2. Acts 1:8
Datapuwa't tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu
Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa
Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at
hanggang sa kahulihulihang hangganan ng
lupa.
3. Joel 2:28-31
28 At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos
ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at
ang inyong mga anak na lalake at babae ay
manganghuhula, ang inyong mga matanda ay
magsisipanaginip ng mga panaginip, ang
inyong mga binata ay mangakakakita ng mga
pangitain:
4. 29 At sa mga lingkod na lalake at babae
naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon
ang aking Espiritu.
30 At ako'y magpapakita ng mga
kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at
apoy, at mga haliging usok.
31 Ang araw ay magiging kadiliman, at ang
buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at
kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
5. I Corinthians 15:1-4
1 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga
kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking
ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na
siya naman ninyong pinananatilihan,
2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo
kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang
ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung
kayo'y nagsipanampalataya nang walang
kabuluhan.
6. 3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat,
ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay
namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon
sa mga kasulatan,
4 At siya'y inilibing; at siya'y muling
binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga
kasulatan;
8. I Corinthians 15:14
At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay
walang kabuluhan nga ang aming
pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang
inyong pananampalataya.
9. Isaiah 53:5
Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga
pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating
mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa
ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa
pamamagitan ng kaniyang mga latay ay
nagsigaling tayo.
10. I Corinthians 1:18
Sapagka't ang salita ng krus ay
kamangmangan sa kanila na
nangapapahamak; nguni't ito'y
kapangyarihan ng Dios sa atin na
nangaliligtas.
11. Romans 13:14
Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong
Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang
laman, upang masunod ang mga kahalayan
noon.