LIMITLESS 03 - THE FRUIT OF THE HOLY SPIRIT - PTR. VETTY GUTIERREZ - 4PM AFTE...
THE GREAT I AM 03 - I AM THE RESURRECTION AND THE LIFE - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
1.
2. 14 Sinabi ng Diyos kay Moises, “AKO AY ANG AKO
NGA.” At kanyang sinabi, “Ganito ang sasabihin mo sa
mga anak ni Israel, ‘Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.’”
15 Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Ganito ang
sasabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Sinugo ako sa
inyo ng PANGINOON, ang Diyos ng inyong mga
ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac,
at ang Diyos ni Jacob.’ Ito ang aking pangalan
magpakailanman at ito ang itatawag sa akin ng lahat
ng mga lahi.
Exodo 3:14-15
3. 18 Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay
namatay nang minsan para sa inyo na mga
makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y
pinatay sa laman, at muling binuhay sa espiritu.
1 Pedro 3:18
4. May isang taong nagngangalang Lazaro na nagkasakit.
Nakatira siya sa Bethania kasama ang mga kapatid niyang
sina Maria at Martha. 2 Si Maria ang nagbuhos ng
pabango sa paa ng Panginoon at pagkatapos ay
pinunasan iyon ng kanyang buhok. Dahil may sakit si
Lazaro, 3 nagpasabi kay Jesus ang magkapatid,
“Panginoon, ang minamahal ninyong kaibigan ay may
sakit.” 4 Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya, “Hindi
niya ikamamatay ang sakit na ito. Nangyari iyon upang
maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito'y
maparangalan ang Anak ng Diyos.”
Juan 11:1-46
5. 22 Subalit alam kong kahit ngayo'y ipagkakaloob sa
inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.” 23
“Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus.
24 Sumagot si Martha, “Alam ko pong siya'y mabubuhay
muli sa huling araw.” 25 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako
ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang
sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling
mabubuhay; 26 at sinumang nabubuhay at
sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay
kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”
Juan 11:1-46
6. 38 Muling nabagbag ang kalooban ni Jesus pagdating sa
libingan. Ang pinaglibingan kay Lazaro ay isang yungib na
natatakpan ng malaking bato. 39 “Alisin ninyo ang bato,”
utos ni Jesus. Ngunit si Martha na kapatid ng namatay ay
sumagot, “Panginoon, nangangamoy na po siya ngayon;
apat na araw na siyang patay.” 40 Sinabi ni Jesus, “Hindi
ba't sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka ay
makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?” 41 Kaya't
inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus sa langit at sinabi,
“Ama, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat dininig mo
ako,
Juan 11:1-46