1. 1.Economic Cycle/ Modelo ng
Pambansang Ekonomiya
A. Unang Modelo
- simpleng ekonomiya.
- ang sambahayan at bahay kalakal ay
iisa.
- ang lumikha ng produkto ay sya ring
konsyumer.
2. - ang supply ng bahay kalakal ay demand
nito kapag kabilang na ito sa
sambahayan.
- ang kita ay ang halaga ng produksiyon
sa isang takdang panahon.
- inaasahan na ang halaga ng
produkisyon ay sya ring halaga ng
pagkonsumo ng produkto.
3. - upang lumago ang ekonomiya
kinakailangan maitaas ng kaukulang
aktor ang kanyang produksiyon at
pagkonsumo.
B. Ikalawang Modelo - ipinapalagay na
may dalawang aktor sa isang ekonomiya
– ang sambahayan at ang bahay kalakal.
4. - sa sambahayan ay may demand sa
produkto ngunit wala itong kakayahang
lumikha ng produkto.
- ang bahay kalakal ang tanging may
kakayahang lumikha nito.
- subalit bago makalikha ng produkto,
kailangan ng bahay kalakal na bumili o
umupa ng mga salik ng produksyon.
5. - at dahil ang sambahayan ang may
supply ng salik ng produksyon,
makikipag ugnay ang bahay kalakal sa
sambahayan sa pamamagitan ng mga
pamilihan ng mga salik ng produksyon.
- ang paglago ng ekonomiya ay
nakabatay sa pagtaas ng produsiyon.
6. - upang maitaas ang produksiyon,
kailangan marami ang magagamit na
salik ng produksiyon.
- kailangan din maitaas ang antas ng
produktibidad ng mga salik.
- samakatuwid, kailangan ng paglago ng
capital.
7. -Kailangan dumami ang oportunidad sa
trabaho.
- Kailangan malinang ang produktibidad
ng lupa.
- Kailangan mapag ibayo ng
entreprenyur ang kanyang kaalaman sa
pagpapatakbo ng negosyo.
8. - Sa ganitong kalagayan, tataas ang mga
kita ng sambahayan at bahay kalakal.
C. Ikatlong Modelo - nagpapakita ng
dalawang pangunahing sector – ang
sambahayan at ang bahay kalakal.
- Isinasaalang-alang sambahayan at
bahay kalakal ang kanilang mga desisyon
sa panghinaharap.
9. - 3 ang pamilihan ng ikatlong modelo:
mga pamilihan ay para sa salik ng
produksiyon, commodity o tapos na
produkto, at para sa mga
pinansyal na capital.
- Ang pag iimpok at pamumuhunan ay
hindi orihinal na mga gawaing pang-
ekonomiya.
10. - Ang mga ito ay nagaganap dahil
nagkakaroon ng pagpaplano para sa
hinaharap ang mga naturang aktor.
- Ito ang nagpapaliwanag sa broken lines
na ginagamit sa dayagram.
- Kung walang pagpaplano sa hinaharap
ang mga aktor , walang pag iimpok at
pamumuhunan.
11. - Upang maging matatag ang
ekonomiya,kailangang may sapat na ipon
ang sambahayan.
- Kailangan din na may sapat na dami ng
bahay kalakal na handang mamuhunan.
- Inaasahan nasa pamumuhunan ng
bahay kalakal, tataas ang produksiyon ng
capital sa produkto.
12. - Inaasahan na darami rin ang
mabubuksang trabaho para sa paggawa.
- Sa ganitong modelo ng ekonomiya,
mahalagang balanse ang pagiimpok at
ang pamumuhunan.