Naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
Upang maipagtanggol ang argumento, ang tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang ebidensiyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa.
Naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
Upang maipagtanggol ang argumento, ang tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang ebidensiyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa.
(Kakayahang Pragmatik at Istratedyik) GROUP 4.pptxAshleyFajardo5
Mahalaga ang di verbal na komunikasyon sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe, at pinananatili nito ang resiprokal na inter-aksiyon ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.
Mahalaga ang di verbal na komunikasyon sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe, at pinananatili nito ang resiprokal na inter-aksiyon ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.
Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.
Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.
Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensiyon ng nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe nito ng tagapakinig.
Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
Nararapat ding malámang may iba't ibang salik pang dapat isaalang-alang sa pag-unawa, kasama na rito ang intelektuwal na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder
Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...MARIA KATRINA MACAPAZ
Mga layunin:
Natutukoy ang mga posibleng pangunahing isyu sa online at/o hindi harapang pagtuturo at pagkatuto ng gramatikang Filipino;
Nakikilala ang mga mahahalagang teorya sa gramatika na dapat maging tuon sa pagbuo ng saliksik kaugnay sa mga natukoy na mga posibleng pangunahing isyu; at
Nabibigyang halaga ang pagbuo ng saliksik mula sa mga natukoy na mahahalagang konsiderasyon sa pagtiyak na matatamo ang inaasahang resulta ng salisik.
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOAJHSSR Journal
ABSTRACT: Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mataya ang komunikatibong kasanayang pangwika ng mga
guro sa Filipino at nakabuo ng modelong ebalwasyon sa kahusayan sa wikang Filipino na tutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa gramatikang Filipino.Ginamit sa pag-aaral ang palarawang pamamaraan o
descriptive method at paggamit ng mula sa siyamnapu’t walong guro mula sa pampublikong paaralang
sekondarya sa Zone 2, Dibisyon ng Zambales.Batay sa natuklasan ng pag-aaral, malaking bilang ng mga gurong
tagatugon ay nasa katamtamang katandaan, babae, may units sa Masteral, Titser I, may eryang ispesyalisasyon
na Filipino, at may hustong bilang ng palihang sinalihan, ang mga gurong tagatugon ay “Lubhang Mahusay” sa
kasanayang pangwika, maryooong pagkakaiba sa komunikatibong kasanayang pangwika ng mga guro ukol sa
Kakayahang Lingguwistiko, Kakayahang Sosyolingguwistiko, Kakayahang Pragmatik at Istratedyik, at
Kakayahang Diskorsal ayon sa kanilang eryang ispesyalisasyon, at ang mungkahing programang interbensyon
ay ukol sa sulosyon para sa komunikatibong kasanayang pangwika ng mga guro. Batay sa mga natuklasan sa
pag-aaral at konklusyon, ang paaralan ay maaaring magsagawa ng pagsasanay ukol sa sa pagsulat ng akdang
pampanitikan, Iminumungkahi sa mga tagapamanihala o prinsipal ng paaralan ang daliang pagbuo ng manual na
programa hinggil sa paggamit ng dayalektong pangwika, maaaring magbuo ng diksyonaryo bilang solusyon sa
matagumpay at mabisang pagkakaintindi, bigyang prayoridad ng mga tagapamanihala o prinsipal ng paaralan
ang pakikiisa sa panuntunan sa kantidad, kalidad, relasyon at paraan ng kombensyon para sa mga guro, at
magsagawa ng isa pang pag-aaral na may kahalintulad o kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral upang makonpirma
ang resulta o kinalabasan nito.
Keywords : Komunikatibong Kasanayang Pangwika, Interbensyon, Kakayahang Lingguwistiko, Kakayahang
Sosyolingguwistiko, Kakayahang Pragmatik at Istratedyik, at Kakayahang Diskorsal
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa kahulugan, kahalagahan, layunin at gamit ng makrong Kasanayan partikular na sa pagsasalita at pakikinig. Ipinaliliwanag nito ang ugnayan ng dalawa lalo na sa larangan ng komunikasyon.
2. Matapos ang aralin,inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
Naipapaliwanag ang kahulugan ng kakayahang pragmatiko;
Natutukoy ang kahulugan ng sinasabi,di-sinasabi,atkinikilos ng taong
kausap;
Nauunawaan ang kagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino; at
Naisasaalang-alang ang epekto ng
tono,diin,intonasyon,hinto,muwestra, at iba pa sa pakikipagtalastasan.
3. Berbal na Komunikasyon
• Gumagamit ng salita sa anyong pasalita o pasulat.
• Nagagawa ang pasalita sa pamamamagitan ng pakikipag-
usap sa kaanak, kaibigan, pakikipagtalakayan sa klase at
seminar.
4. • Nagagawa ang pasulat sa pamamagitan ng mga sulatin sa
klase, paglikha ng blogspot, pagbuo ng manifesto at bukas
na liham.
5. Di-Berbal na Komunikasyon
Ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng
elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga
taong nakapaloob sa sariling kultura.
7. Iba’t Ibang Anyo
Kinesika (Kinesics)-tumutukoy sa kilos o galaw ng
katawan.Bahagi nito ang ekspresyon ng mukha’galaw ng
mata,kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.
Proksemika (Proxemics)- tumutukoy sa oras at distansya sa
pakikipag-usap.
8. Pandama o Paghawak (Haptics)- Itinuturing na isa sa
pinakaunang anyo ng komunikasyon.
Halimbawa:
Pagtapik sa balikat at pagyakap sa kausap.
Paralanguage- tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at
bilis ng pagsasalita.
9. Katahimikan o Kawalang-Kibo- lubhang makahulugan na
karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang
sasabihin, o kaya ay maparating ang tampo o sama ng
Kapaligiran- tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-
usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang intension ng
kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.
10. Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa
kagawiang pang komunikasyon ng mga tagapagsalita ng
wikang pinag-aaralan.Sa pamamagitan nito, natatantiya ng
isang mag-aaral ng wika kung ang kaniyang sasabihin ay
maaaring maging lubhang tuwiran o napapalooban ng
tamang pagkilala at paggalang sa kausap.
11. • Ayon kay Maggay (2002), high context ang kulturang Pilipino.
• Ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at
pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon.
• Ito ay isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag ng
di-tuwirang ipinapaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan
sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na
pagbasa ng mga himaton; o ng mga palatandaang kaakibat
nito.
12. Mga Salitang Kaugnay ng Pahiwatig
(Maggay 2002)
1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy
a. Pahaging
b. Padaplis
2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi
ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at
nakaririnig ng usapan:
a. Parinig
b. Pasaring
13. 3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa
pamamagitan ng pandama:
a. Paramdam
b. Papansin
4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa
nakarinig ay
napatatamaan siya:
a. Sagasaan
b. Paandaran
14. Tukuyin kung anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang
ipinapahiwatig.Kung ito ba ay Kinesika, Proksemika, Pandama,
Paralanguage, Katahimikan, Kapaligiran.
1. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol.
2. Hindi pagtugon sa ipinadalang text message.
3. Galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag
aralin.
4. Pasigaw na pananalita.
5. Pagtabi sa kaibigan
15. 6. Pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa.
7. Naghihinalong tinig
8. Pagpisil sa mukha ng kapatid
9. Pag-iwas sa mga nag-iinuman
10. Pagtungo sa madilim na sulok ng silid