13. Ngayon ay sukatin mo ang iyong
kaalaman sa pagsagot sa gawain sa
ibaba. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon
ang ahensyang nangangasiwa sa mga
sumusunod na sitwasyon. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.
14. 1. Namamahala ang ahensiyang ito sa pangasiwaan ng
seguridad ng ating bansa.
2. Ang ahensiyang ito ay nangangasiwa sa
pangangalaga ng kapakanan ng mga manggagawa sa
loob o labas ng bansa.
3. Ito ay ang namamahala naman sa usaping may
kinalaman sa mga lokal na pamahalaan.
4. Ang ahensiyang ito ay tumitiyak sa pangangalaga sa
mga likas na yaman ng bansa
5. Nangangasiwa sa tamang presyo ng mga bilihin ang
ahensiyang ito
15.
16. Ang Mamamayang PIlipino
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng
pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas.Hindi lahat ng naninirahan sa
isang bansa ay mamamayan nito. Dahil may
mgadayuhang nakatiraditona maaaringhindi kasapi
nito. Madalas na ang pagkamamamayan ng isang tao
ay naihahalintulad sa kaniyang nasyonalidad. Marami
ang nag-aakala na ang dalawang salita ay
magkasingkahulugan. Iba ang pagkakamamamayan
ng isang tao sa kaniyang nasyonalidad.
17. Ang isang taong ipinanganak sa Pilipinas
ay nagtataglay ng Pilipinong nasyonalidad at
walang maaaring makapagbago noon.
Ngunit maari naman siyang magkaroon ng
ibang pagkakamamamayan sa bansa ayon sa
batas ng naturalisasyon. Samakatuwid ang
nasyonalidad ng isang tao ay hindi
napapalitan. Ang tanging nababago ay ang
pagkakamamamayan.
18. Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng
1987,maituturing na mamamayang Pilipino ang
sumusunod:
1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang
Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987
2. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
3. 3. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang
Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang
pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong
gulang
4. 4. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang
Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon
19. Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas
ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas
na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay
mananatiling isang Pilipino maliban na
lamang kung pinili niyang sundin ang
pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.
20. Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng
Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 17,
2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng
naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang
Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang
pagkamamamayan (dual citizenship). Kailangan lamang na
aplayan niya ito at patunayan sa pamamagitan ng kaniyang
sertipiko ng kapanganakan mula sa Philippine Statistics
Authority (National Statistics Office) na ang kaniyang mga
magulang o isa man sa kanila ay mamamayang Pilipino
saan man siya ipinanganak.
21. Paraan sa Pagkakamit ng
Pagkamamamayan
•May dalawang kinikilalang
pangkahalahatang paraan sa pagkamit
ng pagkamamamayang una sa
pamamagitan ng kapanganakan at
ikalawa ay sa pamamagitan ng
naturalisasyon.
22. Pagkamamamayan sa Pamamagitan ng
Kapanganakan
•Sa pamamagitan ng kapanganakan, ang
isang bata ay nagkakaroon ng tiyak na
pagkamamamayan sa ilalim ng dalawang
prinsipyo ang Jus sanguinis at Jus soli.
23. Jus sanguinis ang pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o
pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. Sinusunod
ng mga anak ang pagkamamamayan ng kanilang mga magulang saan
mang bansa sila ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod ng
Pilipinas dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon ng 1987.
• Ang pagkamamamayang Jus soli itinatadhana ng prinsipyong ito ang
pagkamamamayan ng isang bata ay naaayon sa bansa kung saan siya
ipinanganak kahit pa iba ang pagkamamamayan ng kaniyang mga
magulang. Dahil dito, ang isang bata na ipinanganak sa Amerika
ngunit kapwa Pilipino ang mga magulang ay magiging mamamayan
ng Amerika dahil ito ang nakasaad sa Konstitusyon ng Amerika.
24. Uri ng Mamamayang Pilipino
• Likas o Katutubong Mamamayan. Ang likas na mamamayan
ay anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa kaniyang
mga magulang o pareho ang Pilipino
• Naturalisadong Mamamayan. Ang naturalisadong Pilipino ay
mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil
sa proseso ng naturalisasyon.Ayon sa Commonwealth Act
No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
25. Naturalisasyon
• Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang
dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa
isang proseso sa korte o hukuman. Kapag nabigyan na
pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan, kailangan niyang
sumunod sa mga batas at kultura ng bansa. Matatamasa rin niya ang
mga karapatan ng isang mamamayang Pilipino maliban sa mahalal
siya sa matataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa. Ang
pagbibigay ng pagkamamamayan ay isang pribilehiyong
ipinagkakaloob ng ating bansa sa isang dayuhan kaya masusi itong
pinagaaralan ng korte bago igawad.
26. Naturalisasyon
• Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang
dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa
isang proseso sa korte o hukuman. Kapag nabigyan na
pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan, kailangan niyang
sumunod sa mga batas at kultura ng bansa. Matatamasa rin niya ang
mga karapatan ng isang mamamayang Pilipino maliban sa mahalal
siya sa matataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa. Ang
pagbibigay ng pagkamamamayan ay isang pribilehiyong
ipinagkakaloob ng ating bansa sa isang dayuhan kaya masusi itong
pinagaaralan ng korte bago igawad.
27. Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
• Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala,
kusang-loob man ito o sapilitan. Ayon sa ating batas,
maaaring mawala ang pagkamamamayan sa
pamamagitan ng mga ito:
1.Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa.
2.Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
3.Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit
niya ng 21 taong gulang.
4.Nagpawalang-bisa siya ng naturalisadong pagkama- mamayang Pilipino
5.Napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa
at kumampi sa kaaway sa panahon ng digmaan 6.Itinakwil niya ang
kaniyang pagkamamamayan at nag-angkin ng pagkamamamayan ng
ibang bansa (expatriation)
28. Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino
•Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging
naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
ay maaaring maging Pilipino muli sa
pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:
1.Muling naturalisasyon
2.Aksiyon ng Kongreso
3.Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng
katapatan sa Republika ng Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas
na miyembro ng Sandatahang Lakas
29. Pamprosesong Tanong:
• Ano ang kahulugan ng pagkamamamayan?
• Ano-ano ang dalawang uri ng mamamayang
Pilipino?
• Sa anong mga paraan makakamit ang isang
pagkamamamayan?
• Kailan nawawala ang pagkamamamayang
Pilipino?
• Bilang isang, mag-aaral paano mo pahahalagahan
ang pagiging isang mamamayang Pilipino