2. Sa matagal na panahon, ang
Athens ay itinayo sa isang burol
ng isang maalamat na nilalang na
nagngangalang Cecrops na unang
hari sa Attica. Siya ay isang
kalahating tao at kalahating ahas.
Siya ay nagpasya na tawagin
ang magandang siyudad na
Cecropia na ito ay hinango sa
kanyang pangalan na
Cecrops.
3. Ngunit ang mga Diyos ng
Olympus ay nakita ang kaibig-
ibig na piraso ng lupa at gusto
rin nila na mahango sa kanilang
pangalan at maging patron.
At ang pinaka magkalaban ay
si Poseidon ang Diyos ng
dagat at si Athena ang Diyosa
ng Karunungan.
4. Para ayusin ang kanilang alitan, si Zeus
ay nagpasya na ang bawat isa ay dapat
mag handog ng regalo sa Siyudad. At
ang mga tao sa Cecropia ay siyang
magpapasya kung sinong alay ang
pinakamaganda at kung sinong Diyos
ang magiging patron ng siyudad.
5. Pumunta si Athena at Poseidon
sa Cecropia para magkita sa hari
at sa mga mamamayan at para
mag-alay.
6. Sa magkaparehong araw na
iyon, si Cecrops at ang mga
residente ng siyudad ay
pumunta sa isang mataas na
burol upang panuorin ang
paghahandog ng mga regalo.
7. Si Poseidon ang unang nag
naghandog ng regalo. Hinampas niya
ang bato ng kanyang salapang at
nagsanhi ito ng bukal na tubig na
agad dumaloy sa lupa. Ito ay
nagpapahiwatig na sinisiguro niya na
hindi na makakaranas ang mga tao
doon ng tagtuyot. Ngunit, hindi
masyadong nasiyahan ang mga tao
dahil ang bukal na tubig ay maalat na
katulad lamang sa tubig-dagat na
pinamumunuan ni Poseidon.
8. At sumunod naman si Athena sa paghandog ng
regalo. Inihampas niya ang kanyang sibat sa
lupa at kaagad na may tumubo na puno ng
olibo. At iyon ay nagustuhan ng mga
mamamayan dahil nagbibigay ito ng pagkain,
langis, at panggatong.
9. Naghiyawan ang mga tao ng
Makita ang alay ni Athena at siya
ang idineklara na nagwagi.
10. At dahil sa alay ni Athena siya ang
naging patron sa magandang siyudad.
At ang pangalan ng siyudad ay
naihango sa pangalan ni Athena kaya
naging Athens.
11. Ginawa ni: Christine May L. Batausa BSED-
SOC.STUD.3
SOURCE:
https://www.greektraveltellers.com