SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Individual Learning sa FILIPINO 5
ISANG BAGONG SIMULA
Dear MOR
12:00PM Hanggang 1:00 pm
MGA TAUHAN :
Susan, 40, isang kawani sa UP Diliman.
Lando, 42, asawa ni Susan, kontraktwal na janitor sa UP Diliman.
Leslie, 18, panganay na anak ni Susan, nag-aaral sa UP Diliman
Linda, 28, dalaga, kasama ni Susan sa trabaho
Dexter, 19, nag-aaral sa UP, isang mamamahayag mula sa publikasyon ng
unibersidad,miyembro ng STAND-UP
Kevin, 9, bunsong anak ni Susan
Doktor
TAGAPAGSALAYSAY : Si Susan ay isang ordinaryong kawani—pinagkakasya ang
maliit na kita sa pangangailangan ng asawa at tatlong anak. Kaya namang kahit sakit ay
hindi nakahahadlang sa kanyang pagnanais na lalo pang kumayod para sa kanyang
pamilya.
LINDA : O, Ate Susan, bakit ka andito? Hindi ba’t sabi may sakit ka? Halos
‘di ka na nga makapagsalita kagabi sa telepono kagabi ah.
SUSAN : Linda naman. Alam mo namang di ko matitiis ang hindi pumasok.
Napakalaking kawalan ang isang araw na pagtigil ko sa bahay. Alam mo rin naming kulang
pa rin ang sweldo ko at ni Lando sa pabrika para makaraos kami e. Kaya bawat araw na
kita e mahalaga. Alam mo iyan. Maiintindihan mo rin ako pag nagkapamilya ka.
LINDA : Hay naku. E papatayin mo naman iyang sarili mo! Ano ka ba.
Tignan mo nga ‘yang itsura mo? Nanlalalim na yung mata mo. Nagpatingin ka na ba sa
doktor?
SUSAN : Hindi paOrdinaryong ubo lang naman ito. Tsaka, pinag-iipunan pa
namin ngayon ni Lando yung pambayad sa loan ni Leslie. Malapit na matapos ang sem.
Nanghihinayang ako sa perang magagastos sa pagpapatingin sa doktor tapos reresetahan
lang ako ng mga mamahaling gamot. Lalo lang ako magkakasakit no’n e. Lalo pa ngayon,
di naman dumating yung bigas natin. Dagdag pa iyon sa gastos. Hay. (ubo)
LINDA : Hay naku. Ewan ko sa ‘yo. Masyado mo nang inaabuso iyang
katawan mo. Hay. Kung ibinibigay na kasi sana sa atin yung 10-day sick leave, e di sana
makakapagpahinga ka ng kahit isang araw nang walang iniisip na mababawas sa sahod
mo.
SUSAN : Umasa na lang tayo na sana nga (ubo) ibigay na sa atin yun.
GURO : Susan, i-type mo ito tapos isend mo dito. Kailangan iyan ngayong
tanghali. Pakibilis na lang. Tapos pakidala na rin ng projector sa class ko after 30 minutes.
Okay? Wag mo kalimutan iyan. Importante yan
SUSAN : Okey po ma’am. (Ubo)
GURO : at yung lunch ko pala mamaya ha, alam mo naman kung saan
bibilhin. May meeting lang ako kay dean.
LINDA : (pabulong) grabe naman makapag-utos. Parang di nakikitang may
sakit yung tao.
SUSAN : Hayaan mo na. (ubo) sige, sisimulan ko na ‘to. At bumalik ka na rin
dun sa pwesto mo.
TAGAPAGSALAYSAY : Pinilit ni Susan ang magtrabaho sa kabila ng kanyang
kalagayan. Subalit sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho..
LINDA : Ate Su—Susan! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Ate Susan! Gumising ka!
TAGAPAGSALAYSAY : Dinala si Susan sa ospital ng kaibigan. Dumating ang
kaniyang pamilya at doon nila nalaman ang tunay na kalagayan ni Susan.
DOKTOR : Bakit ngayon ninyo lang siya dinala? She’s been suffering from
her illness for quite some time.
LANDO : Dok, ano po bang sakit niya?
DOKTOR : She has lung cancer. Stage 3 na at kumakalat na rin yun sa mga
katabi pang organ. Pwede nating subukang operahan siya pero hindi natin sigurado kung
kakayanin niya, lalo na ng puso niya na medyo apektado na rin ng cancer.
LANDO : (Nanginginig ang boses) Dok, pakiusap. Gawin ni’yo po ang
magagawa ni’yo para iligtas ang asawa ko. Nakikiusap po ako.
DOKTOR : Ipinapaalala ko lang na ang operasyong ito ay walang
kasiguraduhan. Maaari po nating subukan but I cannot assure you na maililigtas natin siya.
TAGAPAGSALAYSAY : Mahigit isandaang libo ang hiningi ng operasyon. At kahit
walang hawak na pera ay sumugal si Lando para sa kaligtasan ng asawa. Subalit..
DOKTOR : Mister, ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na hindi kami
nagtagumpay. Hindi na niya kinaya. Pasensiya na po.
LANDO : Hindi totoo yan. Hindi! Susan!
TAGAPAGSALAYSAY : Hirap man ay tinanggap rin ng pamilya ni Susan ang kaniyang
sinapit. Isang gabi ng burol ni Susan, may isang estudyanteng nagsusulat para sa
pahayagan ng mga estudyante UP na dumating. Sinasabing miyembro siya ng isang
organisasyon na nagsusulong ng karapatan ng estudyante.
DEXTER : Ako po si Dexter mula sa STAND-UP. Nakikiramay po ako at ang
aming samahan sa sinapit ni Ate Susan. Nakita ko po ang naging kontribusyon niya sa
aming departamento kaya naman malaki ang pagpapasalamat naming sa kaniya.
LANDO : Salamat iho. Natutuwa ako na makarinig ng mga salitang ganyan
tungkol sa aking asawa. Naniniwala akong hindi naman nasayang ang sampung taon
niyang pamamalagi sa unibersidad dahil kahit paano’y natulungan niya kayo.
DEXTER : Opo. Sobra. Sayang nga lamang at wala na siya.
LESLIE : Kahit masakit para sa amin, natutunan na rin naming ang maging
masaya para sa kaniya. Nakita rin naming ang naging paghihirap niya. At least ngayon,
okey na si mama. Nakakapagpahinga na siya.
KEVIN : Papa, andiyan po si Tita Linda.
LANDO : O Linda. Halika dito. May isang estudyante dito na galing daw sa
department ninyo. Si Dexter.
LINDA : Ah oo, parang nakikita nga kita. Buti napadalaw ka?
DEXTER : Nang marinig po kasi naming yung nangyari kay Ate Susan,
nalungkot po kami. Bilang miyembro po ng STAND-UP, malaki po ang pagkilala naming sa
mga kawani at sinusuportahan naming ang laban ninyo para inyong mga benepisyo. Alam
po namin ang mga hinaing ninyo at mga karapatang di nakukuha. Kaya naman alam namin
ang hirap ng sitwasyon ninyo at lubos po ang aming pakikiramay sa pagkawala ni Ate
Susan.
LINDA : Salamat sa mga estudyanteng gaya mo na may pakialam sa aming
di naman itinuturing na mahalaga ang papel sa unibersidad. Nakakatuwang isipin na isa ka
sa mga kabataang sumusuporta sa amin. Hay. Kung sana lang nakukuha naming ang mga
benepisyo namin, hindi siguro masyadong mabigat ang buhay para sa amin, lalo na sa mga
gaya ni Ate Susan na may pamilyang binubuhay. Kaso wala. Umaasa na lang kami sa
kakarampot na sweldo tuwing kinsenas at katapusan para mabuhay. Yung mga
benepisyong inaasahan naming makuha e ‘di dumarating.
LANDO : Gano’n naman ang sistema dito sa atin. Kapag maliit ka,
binabalewala ka lang. Mahirap na nga, lalo pang pinapahirapan.
DEXTER : Naiintindihan po naming kayo. Kaya naman po patuloy ang
pakikiisa ng grupo naming sa All UP Workers Union sa pagsusulong ng pantay na
karapatan para sa mga kawani.
LANDO : Talaga? Naku, salamat nang marami. Hindi ko akalaing may mga
katulad ninyo pa lang nagmamalasakit sa mga gaya ng asawa ko. Maari ba akong
sumama? Sabi nga nila, lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan. At ang pagkawala
siguro ni Susan ang hudyat na dapat na rin akong makialam at ipaglaban ang aking
karapatan.
DEXTER : Aba, oo naman po! Malugod naming tatanggapin ang inyong
pakikiisa! Sama-sama po nating ipaglalaban ang ating mga karapatan.
LINDA : Hoy, Lando, sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?
LANDO : Oo, Linda. Dahil kay Susan, gusto ko na ring makiisa sa laban
ninyo para sa inyong mga karapatan. Nakita mo ang hirap ni Susan. At alam kong marami
pang kagaya niya, kagaya ninyo. Kaya ito na siguro ang pagkakataon ko para palitan ang
mga sakripisyo ni Susan noon. Para ‘to sa kaniya. At sa inyo na rin.
LINDA : Kung gano’n.. sasama ako! Sasali na rin ako!
DEXTER : Naku, maganda po iyan. Asahan po ninyo ang aming suporta’t
pakikiisa. Sama-sama nating igigiit ang ating mga karapatan. At ipagdarasal rin po namin
ang inyong pamilya, Mang Lando.
LANDO : Salamat iho.
TAGAPAGSALAYSAY : Humaba ang gabi para sa tatlo. Pinag-usapan nila ang mga
alaala ni Susan, gayon na rin ang kanilang mga plano. Tunay ngang nakahanap sila ng
kakampi sa bawat isa. At napatunayan nilang ang bawat pagtatapos ay isang panibagong
simula at ang bawat pamamaalam, hatid ay bagong pag-asa.
Wakas......

More Related Content

More from Saint Michael's College Of Laguna (9)

Pananaliksik @archieleous
Pananaliksik @archieleousPananaliksik @archieleous
Pananaliksik @archieleous
 
Morpolohiyaaaaaa @archieleous
Morpolohiyaaaaaa @archieleousMorpolohiyaaaaaa @archieleous
Morpolohiyaaaaaa @archieleous
 
Masusing banghay aralin-sa_filipino @archieleous
Masusing banghay aralin-sa_filipino @archieleousMasusing banghay aralin-sa_filipino @archieleous
Masusing banghay aralin-sa_filipino @archieleous
 
Kontekstwalisasyon at lokalisasyon ng assignaturang filipino
Kontekstwalisasyon at lokalisasyon ng assignaturang filipinoKontekstwalisasyon at lokalisasyon ng assignaturang filipino
Kontekstwalisasyon at lokalisasyon ng assignaturang filipino
 
Field study 3 anwsers
Field study 3 anwsersField study 3 anwsers
Field study 3 anwsers
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
 
Assesssssttmmmeeennnttt
AssesssssttmmmeeennntttAssesssssttmmmeeennnttt
Assesssssttmmmeeennnttt
 
Ang kalupi suring basa
Ang kalupi suring basaAng kalupi suring basa
Ang kalupi suring basa
 
A green innovations
A green innovationsA green innovations
A green innovations
 

Recently uploaded

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 

Recently uploaded (20)

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 

Individual learning sa filipino 5

  • 1. Individual Learning sa FILIPINO 5 ISANG BAGONG SIMULA Dear MOR 12:00PM Hanggang 1:00 pm
  • 2. MGA TAUHAN : Susan, 40, isang kawani sa UP Diliman. Lando, 42, asawa ni Susan, kontraktwal na janitor sa UP Diliman. Leslie, 18, panganay na anak ni Susan, nag-aaral sa UP Diliman Linda, 28, dalaga, kasama ni Susan sa trabaho Dexter, 19, nag-aaral sa UP, isang mamamahayag mula sa publikasyon ng unibersidad,miyembro ng STAND-UP Kevin, 9, bunsong anak ni Susan Doktor TAGAPAGSALAYSAY : Si Susan ay isang ordinaryong kawani—pinagkakasya ang maliit na kita sa pangangailangan ng asawa at tatlong anak. Kaya namang kahit sakit ay hindi nakahahadlang sa kanyang pagnanais na lalo pang kumayod para sa kanyang pamilya. LINDA : O, Ate Susan, bakit ka andito? Hindi ba’t sabi may sakit ka? Halos ‘di ka na nga makapagsalita kagabi sa telepono kagabi ah. SUSAN : Linda naman. Alam mo namang di ko matitiis ang hindi pumasok. Napakalaking kawalan ang isang araw na pagtigil ko sa bahay. Alam mo rin naming kulang pa rin ang sweldo ko at ni Lando sa pabrika para makaraos kami e. Kaya bawat araw na kita e mahalaga. Alam mo iyan. Maiintindihan mo rin ako pag nagkapamilya ka. LINDA : Hay naku. E papatayin mo naman iyang sarili mo! Ano ka ba. Tignan mo nga ‘yang itsura mo? Nanlalalim na yung mata mo. Nagpatingin ka na ba sa doktor? SUSAN : Hindi paOrdinaryong ubo lang naman ito. Tsaka, pinag-iipunan pa namin ngayon ni Lando yung pambayad sa loan ni Leslie. Malapit na matapos ang sem. Nanghihinayang ako sa perang magagastos sa pagpapatingin sa doktor tapos reresetahan lang ako ng mga mamahaling gamot. Lalo lang ako magkakasakit no’n e. Lalo pa ngayon, di naman dumating yung bigas natin. Dagdag pa iyon sa gastos. Hay. (ubo) LINDA : Hay naku. Ewan ko sa ‘yo. Masyado mo nang inaabuso iyang katawan mo. Hay. Kung ibinibigay na kasi sana sa atin yung 10-day sick leave, e di sana makakapagpahinga ka ng kahit isang araw nang walang iniisip na mababawas sa sahod mo. SUSAN : Umasa na lang tayo na sana nga (ubo) ibigay na sa atin yun.
  • 3. GURO : Susan, i-type mo ito tapos isend mo dito. Kailangan iyan ngayong tanghali. Pakibilis na lang. Tapos pakidala na rin ng projector sa class ko after 30 minutes. Okay? Wag mo kalimutan iyan. Importante yan SUSAN : Okey po ma’am. (Ubo) GURO : at yung lunch ko pala mamaya ha, alam mo naman kung saan bibilhin. May meeting lang ako kay dean. LINDA : (pabulong) grabe naman makapag-utos. Parang di nakikitang may sakit yung tao. SUSAN : Hayaan mo na. (ubo) sige, sisimulan ko na ‘to. At bumalik ka na rin dun sa pwesto mo. TAGAPAGSALAYSAY : Pinilit ni Susan ang magtrabaho sa kabila ng kanyang kalagayan. Subalit sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho.. LINDA : Ate Su—Susan! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Ate Susan! Gumising ka! TAGAPAGSALAYSAY : Dinala si Susan sa ospital ng kaibigan. Dumating ang kaniyang pamilya at doon nila nalaman ang tunay na kalagayan ni Susan. DOKTOR : Bakit ngayon ninyo lang siya dinala? She’s been suffering from her illness for quite some time. LANDO : Dok, ano po bang sakit niya? DOKTOR : She has lung cancer. Stage 3 na at kumakalat na rin yun sa mga katabi pang organ. Pwede nating subukang operahan siya pero hindi natin sigurado kung kakayanin niya, lalo na ng puso niya na medyo apektado na rin ng cancer. LANDO : (Nanginginig ang boses) Dok, pakiusap. Gawin ni’yo po ang magagawa ni’yo para iligtas ang asawa ko. Nakikiusap po ako. DOKTOR : Ipinapaalala ko lang na ang operasyong ito ay walang kasiguraduhan. Maaari po nating subukan but I cannot assure you na maililigtas natin siya. TAGAPAGSALAYSAY : Mahigit isandaang libo ang hiningi ng operasyon. At kahit walang hawak na pera ay sumugal si Lando para sa kaligtasan ng asawa. Subalit..
  • 4. DOKTOR : Mister, ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na hindi kami nagtagumpay. Hindi na niya kinaya. Pasensiya na po. LANDO : Hindi totoo yan. Hindi! Susan! TAGAPAGSALAYSAY : Hirap man ay tinanggap rin ng pamilya ni Susan ang kaniyang sinapit. Isang gabi ng burol ni Susan, may isang estudyanteng nagsusulat para sa pahayagan ng mga estudyante UP na dumating. Sinasabing miyembro siya ng isang organisasyon na nagsusulong ng karapatan ng estudyante. DEXTER : Ako po si Dexter mula sa STAND-UP. Nakikiramay po ako at ang aming samahan sa sinapit ni Ate Susan. Nakita ko po ang naging kontribusyon niya sa aming departamento kaya naman malaki ang pagpapasalamat naming sa kaniya. LANDO : Salamat iho. Natutuwa ako na makarinig ng mga salitang ganyan tungkol sa aking asawa. Naniniwala akong hindi naman nasayang ang sampung taon niyang pamamalagi sa unibersidad dahil kahit paano’y natulungan niya kayo. DEXTER : Opo. Sobra. Sayang nga lamang at wala na siya. LESLIE : Kahit masakit para sa amin, natutunan na rin naming ang maging masaya para sa kaniya. Nakita rin naming ang naging paghihirap niya. At least ngayon, okey na si mama. Nakakapagpahinga na siya. KEVIN : Papa, andiyan po si Tita Linda. LANDO : O Linda. Halika dito. May isang estudyante dito na galing daw sa department ninyo. Si Dexter. LINDA : Ah oo, parang nakikita nga kita. Buti napadalaw ka? DEXTER : Nang marinig po kasi naming yung nangyari kay Ate Susan, nalungkot po kami. Bilang miyembro po ng STAND-UP, malaki po ang pagkilala naming sa mga kawani at sinusuportahan naming ang laban ninyo para inyong mga benepisyo. Alam po namin ang mga hinaing ninyo at mga karapatang di nakukuha. Kaya naman alam namin ang hirap ng sitwasyon ninyo at lubos po ang aming pakikiramay sa pagkawala ni Ate Susan. LINDA : Salamat sa mga estudyanteng gaya mo na may pakialam sa aming di naman itinuturing na mahalaga ang papel sa unibersidad. Nakakatuwang isipin na isa ka sa mga kabataang sumusuporta sa amin. Hay. Kung sana lang nakukuha naming ang mga benepisyo namin, hindi siguro masyadong mabigat ang buhay para sa amin, lalo na sa mga gaya ni Ate Susan na may pamilyang binubuhay. Kaso wala. Umaasa na lang kami sa
  • 5. kakarampot na sweldo tuwing kinsenas at katapusan para mabuhay. Yung mga benepisyong inaasahan naming makuha e ‘di dumarating. LANDO : Gano’n naman ang sistema dito sa atin. Kapag maliit ka, binabalewala ka lang. Mahirap na nga, lalo pang pinapahirapan. DEXTER : Naiintindihan po naming kayo. Kaya naman po patuloy ang pakikiisa ng grupo naming sa All UP Workers Union sa pagsusulong ng pantay na karapatan para sa mga kawani. LANDO : Talaga? Naku, salamat nang marami. Hindi ko akalaing may mga katulad ninyo pa lang nagmamalasakit sa mga gaya ng asawa ko. Maari ba akong sumama? Sabi nga nila, lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan. At ang pagkawala siguro ni Susan ang hudyat na dapat na rin akong makialam at ipaglaban ang aking karapatan. DEXTER : Aba, oo naman po! Malugod naming tatanggapin ang inyong pakikiisa! Sama-sama po nating ipaglalaban ang ating mga karapatan. LINDA : Hoy, Lando, sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? LANDO : Oo, Linda. Dahil kay Susan, gusto ko na ring makiisa sa laban ninyo para sa inyong mga karapatan. Nakita mo ang hirap ni Susan. At alam kong marami pang kagaya niya, kagaya ninyo. Kaya ito na siguro ang pagkakataon ko para palitan ang mga sakripisyo ni Susan noon. Para ‘to sa kaniya. At sa inyo na rin. LINDA : Kung gano’n.. sasama ako! Sasali na rin ako! DEXTER : Naku, maganda po iyan. Asahan po ninyo ang aming suporta’t pakikiisa. Sama-sama nating igigiit ang ating mga karapatan. At ipagdarasal rin po namin ang inyong pamilya, Mang Lando. LANDO : Salamat iho. TAGAPAGSALAYSAY : Humaba ang gabi para sa tatlo. Pinag-usapan nila ang mga alaala ni Susan, gayon na rin ang kanilang mga plano. Tunay ngang nakahanap sila ng kakampi sa bawat isa. At napatunayan nilang ang bawat pagtatapos ay isang panibagong simula at ang bawat pamamaalam, hatid ay bagong pag-asa. Wakas......