2. Sa sitwasyong matutunghayan mo ay masusuri kung ang
nagawa ng anak ay tama o mali.
Bago ito basahin, sagutan ang mga sumusunog na tanong.
1.Ano-anong mga bagay ang madalas ibilin sa iyo ng iyong mga
magulang?
2. Ginagawa mo ba ang mga tagubilin sa iyo ng iyong mga magulang?
Bakit?
3. Kapag binabalewala mo ang bulong ng konsiyensiya, ano ang iyong
nararamdaman?
3. Bago umalis ang ina, nagbilin siya
sa anak na panganay na babae. Ang
wika niya, “ Anak, ikaw muna ang mag-
alaga sa bunso mong kapatid. Ihahatid
ko lang sa iyong lola ang gamut na
kailangan niya.”
Kahit napilitan lamang ang panganay
ay wala siyang magawa kung hindi
bantayan ang kapatid na bunso. Habang
natutulog ang bunso, ang panganay ay
nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
Hindi niya namalayan na nagising na ang
bunso at nahulog sa sahig buhat sa
kama.
4. Dahil sa lakas ng iyak ng bunso ay dali-daling lumapit ang
panganay. Kinarga ang kapatid na bunso at pinatigil sa pag-iyak
sa pagbibigay niya rito ng gatas.
Maya-maya ay dumating ang ina. May naramdaman ang
ina sa bunso dahil ito ay matamlay. Ang tanong ng ina, “May
nangyari ba nang ako ay nasa lola ninyo?” Mabilis na tumugon
ang panganay, “Wala naman po.”
5. Kinabukasan, nilagnat ang
bunso kaya dinala sa doktor.
Binagabag ng konsiyensiya
ang panganay. Magtatapat kaya
siya sa kaniyang ina tungkol sa
bunsong kapatid?