1. Nagmamadali ang Maynila
ni Serafin C. Guinigundo
“GINTO… GINTO… Baka po kayo may ginto riyan? Mga mama … mga ale…
ginto..” ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod
sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.
Baka po kayo may ginto?” ang muling sigaw ng babae.
“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko ? Hindi baga mahal ang ginto kaysa
sa kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta
ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay
na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag-aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay
magtala sa papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ang
kanilang usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan - - sa harap ng
isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng
gatas na may bantong gata ng niyog. Kung sila’y palarin: kakamal ng libo, kung
mabigo naman ay gutom maghapon.
Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip. Tawad.
Tingin sa singsing, sa kuwintas, hikaw at pulseras.
“Ilang ply, ano ang sukat ng goma?” Usisa ng isa.
“Ano? In running condition ba ? Baka hindi. Mapapahiya tayo.” Ang paniniyak
ng isa naman.
“Aba! Sinasabi ko sa iyo … garantisado. Hindi ka mapapahiya ,” tugon ng
tinanong.
“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon
? Mayroon na ba tayo ? Baka wala ? Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran.
Tiyakin mo lang ang ating salitaan, ha ? Kahit hindi nakasulat… ikaw ang bahala?”
“Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka maaano. Hawak
natin ang ibon.”
- halaw sa Haraya II ni Aurora Batnag et al.