2. Idang Matapang
Isinulat ni
Feiry Nasol Teodoro
Sa malawak na karagatan ng Ternate sa Cavite, maraming yaman dagat ang nakatira.
Doon din nakatira ang magkakaibigan sina Idang,ang batang pawikan, Diday, batang
maya maya, at si Luz, batang bangus.
“Ohhh! Idang, tayo’y lumangoy malapit doon sa dalampasigan. Marami daw naglalarong
ibang isda doon.” anyaya ni Diday.
“Ayoko Diday natatakot akong lumayo sa ibang pawikan baka may pating na kumain sa
atin o lambat na makabingwit sa akin.” nahihiyang sagot ni Idang.
“Ano ka ba Diday bakit mo yayain yan? Duwag yan si Idang. Lagi niyang dala dala ang
kanyang bahay.” tukso ni Luz, batang bangus.
“Huwag ka mag alala Idang, mabilis lang tayo doon.” pangungulit ni Diday.
“Ayoko talagang pumunta sa malayo Diday, lalo na’t di natin kasama ang matatandang
pawikan.” sagot uli ni Idang.
“Ako na lang ang isama mo Diday, maari pa tayo maglaro ng matagal doon” sabat
naman ni Luz.
Lumangoy ng malungkot si Diday dahil hindi sumama si Idang.
Nakapunta sina Diday at Luz malapit sa dalampasigan. Maraming isda ang naglalaro
doon. Napakaganda doon dahil sa lawak at linis nito.
Napatagal ang paglalaro ng dalawa, hindi nila namalayan na may naglalayag doon
upang mangisda.
3. “Ano ito?” bulalas ni Luz habang sila ay nakapasok sa lambat ng mangingisda. Sila’y
nagsiksikan sa loob ng lambat.
“Tulungan niyo kami!” Sigaw ni Diday.
Samantalang si Idang ay minarapat na puntahan sina Diday at Luz dahil sila ay matagal
nang hindi nakakabalik. Nang makapunta siya sa palaruan ng isda. Nakita niya na nasa
lambat ang dalawa niyang kaibigan.
“Ohhh! Idang, Tulungan mo kami!” pagmamakaawa ni Diday.
Naghanap ng paraan si Idang para makaligtas ang kanyang mga kaibigang isda.
Nakita niya na may pising malapit nang mapigtas dahil sa kalumaan. Kinagat ng kinagat
ni Idang ang pisi hangang ito ay mapigtas. Nagkaroon ng maliit na butas sa lambat.
Nakalabas sina Diday, Luz at ibang maliliit na isda.
“Ohhh! Idang. Patawarin mo kami sa pag iwan saiyo.” Hikbi ni Luz.
“Tahan na Luz. Ayoko lamang pumunta sa lugar na hindi natin kabisado lalo na’t mga
bata pa tayo.” sagot ni Idang.
Simula noon laging magkasama sina Idang, Diday at Luz para maglaro. Lagi na rin
silang naging mapagmasid kahit na sila ay naglalaro.