Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Pagbubuo ng Paghahatol.pptxkkashjadhajnbdxsjnzm
1.
2.
3.
4.
5.
6. Tradisyon
ito ay mga paniniwala o opinyon na
naisalin mula sa mga magulang
papunta sa mga anak nila.
pista, araw ng mga patay, araw ng
pasko, mahal na araw, simbang gabi
7. Pamahiin o superstition
isang paniniwala o kasanayan na
na hindi batay sa dahilan at walang pang-
agham o siyentipikong katotohanan.
Gayunpaman, ang mga pamahiin ng mga
matatanda ay nagagawang
impluwensiyahan sa pag-uugali ng mga
Pilipino sa iba’t ibang paraan.
8. 1. Pamahiin sa Bagong Taon
Sa eksaktong alas dose ng bagong taon ay lumundag
ng tatlong beses para tumangkad.
Magkakaroon ng suwerte kapag lalaki ang unang
nakasalubong sa araw ng bagong taon.
Huwag gastusin ang perang papasok sa bagong
taon.
Tiyaking puno ang mga lalagyan ng bigas at asin sa
paglipat ng bagong taon upang maging masagana
ang darating na taon.
9. 2. Pamahiin Sa Bahay
Hindi sinusuwerte ang bahay na hindi nakaharap sa kalye.
Kapag magpapagawa ng bahay, ilagay ang pinto sa gawing
silangan para masikatan ng araw, sa gayon ay maghahatid iyon ng
suwerte sa mga nakatira doon.
Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika- ng anumang buwan.
Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay,
huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang
mangyayari sa iyo.
Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng
pitong beses upang hindi ito maglayas.
10. 3. Pamahiin sa Kasal
Ang sinumang babeng sumunod sa dinaanan ng
bagong kasal habang papasok sa simbahan ay
makakapag-asawa rin sa lalong madaling
panahon.
Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng
babaing ikinasal ay susunod na mag-aasawa.
Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas para sa
bagong kasal.
11. 4. Pamahiin sa Buntis
Kapag madalas na pumintig ang kaliwang bahagi ng
tiyan ng isang buntis, siya ay magkakaanak ng babae.
Kabaligtaran naman kapag sa kanan.
Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag ang
isang maybahay ay
buntis dahil tiyak na mahihirapan itong manganak.
12. Paniniwala ay isang pagkakaroon ng
kumpiyansa o pananalig sa isang bagay
na walang matibay na patunay sa
katotohanan nitó
Halimbawa:
Bawal magbunot sa gabi.
Bawal maggupit kapag gabi.
Bawal magwalis kapag may patay