2. Heograpiya ng Daigdig
Ang heograpiya ay may dalawang
pangunahing dibisyon. Ito ay ang
hegrapiyang pisikal at heograpiyang pantao.
3. Heograpiyang Pisikal
Pag aaral ng likas na katangian ng
mundo na binubuo ng mga anyong lupa
at tubig, klima,glacier,interaksiyon ng
daigdig sa araw, mga kalamidad at iba pa.
4. Heograpiyang Pantao
Interaksiyon ng tao sa kalikasan sa
pamamagitan ng pagbuo ng pamayanan,
kultura, relihiyon, pamahalaan at
kabuhayan sa isang lugar
5. Mga Tema sa Pag aaral ng Heograpiya
Lokasyon – naghahayag kung saan matatagpuan ang isang lugar.
Dalawang paraan upang matukoy o mailarawan ang
kinalulugaran at distribusyon ng tao:
1. Lokasyong absolut
2. Lokasyong relatibo
9. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
Sinasagot nito ang katanungang- “Ano ang
kaugnayang namamagitan sa tao at
kapaligiran”?
10. Halimbawa:
1. Ang tao ay umaasa sa kanyang likas na
kapaligiran: Ang likas na kapaligiran ay binubuo
ng mga bagay na may buhay at walang buhay.
Dito nagmumula ang mga pangunahing
pangangailangan ng tao.
11. 2. Binabago ng tao ang kanyang likas na kapaligiran:
Binabago ng tao ang kapaligiran upang matugunan
ang kanilang pangangailangan.
3. Ibinabagay ng tao ang kanyang buhay sa kanyang
likas na kapaligiran: Matagumpay na naiaayon ng tao
ang kanyang buhay sa ibat ibang uri ng kapaligirang
kanilang pinaninirahan.
12. Rehiyon
Ito ay tumutukoy sa batayang pamantayan ng
pag aaral ng heograpiya.Ito ay tumutukoy sa
sukat ng lupaing nagtataglay ng magkakatulad
na katangian.
13. Galaw ng Tao
Ito ay tumutukoy sa interaksyon ng tao sa
kanyang kapaligiran at sumasagot sa tanong na-
Paano at Bakit nagkakaroon ng ugnayan sa isat
isa ang mga lupain?