3. Ang Banga ng Manunggul ay pinaniniwalaang nagmula sa taong
890- 710 BC. Mayroon itong dalawang pigura sa tuktok ng takip,
ang isa ang nagsasagwan ng bangka at ang nasa harap ay tila
bangkay na nakatiklop sa dibdib ang mga kamay. Sinasabing
ang bangka na ito ay naghahatid ng namatay na kaluluwa
patungo sa huli nitong hantungan.
4. Nahanap ito sa yungib ng
Manunggul, isang pook libingan
noong panahon ng Neolitiko.
Kasama ang Manunggul sa
importanteng grupo ng mga yungib
ng Tabon sa Lipuun Point, Palawan.
Pinaniniwalaang ginagamit ang
banga para sa secondary burial,
kung saan inilalagay sa loob ang
buto ng namatay, ngunit hindi na
ibinabaon ang banga. Gawa ang
banga sa luwad at buhangin, at
mayroon itong disenyo sa takip na
hawig sa mga alon ng dagat.
Kasamang nadiskubre ang bangkay
ng Tabon Man malapit sa Banga ng
Manunggul