4. Sino at Kanino
• ito ay ginagamit para sa tao
Halimbawa:
1. Sino ang kukuha ng ulam na binili sa palengke?
2. Kanino mo ibibigay ang bulaklak na iyan?
3. Sino ang kasama mong pupunta ng palengke?
5. Ano
• ito ay ginagamit para sa hayop, bagay, katangian,
pangyayari, at ideya
Halimbawa:
1. Ano ang ibinigay ni Roman sa’yo bilang regalo?
2. Ano ang pagdiriwang bukas?
3. Ano ang iyong kahilingan?
6. Kailan
• ito ay ginagamit pangtanong tungkol sa petsa at
panahon
Halimbawa:
1. Kailan uuwi si Oscar?
2. Kailan magbibigay ng pera pambayad ng ilaw si
Danilo?
3. Kailan tayo uuwi ng probinsiya?
7. Saan
• ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar
Halimbawa:
1. Saan pupunta ang mag-amang Mang Terio at
Felimon.
2. Saan mo ipapadala ang pasalubong?
3. Saan sa Cavite ka nakatira?
8. Bakit
• ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan
Halimbawa:
1. Bakit mo pinayagang umalis si Cardo?
2. Bakit hindi agad nakarating ang bayad ni Pilar?
3. Bakit ka hindi nakasama kahapon?
9. Paano
• ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa
pamamaraan
Halimbawa:
1. Paano niya tinanggap ang pagkawala ng asawa
niya?
2. Paano lulutuin ang adobo?
3. Paano niya nalaman ang sikreto natin?
10. Ilan
• ito ay ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang
Halimbawa:
1. Ilang bote ng suka ang ipinapabili ng nanay?
2. Ilang bata ang sasama sa lakbay aral?
3. Ilan ang bibilhing kamatis?
11. Alin
• ito ay ginagamit sa pagpapapili
Halimbawa:
1. Alin ang gusto mo, ang relo o ang sapatos?
2. Alin sa kambing at baboy ang nais mo ihain
sa mga bisita?
3. Alin ang pipiliin mo, Vivo o Samsung?
12. Magkano
• ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa
halaga ng pera
Halimbawa:
1. Magkano ang ibinayad ni Arlinda para sa
mangga?
2. Magkano ang bawat bote ng toyo?
3. Magkano ang damit na ito?