3. Yamang Likas ng Asya
Sagana sa iba’t ibang uri ng yamang likas ang Asya. Ito
ay dulot na rin ng katangiang heograpikal ng kontinte.
May mga rehiyong sagana sa yamang mineral habang
ang ilang lugar ay pinagpala ng malusog na lupa na
angkop sa agrikultura. Ilang mga rehiyon ay pinagpala
ng mga mayayabong na kagubatan at yamang tubig.
4. Timog-Kanlurang Asya
Langis ang pangunahing likas na
yaman ng rehiyon. Ang malalaking
balon ng langis ng rehiyon ay
makikita sa mga bansang Bahrain,
Iran, Iraq, Kuwait, Oman, Qatar at
Saudi Arabia.
5. Ang mga lugar ng rehiyon na malapit sa mga anyong
tubig at madalas ulanin ay nililinang sa pagsasaka at
paghahayupan. Ilan sa mga pananim sa rehiyon ay
dates, sibuyas, trigo, barley, mais, hazel nut, at mga
prutas tulad ng ubas at peras. Ang ibang lupain ay
ginagamit sa pastulan ng tupa, baka at kambing.
6. Timog Asya
Malawak ang mayayamang lupain ng Timog-Asya
na angkop sa pagsasaka. Ang lambak Ganges ay
isa sa mga pinakamatabang bahagi sa India dahil
sa alluvial soil. Samantalang maliit lamang ang
matabang lupa sa Afghanistan, Bangladesh,
Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka na
tanging 30% lamang ng pangkalahatang lupa ang
binubungkal.
7. Timog Asya
Karaniwang itinatanim sa rehiyon ang barley, mais,
palay, trigo, oilseed, jute, kape, patatas, kamote, bulak,
kasoy, at iba pang sangkap pampalasa tulad ng chili,
cinnamon, pepper, at cloves.
Kilala ang Afghanistan sa pag-aalaga ng tupang
karakul at ang Bangladesh ng baka. Mayaman ang mga
karagatan at dagat ng Timog-Asya sa tuna, dilis, hipon,
mackerel at salmon.
8. Timog-Silangang Asya
Sagana sa likas na yaman ang rehiyon. Nagtataglay ito ng
malalawak at makakapal na kagubatan. Ang mga kagubatan ay may
sari-saring uri ng puno tulad ng teak, goma, cinchona, acacia, niyog,
palm, apitong, yakal, lawaan, kamagong, ipil, pulang narra at mayapis.
Mayaman rin sa iba’t ibang uri ng mineral ang rehiyon. Ilan sa mga ito
ay ang langis mula sa Brunei, natural gas mula sa Indonesia,
tanso mula sa Pilipinas at iba pa. Ang lupa at klima nito ay mainam
sa pagsasaka at paghahayupan. Maliban sa palay na pangunahing
pananim, kilala rin ang rehiyon sa mga pananim na mais, sesame,
bulak, trigo, mani, soybean, niyog,cacao, kape, abakaa, at mga
punong namumunga.
9. Silangang Asya
Ang mga sakahan ng Silangang Asya ay makikita sa mga
talampas, kapatagan, gilid ng bundok, lupaing praire sa
Mongolia, mga lambak na dinadaluyan ng ilog Yangtze at
Mongolian steppe. Ang pinakamahalagang pananim ng
rehiyon ay palay at iba pang pananim ay trigo, mais, oats,
kaoliang, beets, patatas, repolyo, soybean, bawang, red
beans, at prutas tulad ng ubas, peras, at peach. Ang mga
hayop na ginagamit sa hanapbuhay ay kalabaw, kamelyo,
kabayo, buriko, at yak. Ang mga dagat ng rehiyon ay
mayaman sa flounder, cod, tuna, sea crab, at prawn. Ang mga
ilog ay hitik sa carp, sturgeon, at hito.
10. Hilagang Asya
Karaniwang makikita ang mga
sakahan ng Hilagang Asya sa mga ilog-
lambak, sa gilid ng mga burol at gilid ng
mga bundok. Palay, trigo, barley, bulak,
gulay, tabako, sugar beets, sibuyas,
ubas, at mansanas ang mga karaniwang
pananim sa rehiyon.
11. Isyu at Suliraning Pangkapaligiran sa
Asya
Ang mga pangunahing suliraning pangkapaligiran
kinakaharap ng Asya ay urban excess, deforestation at
pang-aabuso sa lupa, limitadong pinagkukunan ng
malinis na tubig, overfishing, global warming, at
polusyon sa hangin. Ang mga pangunahing sanhi ng
mga naturang suliraning pangkapaligiran ay may
malaking kaugnayan sa mabilis na pag-unlad ng
ekonomiya, mabilis na paglaki ng populasyon at
kawalang malasakit sa mga isyung pangkapaligiran.