3. Ang tsapter na ito ay naglalaman ng mga impormasyong may kinalaman sa pangngalan. Naglalayon itong
mailahad sa mga mambabasa kung ano ang katuturan at mga katangiang tinataglay ng pangngalan.At higit sa
lahat ay magbigay ng karagdagang kaalaman ukol dito.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
4. Aralin 1
KATUTURAN AT URI NG PANGNGALAN
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mambabasa ay inaasahang:
1. makapagbigay ng sariling pagpapakahulugan sa pangngalan;
mailalahad ang iba’t ibang uri nito at
2. makapagbabagi ng karagdagan impormasyon ukol dito.
Ang pangngalan ay ngalan ng tao,bagay, lunan o pangyayari.
Halimbawa:
Rizal kotse bahay kaarawan Luneta Mayo
Ang pangngalan bilang bahagi ng pananalita ay nagtataglay ng dalawang uri; ang pangngalan pantangi
at pangngalan pambalana.
Dalawang uri ng pangngalan
1. Pangngalang pantangi
Ito ay tanging ngalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari.
Halimbawa:
Reynolds Ken Perpekto
Halayhayin Batuhan Tunhac
Pasko Piyesta Mahal na Araw
2. Pangngalang pambalana
Ito ay pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari.
Halimbawa:
tao party palengke
kaibigan doktor guro
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
5. Pangalan: _______________________ Marka: _____________
CLC : _________________________ Petsa: ____________
Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek(√) kung ito’y pangngalan at (×) kung hindi.
_____1. takbo ______ 21. tumatako
_____2. ako ______ 22. kami
_____3. kayo ______ 23. kahapon
_____4. aso ______ 24. maganda
_____5. telepono ______ 25. direktor
_____6. sigaw ______ 26. mahusay
_____7. nunal ______ 27. kanina
_____8. lolo ______ 28. sanggol
_____9. mango tree ______ 29. guro
_____10. kompyuter ______ 30. kumanta
_____11. brief ______ 31. siya
_____12. maganda ______ 32. sutil
_____13. ilog ______ 33. Maria Suzzette
_____14. kalangitan ______ 34. mamaya
_____15. maantot ______ 35. mananayaw
_____16. lupa ______ 36. alapaap
_____17. baga ______ 37. bituin
_____18. Anthony ______ 38. maglilinis
_____19. pulgas ______ 39. bato
_____20. Pope Benedict XVI ______ 40. bakal
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
6. Aralin2
KAANYUAN NG PANGNGALAN
Ang pangngalan ay may apat na kaanyuan. Ito ay maaaring payak, maylapi, inuulit o tambalan.
Payak
Ito’y tumutukoy sa mga salitang likas at katutubong atin.
Halimbawa:
lilo lambat talsik
bungo palayok dagdag
Maylapi
Ito’y mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay na ng panlapi.
Halimbawa:
ganda- kagandahan bili-pagbili
bukas- kinabukasan basa-pabasa
Inuulit
Ito’y mga pangngalang inuulit ang salitang-ugat o ang salitang maylapi.
Halimbawa:
sabi-sabi biru-biruan sala-salakay
higing-higing digma-digmaan para-parating
Tambalan
Ito’y mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na ipinalalagay na isa na lamang.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mambabasa ay inaasahang:
1. Makapagbabahagi ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng pagkilala sa
kaanyuan ng pangngalan.
7. Pangalan: __________________ Marka: _____________
CLC: _____________________ Marka: ____________
Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung ang pangalan ay payak, maylapi, inuulit o tambalan. Isulat ang sagot sa patlang.
___________1. pagdating ___________ 16. kumpol- kumpol
___________2. galang ___________ 17. hugis- puso
___________3. sandok ___________ 18. magkaibigan
___________4. sala-salapi ___________ 19. lamesa
___________5. sampay-bakod ___________ 20. tulaan
___________6. ina-inahan ___________ 21. telebisyon
___________7. laru-laro ___________ 22. dagat
___________8. hayop ___________ 23. kabinet
___________9. suyuan ___________ 24.kabundukan
___________10. dahong-palay ___________ 25. kakahuyan
___________11. balat-sibuyas ___________ 26. boses- ipis
___________12. pusong-mamon ___________ 27. kalangitan
___________13. prutas ___________ 28. tao
___________14. tulog-mantika ___________ 29. bituin
___________15. buhay-buhay ___________ 30. puno
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
8. Aralin 3
KASARIAN AT KAILANAN NG PANGNGALAN
Ang pangngalan ay nagtataglay ng tatlong kasarian, panlalaki, pambabae at pambalake.
Kasarian ng pangngalan
Panlalaki- ito’y tumutukoy sa ngalan ng lalaki.
Halimbawa: ama, kuya, diko, tiyo
Pambabae- ito’y tumutukoy sa ngalan ng babae.
Halimbawa: ina, tiya, ate, ditse
Pambalake
Halimbawa: brief,panty,bra
Ang pangngalan ay maaaring isahan, dalawahan o maramihan.
Kailanan ng pangngalan
Isahan
Halimbawa: kapatid
Dalawahan
Halimbawa: magkapatid
Maramihan
Halimbawa: magkakapatid
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. nakikilala ang kasarian at kailanan ng pangngalan.
2. natutukoy ang kasarian at kailanan ng pangngalan sa isang pangungusap o talata.
9. Pangalan: ___________________ Marka: ____________
CLC: ______________________ Petsa: ___________
Gawain 3
Panuto: Tukuyin ang kasarian ng pangngalan. Isulat ang sagot sa patlang.
___________1. ditse ___________ 16. prinsipe
___________2. diko ___________ 17. nars
___________3. tandang ___________ 18. doktora
___________4. aso ___________ 19. pabo
___________5. manok ___________ 20. sangkalan
___________6. ingkong ___________ 21. papel
___________7. ninang ___________ 22. baril
___________8. eroplano ___________ 23. mayor
___________9. prutas ___________ 24. gangsa
___________10. yaya ___________ 25. lason
___________11. laruan ___________ 26. presidente
___________12. balyena ___________ 27. bag
___________13. hari ___________ 28. senador
___________14. reyna ___________ 29. medyas
___________15. guro ___________ 30. pamangkin
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
10. Kabuuang Pagsubok 1
Pangalan: ________________ Marka: ___________________
CLC: ___________________ Marka: __________________
A. Tukuyin ang mga pangngalan sa loob ng pangungusap. Lagyan ng ekis(×) ang pantangi at trayanggulo (∆)
naman ang pambalana.
1. Si Kevin ay nagpunta sa mall, habang si Andrea ay nagtungo sa paliparan.
2. Bumili siya ng diksyunaryo at magasin sa National Bookstore.
3. Binigyan ako ni tita ng careline lip gloss at bag.
4. Namasyal kami nina nanay sa Luneta.
5. Si Lilibeth ay matalik kong kaibigan.
6. Ang buhok ni Jasmine ay nakukulot na.
7. Si Angela ay tumulak patungo sa France.
8. Dinampian ko ng halik sa pisngi ang bata.
9. Bumili ako sa palengke ng mansanas, lotus ballpen at isang pad na papel.
10. Si Steven ay nag-aaral sa Laguna State Polytechnic University at kumuha ng kursong Batsilyer sa Edukasyon
Pangsekondarya.
11. Ana ang pangalan ng aking pinsan at Francis naman ang ngalan ng kanyang
pinakamamahal na anak.
12. Ang ama’y tumawag ng doctor.
13. Si Rodulfho ay nagbayad ng buwis ng kanyang bahay at mga palayan.
14. Sina Joanne at Anjo ay nagliwaliw sa tabing-dagat.
15. Si Josie ay isang dalagang ina.
16. Ako’y nagtungo sa pagawaan ng sapatos.
17. Si Rosana ay bumili ng mga kagamitang pangkusina.
18. Si Jose ang nagkamit ng unang gantimpala.
19. Nilabhan ko ang aking mga damit at sapatos.
20. Sina Mary Jane, Geneva, Eza at Joy ay magkakabarkada.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
11. B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan.
1. Dr. Wagan
________________________________________________________
2. unibersidad
________________________________________________________
3. kuya
________________________________________________________
4. lapis
________________________________________________________
5. kaarawan
________________________________________________________
6. akda
________________________________________________________
7. PGMA
________________________________________________________
8. pista
________________________________________________________
9. Ayesa Nicole
________________________________________________________
10. anghel
________________________________________________________
11. Pahiyas festival
________________________________________________________
12. Tinikling
________________________________________________________
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
13. Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa isa pang bahagi ng pananalita, ang panghalip. Ito’y naglalayong
maghatid ng kaalaman ukol sa kahulugan ng panghalip at maunawaan ang iba’t ibang aspetong tinataglay
nito. Layunin din ng kabanatang ito na higit na mapatalas ang kanilang kabatiran sa pagkilala dito.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
14. Aralin 4
KATUTURAN AT URI NG PANGHALIP
Ang panghalip ay salitang ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari na hindi na
ibig pang ulitin.
Halimbawa:
Siya ako kami
Sila sina doon
Iyon dito kayo
Gaya ng pangngalan, ang pagahalip ay mayroon ding iba’t ibang uri. Mayroong panghalip panao, pamatlig at
panananong. Narito ang dalawa sa mga uri ng panghalip.
Uri ng Panghalip
Ang Panghalip na Panao
May tatlong panauhan ang panghalip na panao.
Unang panauhan – ginagamit sa taong nagsasalita.
Ikalawang panauhan – ginagamit sa taong kinakausap.
Ikatlong panauhan – ginagamit sa pagtukoy sa taong pinag-uusapan.
Mga Halimbawa:
Isahan Maramihan
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. naiintindihan ang katuturan ng panghalip.
2. nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.
15. Unang panauhan - ako kami, tayo
Akin, ko atin, natin, namin, amin
Ikalawang panauhan - ikaw, mo kayo
Iyo, mo inyo, ninyo
Ikatlong panauhan - siya sila
kanya, niya kanila, nila
Ngunit isahan ang kahulugan ng kayo, sila, kanila, nila, inyo,at ninyo kung ginagamit sa pagtutukoy sa taong iginagalang o
di kilala.
Halimbawa:
Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?
Kayo po ba ang tumatawag?
Panghalip na Pamatlig
Ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, lunan o pangyayari ang mga panahalip pamatlig.
Ginagamit ang mga ito:
► Kapag malapit sa nagsasalita: ito-iri, yari; ditto, dini; nito- niri-niyari; ganito, ayto, eto, heto.
► Kapag malapit sa kausap: iyan, niyan, diyan, ganyan, ganiri, ayan, hayan.
► Kapag malayo sa nag-uusap: iyon, yaon, niyon, niyaon, noon; ganoon, gayon, ayun, hayun.
Panghalip panananong
Ang mga panghalip na pananong ay kumakatawan sa ngalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari na ginagamit sa
pagtatanong.
Isahan: sino, ano, alin, kalian, ilan, saan, paano.
Maramihan: sinu-sino, anu-ano, alin-alin, kai-kailan, ilan-ilan, saan-saan, paa-paano.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
16. Pangalan:_____________________ Marka:_______________
CLC:________________________ Petsa:_______________
Gawain 4
Panuto: Piliin ang mga panghalip. Sabihin kung ang panghalip ay natutungkol sa
nagsasalita, o kumakausap, sa kinakausap o pinag-uusapan.
1. Kami’y maraming manok.
2. May hilig ka bas a pagtatanim?
3. Magtulungan tayo upang maging maligaya.
4. Ibig mo bang makilala siya?
5. Siya’y tumulong sa aming pagluluto.
6. Nakilala mo na ba sila?
7. Amin ang magandang halamanan.
8. Malinis ang manukan namin.
9. Ang bahay ninyo’y tunay na tahanan
10. Tumulong sila sa lahat ng gawain.
11. Sila ba ang iyong mga bisita?
12. Tayo’y luluwas bukas.
13. Maaliwalas an gaming tahanan.
14. Ako ang may-ari ng babuyan.
15. Siya;y dumalo sa aking kaarawan.
16. Pag-aari nila ang malawak na palayanan.
17. Sila aking mga kaibigan.
18. Kami ay kanyang mga apo.
19. Sina Sandy at Joshua ay aking mga kaibigan.
20. Ako ay miyembro sa organisasyong iyon.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
17. Aralin 5
KAKANIYAHAN NG PANGHALIP
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang kakanyahan ng panghalip sa isang pangungusap o talata.
Ang mga panghalip, gaya rin ng pangngalan, ay may kausapan o panauhan, kailanan, kasarian,
at kaukulan. Ang kasarian ay hindi agad matitiyak hangga’t hindi natatalos ang kasarian ng pangngalang
kinakatawan. Ang mga panghalip na ginagamit na sa simuno ay nasa kaukulang palagyo, ang ginagamit
na tuwirang-layon o layon ng pang-ukol ay nasa kaukulang palayon, at ang ginagamit na paari ay nasa
kaukulang paari.
Halimbawa
Palagyo
a.Ang inyo ay higit na karapat-dapat.
b.Kami ay humahanga sa laro.
c.Ang iyo ay may kahigitan sa iba.
d.Ang kanila ay may kalayuan sa bayan.
Palayon
a.Ito ay para sa iyo.
b.Ang paksa ay hinggil sa kanila.
c.Ang gawa niya ay iba kaysa atin.
Paari
a.Ang damit na sutla ay kanila.
b.Amin ang bukiring natatamnan ng palay.
c.Hindi naming pinaniniwalaan ang balita mo.
d.Ang ani ninyo ay sapat na sa isang taon.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
18. Pangalan:____________________ Marka:________________
CLC:_______________________ Petsa:_______________
Gawain 5
Panuto: Sabihin kung anong uri ng panghalip ang nasusulat nang pahilig sa
pangungusap: panao, pamatlig, pamanggit, pananong, panaklaw.
1. Sila ay nabubuhay sa pangingisda.
2. Maraming uri ng gulay ang di niya kinakain.
3. Bawat dumating ay hinahainan ng maybahay.
4. Dito ay sagana sa sariwang gulay.
5. Alin-alin ang nararapat kaltasin sa katha?
6. Sino ang nagpapalalo na naman?
7. Ang kuwan sa palayok ay huwag mong galawin.
8. Paano ang pagdalo ko roon?
9. Doon ay totoong malamig kung Disyembre.
10. Ayun ang hinahanap mo.
11. Lima lamang ang kailangan ko.
12. Isa sa mga aklat ko ang nawala.
13. Balana’y naglabas-masok sa silid.
14. Kami ay handang magtanggol sa bayan.
15. Magkano ang nais mong hiramin?
16. Ang timbang mo ay gaano?
17. Ganito ang baton g singsing ni Rosa.
18. Ang nagbigay nito’y matalik kong kaibigan.
19. Ang halamang ipinadala mo sa akin ay malago na.
20. Kailanman ay hindi nangyari ang ganyan.
21. Sundin ninyo ang payo ng matanda.
22. Tapos na kaming kumain nang dumating ang panauhin.
23. Kapatid ko ang nakausap ng kapatid.
24. Malaki ang pag-asa natin sa hinaharap.
25. Sasama ka ba sa paglalakbay.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
19. Kabuuang Pagsubok 2
Pangalan: ________________ Marka: __________________
Guro: ___________________ Marka: _________________
A. Ano ang panauhan ng mga panghalip na nakasulat na pahapay?
1. Nasa unang taon ako ng mataas na paaralan.
2. Sila’y mga kamag-aaral ko.
3. Ang kanilang bahay ay malayo sa paaralan.
4. Siya’y isang mabuting mamamayan.
5. Isasama kita sa Antipolo.
6. Sumabay ka na sa aming paglalakad.
7. Sa iyo alay ang awit.
8. Asahan mo ang tulong namin.
9. Kayo ang dapat sisihin.
10. Pangarap ko ang magiging manggagamot.
B. Punan ng wastong panghalip na pamatlig ang bawat patlang:
1. Nene, _________ sa tabi mo ang aklat.
2. _________ ang sahod ko, Nanay. Tanggapin ninyo.
3. _________ sa itaas ang lobo mo.
4. _________ ay panahon pa ng nga Hapones.
5. Talagang maingay ang mga bata sa dakong _________.
6. _________ ang tunay na nangyari.
7. Ang buhay ________ sa aming lalawigan ay masagana.
8. _________ ka maupo sa tabi ko.
9. _________ ang napala mo. Kasi’y matigas ang ulo mo.
10. Inay, ________ nga si Ben, nanunukso na naman.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
20. C. Isulat ang panghalip na pananong na dapat gamitin sa bawat puwang ng pangungusap.
1. ________ ang aklat na ibig mo?
2. ________ ba ang pinili niya?
3. ________ kaya ang may gusto sa aklat na ito?
4. ________ ang nilalaman ng aklat?
5. ________ ang may aklat na ganito?
6. ________ ba ang ginawa mo?
7. ________ ang gating paglalakbay sa antipolo?
8. ________ ang mga panauhin aanyayahan natin?
9. ________ ang pagluluto ng hamon?
10. ________ tubig ang dapat ilagay sa sinaing?
11. ________ ang nagasta mo sa patahi ng bestido mo?
12. ________ kayo nakatira ngayon?
13. ________ sa mga aklat ang hihiramin ninyo?
14. ________ ang nagturo sa iyong umawit?
15. ________ ka magbabakasyon sa pangasinan?
16. ________ ba ang pinalit mo sa akin?
17. ________ ba ang hanap mo?
18. ________ mo nagawa ito sa akin?
19. ________ tayo pupunta ngayon?
20. ________ ang tumulong sayong maghakot ng mga gamit?
21. ________ ang alis mo?
22. ________ ang pinapanood mo?
23. ________ ang kasama mo kahapon?
24. ________ kayo manonood ng sine?
25. ________ ang inyong mga pinamili?
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
21. Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pandiwa, isa pa sa mga bahagi ng pananalita. Ito’y naglalayong magbahagi
ng kaalaman sa mga mambabasa ukol sa kahulugun at iba’t ibang uri nito. Layunin din nitong linangin ang
kakayahan ng mambabasa ukol sa pagkilala sa iba’t ibang aspekto nito.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
22. Aralin 6
KATUTURAN AT URI NG PANDIWA
Ang pandiwa ay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos, gawa Mga Uri ng o kalagayan. Ito ay tinatawag na verb sa
wikang Ingles
Mga uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan
Palikas
Ito ay ipinalalagay na ang kalikasan ang simuno.
Halimbawa:
Umaaraw kanina.
Natsunami ang Indonesia.
Katawanin
Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Halimbawa:
Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.
Palipat
Ito ay may simuno at tuwirang layon.
Halimbawa:
Naglinis ng kwarto si Delia.
Nakaraan Susunod
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1nakikilala ang iba’t ibang uri ng pandiwa.
Talaan ng Nilalaman
23. Pangalan:________________________ Marka:______________
CLC:__________________________ Marka:_____________
Gawain 6
Panuto: Guhitan ang pandiwa sa pangungusap at isulat sa patlang ang uri nito.
___________1. Ang masikap at matiyaga ay nagwawagi.
___________2. Si Jasmine ay binagyo.
___________3. Ang pagliban sa klase ay kasalanan.
___________4. Dib ba’t tinubos niya ang pagkakasala ng madla?
___________5. Nagwalis ng bakuran si Rosa kaninang umaga.
___________6. Huminto paminsan-minsan sa pagbigkas ng talumpati.
___________7. Humalakhak si Edna sa sobrang kaligayahan.
___________8. Kumulimlim ang langit dahil sa bagyo.
___________9. Iginuhit ni Ana ang kanyang ina.
___________10. Ang puno ay tumumba sa lakas ng hangin.
___________11. Si Lito ang naghugas ng pinggan.
___________12. Umihip ang hanging amihan.
___________13. Binasag ng pusa ang mga paso.
___________14. Humumpas sa dalampasigan ang mga alon sa dagat.
___________15. Masayang nangisda ang mag-amang sina Rodelo at Rudy.
___________16. Unti-unting lumangoy ang isda palayo.
___________17. Sumikat ang haring araw sa ganap na ika-6 ng umaga.
___________18. Nagdiwang ng kaarawan si Melai.
___________19. Tumakbo si Paolo patungong tindahan.
___________20. Nagtanim ng mga halaman si Kim sa kanilang bakuran
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
24. Aralin 7
MGA ASPEKTO NG PANDIWA
Pangnagdaan / Naganap na o Perpektibo
Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.
Halimbawa:
Nagdeposito ng pera sa bangko si Jean b. Albutra
Pangkasalukuyan / Imperpektibo
Ito ay ang pagkilos ay nasimulan na pero hindi pa tapos.
Halimbawa:
Natutunaw ang yelo sa baso.
Panghinaharap / Gaganapin o kontemplatibo
Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang.
Halimbawa:
Kakain si Nicco Pintac sa carinderia.
Nakaraan Susunod
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang aspekto ng pandiwa sa isang pangungusap o talata.
Talaan ng Nilalaman
26. Kabuuang Pagsubok 3
Pangalan: __________________ Marka: __________________
Guro: ______________________ Marka: _________________
A. Buuin ang talaan ng mga pandiwa na nasa iba’t ibang aspekto.
Pawatas
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Naghanap Naghahanap
Bumasa Babasa
Uminom
Maliligo
Nagsaing Nagsaing
Tumatakbo
Humakbang
Maglalaba
Naghuhugas
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
27. B. Panuto: Basahin ang kwento at isulat sa papel ang mga pandiwa. Tukuyin ang uri at aspekto nito.
Ang Munting Pilipinas
“Ano bang pook itong pinagdalhan mo sa akin?” tanong ni Liezel, isang balikbayan, sa kanyang pinsang
si Rosing.
“Ito ang Nayong Pilipino. Makikita mo rito ang mumunting replica ng mga makasaysayan at
magagandang lugal sa ating bansa,” ang masiglang paliwanag ni Rosing sa pinsang balikbayan.
“Talaga! Alin ang una nating pupuntahan?”
“Doon muna tayo sa bahay ni Rizal.”
Pagdating doon, inilibot ni Rosin ang pinsan. Sabik na sabik ito.
“Iyan ang mga gamit ni Rizal. Tingnan mo at katulad na katulad iyan ng bahay ng bayani sa Calamba.
Diba nakarating ka na roon?” ang pagbabalik-gunita na tanong ni Rosing sa pinsan.
“Ganyan nga ang bahay niya roon,” tugon ni Liezl.
Nagpatuloy sa pamamasyal ang magpinsan.
“Rosing, di ba iyan ang bantog na Bulkang Mayon? Parang totoong-totoo! At ang mga kagamitang yari
sa abaka… ang ganda at makukulay!” ang buong paghangang sabi ni Liezl.
“Halika sa banda roon,” yaya ni Rosing sa pinsan.
Ang usisa pa Liezl.
“Ano naman iyon? Tila maraming mumunting burol.” Lumapit at itinuro ni Liezl kay Rosing.
“Iyan ang balitang Chocolate Hills sa Bohol.”
Nagpatuloy ang magpinsan sa pamamasyal. Nilibot nila ang Nayong Pilipino.
“Ang ganda rito! At kayrami palang nagtutungo sa pasyalang ito,” sabi ni Liezl.
“Oo, ganito rito lalo na kung araw ng Sabado at Linggo. Di ka man makarating sa iba’t ibang panig ng
Pilipinas, pagnalibot mo ang Nayong Pilipino, parang nakita mo na ang buong bansa. Ito’y isang munting Pilipinas,”
ang buong pagmamalaking tugon ni Rosing.”
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
28. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Ang kabanatang ito ay tumutalakay sa pantukoy .Ito’y naglalayong maunawaan ng bumabasa
ang kahulugan ng pantukoy at mapagyaman nila ang kanilang kaalaman ukol dito. Inaasahan din
na sa pagtatapos ng kabanatang ito, ang mga mambabasa ay makakabuo ng mabisang
konklusyon ukol sa kalikasang tinataglay nito.
29. Aralin 8
KATUTURAN NG PANTUKOY
Ang pantukoy na panao at pambalana ay mga katagang ginagamit upang ipakilala ang tao, lunan,
bagay o pangyayari.
► Ang pantukoy na pantanging si ay ginagamit
kapag sinusunan ng tungkulin ng tao sa salitang banyaga. An gang ay siyang ginagamit kung
kapag ang tungkuling sumusunod ay nasa wikang tagalog.
► Ang mga pantukoy na panaong si, sina, kay, kina, ni, at nina ay ginagamit sa palayaw,
pangalan ng angkan, bansag, pamagat at sa ngalan ng tao.
► Laging may pantukoy na si o sina ang mga pangngalang tao maliban na lamang kung ang
ang o ang mga ay ginagamit sa isa pang pangngalan upang lalong maging tiyak.
► Ang si at ang ay ginagamit sa pagtukoy sa simuno. Maaaring magkadalawa ang pantukoy na
palagyo kung ang ikalawa’y nagpapaliwanag o umuuri sa unang pangngalan.
Nakaraan Susunod
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. nakikilala ang pantukoy.
2. natutukoy ang kaibahan ng pantukoy sa ibang bahagi ng pananalita.
Talaan ng Nilalaman
30. Panglan: ______________________ Marka: __________________
CLC: ________________________ Petsa: _________________
Gawain 8
Piliin ang wastong pantukoy sa loob ng panaklong.
1. Ako’y (ang,si) Princess, tubong Laguna.
2. Ako’y (ang,si) Jasmine, anak ni Bernardo.
3. (Si,Ang) palaka ay nanghuhuli ng langaw.
4. (Ang,Si) premier Malenkov ay umuugit sa Rusya.
5. (Ang,Si) Haring Steven ay mabait at maka Diyos.
6. (Ang,Si) Pangulong Arroyo ay nagliwaliw sa Switzerland.
7. (Si,Ang) Bathala ang pinakamakapangyarihan.
8. Ang bahay (ni,ng) Del Pilar ay isinasaayos.
9. (Ang mga,Sina) Juan kahit saang pook ay marami.
10. Ang paa(ni,ng) mesa ay nabali.
11. Ang hanap ko ay bulaklak ( nang, ng) gumamela.
12. Ang salamin (sa, ng) kwarto ay nabasag.
13. (Si, Ang) presidente ay nagtungo sa U.S.
14. (Si, Ang) aking guro ay masayahin.
15. (Si, Ang) kabataan ang pag-asa ng bayan.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
31. Kabuuang Pagsubok 4
Pangalan: __________________________ Marka: ____________
Guro: _____________________________ Marka: ___________
A. Piliin ang mga pantukoy sa pangungusap at salunguhitan ang mga ito.
1. Masaya roon kung buwan ng Mayo.
2. Ang bawat taong magdaan ay inaanyayahang kumain.
3. Isang krus ang nakatayo sa taluktok ng bundok.
4. Si San Sebastian ang patron naming.
5. Si Pari De Vera ang nagmimisa araw-araw.
6. Lumaganap ang balita sa buong bayan.
7. Nabalisa ang pari sa mga malalagim na pangyayari.
8. Ang birheng Maria ay naghihimala.
9. Ang katotohanan ay hindi naitago sa madla.
10. Binasbasan ng kura ang krus ng benditang tubig.
11. Libu-libong tao ang humalik sa mahal na Senior.
12. Ang bisita ni Ghen ay mala-adonis ang pangangatawan.
13. Ang Diyos ay sandigan ng lahat.
14. Nagdasal ng tatlong “Aba Ginoong Maria” ang mga tao.
15. Hindi napigilan ang pagdagsa ng tubig.
B. Piliin ang wastong pantukoy sa loob ng panaklong.
1. (ang, si) Dapdap, tumutubo sa tabi ng dagat.
2. Ako’y (ang, si) Bubuyog, anak ni Kondeng Matayog.
3. (Ang, Si) butiki ay nanghuhuli ng lamok.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
32. 4. Sumusunod sa kulay ng paligid (si, ang) palaka.
5. (Ang, Si) Haring Jorge ay makatarungan.
6. (Ang, Si) Pangulong Quirino’y nagliwaliw sa Bagyo.
7. (Ang, Si) Bathala ang nakatatalos ng lahat.
8. (Si, Ang) Premier Malenkov ay umuugit sa Rusya.
9. Ang bahay (ni, ng) Mabini ay isinasaayos.
10. (Ang mga, Sina) Juan kahit saang pook ay marami.
11. Ang mga paa (ng, ni) silya ay nabakli.
12. (Si, Ang) sampaguita ay isang asong puting-puti.
13. Ito ang mga puntod (ni, nina) Burgos, Gomez at Zamora..
14. (Mga, Ang mga) patay ang nabili kong hipon.
15. Ito (ang, ang mga ) pinabili mong bulaklak.
16. (Si, Ang ) Itang ay nilalagnat.
17. Dumayo sila (kina, nina) Apeng.
18. (Si, Ang) Roxas ay naglilingkod sa bayan.
19. Tinugis (sila, sina) Taruc ng P.C.
20. Ako’y (si, ang) Ikmo , isang uri ng halaman.
21. Kapatid (ni, si) Bunga na kulay dilaw.
22. Apo (si, ni) Apog na maputi.
23. Siya ang pinsan (ni, si) Maskada.
24. Sinagot ni Dimasalang ang sulat (ni, si) Magdalo.
25. (Si, Ni) Black Beauty ang nanguna sa karera.
26. (Sila, Sina) Santos ay darating bukas.
27. (Ang, Si) bagyo ay kaakit-akit.
28. (Ang, Si) “helicopter” ay isang uri ng sasakyang-panghimpapawid.
29. (Ang, Si) Presidente Truman ay makatarungan.
30. (Ang, Ang mga) pagkamatay ng ginang ay kahindik-hindik.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
33. Nakaraan Susunod
Ang tsapter na ito ay naglalaman ng mga impormasyong may kinalaman sa pangngalan.
Naglalayon itong maipabatid sa mga mambabasa kung ano ang katuturan ng pangngalan,
matuklasan ang mga katangiang tinataglay. At higit sa lahat ay mapagyaman ang kanilang
kaalaman ukol dito.
Talaan ng Nilalaman
34. Aralin 9
URI AT KATUTURAN NG PANG-URI
Ang pang-uri’y naglalarawan o nagpapahayag ng uri, kabagayan o bilang ng pangngalan o panghalip.
Uri ng Pang-uri
Pang-uring Pamilang
Ang pang-uring pamilang ay ginagamit sa pag bilang
Halimbawa:
Pamilang – apat na aklat ang bilhain mo.
May labing-apat na kabanata ang aklat na nabasa ko.
Pang-uring Panlarawan
Ang pang-uring panlarawa’y nagpapahayag ng uri, kabagayan, ugis, anyo o kulay ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Panlarawan – walang kasindakila ang isang ina.
Maaliwalas ang langit kayat mamasyal kami.
► Ang mga pang-uring panlarawan ay nakahihigit sa pamilang sa rami. Ang pang-uri ay maaaring lantay, pahambing, o
pasukdol ayon sa katuturan na katangiang isinasaad.
► Lantay ang mga pang-uring ginagamit sa pagtukoy sa mga katangiang sarili ng pangngalang tinuturingan.
► Pahambing ang mga pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng tao, bagay o pangyayari.
Nakaraan Susunod
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1nakikilala ang pang-uri na ginamit sa isang pangungusap o talata.
2natutukoy ang dalawang uri ng pang-uri.
Talaan ng Nilalaman
35. Pangalan: ______________________ Marka: _______________
CLC: ________________________ Petsa: ______________
Gawain 9
Panuto: Piliin ang mga pang-uring panlarawan sa sumusunod na pangungusap.
1. Ang buhay sa nayon ay masaya at tahimik, ngunit ang buhay ng lungsod ay magulo.
2. Masipag at masuyo ang butihang anak ni Tandang Pedro.
3. Apat na araw na naglibot sa magulong lunsod ang matiyagang si Ernesto.
4. Nakatayo ang maaliwalas nilang tahanan sa tahimik na Lugar.
5. Napreskuhan ako sa malamig na simoy ng hangin.
6. Aking pinakinggan ang awitan ng apat na batang naglalaro sa aming
mabulaklak na halamanan.
7. Mabango ang amoy ng ginintuang palay sa malawak na kabukiran.
8. Ang gabi ay sakdal dilim; malakas ang hangin, at nakabibingi ang mga kulog.
9. Lubhang mainit ang araw; kayat ang pawisang mga bata’y nagpahinga sa
mayabong na puno ng mangga.
10. Dahil sa malamig na gabi ay isinuot ko ang makapal kong barong mahaba ang manggas.
11. Maalikabok ang mga kagamitan sa lumang bahay.
12. Mahusay tumula ang aking ama.
13. Maaliwalas ang bakuran nina Berto.
14. Makintab at malinis ang sahig.
15. Malambing ang aking alaga.
16. Suplada at masungit ang aking ate.
17. Mahaba ang pasensya ng aking ina.
18. Ang kanyang asawa ay maalaga at maasikaso sa kanilang mga anak.
19. Nakakatuwa ang aking inaanak sapagkat siya’y isang bibong bata.
20. Maganda ang boses ni Regine Velasquez.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
36. Kabuuang Pagsubok 5
Pangalan: _________________ Marka: __________________
CLC: ____________________ Marka: ____________________
A. Ibigay ang pagkakaiba ng mga sumusunod na lipon ng mga pang-uri.
1. mabango, masamyo,mahalimuyak, masansang
2.mataas, matangkad, matayog
3.mainit, maalinsangan, mabanas
4.mayabong, malabay,mayamungmong
5.makislap, makinang , maningning, maliwanag, makintab
6.malungkot, matamlay, mapanglaw
7.mabagal, makupad, matumal
8.malaswa, magaslaw, maharot, magaspang
9.matalino, mautak, maulo
10. mayabang, hambog, palalo,mahangi
B. Guhitan ang o ang mga pang-uri at tukuyin kung ito ay panlarawan o pamilang.
1. Ang Amerika at Rusya ay magsinlakas kung sandata ang pagbabatayan.
2. Di hamak na mas matipid si Nene kaysa kay Nena.
3. Di totoong matalino si Ramon kaysa kay Luis.
4. May dalang labinlimang bayabas si Rita para kay Jen.
5. vMagsinlago ang mga tanim namin.
6. Mayuming tulad ng sampaguita ang dalaga.
7. Apat ang nakuhang bangka ni Mang Tomas.
8. Mabagal si Aning kaysa kay Luisa.
9. Maligaya ang buhay ninyo kaysa sa amin.
10. Mahusay kumanta ang aking kaibigan.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
37. Madami maramot
palalo
Galit maamo
maganda
Labindalawa dukha
mabagal
maningning
C. Punan ng pang-uring nasa kahon ang patlang upang mabuo ang mga pangungusap.
1. ___________ ang dala ni Nita kaya siya nadapa.
2.Si Ben ay may dalang ___________ rosas para kay Ana.
3. Habulin ng mga lalaki sa Ester dahil sa kanyang ____________ na mata.
4. ___________ si Arturo kaya siya binugbog ni Lito.
5. Ang mga bituin sa kalawakan ay ___________.
6. _________ maglakad si Carina kaya siya naiwan.
7. Kung ako ang tatanungin, __________ si Carol kaysa kay Sheena.
8. _____________ sina Jandi kaya siya inaapi.
9. Siya ay ____________ kaya mdami ang
10.______ sa kanya.
D. Basahin at guhitan ang mga pang-uring natatagpuan sa sumusunod na talataan.
Pilipino Sila
Sino ang hindi nakakikilala sa Pilipino?
Kaalinsabay ng pagkilala sa Pilipinas ng mga bansa sa daigdig, nakilala, hinangaan at sinuob ng papuri
ang mga Pilipino sa taglay niyang iba’t ibang katangian.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
38. Ang pangalang Jose Rizal ay hindi na ipinagtatanong pa. Kilala sa buong daigdig ang ating pambansang bayani
sa angkin niyang katalinuhan, katapangan at kadakilaan. Nariyan ang matagumpay at masipag na imbentor na
fluorescent lamp na si Agapito Flores sa larangan ng agham at Arturo Alcaraz, ang tinaguriang Father of
Geothermal Energy. Ang bantog na si Paeng Nepomuceno na apat na ulit na nagging kampeon ng World Cup
Bowling na umani ng walang kahulilip na paghanga ng lahat at an gating bulilit at maliksing si Mansueto “Onyok”
Velasco, Jr. na nagkamit ng medalyang pilak sa Olympics’96 sa larangan ng boksing. Ilan lamang silang
Pilipinong nagdala ng Pilipinas sa buong mundo.
Di pahuhuli ang Pilipina. Dalawang Pilipina ang itinanghal na Miss Universe— sina Gloria Diaz na
ngayo’y sikat at mahusay na artista at si Margie Moran na mahinhing maybahay ng isang manggagamot. Tatlong
Pilipina naman ang naging Miss International. Sila’y sina Minnie Cagatao na naging maybahay ng isang hotel
manager, Aurora Pijuan na ngayo’y isang tapat na linggod-bayan ng Makati at Melanie Marquez na kilala at
matagumpay na modelo at artista. Dahil sa kanilang maladiyosang kagandahan lalong nakilala ang Pilipinas.
Nakilala rin ang mga Pilipina sa iba pa niyang katangian. Kabalikat sila ng mga lalaki sa
pagtatanggol at paglilingjkod sa bayan. Sa bawat Pilipino’y katuwang niya ang isang Pilipina. Kung mayroon
tayong walang gulat na Lapu-lapu, mayroon din tayong Prinsesa Urduja. Kung may magiting at matapang na may
matulunging Pilipino, may kaagapay silang maawaing Pilipina.
Sa kasalukuyan, sa bawat kilusan at proyekto ng pamahalaan at mga samahang sibiko para sa
bayan, may kalahating bahagdan ang Pilipina. Di-matatawaran ang walang sawang paglilingkod ni Rosa Rosal sa
Krus na Pula, ni Cielito del Mundo sa “Kapwa Ko, Mahal Ko” at ng marami pang kilalang Pilipino.
Sa ibabaw nilang lahat, nariyan ang dalawang nilalang ng ating bansa na simbolo ng mararangal na
katangian ng isang Pilipino--- maka-Diyos, makatao at makakalikasan—ang Pangulo at Unang Ginang ng Bansa
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
39. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga datos patungkol sa pang-abay bilang isang bahagi
ng pananalita. Layunin nitong maipabatid ang katuturan ng pang-abay, maibahagi sa
mambabasa ang mga kataniang tinataglay nito at mapayabong ang kanilang kabatiran tungkol
dito.
40. Aralin 10
KATUTURAN NG PANG- ABAY
Nagbibigay turing sa pang-uri. Ang pang-abay ay naglalarawan din ngunit ang bibinibyang-turing nito’y
ang mga pang-uri at ang kilos o paraan ng pagkakaganap.
Mga halimbawa:
Likas na mahinhin ang dalaga.
Lubhang kaakit-akit ang kanyang mukha.
Nagbibigay-turing sa kilos:
Maginoong kumilos ang binata.
Mahinang magsalita ang dalaga.
► Ang mga pang-abay ay maaring hatiin sa dalawang pangunahing pangkat:
Ang mga katagang pang-abay
Ang mga pang-abay na binubuo ng salita at parirala.
Mga katagang pang-abay
ba sina yata lang/lamang
kasi daw/raw pala man
kaya din/rin tuloy muna
na naman nga pa
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1naiintindihan ang kahulugan ng pang-abay.
2nakikilala ang ginamit na pang-abay sa isang pangungusap o talata.
41. Pangalan: ______________________ Marka: ____________
CLC: _________________________ Petsa: ___________
Gawain 10
Panuto: Isulat kung pang-uri o pang-abay ang salitang nakasulat nang pahapay:
1. Ang batang iya’y mabilis magsalita.
2 .Kulang-palad ang pamilya ni Mang Pedro.
3. Lalong mainam ang agap kaysa sipag.
4 .Hindi niya sinasadya ang di pagsunod sa utos.
5 .Palagi kang hihingi ng awa sa Pong Bathala.
6 . Ang mabuting gawa’y ginagantipalaan.
7 . Kaunting pakikisama ang kailangan.
8 . Maganda ka palang magbihis.
9 . Kung ayaw kang gumalang ay huwag ka naming lalapastangan.
10. Si Fe ay mahusay umawit.
11. Umalis din siya kagabi.
12. Si Tomas ay magarang manamit.
13. Maligaya siya ngayon sapagkat siya ay nagtamo ng gantimpala.
14. Si Ana ay bumiyahe kinaumagahan.
15. Mayumi ang dalagang si Beth.
16. Dumating din siya kahapon.
17. Si Kris ay maarteng magsalita.
18. Nagtungo siya rito kanina.
19. Isa siyang masuring bata.
20. Totoo bang ikaw ang nagsira ng paying ni Geneva?
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
42. Kabuuang Pagsubok 6
Pangalan: ______________________ Marka: ____________
CLC: _________________________ Petsa: ___________
A. Ayusin ang sumusunod na pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay sa tamang pusisyon
ng mga katagang pang-abay, pati na rin ng mga pang-angkop.
1. Talagang malaya na ba tayo?
__________________________________________
2. Walang pasok bukas pala.
__________________________________________
3. Sila ay tutulong sa atin din.
__________________________________________
4. Maraming dumalo sa palatuntunan daw kahit na maulan.
__________________________________________
5. Yata may lagnat si Totoy?
__________________________________________
6. Ito ang aking makakayanan lamang.
__________________________________________
7. Huwag muna kang magalit.
__________________________________________
8. Hindi umalis si Toti sana ng umaga.
__________________________________________
9. Walang ulan na.
__________________________________________
10. Ano ang iyong ipinagbibilin pa?
__________________________________________
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
43. B. Punan ang patlang ng tamang katagang pang-abay na kinakailangan.
1. Hindi pumasok ng paaralan si Toti, ___________nilalagnat pa siya.
2. Nagkaroon_______________ sila ng pagsusulit noong Martes.
3. Tototo_____________ na napakahirap ng eksameng ibinigay ni Gng. Romero?
4. Mayroon _______________ sampung katanungang ibinigay, ngunit sampung ________________puntos
ang bawat tanong.
5Kahit ang mga marunong_____________ ay nahirapan.
C. Pumili sa isa sa sumusunod na paksa at talakayin sa loob ng isa o dalawang talata. Gumamit ng mga
katagang pang-abay sa pagtalakay.
Pagpipilian:
A. Para saan ang VAT?
B. Baha na naman!
C. Wala bang tubig?
____________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_____________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
44. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Ang kabanatang ito naman ay may kinalaman sa pagtalakay ng pang-ukol na gaya ng
ibang bahagi ng pananalita ay nagtataglay ng iba’t ibang katangian. Ito’y naglalayong
magbigay linaw ukol sa iba’t ibang aspetong may kinalaman dito para sa pag-unlad ng
45. Aralin 11
KATUTURAN NG PANG-UKOL
Ang pang-ukol ay kasama sa mga pang-ugnay sapagkat ang tungkulin nito’y ipakilala ang
kaugnayan ng isang pangngala o panghalip sa ibang salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
ng alinsunod sa sa
laban kay ni/nina ayon kay
kay/kina para kay ayon sa
tungkol kay para sa hinggil ka
tungkol sa alinsunod kay hinggil sa
► Kapag ang pang-ukol ay sinusundan ng isang pangngalan, nakakabubuo tayo ng
isang pariralang tinatawag na pariralang pang-ukol.
Mga Halimbawa:
Isang Salita
1. Sa hukuman nagwakas ang biruan.
2. Ang habilin ng ina ang sundin mo.
Dalawang Salita
1.Ang panukala ng tatay ay tungod sa katatagan ng aming buhay.
2. Laban sa kagandahang-asal ang ikinilos niya.
Tatlong Salita
1.Hinggil sa mga bayani ang napag-usapan.
2. Alinsunod sa mga nakarinig, ang lalaki ang nagsimula ng gulo.
Nakaraan Susunod
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. naiintindihan ang kahulugan ng pang-ukol.
2. nakikilala ang pang-ukol na ginamit sa isang pangungusap o talata.
Talaan ng Nilalaman
46. Pangalan: ________________ Marka: ______________
CLC: __________________ Petsa: ______________
Gawain 11
Panuto: Piliin ang wastong pang-ukol sa loob ng panaklong.
1. Kami ay nagpunta (ng,sa) Mendiola.
2. Sila ay nagtungo (sa,ng) Ocean Park.
3. Ang isipin mo ay (ukol,para) sa kabutihan ng lahat.
4. Ugat (ng,nang) santol ang hanap ko.
5. Ang kanyang hatol ay gamot (ng,sa) masakit ang tiyan.
6. Wala akong kinalaman (ukol,tungkol) sa nangyari sa kanya.
7. Napag-usapan naming ang (ayon,hinggil) sa pulitika.
8. Ang ‘di magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda, (ayon,tungkol) kay Rizal.
9. (Laban,Para) sa aking damdamin ng sinabi mo.
10. (Ukol,Alinsunod) kay Penaflorida ang talambuhay.
11.(Para,Ayon) kay Ayesa ang bag na iyan.
12. (Tungkol,Alinsunod) kay Mabini, ang maglingkod ay kabanalan.
13. Ang bunga (ng,nang) duhat ay nalaglag.
14. Ang pakpak (ng,nang) maya ay nabali.
15. Hindi kasiya-siyang sumagot ng pabalang (laban,tungkol) sa magulang.
16. Tayo ay mamasyal (ng,sa) Marikina.
17. Ang gulong (ng,nang) motorsiklo ay naflat.
18. (Para,Ayon) sayo ang t-shirt na yan.
19. (Bagay,Alinsunod) sa hinihingi mo, ay wala pa akong maibibigay.
20. Bulaklak (ng,nang) ampalaya ang hanap namin.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
47. Kabuuang Pagsubok 7
Pangalan: ______________________ Marka: ________________
Guro: __________________________ Petsa: _______________
A. Punan ng pariralang pang-ukol upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.
1. Umorder___________________ si Jose.
2.Kinuha___________________ ang maruruming damit.
3. Sinulat_________________ ang walang kamatayang Noli at Fili.
4. Malapit_______________ an gaming bahay.
5. Mayroon akong koleksyon _______________________.
6. Tinula ni Elisa _______________________.
7. Sumakay _____________________ ang maglolo.
8. Kumaway __________________ ang nars.
9. Ngumiti nang matamis si Loida____________________.
10. Nanguha _______________ ang magpinsan.
11. ______________________ ang mga aginaldong ito.
12. ______________________ mahalin mo ang Diyos nang higit sa lahat.
13. Nagkwento ang lola________________.
14. Huwag kang mag-isip _________________.
15. ________________________ ang kanyang sulat.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
48. B. Gumawa ng isang tula na binubuo ng apat na talata gamit ang mga pang-ukol.
I
________________________________
________________________________
_______________________________
________________________________
II
________________________________
________________________________
________________________________
_______________________________
III
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
IV
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
49. C. Basahin ang sanaysay at guhitan ang mga pang-ukol.
Isang malalim na gabi’y na pagmasdan na kita. Hindi ako makatulog noon kaya
binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng kapatid ko. Pinilit kitang hulihin ngunit
ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya.
Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa
akin umaalialigid. Tinangka kitang hulihin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-
isip.
Maya-maya uli, bumangon ako at pinatay ang ilaw, nahiga at nagsisimula n asana
akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay
kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan na akong hindi nakatulog.
Sumaisip ko na naman ang suliraning bumagabag sa akin at hindi sa sinasadya’y
naging bahagi ka rin ng isang isipang yaon.
Ikaw na isang lamok lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa
kanilang katauhan. Katulad mo ring sumisipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag
nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin
kapag kaharap ako.
Tulad mo rin na kunwa’y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang
ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo.
Ganoon din sila, na kapag bumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin
ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang
sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man
lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakilala ang tunay nilang
pagkatao at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan.
Ganoon din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga tao palang iyon ay
huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon
ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumili ng aking kakaibiganin.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
50. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Ang kabanatang ito ay patungkol naman sa pangatnig. Ito’y naglalayong maglahad ng
mga impormasyong ukol dito gaya ng katuturan at kaurian nito. Layunin din nitong
payabungin ang kaalaman ng babasa ukol sa pagkilala ng mga pangatnig.
51. Aralin 12
KAHULUGAN AT URI NG PANGATNIG
Ang mga katagang nag-uugnay sa magkapanunod na salita, parirala o sugnay ay
tinatawag na pangatnig.
May dalawang panlahat na pangkat ang mga pangatnig:
Yaong nag-uugnay ng magkatimbang nay unit
Yaong nag-uugnay na di-magkatimbang nay unit
► Sa unang pangkat ay nabibilang ang mga pangatnig na at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit,
subalit, datapwat, pero atbp.
► Sa ikalawang pangkat naman ay nabibilang ang mga panubali, tulad ng kung, kapag at pag.
Mga Halimbawa:
1.Ang alulod at kisame ay mga bahagi ng bahay.
2.Ang sanggol ay dumarating at umiiyak sa gabi.
3.Ang ukol sa iyo at ukol sa akin ay pagsamahin natin.
4.Si Luisa ay babalik sa magulang at kami naman ay lilipat ng bahay.
5.Si Teresa ay umalis na ngunit ang kapatid ay naiwan sa bahay.
6.Kung gayon pala’y hindi na naming aasahan ang tulong mo.
7.Samakatwid po ba’y ipinagkakaila ninyo ang inyong utang sa amin?
8.Malaki ang kanilang pagkakautang kaya gayon na lamang ang kanilang pangamba.
9.Kaibigan ko siya ngunit hindi kami magkaisa ng damdamin.
10.Ibig kong tumulong datapwat wala akong kakayahan.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. nakikilala ang pangatnig na ginamit sa isang pangungusap o
talata.
2. naiintindihan ang kahulugan ng pangatnig.
52. Pangalan: __________________ Marka: _____________
CLC: _____________________ Petsa: ____________
Gawain 12
Panuto: Bumuo ng sampung pangungusap na ginagamitan ng pangatnig.
1._____________________________________________.
2.______________________________________________
3.______________________________________________
4.______________________________________________
5.______________________________________________
6.______________________________________________
7.______________________________________________
8._______________________________________________
9._______________________________________________
10.______________________________________________
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
53. Kabuuang Pagsubok 8
Pangalan: ____________________ Marka: _______________________
CLC: ________________________ Petsa: ______________________
`
A. Punan ang mga patlang ng wastong pang-angkop o pangatnig upang mabuo ang
pabula.
Noong araw, ang leon ay isa_____ hayop ____ kinatatakutan sa buo____
kagubatan. Ang lahat ____ hayop, malaki man ____ maliit, ay nangingilag sa
kanya. _________ ang mga tigre _____ halos ay kasinlaki niya ay umiiwas kapag
siya’y nakikita.
Isang araw, ______ natutulog ang leon ay dumaan ang isa___ daga.
Napukaw ang kanyang pagtulog. Nagalit ang hari ______ kagubatan.
“Aha! Kakainin kita,”______ sinunggaban nito ang kawa-awa____ daga.
Nanginginig sa takot ang daga,________ pinilit nitong magsalita.
“Mahal____ hari! Patawarin ninyo ako. Huwag po ninyo akong kakainin.
Balang araw,________ kayo’y mangangailangan din ng tulong, maaari ko
kayong tulungan.”
“Ikaw! Tutulong sa akin?”________ humalakhak ang leon. “_______
eopardo, ________ tigre ay hindi ko kailangan. Ikaw pa!” __________ muling ` tumawa
ang leon.
“Sige dahil sa busog pa ako, ikaw ay aking patatawarin. Lakad na _____
uli-uli ay mag-iingat ka sa iyong paglakad. “Salamat po! Ang di
magkantututo______ sabi ng daga. “ Tatanawin kop o itong isang
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
54. malaki___ utang ____ loob.”Makaraan___ ilang araw mula noon, ang leon ay nakaisip
mamasyal sa kagubatan. _____ sa kasamaang palad, siya ay nabitag. Buo_____ lakas______
umatungal ang leon. Narinig ito ng daga na noo’y nasa di-kalayuan. Nakilala niya ang haring sa kanya’y
nagpalaya.
Dali-dali__ nginatngat ng daga ang matibay ____ tali___ bumitag sa leon.
“Salamat, kaibigang daga,” sabi ng leon. “Ikaw pala’y kahanga-hanga. Kundi ka dumating,
marahil ay nakakulong pa ako hanggang ngayon.”
Magmula noon, ang leon__________ang daga ay naging matalik na
magkaibigan.
Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman