1. KABANATA 2:
PANAHON NG KATUTUBO:
KATANGIAN NG PANITIKAN
AT MGA AKDA
TAGAPAG-ULAT:
RAINER JAKE CHARIE MAE ORIELLA MA. DANICA FEBE JOY
DUBRIA DUNGGANON CASIANO BENSA MONTERO
2. KATANGIAN NG PANITIKAN
• Binubuo ng magkahiwalay ng mga pulo sa Pilipinas kaya
hindi kataka-takang magkaroon ng ibat ibang
wika,kaugalian,tradisyon at kultura. Ang pagkakaiba ay
mauugat din sa mga ninunong naninirahan at napadpad
sa Pilipinas na siyang nagdala ng panitikan,pamahalaan,
at kulturang naipamana.
3. LALIC AT MATIC (2004)
• Bago pa dumating ang mga kastila sa Pilipinas ay mayroon na tayong
panitikan. Ang mga panitikang ito ay pasaling-bibig na may
impluwensiya ng kaisipang Malayo-Polinesyo.
• Ang mga nag-iingat at nagpapahayag ng mga panitikang ito ay ang
mga apo o matanda na karaniwang puno ng barangay o pinakapari ng
rehiyon. Sinasamba nila ang kalikasan, araw, o punongkahoy at mga
kababalaghang gawa ng mga mabubuti at masasamang espiritu na
tinatawag nilang “anito”.
• Sa panahong ito ang ating panitikan ay nasa anyo ng alamat, kwentong
bayan, epiko at ang mga karunungang bayan.
4. VILLAFUERTE, ET AL. (2000)
•Ang mga anyo ng panitikang ito ay nagpapakita ng
ating panlipunan at panlahing pagkakakilanlan.
Bagaman at karaniwan sa mga akdang ito ay
pasalin-salin lamang sa mga bibig ng mga
matatanda at mayroon din silang sistema ng
pagsulat .
5. MARQUEZ AT GARCIA (2013)
•Nauunang naninirahan sa kapuluan ng mga
nigretong nakilala sa tawag na ita, ayta, agta, o
bulaga. Sila ay may kalinangan bagamat walang
impluwensiyang pangkultura maliban sa ilang
awitin at paghahanap ng kanilang pagkain sa
pamamagitan ng pamamana.
8. A. KAPANAHUNAN NG
ALAMAT
1. Bulong
- Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.
2. Kuwentong-bayan
- Ito ay mga kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng marami at hindi na alam
kung saan nagmula. Maari ding sabihin na ang kuwentong-bayan ay mga
kuwento na nasa loob ng bayan.
3. Alamat
- Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggaling ang
maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran. Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay
tumutukoy kay Bathala, sa kalikasan, sa kultura, at sa pinanggalingan ng mga
hayop at halaman.
9. B. KAPANAHUNAN NG EPIKO
1. Karunungang bayan
a. Bugtong
- Ito ay mga anyong patula na binubuo ng dalawang taludtod na
may sukat at tugma. Taglay nito ang paglalarong patula na
nagpapatalas ng isip.
b. Palaisipan
– Ito sa gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin
c. Kasabihan
– Ang kasabihan noong unang panahon ay ipinalalagay na
yaong sabihin ng mga bata at matatanda na katumbas na “ Mother
Goose Rhymes” sa Ingles.
10. d. Salawikain
– Ang salawikain noong unang panahon ay nagsisilbing batas o
tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Nakatago ang
kahulugan nito ngunit nagbibigay ng aral.
e. Sawikain
– ito ay katulad din ng salawikain ngunit lantad ang kahulugan.
11. 2. Awiting-Bayan
a. Oyayi – awit sa pagpapatulog ng bata.
b. Talindaw- awit sa pamamangka.
c. Soliranin – awit sa paggaod.
d. Kumintang – awit sa pakikidigma.
e. Diona – awit sa Kasal. Inaawit ito ng mahina
habang isinasagawa ang sermonya ng kasal.
f. Sambotani – awit sa pananagumpay.
g. Dalit – awit para sa mga anito, pagsamba at
paggalang ang himig nito.
h. Kundiman – awit ng pag-ibig.
12. 3. Epiko
- Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay
tungkol sa kabayanihan at pakikitunggali ng
pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos
hindi mapaniwalaan dahil ang tagpuan ay pawang
kababalaghan at di mapaniwalaan. Napapaloob dito
ang kultura ng isang lalawigan kung saan ito
nagmula.