uri ng pelikula na aming napanood ay suspense thriller.

      Ang pagkagawa ng pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood
ngunit meron talagang ibang parte na hindi masyadong kumbinsing at hindi

        makatotohanan. Sa kabila nito ay mabisa pa rin ang pelikula dahil maiintindihan

        talaga ang bawat pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay

        sa nangyayaring eksena. Ang ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo

        dahil angkop sa dapat mangyari o nangyayari na.

VII.    Mensahe

              “Huwag magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon. Alamin muna ang

        sanhi at magiging bunga nito hindi lamang sa ikabubuti ng iyong sarili kung hindi pati

        na rin sa kabutihan ng ibang tao ”

VIII.   Konlusyon at Rekomendasyon

              Sa kabuuan, ang pelikula ay naghatid ng iba’t ibang mensahe na mahalaga at mga

        impormasyon kailangang malaman. Kung kaya’y maiirekomenda ko ito sa iba na hindi

        pa nakapanood lalo na sa mga estudyante para alam din nila ang mga nangyayari sa

        kanilang paligid at para na rin sa kanilang pag-aaral na hindi lamang dapat hanggang sa

        apat na sulok ng silid-aralan. Makakatulong din ang pelikulang ito sa pagsagot sa mga

        hinuha o kaisipan ng ibang tao katulad sa tamang paraan ng pagpapagamot.

More Related Content

More from Bianca Villanueva

Kaligirang Kasaysayan ng Nobela
Kaligirang Kasaysayan ng NobelaKaligirang Kasaysayan ng Nobela
Kaligirang Kasaysayan ng Nobela
Bianca Villanueva
 
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Bianca Villanueva
 
Paragraph Development by Analogy
Paragraph Development by AnalogyParagraph Development by Analogy
Paragraph Development by Analogy
Bianca Villanueva
 

More from Bianca Villanueva (20)

The Rise of Filipino Nationalism
The Rise of Filipino NationalismThe Rise of Filipino Nationalism
The Rise of Filipino Nationalism
 
Kaligirang Kasaysayan ng Nobela
Kaligirang Kasaysayan ng NobelaKaligirang Kasaysayan ng Nobela
Kaligirang Kasaysayan ng Nobela
 
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
 
World War II
World War IIWorld War II
World War II
 
Cycle of Indebtedness
Cycle of IndebtednessCycle of Indebtedness
Cycle of Indebtedness
 
Word War II Causes
Word War II CausesWord War II Causes
Word War II Causes
 
Conservatism
ConservatismConservatism
Conservatism
 
Kabanata 56
Kabanata 56Kabanata 56
Kabanata 56
 
Paragraph Development by Analogy
Paragraph Development by AnalogyParagraph Development by Analogy
Paragraph Development by Analogy
 
Narrative Essays
Narrative Essays Narrative Essays
Narrative Essays
 
Elements of a Paragraph
Elements of a ParagraphElements of a Paragraph
Elements of a Paragraph
 
Comparison and Contrast
Comparison and ContrastComparison and Contrast
Comparison and Contrast
 
Cause and Effect
Cause and Effect Cause and Effect
Cause and Effect
 
Anti Climactic
Anti ClimacticAnti Climactic
Anti Climactic
 
Persuasive Essays
Persuasive EssaysPersuasive Essays
Persuasive Essays
 
Loving Our Christian Family
Loving Our Christian FamilyLoving Our Christian Family
Loving Our Christian Family
 
Making Moral Decisions
Making Moral DecisionsMaking Moral Decisions
Making Moral Decisions
 
Mariology
MariologyMariology
Mariology
 
Contributions of Greek Civilization
Contributions of Greek CivilizationContributions of Greek Civilization
Contributions of Greek Civilization
 
Athens
AthensAthens
Athens
 

Filipino

  • 1. + JMJ Jewel Mae P. Leonidas 11B Gng. Zenaida Guotana 10/18/12 Pagsusuri ng Pelikula I. Pamagat: The Healing Director: Chito S. Roño II. Mga Tauhan: 1. Vilma Santos - Seth – pangunahing tauhan 2. Kim Chiu - Cookie – kapatid ni Jed sa parehong tatay 3. Martin del Rosario- Jed – anak ni Seth at kapatid ni Cookie 4. Daria Ramirez - Manang Elsa – ang tagagamot o “faith healer” 5. Jhong Hilario - Dario – ang binuhay at ginamot ni Manang Elsa at siya rin ang puno’t dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula. III. Kwento/ Buod Sa simula pa lamang ng pelikula ay marami na ang dumarayo sa bahay ni Manang Elsa para magpa “healing”. Marami kasi sa mga tao ang naniniwala sa panggagamot ni Manang Elsa na tinatawag na faith healing. Dahil sa marami nang tao ang nagamot ay dinala ni Seth ang kanyang tatay at pinasubok ang nasabing panggagamot. Gumaling naman ito at bumuti rin ang pakiramdam. Nang nalaman na gumaling ang tatay niya’y dinala din niya ang ibang kasamahan para malunasan ang kanilang karamdaman. Sa kabila ng kagalingan ng iba’t ibang karamdaman ay kasawian at kamatayan ang naging kapalit nito. Ito’y dahil kay Dario, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa kamatayan. Siya ang sanhi ng lahat-lahat ng mga problema at kinailangan putulin ang sumpang ito. Tanging kamatayan lamang ni Dario ang magiging lunas sa lahat-lahat ng
  • 2. mga pangyayari. Sa dulo ng kwento ay natigil ang sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor- kapatid ni Manang Elsa- kay Dario. Tanging si Cookie lamang ang nabuhay at nakaligtas sa kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa. IV. Banghay ng mga Pangyayari Ang pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang nagdala ng mga kasamahan niya kay Manang Elsa para magpa-healing. Lahat ng mga kasamahan niya’y bumuti ang kalagayan ngunit higit pa sa pagiging mabuti ang naging kapalit sa kanila. Isa-isa silang namatay tuwing nakikita nila ang kanilang “doppleganger”, simula sa unang nagpahealing at sunod-sunod na. Ang tanging sagot sa problemang ito ay ang pagkakamatay muli ni Dario. Ang pagkakabuo ng pelikula ay mahusay at maganda dahil madaling naiintindihan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at meron talagang parte na epektibo ang paggulat sa mga manonood. V. Paksa/ Tema Tayo mismo ang haharap sa magiging bunga ng ating mga aksyon. Ang pinahihiwatig ng temang ito ay kung may papasukin tayong sitwasyon ay dapat handa natin itong harapin. Dapat din nating siguraduhin na kakayanin natin ito at kung nasimulan na ay dapat din itong tapusin. Katulad sa pelikula, ang mga taong nagpahealing mismo ang nagdusa dahil hindi muna nila inalam kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang pagpapagamot. VI. Cinematograpi Ang uri ng pelikula na aming napanood ay suspense thriller. Ang pagkagawa ng pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood
  • 3. ngunit meron talagang ibang parte na hindi masyadong kumbinsing at hindi makatotohanan. Sa kabila nito ay mabisa pa rin ang pelikula dahil maiintindihan talaga ang bawat pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay sa nangyayaring eksena. Ang ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa dapat mangyari o nangyayari na. VII. Mensahe “Huwag magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon. Alamin muna ang sanhi at magiging bunga nito hindi lamang sa ikabubuti ng iyong sarili kung hindi pati na rin sa kabutihan ng ibang tao ” VIII. Konlusyon at Rekomendasyon Sa kabuuan, ang pelikula ay naghatid ng iba’t ibang mensahe na mahalaga at mga impormasyon kailangang malaman. Kung kaya’y maiirekomenda ko ito sa iba na hindi pa nakapanood lalo na sa mga estudyante para alam din nila ang mga nangyayari sa kanilang paligid at para na rin sa kanilang pag-aaral na hindi lamang dapat hanggang sa apat na sulok ng silid-aralan. Makakatulong din ang pelikulang ito sa pagsagot sa mga hinuha o kaisipan ng ibang tao katulad sa tamang paraan ng pagpapagamot.