4. EFESO 4:1-16
1 Namamanhik nga sa inyo akong
bilanggo sa Panginoon, na kayo'y
magsilakad ng nararapat sa pagkatawag
na sa inyo'y itinawag,
2 Ng buong kapakumbabaan at kaamuan,
na may pagpapahinuhod, na
mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;
5. EFESO 4:1-16
3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang
pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng
kapayapaan.
4 May isang katawan, at isang Espiritu,
gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa
isang pagasa ng pagtawag sa inyo;
6. EFESO 4:1-16
5 Isang Panginoon, isang
pananampalataya, isang bautismo,
6 Isang Dios at Ama ng lahat, na Siyang
sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat,
at nasa lahat.
7 Datapuwa't ang bawa't isa sa atin ay
binigyan ng biyaya ayon sa sukat na
kaloob ni Cristo.
7. EFESO 4:1-16
8 Kaya't sinasabi
Niya, nang umakyat
Siya sa itaas ay
dinala Niyang bihag
ang pagkabihag, at
nagbigay ng mga
kaloob sa mga tao.
8. EFESO 4:1-16
9 (Ngayon ito,
umakyat Siya, ano ito,
kundi siya'y bumaba
rin naman sa mga
dakong kalaliman ng
lupa?
9. EFESO 4:1-16
10 Ang bumaba ay
Siya rin namang
umakyat sa kaitaasan
ng buong
sangkalangitan, upang
Kaniyang mapuspos
ang lahat ng mga
bagay.)
10. EFESO 4:1-16
11 At pinagkalooban Niya ang mga iba na
maging mga apostol; at ang mga iba'y
propeta; at ang mga iba'y evangelista; at
ang mga iba'y pastor at mga guro;
12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa
gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng
katawan ni Cristo:
11. EFESO 4:1-16
13 Hanggang sa abutin nating lahat ang
pagkakaisa ng pananampalataya, at ang
pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang
sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa
sukat ng pangangatawan ng kapuspusan
ni Cristo:
12. EFESO 4:1-16
14 Upang tayo'y huwag nang maging
mga bata pa, na napapahapay dito't doon
at dinadala sa magkabikabila ng lahat na
hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga
daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa
mga lalang ng kamalian;
13. EFESO 4:1-16
15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan
na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat
ng mga bagay sa Kaniya, na Siyang
pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;
14. EFESO 4:1-16
16 Na dahil sa Kaniya'y ang buong
katawan na nakalapat na mabuti at
nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong
ng bawa't kasukasuan, ayon sa
paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang
sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa
ikatitibay ng Kaniyang sarili sa pagibig.
24. 1 CORINTO 12:7-10
7 Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay
ang paghahayag ng Espiritu, upang
pakinabangan naman.
8 Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng
Espiritu ay ibinibigay ang salita ng
karunungan; at sa iba'y ang salita ng
kaalaman ayon din sa Espiritu:
25. 9 Sa iba'y ang pananampalataya, sa
gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga
kaloob na pagpapagaling, sa iisang
Espiritu.
10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga
himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang
pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang
iba't ibang wika; at sa iba'y ang
pagpapaliwanag ng mga wika.
1CORINTO12:7-10
26. Kaloob na Salita
(Spoken Gifts)
1.Pagpapahayag
2.Pagsalita sa ibang wika
3.Pagpapaliwanag ng wika
31. ROMA 12:7-8
7 O kung ministerio, ay gamitin natin ang
ating sarili sa ating ministerio; o ang
nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo;
8 O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral:
ang namimigay, ay magbigay na may
magandang-loob; ang nagpupuno, ay
magsikap; ang nahahabag ay magsaya.
32. 1 CORINTO 12:28
28 At ang Diyos ay naglagay ng ilan sa
iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y
mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga
himala, saka mga kaloob na
pagpapagaling, mga pagtulong, mga
pamamahala, at iba't ibang mga wika.
37. EFESO 4:11-12
11 At pinagkalooban Niya ang mga iba na
maging mga apostol; at ang mga iba'y
propeta; at ang mga iba'y evangelista; at
ang mga iba'y pastor at mga guro;
12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa
gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng
katawan ni Cristo: