1. Mga Teorya ng Pagsasatao sa
Pilipinas D R . J O S E L E ST E R C . D U R I A
2. Panimula
Isang batayan ng pag-aaral ng sinaunang panahon
ang mga kuwentong-bayan at mga alamat, na
nagpasalin-salin sa mga henerasyon sa pamamagitan
ng mga awit, tula, at kuwento. Ang mga ito ay
karaniwang naipapasa sa paraang pasalita.
Ksy+syn+
4. Pilipinas at mga Unang
Pagbabago
▪Karaniwang tinutukoy na yugto ng Sinaunang
Panahon ang panahon na wala pang ebidensya
ng pagsusulat ng tao. Pangunahing batayan sa
pag-aaral ng panahong ito ang mga labi at artifact
na sinusuri ng mga arkeologo at antropologo at
mga batong pinag-aaralan ng mga heologo.
▪Sa Pilipinas, ang panahong ito ay nagtapos noong
mga 900 o 1000 BCE nang lumitaw na ang unang
ebidensya ng panulat ng mga sinaunang Pilipino.
Ksy+syn+
5. ▪Noong nakaraang taon ng Pleistocene, na nagtagal mula mga 2
milyong taon hanggang 11,500 taong nakaraan, sinasabing
lumitaw ang sinaunang uri ng tao. Sa
panahong ito nagkaroon ng ilang yugto ng matinding
taglamig at nabuo ang malalaking tipak ng yelo sa
maraming bahagi ng hilagang hemispero. Bumaba ang
lebel ng tubig sa mga karagatan at lumitaw ang tulay na
lupa.
▪Sa pag-iral ng Daigdig, maraming pagbabago sa anyo ng
kapuluan ng Pilipinas dahil sa pagsabog ng mga bulkan,
paggalaw ng malalaking tipak ng lupa, paglubog ng ilang
lupain, at pagbabago ng lebel ng tubig sa mga karagatan
Ksy+syn+
6. ▪Ilang ebidensya ng pamumuhay ng
mga sinaunang tao sa kapuluan ng
Pilipinas ang natagpuan mula sa
panahong ito. Nakatagpo ng mga labi
ng ilang kasangkapang yari sa bato sa
lalawigan ng Cagayan. Natagpuan din
sa lambak ng Cagayan, Pangasinan,
Rizal, Novaliches, Quezon City, Iloilo,
Zamboanga, at Sulu ang mga fossils ng
stegodon, rhinoceros, at elephas (maliliit
na elepante).
Ksy+syn+
8. ▪Halos kasabay na rin ng paggalugad ng mga hayop sa
gilid ng kontinente ang paglitaw ng mga sinaunang
hominid o malatao na kabilang sa ispecie ng homo
erectus at homo sapiens.
▪Sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang naging tropical
ang klima ng kapuluan. Naging mayaman sa halaman at
punong kahoy ang Pilipinas. Patunay nito ang mga labi ng
sinaunang tanim at kahoy na matatagpuan sa iba’t ibang
lugar katulad ng bulubundukin ng Cordillera.
▪Kalaunan ay lumubog sa tubig ang mga tulay na lupa at
ganap nang naging arkipelago ang Pilipinas.
Mga Teorya Tungkol sa Pagdating ng
9. mga Sinaunang Tao sa Pilipinas
Mula sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko ay nakabuo ang mga antropologo at mga
historyador ng mga teorya tungkol sa pagdating ng mga unang tao sa Pilipinas. Ilang mga
ebidensya ang nagpapatunay na may mga grupo ng sinaunang tao na
naninirahan sa Pilipinas noong sinaunang panahon.
10. Ksy+syn+
Taong Callao
▪Natagpuan sa kuweba ng Callao sa
Cagayan noong 2007 ng isang grupo ng
mga
arkeologo mula sa Unibersidad ng Pilipinas at Pambansang Museo.
▪Itinuturing na pinakamatandang labi ng
sinaunang tao sa ating bansa na
11. pinaniniwalaang nabuhay mga 67,000 taon na ang nakakalipas.
▪Sa kasalukuyan, ibayong pag-aaral pa ang ginagawa sa labi upang matukoy ang mga
katangian ng sinaunang tao noong
panahong iyon.
Ksy+syn+
Taong Tabon
▪Natagpuan sa yungib ng Tabon sa Palawan noong
1962.
▪Napag-alamang galing ang bumbunan (skull cap) mula sa isang babaeng homo sapiens na nabuhay may
16,000 hanggang 24,000 taon na ang nakakaraan.
▪Mas Malaki ang kapasidad ng utak nito (1,200 kubiko
sentimetro) na nagpapatunay na siya ay higit na matalino
kaysa naunang homo erectus.
12. ▪Tulad ng taong-Cagayan, nabuhay din ito sa
pamamagitan ng pangangalap. Kahit ang lokasyon ng Yungib ng Tabon ay malapit sa baybaying dagat,
walang natagpuang mga labi ng hayop-dagat, tulad ng tinik ng isda o kabibe. Patunay ito na malayo sa
baybaying dagat ang yungib ng ito’y tinirahan ng mga homo sapiens.
Ksy+syn+
▪ Naniniwala ang mga dalubhasa na ang unang grupo ng mga
sinaunang tao ay nakarating sa
Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa. Ngunit, marami pa ring
kulang sa kuwento ng
pagdating ng mga unang tao sa Pilipinas. Ilang antropologo ang
nagtangkang bumuo ng mga
teorya tungkol dito.
13. Ksy+syn+
▪ Sa kasalukuyan, ang mga dalubhasa ay naniniwala na dalawang malaking
pandarayuhan ang naganap noong sinaunang panahon. Sinasabing ang
mga unang manlalakbay ay binubuo ng mga taong tinatawag na
Australoid, na naging ninuno ng kasalukuyang Negrito. Ang
pangalawang grupo naman ay tinawag na Austronesian.
16. ▪Peter Bellwood – “Out of Taiwan”
▪Wilhelm Solheim II – “Nusantao
Maritime Trading Network”
Peter Bellwood Wilhelm Solheim II
Ksy+syn+
Out of Taiwan
Theory
17. ▪Ayon kay Bellwood, sila ay
nagmula sa timog Tsina at
tumungo sa Taiwan. Mula dito ay naglakbay silang patimog
papunta sa Pilipinas, Borneo, at Sulawesi. Pagkatapos ay kumulat na sa mga isla ng Java,
Sumatra, Malaya, at sa Pasipiko.
▪Naging batayan sa pagbuo ng teorya ang pagsusuri sa mga
wika ng mga pangkat ng tao sa iba’t ibang panig ng
Asya
Ksy+syn+
Nusantao
Maritime
Trading Network
18. ▪Pinagbatayan ng mga dalubhasa ang mga pagsusuri
sa mga labi ng pagpapalayok at mga pagbabago sa
wika ng mga pamayanan sa Asya.
▪Para kay Solheim, ang pag-unlad ng sinaunang
pamayanan sa Pilipinas ay hindi nagmula sa
malakihang pandarayuhan kundi sa ugnayang
pangkalakalan.
▪Ang Nusantao Maritime Trading Network ang dahilan
ng pakikisalamuha at pandarayuhan ng mga
pamayanang Asyano.
▪Pinaniniwalaan na sa silangang Vietnam nagsimula
ang mga ugnayang ito.
Ksy+syn+
Ang mga Yugto ng
Sinaunang Panahon sa
Pilipinas
▪Core Population Theory – pinanukala ng Pilipinong
antropologo na si Prop. Felipe Landa Jocano.
19. Pinapaniwalaan nito na ang mga Pilipino ay may isang
pinagmulan tulad ng mga kalapit bansa sa Asya.
Mga Yugto ng Sinaunang Panahon sa Pilipinas ayon
kay Prop. Jocano:
• Formative Phase – mula 50,000 hanggang 500 BCE •
Incipient Phase – 500 BC hanggang 1000 CE
• Emergent Phase – 1000 hanggang 1300 CE
• Baranganic Phase – mula ika-14 hanggang ika-16 na
dantaon
F. Landa
Jocano
21. •Tumutukoy sa pag-aangkop ng sinaunang tao sa kapaligiran. •Laganap ang
kasangkapang yari sa bato (maituturing na payak at magaspang). •Gumawa rin
ng palayok ang mga sinaunang tao.
-Karamihan sa mga palayok ay ginamit na lalagyan ng pagkain
-May ilang palayok na ginagamit sa paglilibing
24. •Gumamit din sila ng apoy sa
pagluluto, bilang proteksiyon sa
ginaw at pagkakaingin.
•Sa huling bahagi ng panahong
ito ay nagsimula na silang
magtanim ng mga halamang
ugat at mag-alaga ng mga
hayop katulad ng baboy at
manok.
25. Incipient Phase (500 BCE – 1000 CE)
Incipient Phase (500 BCE-1000CE)
•Nagsimula ang pag-uugnayan ng mga pamayanan lalo na ng mga nasa dalampasigan.
•Lumaganap ang paggawa ng palayok at paggamit ng mga kasangkapang yari sa metal.
•Marami sa mga artifact ay mga palamuting yari sa bato tulad ng jade, mga kabibe, maliliit na
piraso ng metal, at mga manik o beads.
30. Phase (1000-
1300 CE)
Emergent Phase (1,000-1300 CE))
•Lumitaw na ang isang maunlad na kabihasnang may maayos na pamumuhay, kalakalan,
politika, at kultura.
•Naging mahusay na sa paglalayag ang mga sinaunang Pilipino at sumigla ang
pakikipagkalakan sa mga dayuhan.
•Umunlad ang mga gawain kagaya ng pagpapalayok, paghahabi, at paggawa ng metal at mga
palamuti.
•Isa pang malaking pagbabago sa kultura sa yugtong ito ang pagkakaroon ng Sistema ng
pagsusulat.
35. kultura ang kulrurang Hindu. Makikita ito sa
ating wika na maraming hiram na salita at ang
sinaunang baybayin. Ang Laguna
Copperplate ay kongkretong ebidensya nito
dahil ang panulat ay may hawig sa sinaunang
panulat ng Malay at Java na siyang sentro ng
kulturang Hindu sa Timog-Silangang Asya. Isa
ring ebidensya nito ang Golden Tara ng
Agusan (13th
Century) na isang estatwa na yari
sa ginto.
Malaki rin ang impluwensya ng mga
mangangalakal na Tsino sa ating
sinaunang pamayanan. Patunay ng
maunlad na kalakalan sa pagitan ng
36. mga pamayanang Pilipino at Tsino ang maraming
piraso ng porselana na nahukay sa mga sinaunang
pamayanan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Pumasok na rin sa kapuluan ang mga mangangalakal
na Muslim noong ika-9 na dantaon CE. Nagdatingan
din ang mga misyonerong Muslim upang palaganapin
relihiyong Islam sa iba’t iabng panig ng Asya.
Naipakilala ito sa Pilipinas noong ika-13 dantaon at
mabilis na naitatag ang mga pamayanang Muslim sa
Mindanao.
Baranganic Phase
(14th
– 16th
Century)
▪Kinakitaan ng mataas na antas ng pamumuhay na
nakatawag sa pansin ng mga dayuhang dumating sa
bansa.
▪Ang mga pag-unlad at pagbabago ay nakasentro sa
37. barangay na pangunahing pamayanan ng mga
sinaunang Pilipino.
Paglalahat:
➢Ang Sinaunang Panahon ay ang panahong wala pang nasusulat na mga batayan ng
kasaysayan. Pangunahing pinagbabatayan sa pag-aaral ng panahong ito ang mga labi at
artifact.
➢Iba’t ibang teorya ang ipinakilala ng mga dalubhasa na nagpapaliwanag sa pagdating ng
sinaunang tao sa Pilipinas. Unang pinagpalagay na ang kasalukuyang populasyon ng
Pilipinas ay nabuo bunga ng pandarayuhan ng malalaking pangkat ng mga tao mula sa
ibayong dagat. Sa kasalukuyan ay dalawang teorya ang pinagbabatayan ng mga dalubhasa
sa kanilang pag-aaral ng pagdating ng sinaunang tao sa Pilipinas – ang teorya ng
Austronesian Migration at Nusantao Trade Network.
➢Batay sa pag-aaral ng dalubhasang si F. Landa Jocano, may mga taong nag-evolved na
sa Pilipinas. Nahahati ang sinaunang panahon sa Pilipinas sa apat na yugto: Ang Formative
Phase, Incipient Phase, Emergent Phase, at Baranganic Phase.
Ksy+syn+