1. Banghay Araling sa EPP – IA - V
I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman (CS)
naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga
gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan,
elektrisidad at iba pa
B. Pamantayan sa Pagganap (PS)
naisasagawa ng may kawiliha ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing
kahoy, metal, kawayan, elektrisidad, at iba pa
C. Pamantayan sa Pagkaluto:
nakagagawa ng mga malikhaing proyekto na gawa sa kahoy, metal,
kawayan at iba pang materyales na makikita sa kumunidad
2.1.1 natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing
kahoy, metal, kawayan, at iba pa ( EPP5IA-0b- 2 )
II. NILALAMAN:
A. Paksa
ARALIN 2:
MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGGAWA SA GAWAING KAHOY, METAL,
KAWAYAN ATBP. MATERYALES NA MAKIKITA SA KOMUNIDAD
B. Mga Kagamitan sa Pagkatututo
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 (Patnubay ng Guro) Pahina
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 (Batayang Aklat) Pahina 183
- 185
C. Iba pang mga Kagamitan:
1. Power Point Presentation (ICT)
2. Mga aktwal na kagamitan:
Martilyo
Iskwala
Pait
Ripsaw
3. Mga Larawan
4. Metacards
III. PANIMULANG PAGTATASA (ANSWERING PRELIMINARY ACTIVITIES STRATEGY)
Ipasagot sa bata ang sumusunod na tanong.
Anu-anong mga bagay ang alam nyo ang yari sa kahoy? kawayan? metal?
IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Panalangin
2. ( Tawagin ang mag-aaral na mangunguna sa panalangin)
B. Pagtsek ng Attendance
( Tanungin ang mag-aaral na tagapagsalita ng bilang ng pumasok)
C. Pagganyak: (Word Puzzle)
Buuin ang bawat salita sa bawat bilang. Tukuyin ang katumbas na titik ng
bawat bilang upang mabuo ang mahahalagang salita na may kinalaman sa
kasalukuyang aralin.
A = 1 G = 7 M = 13 S = 19 Y = 25
B = 2 H = 8 N = 14 T = 20 Z = 26
C = 3 I = 9 O = 15 U = 21
D = 4 J = 10 P = 16 V = 22
E = 5 K = 11 Q = 17 W = 23
F = 6 L = 12 R = 18 X = 24
11 1 20 1 13 12 9 25 1 2 5
18 21 12 5 18 5 19 11 21 23 1 12 1
5 19 11 21 23 1 12 1
Ano ang mg aito?
Saan karaniwan gigamit ang mga salitang nabuo batay sa aktibidad na gin
awa?
D. Paglalahad:
Ipakita ang iba’t – ibang kagamitan at kasangkapan sa paggawa at ipakita ang
wastong paggamit ng bawat isa.
Bumuo ng Pangkat ayon sa ayos ng kanilang “classroom seating arrangement”
na itinalaga ng guro (nasa heterogeneous group)
Bago magsimula ang gawain ipapaalala ng guro ang PAMANTAYAN SA
PAGGAWA NG GAWAIN. Kailangan maging SMART kayo. Ano itong SMART
nating pamantayan? Ilahad ang tsart ng pamantayan.
S = Siguraduhing tahimik ang inyong paggawa.
M = Malinis ang inyong “output”.
3. A = Alamin kung sinu-sino sa kagrupo ang sumali sa
talakayan.
R = Respetuhin ang napiling LIDER ng pangkat.
T = Talakayin ang output sa klase sa pamamagitan ng
napiling mag- uulat.
Pagpangkat-pangkatin ng mga bata ang mga kasangkapang ginagamit sa
kahoy,kawayan at metal ayon sa larawan na ibibigay ng guro. Ilalagay ito sa
isang tsart na may itutugma ring kahulugan o pamamaraan kung paano
gamitin.
Pagwawasto sa mga sagot ng mga mag - aaral
Kasangkapan Paggamit
E. Pagpapalalim ng Kaalaman (ICT Integration)
Magpapakita ang guro ng mga larawan gamit ang video presentation ng
mga halimbawa ng mga proyektong maaaring mabuo sa gawaing kahoy
,kawayan at metal na makikita at nagawa mula dito sa Pilipinas.
F. Paglinang sa Kabihasnan at Paglalahat ng Aralin tungo sa paglalapat
Magkakaroon tayo ng laro (I Belong Here Game). Bawat isa sa mga mag –
aaral ay hahawak ng tig – iisang metacard na may nakasulat na iba’t ibang
produktong gawa sa metal, kahoy o kawayan. Sa pamamagitan ng larong ito
kikilalanin ng mga bata kung saan nabibilang ang mga produktong kanilang
hawak. Ang sinumang matitirang may tamang sago t ang siyang panalo.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw- araw na Buhay
Bakit mahalagang malaman ang iba’t – ibang kasangkapan sa gawaing Pang
Kahoy, Metal o Kawayan?
Anu – ano ang naidulot ng tamang kasangkapan na gagamitin sa paglikha o
paggawa ng mga produktong gawang kahoy, metal, o kawayan sa SINING
PANG – INDUSTRIYA o sa ating EKONOMIYA (ARALING PANLIPUNAN
Integration)?
V. PAGTATAYA
Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. B.
_____1,iskwala a. Pambaon ng pako
_____2.martilyo b.pang-ipit sa mabibigat na bagay
_____3.barena c.pamputol sa paayon sa hilat sa ng kaoy
_____4.brace d.ginagamit sa maliliit na butas
4. _____5.gato e. panukat ng mga kasangkapan
VI. KARAGDAGANG GAWAIN
Bumisita sa isang bilihan ng mga kagamitang pambahay/muwebles ( Furnitures
Shop) at pumili ng isang produkto na yari sa kahoy. Kawayan, o metal. Gawin itong
modelo at gumawa ng inobisyon o makabagong ideya sa itsura, anyo, hugis, at laki.
Iguhit ito sa isang malinis na putting papel at kulayan. Ilahad ang konsepto tungkol
ditto sa susunod na pagkikita sa klase. ( MAPEH – ART Intergration)
Inihanda ni:
KRISTENE CHARIZ M. CONSIGNA
Guro
OBSERVERS:
ROSALINA A. MANTILLA
Master Teacher I
ROLANDO T. DRAMAYO
School Principal III