1. Unang Markahan – Modyul 3:
Pag-unawa sa Binasa
(Panitikan sa Panahon ng Katutubo,
Espanyol at Hapon)
2.
3. Sino-sino ang mga
nasa larawan?
Bakit sila
tinaguriang
superheroes?
Gusto mo rin
bang maging
tulad nila?
Bakit?
Kung ikaw ay
magiging tulad
nila, sino ang
pipiliin mo?
Bakit? Ipaliwanag.
4. Lakbayin
Ang panitikan ay
naghahatid ng mga
pangyayaring naganap sa
ating lahi at
mga kultura at tradisyong
pinaniniwalaan na naging
gabay sa
pakikipagsapalaran
sa araw-araw na buhay.
Sa araling ito,
maglalakbay tayo sa
nakaraan sa
pamamagitan ng ating
mayamang epiko.
5. Alam mo bang…
Ang Epiko ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang grupong etniko.
Isa ito sa mga akdang pampanitikan na pamana ng ating mga ninuno sa
kasalukuyang lahi. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga tagpuang puno ng kababalaghan.
Kuwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punong-puno ng mga
kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa.
Gaya na lamang ng epikong ating babasahin na pinamagatang “Biag ni Lam-
ang”. Ito ang tinaguriang Epiko ng mga Ilokano na isinulat ni Pedro Bukaneg, ang
Ama ng Literaturang Ilokano. Ang epikong ito ay isa sa mga pinakaunang epiko ng
Pilipinas na isinulat na tulang tuluyan. Ito rin ang isa sa dalawang epiko na
nakadokumento sa panahon ng pagsakop ng mga Kastila.