1. Liham Pangkaibigan
Ang liham pangkaibigan ay madalas gamitin ng dalawang
tao o iyong magkakilala para sa kanilang komunikasyon. Ito
ay kapaki-pakinabang upang magkaroon ng maraming
kaibigan at mapalawak pa ang pagkakaibigan.
2. Mayroon Mga Bahagi ang Liham ng
Pagkakaibigan:
1. Pamuhatan - Ang pamuhatan ay naglalaman ng address o petsa kung kailan
isinulat ang liham. Kadalasan, kung petsa lamang, ito ay makikita sa gawing
kanan ng liham sa pinaka-itaas na parte.
2. Bating Panimula – dito nakasulat ang pangngalan ng sinusulatan.
3. Katawan ng Liham – dito nakasulat ang mensahe o layunin ng sumulat.
4. Bating Pangwakas – ito ang nagsasabi ng pagwawakas ng sumulat.
5. Lagda – ito ang pangalan o palayaw ng sumulat.
3.
4. Mga Uri ng Liham Pangkaibigan
1. Liham ng Pangangamusta – ito ay naglalayon na kamustahin ang kalagayan
o kondisyon ng isang kaibigano kakilala.
2. Liham Paanyaya – ito ay ipinadadala upang mag-anyaya para sa anumang
mahalgang okasyon.
3. Liham ng Pagtanggap o Pagtanggi – ito ay pagtugon mula sa tinanggap na
paanyaya.
4. Liham ng Pasasalamat – uri ng liham kung saan ang sumulat ay
nagpapasalamat sa mga bagay o tulong na natatanggap.
5. Liham ng Paghingi ng Paumanhin – ito ay naglalayong humingi ng
paumanhin sa mga nagawang mali. Ginagamit din ito sa pagliban sa klase.
6. Liham ng Pakikiramay – ginagamit upang makiramay makisimpatya sa mg di
magandang pangyayari.
7. Liham ng Pagbati – ito ay angkop sa pagpapaabot ng pagbati sa anumang
tagumpay na nakamit o mahahalagang okasyon.