SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
Raizza P. Corpuz ©
MAIKLING TALAMBUHAY NI JOSE PROTACIO RIZAL
(Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo)
ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861)
BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896)
Mga Magulang: FRANCISO MERCADO at TEODORA ALONSO (“Z” sa ibang aklat)
Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik);Lakandula, sa panig ng
ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah
Sulayman ng Maynila)
Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
Ninong: Padre Pedro Casañas
Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto
sa karapatan ng ibang tao)
Buong Pangalan: (Complete name) Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda
Jose Protacio - first name
Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa
lupa ni Hesukristo
Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo
19)
Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang
Español
Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo
(kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang
apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng
trigo/green fields of barley)
Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal
Realonda: middle name ng kanyang ina noong dalaga pa; galing sa lola ni Rizal
Raizza P. Corpuz ©
Mga kapatid:
1. Saturnina
2. Paciano – tanging lalaking kapatid ni Jose; tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose sa Europa;
naging heneral ng Hukbo ng Rebolusyong Pilipino
3. Narcisa
4. Olympia – namatay sa 13 oras na panganganak
5. Lucia
6. Maria
7. Concepcion – kasunod ni Jose; namatay sa sakit sa edad na 3 taon
8. Josefa – naging pangulo ng pangkababaihang grupo ng Katipunan
9. Trinidad – tinuruan ni Jose ng Ingles; pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng teksto ng Mi
Ultimo Adios
10. Soledad
Unang guro: ang kanyang ina (nagturo ng alpabetong Kastila/abecedario; pagdarasal sa Latin at
panimulang pagbasa)
Unang pighating naranasan: pagkamatay ni Concepcion (Concha) na lagi niyang kalaro
Unang tulang sinulat: “Sa Aking mga Kabata” (sinulat sa Tagalog; tungkol sa pagmamahal sa
sariling wika; 8-taong gulang siya noon)
Mga Tiyuhing Nakaimpluwensya:
1. Tiyo Manuel – palakasan/sports
2. Tiyo Gregorio – pag-ibig sa aklat
3. Tiyo Jose Alberto – husay sa sining/art
Unang guro sa pormal na edukasyon: Justiniano Aguino-Cruz (paaralan sa Biñan, Laguna)
Unang Kawalang-katarungang dinanas ng pamilya Rizal: pagkakulong ni Doña Teodora dahil sa
walang basehan na paratang ng paglason sa hipag/sister-in-lawniya
Pangyayaring nagmulat kay Rizal sa kawalang-katarungan sa Pilipinas:Pagbitay sa Gomburza
(Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora; tatlong Pilipinong pari na nagsusulong sa
Pilipinisasyon ng mga parokya; idiniin o i-friname-up sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872)
Raizza P. Corpuz ©
Buhay-High School: sa Ateneo Municipal (nasa loob ng Intramuros, Maynila noon; paboritong
paaralan ni Jose; pinatatakbo ng mga Heswita/Jesuit
Tulang sinulat sa paglaya ng ina: “Mi Primera Inspiracion” (My First Inspiration/Ang Una Kong
Inspirasyon)
Unang Guro sa Ateneo: Padre Jose Bech
Paboritong Guro sa Ateneo: Padre Francisco Sanchez (humikayat sa kanya na ipagpatuloy ang
pagsusulat)
1877: Nagtapos sa Ateneo; sobresaliente o excellent ang marka sa lahat ng asignatura;
tumanggap ng diplomang Bachiller en Artes (katumbas ng high school diploma ngayon)
Abril 1877: Pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) para magkolehiyo; pinatatakbo ng
mga Dominikano/Dominicans; kumuha ng Pilosopiya at Letra sa unang taon batay sa gusto ng
ama; lumipat sa Medisina nang sumunod na taon, batay sa payo ni Padre Pablo Ramon, rektor
ng Ateneo
Tulang nagwagi ng unang gantimpala – 1879 : “A la Juventud Filipina” (Sa Kabataang
Pilipino/To The Filipino Youth); dito binigyang-diin ni Jose na ang mga kabataan ang pag-asa ng
bayan
Dulang nagwagi ng unang gantimpala: “El Consejo de los dioses” (Ang Pulong ng mga
diyos/The Council of the gods); tungkol sa pag-aaway-away ng mga diyos at diyosa sa Bundok
Olimpo sa kung sino kina Homer (Griyegong/Greek sumulat ng “Iliad” at “Odyssey”), Virgil
(nagsulat sa Latin ng “Aeneid”) at Miguel de Cervantes (Kastilang nagsulat ng “Don Quijote de la
Mancha”) ang pinakamahusay; nagwagi ito sa patimpalak/contest na inorganisa ng Liceo
Artistico Literario de Manila para sa paggunita sa ika-400 taong kamatayan ni Cervantes
1880: Hinampas ng espada ng isang gwardya sibil; nagreklamo kay Gob. Hen. Primo de
Rivera pero walang nangyari
1882: Nagpasyang sa ibang bansa na lang mag-aral dahil:
1. Di gaanong mahusay ang pagtuturo sa UST noon
2. May diskriminasyon sa UST; minamaliit ang mga Pilipino
3. Galit sa kanya ang mga Dominikano dahil sa pagtatatag niya
ngCompañerismo (kapatiran/fraternity ng mga Pilipino)
Raizza P. Corpuz ©
4. Gusto niyang gamutin ang mata ng ina (mas maganda ang turo sa Europa)
Mayo 1882: naglakbay papuntang Europa, mula sa Maynila
Ruta mula Maynila (sa pamamagitan ng barko/ship):
1. Singapore
2. Colombo, Sri Lanka
3. Aden, Yemen
4. terminal sa Suez Canal (Ehipto/Egypt)
5. Italya
6. Pransya
7. Espanya (dumating: Hunyo 1882)
Unang sinulat sa Europa: Sanaysay/essay na “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Bayan o Love of
Country); gumamit ng sagisag-panulat o pen name na Laong Laan(“matagal nang inalay”)
isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar, na gumamit naman ng pen name na Dolores
Manapat; lumabas sa “Diariong Tagalog”(unang dyaryong Tagalog sa Pilipinas)
Nobyembre 1882: Pumasok sa Universidad Central de Madrid/UCM; kumuha ng kursong
Pilosopiya at Letra at Medisina; habang nasa UCM ay umanib siya sa“Circulo Hispano-
Filipino” at sa Masonerya o Freemasonry
Talumpati sa Madrid: binigkas sa karangalan nina Juan Luna at Felix Resureccion-Hidalgo, 2
pintor na Pilipinong nagwagi sa Pambansang Eskposisyon sa Sining (ng Espanya) para sa “La
Spolarium” at “Virgenes Expuestas Al Populacho,” na parehong masining na tumuligsa sa
masamang pamamahala ng mga Kastila
1884: Binigyan ng lisensya sa medisina; bago pumunta sa Paris, dinalaw muna ang mga kaibigan
niyang sina Maximo Viola at Pardo de Tavera na nasa Barcelona
1885: Pumunta sa Paris, Pransya upang magsanay sa klinika ni Dr. Louis de Weckert; naging
bahagi ng “La Solidaridad” (dyaryo ng Kilusang Propaganda)
Sa Alemanya/Germany:
Nakilala si Prof. Ferdinand Blumentritt (Austrian na ethnologist na nananaliksik tungkol sa
wikang Tagalog) na siya niyang naging pinakamatalik na kaibigan/best friend
Raizza P. Corpuz ©
Nagsanay sa ospital na pangmata ng University of Heidelberg sa pamamahala ni Dr. Otto
Becker
Habang nasa Heidelberg, sinulat ang tulang “A las Flores del Heidelberg”(Sa Mga Bulaklak ng
Heidelberg/To the Flowers of Heidelberg); nagpapakita ng pangungulila sa sariling bayan
Tinapos at pinalimbag ang “Noli Me Tangere” sa Alemanya; pinautang siya ng pera
ni Maximo Viola (kaibigan niyang taga-San Miguel, Bulacan) para sa pagpapalimbag ng unang
2,000 kopya/sipi ng Noli; bago umuwi sa Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga Pilipino sa
nobela, ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo Viola
Unang Pagbalik sa Pilipinas:
Nanggamot at naging makatarungan sa paniningil (depende sa katayuan o status ng pasyente
ang singil); nakilala bilang Dr. Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya)
Pinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero; pinag-iingat siya nito sa mga tumutuligsa sa Noli;
binigyan siya ng gwardya (Jose Taviel de Andrade)
Tinuligsa ng mga prayle ang Noli: sumulat ng liham-pastoral si Padre Jose Rodriguez na
pinamagatang “Caiingat Cayo” (Mag-ingat kayo/Beware!); pinag-iingat at pinagbabawalan niya
ang mga tao na basahin ang sinulat ni Jose na diumano’y subersibo (laban sa gobyerno)
at heretikal (kontra sa Simbahan)
Sinagot ni Marcelo H. del Pilar ng “Caiigat Cayo” (Maging Igat Kayo/Be Like Eels) ang batikos
ni Rodriguez; pinayuhan niya ang mga tao na maging parang igat/eel (isang uri ng madulas na
isdang mahirap hulihin) ang mga tao upang di sila mabitag o ma-trap sa kasinungalingan ng mga
prayleng galit kay Rizal
Ipinagtanggol din ni Padre Vicente Garcia si Rizal
Nagpasya si Rizal na muling maglakbay sa ibang bansa upang mas malayang makakilos (sa
Pilipinas, mahirap magsulat o bumatikos dahil malakas ang impluwensya ng mga prayle)
Ikalawang Paglalakbay ni Jose Rizal (mula Maynila):
1. Hong Kong – pumasyal sa mga Pilipinong taga-roon na gaya ni Jose Maria Basa na tumulong sa
pagpupuslit o pagi-smuggle ng mga kopya ng Noli
2. Hapon – nakilala niya rito si O-Sei-San
Raizza P. Corpuz ©
3. Estados Unidos – nabiktima sila ng diskriminasyon; “bansang malaya ngunit para lamang sa
mga puti,” ayon kay Rizal
4. Londres/London, Gran Britanya/Great Britain – nanaliksik sa malaking aklatan para ihanda ang
anotasyon sa “Sucesos de las Islas Pilipinas”(Mga Pangyayari sa Kapuluan ng Pilipinas/Events in
the Philippine Islands) ni Dr. Antonio de Morga; ang aklat na ito ay nagpapatunay na may
sibilisasyon na ang mga Pilipino nang abutan o madatnan sila ng mga Kastila; dito rin niya
sinulat ang “Liham sa mga Kababaihang Taga-Malolos” (Malolos, Bulacan; sinulatan niya ang
mga babaeng taga-rito para ipakita ang kanyang paghanga at pagsuporta sa kanilang layunin na
magpatayo ng paaralang pambabae roon)
5. Sa Belhika/Belgium – dito inilimbag (sa Ghent, Belgium) ang “El Filibusterismo,” ang
karugtong/ sequel ng Noli Me Tangere; ang El Fili ay inalay niya sa Gomburza; pinautang siya
ni Valentin Ventura upang ito’y ipalimbag
6. Sa Hong Kong ulit – para manggamot at makipagkita sa buong pamilya Rizal (dito sila
nagpasko; kapapalayas pa lamang ng pamilya nila at ng iba pang pamilya ng mga magsasaka sa
asyenda/hacienda ng mga Dominikano sa Calamba, Laguna; ayaw na kasing magbayad ng upa ni
Don Francisco dahil sobrang taas na ang sinisingil); sandaling nanggamot din si Jose sa Hong
Kong; habang narito, sumulat din siya kay Gob. Hen. Eulogio Despujol upang hilingin dito na
dalhin o i-resettle ang mga taga-Calamba sa Sabah/North Borneo (ito ang tinawag ni Rizal
na “Proyekto ng Kolonisasyon ng Borneo” na ibinasura lang si Despujol)
Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas: Bakit nagpasyang bumalik?
1. Para mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang Propaganda (nag-away-away sila noon sa Europa
kung sino ang dapat maging pangulo nila, si Rizal o si del Pilar; umalis na lang si Rizal para
maresolba ito)
2. Kakausapin niya si Despujol para alamin kung magbabago pa ang pasya nito
3. Itatatag niya “La Liga Filipina” (Ang Liga ng mga Pilipino/League of Filipinos) sa Pilipinas
Mga Nangyari sa Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas:
Raizza P. Corpuz ©
1. Itinatag niya “La Liga Filipina” noong Hulyo 2, 1892 sa bahay ni Doroteo Onjungco sa Tondo,
Maynila (ang La Liga ay samahang sibiko para sa mga Pilipino na layuning magsulong ng mga
reporma sa Pilipinas); isa siAndres Bonifacio sa mga orihinal na kasapi ng La Liga
2. Limang araw pagkatatag ng La Liga (Hulyo 7), ipinatapon (in-exile) si Rizal sa Dapitan,
Zamboanga dahil sa mga sumusunod na dahilan:
a. May nakuhang sipi ng “Pobres Frailes” sa unan ni Lucia (kapatid na kasama niya sa
paglalakbay); ang babasahing ito’y anti-prayle/ kontra sa Simbahan (malamang na inilagay
lamang ito sa bagahe ng magkapatid)
b. Inalay ni Rizal ang “El Filibusterismo” sa Gomburza, kaya’t ito’y subersibo
c. Diumano’y (allegedly) iligal daw ang La Liga Filipina
3. Hulyo 7, 1892 din: itinatag ni Andres Bonifacio at ng ilan pang kasapi ng La Liga Filipina,
ang KKK/Katipunan (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan/
Supreme and Most Respectable Organization of the Sons of the Motherland) para simulan ang
sikretong pag-oorganisa na hahantong sa armadong pag-aalsa/rebolusyon para mapatalsik ang
mga Kastila at makapagtayo ng demokratikong gobyernong pinatatakbo ng mga Pilipino (para
sa kanila, ang pagkapatapon ni Rizal ay senyales na wala nang pag-asa ang reporma sa ilalim ng
mga Kastila at kung gayon, wasto na ang magrebolusyon)
Mga Nangyari sa Dapitan
1. Nagtayo siya ng paaralan para sa mga batang lalaki
2. Nagtayo ng patubig/irrigation system para sa mga magsasaka at mamamayang taga-Dapitan
3. Nakipagdebate (sa sulat) kay Padre Ramon Pastells (isang Heswita) tungkol sa mga usaping
panrelihiyon
4. Sinulat ang tulang “Mi Retiro” (Ang Aking Pahingahan) bilang tugon sa hiling ng ina
5. Nakatuklas ng mga bagong specie ng palaka, tutubi/dragonfly at uwang/ beetle na malao’y
ipapangalan sa kanya
6. Naglilok ng mga pigurin at estatwang bato atbp.
7. Tumanggap ng mga pasyente mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at ng daigdig
8. Nakilala at kinasama (live-in) si Josephine Bracken, na malao’y mistulang asawa na rin niya
Raizza P. Corpuz ©
9. Dinalaw siya ni Dr. Pio Valenzuela (sugo/emissary ni Andres Bonifacio) para alamin ang
opinyon niya sa rebolusyong inoorganisa ng Katipunan; inalok siya ni Valenzuela na itakas para
pamunuan niya ang rebolusyon, di pumayag si Rizal at sinabi rin niyang tutol siya sa
rebolusyon dahil:
a. Nangako siya sa mga Kastila na di tatakas sa Dapitan
b. Hindi pa raw handa ang mga Pilipino (kulang sa armas atbp.)
c. Wala pa raw pagkakaisa ang mga Pilipino
d. Diumano’y hindi pa sanay mamahala ang mga Pilipino
e. Marami raw madadamay na inosente
10. Sumulat si Jose kay Gob. Hen. Ramon Blanco para hilingin na payagan siyang pumunta
sa Cuba para maging doktor sa Hukbong Kastila (Spanish Army; noo’y nagrerebolusyon na ang
mga Cubano laban sa mga Kastila; ayon sa ibang aklat, sikretong plano ni Rizal na obserbahan
ang taktikang gerilya/guerilla tactics na ginagamit ng mga Cubano laban sa Español)
Agosto 23, 1896: Nagsimula ang hayagang pag-aalsa ng Katipunan laban sa mga Kastila
Hulyo 1896: Pinayagan siya ni Blanco na pumunta sa Cuba; nakaalis ang bapor nila sa Maynila
pero nasa Singapore pa lamang ang barkong sinasakyan niya’y muli siyang ipinaaresto
(September 30). Nang makarating sa España ang kanilang barko ay inilipat siya sa isang barkong
militar at ibinalik sa Pilipinas para ikulong saFort Santiago (sa loob ng Intramuros).
Disyembre 8, 1896: Pinamili siya ng magiging abogado niya sa isang listahan; pinili niya si Luis
Taviel de Andrade
Disyembre 11, 1896: Binasahan siya ng sakdal/ipinaalam sa kanya ang mgaikinaso sa kanya:
1. Sedisyon o pag-uudyok ng pag-aalsa
2. Rebelyon o pagsulat ng aklat laban sa pamahalaan
3. Pagtatatag ng diumano’y lihim na samahan (La Liga)
Depensa ni Rizal at kanyang abogado: Walang kinalaman si Rizal sa pag-aalsa ng Katipunan,
dahil tutol nga siya sa rebolusyon (nagpalabas pa nga siya ng manipesto para patunayan ito);
hindi subersibo o sedisyoso ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil hindi naman ito
itinago ni Rizal kaninuman, layunin lamang niyang isiwalat ang katotohanan; Lalong hindi lihim
Raizza P. Corpuz ©
ang La Liga Filipina dahil alam na nga ng mga Kastila ang tungkol dito at wala ring ginawang
labag sa batas ang La Liga (humihingi lamang ito ng reporma)
Paano nadiin si Rizal: Dahil sa pagbaligtad at pagtatraydor ng mga dati niyang kasamahan, mga
kapwa Pilipino, lalo na si Dr. Pio Valenzuela (na nakakatawa ma’y siya pang nagdiin kay Rizal sa
hukuman); galit na galit kay Rizal ang mga prayle dahil sa kanyang sinulat na nagsiwalat sa mga
baho ng ilang miyembro ng Simbahan, kaya idiniin nila ito (gaya ng ginawa nila sa Gomburza),
kaya kahit inosente’y hinatulan pa rin siya.
Disyembre 28, 1896: Nilagdaan ni Gob. Hen. Camilo Polavieja ang hatol/sentensya ng
kamatayan ni Rizal
Disyembre 29, 1896: Sinulat niya ang kanyang huling tula: “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam/My Last Farewell)
Disyembre 30, 1896: Binaril sa Bagumbayan (Luneta) si Rizal, habang sumisikat ang araw sa
silangan, namatay siya nang di nakita ang pagsikat ng araw sa silangan (ang paglaya ng
Pilipinas), ngunit di kalabisang sabihing siya ang isa sa nagmulat ng sambayanan upang makita
nito ang kanyang aping kalagayan at sa huli’y mag-alsa upang lumaya sa pagkaalipin.
MGA PAG-IBIG NI RIZAL
1. Segunda Katigbak – unang pag-ibig; kapatid ng kanyang kaibigang si Mariano; nakilala
nang siya’y nasa UST; di gaanong matangkad, may mga matang nangungusap, kulay
rosas na pisngi
2. Margarita Almeda-Gomez – ikalawang pag-ibig; taga-Pakil, Laguna; kayumangging kulay,
kaakit-akit ang mga mata
3. Leonor Rivera – pinakadakilang pag-ibig ni Rizal; second cousin niya; si “Taimis”;
pinaghanguan ng karakter ni Maria Clara; ikinasal sa British/Ingles na si Charles Henry
Kipping
4. Jacinta Evardo Laza - si “Binibining L”
5. Leonor Valenzuela – kapitbahay sa Intamuros; kasulatan niya gamit ang asin at tubig;
taga-Calamba; estudyante ng medisina
Raizza P. Corpuz ©
6. Suzanne Jacoby – nakilala sa Belgium; sandali lamang silang nagkaibigan ‘pagkat umalis
din agad si Rizal para asikasuhin ang kaso ng pamilya sa Espanya
7. Gertrude Beckett – dalagang taga-London; kapamilya ng kanyang tinirhan doon;
tumulong sa pag-aaral niya ng Ingles.
8. Magkapatid na Adelina at Nelly Boustead – noong una’y mas nagustuhan si Adelina na
mas bata; si Nelly ay gusto rin ni Antonio Luna; dahil nangungulila kay Leonor (na
nabalitaan niyang nagpakasal na), niyaya niya si Nelly na magpakasal; nagpatumpik-
tumpik si Nelly dahil alam niyang nangungulila lang si Rizal kay Leonor at baka maging
panakip-butas lang siya, isa pa, Protestante si Nelly at ayaw namang itakwil ni Rizal ang
kanyang pagka-Katoliko.
9. Usui Seiko/O-Sei-San/O Sei Keio – nagturo ng wikang Hapon/Niponggo kay Rizal; muntik
na rin niyang pakasalan kundi lang dahil sa bayan
10. Consuelo Ortiga y Perez – Kastila; inalayan ni Rizal ng tula; iniwan niya ‘pagkat gusto rin
ni Eduardo de Lete na kanyang kaibigan
11. Josephine Bracken – itinuring niyang asawa; isang Irish; ampon ng isang Amerikanong
taga-Hong Kong na nagpagamot kay Rizal; balingkinitan ang katawan at asul ang mata
Raizza P. Corpuz ©
Ang BATAS RIZAL (ligal na batayan ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni
Jose Rizal)
Batas ng Republika Blg. 1425
Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956
Ipinatupad ng Lupon sa Pambansang Edukasyon (Committee of National Education) noong
Agosto 16, 1956
Akda ni Sen. Claro M. Recto ang orihinal na bersyon (lolo ni dating Sen. Ralph Recto)
Binatikos ng ilang grupo at senador ang bersyon ni Recto kaya naglabas ng pamalit
o substitute bill si Sen. Jose P. Laurel Sr. (na batay sa panukala nina Sen. Emmanuel Pelaez at
Roseller Lim); ito ang naging Batas Republika 1425
Mga Tumutol sa Orihinal na Bersyon ng Batas Rizal
Sen. Decoroso Rosales (kapatid ni Arsobispo Rosales)
Mariano Cuenco (kapatid ni Arsobispo Cuenco)
Padre Jesus Cavanna
Sen. Francisco “Soc” Rodrigo
ilang grupo sa Simbahang Katoliko
Puna sa Orihinal na Batas Rizal
Nilalabag daw ang kalayaan sa pagpili ng relihiyon
Bahagi na raw ng nakalipas ang Noli at Fili kaya di na dapat pag-aralan pa
May 120 pahayag daw sa Noli laban sa Simbahang Katoliko
Pagtatanggol sa Batas Rizal
Pagpapalaganap ng nasyonalismo ang layunin ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni Rizal
kaya walang masama rito
Raizza P. Corpuz ©
Hindi pa nalulutas ang mga suliraning panlipunang tinalakay ng nobela kaya kailangan pa rin
itong pag-aralan
*Naayos ang gusot nang payagan ng
bagong bersyon ng batas ang paggamit ng
expurgated version ng mga nobela ni Rizal
Tatlong Pangunahing Probisyon ng Batas Rizal
Pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pribado at publiko ng kursong tungkol sa
buhay at mga sinulat ni Rizal lalo na ang Noli at El Fili
 Pagpapalimbag at libreng pamamahagi ng mga orihinal at mga salin ng mga akdang ito
 Pagpapanatili at pagpapalawak ng koleksyong Rizaliana sa mga aklatan sa bawat
paaralan sa bansa
Paano pinili si Rizal bilang Pambansang Bayani?
Pamantayan/Criteria sa Pagpili:
1. isang Pilipino
2. namayapa (patay na)
3. may matayog na pagmamahal sa bayan
4. may mahinahong damdamin (dapat ay ayaw sa rebolusyon, dahil noo’y
sinasakop pa lang tayo ng mga Amerikano; kung rebolusyunaryo nga naman ang
pambansang bayani, baka mag-alsa ang mga Pilipino laban sa kanila gaya ng nangyari
noong panahon ng Kastila)
Ang Pinagpiliang Listahan:
1. Marcelo H. del Pilar
2. Graciano Lopez-Jaena
3. Hen. Antonio Luna
4. Emilio Jacinto
5. Jose Rizal
Raizza P. Corpuz ©
6. Emilio Aguinaldo*
7. Apolinario Mabini*
*Dahil sa bilang 2) at 3) ng pamantayan, inalis agad sa listahan sina Aguinaldo at Mabini, lalo
pa’t para sa mga Amerikano, si Aguinaldo ay “mapusok” (nananawagan pa siyang ituloy ng mga
Pilipino ang rebolusyon laban sa Amerikano, hanggang madakip siya sa Palanan, Isabela) at si
Mabini nama’y “matigas ang ulo” (madali siyang nadakip siya ng mga Amerikano dahil lumpo;
ayaw niyang manumpa ng katapatan sa simula sa mga Amerikano kaya pinatapon siya ng mga
ito sa Guam; isa pa, nagpalabas din ng manipesto si Mabini, bago maaresto, na nagtatagubilin
sa mga Pilipino na ituloy ang laban; pinatapon siya sa Guam sa takot ng mga Amerikano na
maging simbolo siya ng rebolusyong Pilipino)
Ang mga nagpasya kung sino ang dapat maging Pambansang Bayani:
1. Commissioner William Howard Taft (malao’y naging pangulo ng Estados Unidos)
2. Morgan Schuster
3. Bernard Moses
4. Dean Worcester
5. Henry Clay Ide
6. Trinidad Pardo de Tavera*
7. Gregorio Araneta*
8. Cayetano Arellano*
9. Jose Luzurriaga*
*Mga Pilipinong may lahing-Kastila; nang dumating ang mga Amerikano para tayo’y sakupin,
sila ang kauna-unahang nagtaksil sa Rebolusyong Pilipino para makakuha ng pwesto sa ilalim
ng gobyernong Amerikano sa Pilipinas
Imposibleng piliin si Antonio Luna, sapagkat anti-Amerikano na siya noon pa lamang; bago
siya patayin ng mga kapwa Pilipinong tauhan ni Aguinaldo, siya ang nagbabala kay Aguinaldo na
mag-ingat sa mga Amerikano
Raizza P. Corpuz ©
Malabo ring piliin si Emilio Jacinto sapagkat itinuring siyang “Utak ng Katipunan,” bagamat
patay na siya noong panahon ng mga Amerikano (mayorya sa mga natirang kasapi ng Katipunan
sa buong bansa ay nagpatuloy sa paglaban sa mga Amerikano hanggang madakip si Aguinaldo)
Halos kapantay lamang ni Rizal sina del Pilar at Jaena sa pagiging repormista (ayaw sa
rebolusyon; bagamat nagpahayag si del Pilar na pabor siya sa rebolusyon bilang huling opsyon)
ngunit lumamang si Rizal sa pagiging diumano’y mas dramatiko ng pagkamatay niya: siya’y
binaril sa Bagumbayan, namatay naman sa tuberculosis si del Pilar at namatay rin sa sakit si
Jaena (bagama’t kung tutuusin, dramatiko rin ang pagkamatay ni del Pilar na kaya nagkasakit ay
sa kawalan ng perang pangkain; naubos ang kanyang pera sa paglalathala ng La Solidaridad na
pangmulat sa mga Pilipino; namatay siyang isang pulubi sa Espanya).
Gayunman, isang bagay ang di pinagtatalunan, at hindi tinututulan maging ng mga umaayaw
kay Rizal bilang pambansang bayani: ang kadakilaan ng kanyang panulat: ang pagsulat niya sa
Noli Me Tangere at El Filibusterismo na parehong de-kalidad na obra-maestrang tumatalakay sa
mga suliraning panlipunan at nagmulat sa mga Pilipinong inaalipin ng Espanya. Walang
nakapantay sa husay niyang magsulat para magmulat.

More Related Content

What's hot

Kabanata 4 - Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila by Van Eindree Torres
Kabanata 4 - Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila by Van Eindree TorresKabanata 4 - Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila by Van Eindree Torres
Kabanata 4 - Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila by Van Eindree TorresVan Eindree Torres
 
Chapter 17 - Rizal's Life Works and Writings
Chapter 17 - Rizal's Life Works and WritingsChapter 17 - Rizal's Life Works and Writings
Chapter 17 - Rizal's Life Works and WritingsPhillip Ray Chagas
 
Siruhano sa Mata sa Hong Kong
Siruhano sa Mata sa Hong KongSiruhano sa Mata sa Hong Kong
Siruhano sa Mata sa Hong KongRaymond Garcia
 
Rizal's life by Cabsag Naisy BSED3
Rizal's life by Cabsag Naisy BSED3Rizal's life by Cabsag Naisy BSED3
Rizal's life by Cabsag Naisy BSED3Levimae Tolentino
 
Chapter 16 and 17 in belgian brussels (new1)
Chapter 16 and 17 in belgian brussels (new1)Chapter 16 and 17 in belgian brussels (new1)
Chapter 16 and 17 in belgian brussels (new1)Charmaine Camilo
 
Unang pag uwi ni Rizal sa Pilipinas
Unang pag uwi ni Rizal sa PilipinasUnang pag uwi ni Rizal sa Pilipinas
Unang pag uwi ni Rizal sa PilipinasLanie Lyn Alog
 
Ang kabataan ni jose rizal
Ang kabataan ni jose rizalAng kabataan ni jose rizal
Ang kabataan ni jose rizalArnel Rivera
 
Chapter 19 publishing el filibusterismo
Chapter 19 publishing el filibusterismoChapter 19 publishing el filibusterismo
Chapter 19 publishing el filibusterismoDann Zeus Herrera
 
Rizal Course: Chapter 5 Medical Studies at University of Santo Tomas
Rizal Course: Chapter 5 Medical Studies at University of Santo TomasRizal Course: Chapter 5 Medical Studies at University of Santo Tomas
Rizal Course: Chapter 5 Medical Studies at University of Santo TomasRoy Capangpangan
 
Achievements of jose rizal
Achievements of jose rizalAchievements of jose rizal
Achievements of jose rizalkeinun
 
Jose rizal’s travels- J.A.
Jose rizal’s travels- J.A.Jose rizal’s travels- J.A.
Jose rizal’s travels- J.A.Nelle Agang
 
Chapter 17 of Rizal's Life Works and Writings
Chapter 17 of Rizal's Life Works and WritingsChapter 17 of Rizal's Life Works and Writings
Chapter 17 of Rizal's Life Works and WritingsDyanne Kuin Gevero
 

What's hot (20)

Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Medical studies at the University of Santo Tomas
Medical studies at the University of Santo TomasMedical studies at the University of Santo Tomas
Medical studies at the University of Santo Tomas
 
Kabanata 4 - Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila by Van Eindree Torres
Kabanata 4 - Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila by Van Eindree TorresKabanata 4 - Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila by Van Eindree Torres
Kabanata 4 - Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila by Van Eindree Torres
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Chapter 17 - Rizal's Life Works and Writings
Chapter 17 - Rizal's Life Works and WritingsChapter 17 - Rizal's Life Works and Writings
Chapter 17 - Rizal's Life Works and Writings
 
Rizal chapter1
Rizal chapter1Rizal chapter1
Rizal chapter1
 
Siruhano sa Mata sa Hong Kong
Siruhano sa Mata sa Hong KongSiruhano sa Mata sa Hong Kong
Siruhano sa Mata sa Hong Kong
 
Rizal's life by Cabsag Naisy BSED3
Rizal's life by Cabsag Naisy BSED3Rizal's life by Cabsag Naisy BSED3
Rizal's life by Cabsag Naisy BSED3
 
Chapter 16 and 17 in belgian brussels (new1)
Chapter 16 and 17 in belgian brussels (new1)Chapter 16 and 17 in belgian brussels (new1)
Chapter 16 and 17 in belgian brussels (new1)
 
Unang pag uwi ni Rizal sa Pilipinas
Unang pag uwi ni Rizal sa PilipinasUnang pag uwi ni Rizal sa Pilipinas
Unang pag uwi ni Rizal sa Pilipinas
 
Ang kabataan ni jose rizal
Ang kabataan ni jose rizalAng kabataan ni jose rizal
Ang kabataan ni jose rizal
 
Chapter 19 publishing el filibusterismo
Chapter 19 publishing el filibusterismoChapter 19 publishing el filibusterismo
Chapter 19 publishing el filibusterismo
 
Rizal sa Dapitan
Rizal sa DapitanRizal sa Dapitan
Rizal sa Dapitan
 
Rizal - Kabanata 4
Rizal - Kabanata 4Rizal - Kabanata 4
Rizal - Kabanata 4
 
Jose Rizal in UST
Jose Rizal in USTJose Rizal in UST
Jose Rizal in UST
 
Chapter 6
Chapter 6Chapter 6
Chapter 6
 
Rizal Course: Chapter 5 Medical Studies at University of Santo Tomas
Rizal Course: Chapter 5 Medical Studies at University of Santo TomasRizal Course: Chapter 5 Medical Studies at University of Santo Tomas
Rizal Course: Chapter 5 Medical Studies at University of Santo Tomas
 
Achievements of jose rizal
Achievements of jose rizalAchievements of jose rizal
Achievements of jose rizal
 
Jose rizal’s travels- J.A.
Jose rizal’s travels- J.A.Jose rizal’s travels- J.A.
Jose rizal’s travels- J.A.
 
Chapter 17 of Rizal's Life Works and Writings
Chapter 17 of Rizal's Life Works and WritingsChapter 17 of Rizal's Life Works and Writings
Chapter 17 of Rizal's Life Works and Writings
 

Similar to BATAS RIZAL AT MAIKLING TALAMBUHAY NI RIZAL

Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalEnzo Gatchalian
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalSophi A
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalSophi A
 
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02Anjie Panchito
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 
El Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptxEl Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptxananesequiel
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangerexta eiram
 
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptxTALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptxssuser5bf3a1
 
kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdf
kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdfkabanata_5_jose_rizal.pptx.pdf
kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdfKylerAdejer
 
El filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptxEl filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptxRomelDudas
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaMerland Mabait
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfAngelaTaala
 
Ang panitikan sa panahon ng amerikano.ppt
Ang panitikan sa panahon ng amerikano.pptAng panitikan sa panahon ng amerikano.ppt
Ang panitikan sa panahon ng amerikano.ppteldredlastima
 
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)Bianca Villanueva
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptMaryflorBurac1
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatshekainalea
 
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikainModyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikainARF Feliciano
 

Similar to BATAS RIZAL AT MAIKLING TALAMBUHAY NI RIZAL (20)

Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizal
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Filipino rizal
Filipino rizalFilipino rizal
Filipino rizal
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
El Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptxEl Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptx
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptxTALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL.pptx
 
kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdf
kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdfkabanata_5_jose_rizal.pptx.pdf
kabanata_5_jose_rizal.pptx.pdf
 
El filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptxEl filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptx
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
 
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizalmga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
 
Ang panitikan sa panahon ng amerikano.ppt
Ang panitikan sa panahon ng amerikano.pptAng panitikan sa panahon ng amerikano.ppt
Ang panitikan sa panahon ng amerikano.ppt
 
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
Noli me tangere (kasaysayan at mga Tauhan)
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulat
 
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikainModyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
 

More from Lyceum of the Philippines University- Cavite

More from Lyceum of the Philippines University- Cavite (20)

Protocol and Etiquette
Protocol and EtiquetteProtocol and Etiquette
Protocol and Etiquette
 
Ethics lecture 1
Ethics lecture 1Ethics lecture 1
Ethics lecture 1
 
Rpc thought
Rpc thoughtRpc thought
Rpc thought
 
History of Political Theory
History of Political TheoryHistory of Political Theory
History of Political Theory
 
ARTICLE 4: CITISENSHIP
ARTICLE 4: CITISENSHIPARTICLE 4: CITISENSHIP
ARTICLE 4: CITISENSHIP
 
ARTICLE 6: LEGISLATIVE DEPARTMENT
ARTICLE 6: LEGISLATIVE DEPARTMENTARTICLE 6: LEGISLATIVE DEPARTMENT
ARTICLE 6: LEGISLATIVE DEPARTMENT
 
ARTICLE 5: SUFFRAGE
ARTICLE 5: SUFFRAGEARTICLE 5: SUFFRAGE
ARTICLE 5: SUFFRAGE
 
Bill of Rights Edit Version 2017
Bill of Rights Edit Version 2017Bill of Rights Edit Version 2017
Bill of Rights Edit Version 2017
 
Mesopotamia POCN02F
Mesopotamia POCN02FMesopotamia POCN02F
Mesopotamia POCN02F
 
THE GREEKS
THE GREEKSTHE GREEKS
THE GREEKS
 
Updated Lecture 1 HPTN07F
Updated Lecture 1 HPTN07FUpdated Lecture 1 HPTN07F
Updated Lecture 1 HPTN07F
 
Perspective on Civilization Lecture 2 UPDATED
Perspective on Civilization Lecture 2 UPDATEDPerspective on Civilization Lecture 2 UPDATED
Perspective on Civilization Lecture 2 UPDATED
 
Protocol and Etiquette
Protocol and EtiquetteProtocol and Etiquette
Protocol and Etiquette
 
History of Political Thoughts 2016
History of Political Thoughts 2016History of Political Thoughts 2016
History of Political Thoughts 2016
 
Perspective on Civilization Lecture 1
Perspective on Civilization Lecture 1Perspective on Civilization Lecture 1
Perspective on Civilization Lecture 1
 
Perspective on Civilization Lecture 2
Perspective on Civilization Lecture 2Perspective on Civilization Lecture 2
Perspective on Civilization Lecture 2
 
Civil society ppc
Civil society ppcCivil society ppc
Civil society ppc
 
Philippine political parties
Philippine political partiesPhilippine political parties
Philippine political parties
 
The meaning and the nature of bureaucracy
The meaning and the nature of bureaucracyThe meaning and the nature of bureaucracy
The meaning and the nature of bureaucracy
 
Philippine Political dynasty
Philippine Political dynastyPhilippine Political dynasty
Philippine Political dynasty
 

Recently uploaded

Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 

Recently uploaded (20)

Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 

BATAS RIZAL AT MAIKLING TALAMBUHAY NI RIZAL

  • 1. Raizza P. Corpuz © MAIKLING TALAMBUHAY NI JOSE PROTACIO RIZAL (Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo) ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861) BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896) Mga Magulang: FRANCISO MERCADO at TEODORA ALONSO (“Z” sa ibang aklat) Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik);Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila) Nagbinyag: Padre Rufino Collantes Ninong: Padre Pedro Casañas Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao) Buong Pangalan: (Complete name) Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda Jose Protacio - first name Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19) Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang Español Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley) Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal Realonda: middle name ng kanyang ina noong dalaga pa; galing sa lola ni Rizal
  • 2. Raizza P. Corpuz © Mga kapatid: 1. Saturnina 2. Paciano – tanging lalaking kapatid ni Jose; tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose sa Europa; naging heneral ng Hukbo ng Rebolusyong Pilipino 3. Narcisa 4. Olympia – namatay sa 13 oras na panganganak 5. Lucia 6. Maria 7. Concepcion – kasunod ni Jose; namatay sa sakit sa edad na 3 taon 8. Josefa – naging pangulo ng pangkababaihang grupo ng Katipunan 9. Trinidad – tinuruan ni Jose ng Ingles; pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng teksto ng Mi Ultimo Adios 10. Soledad Unang guro: ang kanyang ina (nagturo ng alpabetong Kastila/abecedario; pagdarasal sa Latin at panimulang pagbasa) Unang pighating naranasan: pagkamatay ni Concepcion (Concha) na lagi niyang kalaro Unang tulang sinulat: “Sa Aking mga Kabata” (sinulat sa Tagalog; tungkol sa pagmamahal sa sariling wika; 8-taong gulang siya noon) Mga Tiyuhing Nakaimpluwensya: 1. Tiyo Manuel – palakasan/sports 2. Tiyo Gregorio – pag-ibig sa aklat 3. Tiyo Jose Alberto – husay sa sining/art Unang guro sa pormal na edukasyon: Justiniano Aguino-Cruz (paaralan sa Biñan, Laguna) Unang Kawalang-katarungang dinanas ng pamilya Rizal: pagkakulong ni Doña Teodora dahil sa walang basehan na paratang ng paglason sa hipag/sister-in-lawniya Pangyayaring nagmulat kay Rizal sa kawalang-katarungan sa Pilipinas:Pagbitay sa Gomburza (Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora; tatlong Pilipinong pari na nagsusulong sa Pilipinisasyon ng mga parokya; idiniin o i-friname-up sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872)
  • 3. Raizza P. Corpuz © Buhay-High School: sa Ateneo Municipal (nasa loob ng Intramuros, Maynila noon; paboritong paaralan ni Jose; pinatatakbo ng mga Heswita/Jesuit Tulang sinulat sa paglaya ng ina: “Mi Primera Inspiracion” (My First Inspiration/Ang Una Kong Inspirasyon) Unang Guro sa Ateneo: Padre Jose Bech Paboritong Guro sa Ateneo: Padre Francisco Sanchez (humikayat sa kanya na ipagpatuloy ang pagsusulat) 1877: Nagtapos sa Ateneo; sobresaliente o excellent ang marka sa lahat ng asignatura; tumanggap ng diplomang Bachiller en Artes (katumbas ng high school diploma ngayon) Abril 1877: Pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) para magkolehiyo; pinatatakbo ng mga Dominikano/Dominicans; kumuha ng Pilosopiya at Letra sa unang taon batay sa gusto ng ama; lumipat sa Medisina nang sumunod na taon, batay sa payo ni Padre Pablo Ramon, rektor ng Ateneo Tulang nagwagi ng unang gantimpala – 1879 : “A la Juventud Filipina” (Sa Kabataang Pilipino/To The Filipino Youth); dito binigyang-diin ni Jose na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan Dulang nagwagi ng unang gantimpala: “El Consejo de los dioses” (Ang Pulong ng mga diyos/The Council of the gods); tungkol sa pag-aaway-away ng mga diyos at diyosa sa Bundok Olimpo sa kung sino kina Homer (Griyegong/Greek sumulat ng “Iliad” at “Odyssey”), Virgil (nagsulat sa Latin ng “Aeneid”) at Miguel de Cervantes (Kastilang nagsulat ng “Don Quijote de la Mancha”) ang pinakamahusay; nagwagi ito sa patimpalak/contest na inorganisa ng Liceo Artistico Literario de Manila para sa paggunita sa ika-400 taong kamatayan ni Cervantes 1880: Hinampas ng espada ng isang gwardya sibil; nagreklamo kay Gob. Hen. Primo de Rivera pero walang nangyari 1882: Nagpasyang sa ibang bansa na lang mag-aral dahil: 1. Di gaanong mahusay ang pagtuturo sa UST noon 2. May diskriminasyon sa UST; minamaliit ang mga Pilipino 3. Galit sa kanya ang mga Dominikano dahil sa pagtatatag niya ngCompañerismo (kapatiran/fraternity ng mga Pilipino)
  • 4. Raizza P. Corpuz © 4. Gusto niyang gamutin ang mata ng ina (mas maganda ang turo sa Europa) Mayo 1882: naglakbay papuntang Europa, mula sa Maynila Ruta mula Maynila (sa pamamagitan ng barko/ship): 1. Singapore 2. Colombo, Sri Lanka 3. Aden, Yemen 4. terminal sa Suez Canal (Ehipto/Egypt) 5. Italya 6. Pransya 7. Espanya (dumating: Hunyo 1882) Unang sinulat sa Europa: Sanaysay/essay na “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Bayan o Love of Country); gumamit ng sagisag-panulat o pen name na Laong Laan(“matagal nang inalay”) isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar, na gumamit naman ng pen name na Dolores Manapat; lumabas sa “Diariong Tagalog”(unang dyaryong Tagalog sa Pilipinas) Nobyembre 1882: Pumasok sa Universidad Central de Madrid/UCM; kumuha ng kursong Pilosopiya at Letra at Medisina; habang nasa UCM ay umanib siya sa“Circulo Hispano- Filipino” at sa Masonerya o Freemasonry Talumpati sa Madrid: binigkas sa karangalan nina Juan Luna at Felix Resureccion-Hidalgo, 2 pintor na Pilipinong nagwagi sa Pambansang Eskposisyon sa Sining (ng Espanya) para sa “La Spolarium” at “Virgenes Expuestas Al Populacho,” na parehong masining na tumuligsa sa masamang pamamahala ng mga Kastila 1884: Binigyan ng lisensya sa medisina; bago pumunta sa Paris, dinalaw muna ang mga kaibigan niyang sina Maximo Viola at Pardo de Tavera na nasa Barcelona 1885: Pumunta sa Paris, Pransya upang magsanay sa klinika ni Dr. Louis de Weckert; naging bahagi ng “La Solidaridad” (dyaryo ng Kilusang Propaganda) Sa Alemanya/Germany: Nakilala si Prof. Ferdinand Blumentritt (Austrian na ethnologist na nananaliksik tungkol sa wikang Tagalog) na siya niyang naging pinakamatalik na kaibigan/best friend
  • 5. Raizza P. Corpuz © Nagsanay sa ospital na pangmata ng University of Heidelberg sa pamamahala ni Dr. Otto Becker Habang nasa Heidelberg, sinulat ang tulang “A las Flores del Heidelberg”(Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg/To the Flowers of Heidelberg); nagpapakita ng pangungulila sa sariling bayan Tinapos at pinalimbag ang “Noli Me Tangere” sa Alemanya; pinautang siya ng pera ni Maximo Viola (kaibigan niyang taga-San Miguel, Bulacan) para sa pagpapalimbag ng unang 2,000 kopya/sipi ng Noli; bago umuwi sa Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga Pilipino sa nobela, ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo Viola Unang Pagbalik sa Pilipinas: Nanggamot at naging makatarungan sa paniningil (depende sa katayuan o status ng pasyente ang singil); nakilala bilang Dr. Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya) Pinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero; pinag-iingat siya nito sa mga tumutuligsa sa Noli; binigyan siya ng gwardya (Jose Taviel de Andrade) Tinuligsa ng mga prayle ang Noli: sumulat ng liham-pastoral si Padre Jose Rodriguez na pinamagatang “Caiingat Cayo” (Mag-ingat kayo/Beware!); pinag-iingat at pinagbabawalan niya ang mga tao na basahin ang sinulat ni Jose na diumano’y subersibo (laban sa gobyerno) at heretikal (kontra sa Simbahan) Sinagot ni Marcelo H. del Pilar ng “Caiigat Cayo” (Maging Igat Kayo/Be Like Eels) ang batikos ni Rodriguez; pinayuhan niya ang mga tao na maging parang igat/eel (isang uri ng madulas na isdang mahirap hulihin) ang mga tao upang di sila mabitag o ma-trap sa kasinungalingan ng mga prayleng galit kay Rizal Ipinagtanggol din ni Padre Vicente Garcia si Rizal Nagpasya si Rizal na muling maglakbay sa ibang bansa upang mas malayang makakilos (sa Pilipinas, mahirap magsulat o bumatikos dahil malakas ang impluwensya ng mga prayle) Ikalawang Paglalakbay ni Jose Rizal (mula Maynila): 1. Hong Kong – pumasyal sa mga Pilipinong taga-roon na gaya ni Jose Maria Basa na tumulong sa pagpupuslit o pagi-smuggle ng mga kopya ng Noli 2. Hapon – nakilala niya rito si O-Sei-San
  • 6. Raizza P. Corpuz © 3. Estados Unidos – nabiktima sila ng diskriminasyon; “bansang malaya ngunit para lamang sa mga puti,” ayon kay Rizal 4. Londres/London, Gran Britanya/Great Britain – nanaliksik sa malaking aklatan para ihanda ang anotasyon sa “Sucesos de las Islas Pilipinas”(Mga Pangyayari sa Kapuluan ng Pilipinas/Events in the Philippine Islands) ni Dr. Antonio de Morga; ang aklat na ito ay nagpapatunay na may sibilisasyon na ang mga Pilipino nang abutan o madatnan sila ng mga Kastila; dito rin niya sinulat ang “Liham sa mga Kababaihang Taga-Malolos” (Malolos, Bulacan; sinulatan niya ang mga babaeng taga-rito para ipakita ang kanyang paghanga at pagsuporta sa kanilang layunin na magpatayo ng paaralang pambabae roon) 5. Sa Belhika/Belgium – dito inilimbag (sa Ghent, Belgium) ang “El Filibusterismo,” ang karugtong/ sequel ng Noli Me Tangere; ang El Fili ay inalay niya sa Gomburza; pinautang siya ni Valentin Ventura upang ito’y ipalimbag 6. Sa Hong Kong ulit – para manggamot at makipagkita sa buong pamilya Rizal (dito sila nagpasko; kapapalayas pa lamang ng pamilya nila at ng iba pang pamilya ng mga magsasaka sa asyenda/hacienda ng mga Dominikano sa Calamba, Laguna; ayaw na kasing magbayad ng upa ni Don Francisco dahil sobrang taas na ang sinisingil); sandaling nanggamot din si Jose sa Hong Kong; habang narito, sumulat din siya kay Gob. Hen. Eulogio Despujol upang hilingin dito na dalhin o i-resettle ang mga taga-Calamba sa Sabah/North Borneo (ito ang tinawag ni Rizal na “Proyekto ng Kolonisasyon ng Borneo” na ibinasura lang si Despujol) Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas: Bakit nagpasyang bumalik? 1. Para mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang Propaganda (nag-away-away sila noon sa Europa kung sino ang dapat maging pangulo nila, si Rizal o si del Pilar; umalis na lang si Rizal para maresolba ito) 2. Kakausapin niya si Despujol para alamin kung magbabago pa ang pasya nito 3. Itatatag niya “La Liga Filipina” (Ang Liga ng mga Pilipino/League of Filipinos) sa Pilipinas Mga Nangyari sa Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas:
  • 7. Raizza P. Corpuz © 1. Itinatag niya “La Liga Filipina” noong Hulyo 2, 1892 sa bahay ni Doroteo Onjungco sa Tondo, Maynila (ang La Liga ay samahang sibiko para sa mga Pilipino na layuning magsulong ng mga reporma sa Pilipinas); isa siAndres Bonifacio sa mga orihinal na kasapi ng La Liga 2. Limang araw pagkatatag ng La Liga (Hulyo 7), ipinatapon (in-exile) si Rizal sa Dapitan, Zamboanga dahil sa mga sumusunod na dahilan: a. May nakuhang sipi ng “Pobres Frailes” sa unan ni Lucia (kapatid na kasama niya sa paglalakbay); ang babasahing ito’y anti-prayle/ kontra sa Simbahan (malamang na inilagay lamang ito sa bagahe ng magkapatid) b. Inalay ni Rizal ang “El Filibusterismo” sa Gomburza, kaya’t ito’y subersibo c. Diumano’y (allegedly) iligal daw ang La Liga Filipina 3. Hulyo 7, 1892 din: itinatag ni Andres Bonifacio at ng ilan pang kasapi ng La Liga Filipina, ang KKK/Katipunan (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan/ Supreme and Most Respectable Organization of the Sons of the Motherland) para simulan ang sikretong pag-oorganisa na hahantong sa armadong pag-aalsa/rebolusyon para mapatalsik ang mga Kastila at makapagtayo ng demokratikong gobyernong pinatatakbo ng mga Pilipino (para sa kanila, ang pagkapatapon ni Rizal ay senyales na wala nang pag-asa ang reporma sa ilalim ng mga Kastila at kung gayon, wasto na ang magrebolusyon) Mga Nangyari sa Dapitan 1. Nagtayo siya ng paaralan para sa mga batang lalaki 2. Nagtayo ng patubig/irrigation system para sa mga magsasaka at mamamayang taga-Dapitan 3. Nakipagdebate (sa sulat) kay Padre Ramon Pastells (isang Heswita) tungkol sa mga usaping panrelihiyon 4. Sinulat ang tulang “Mi Retiro” (Ang Aking Pahingahan) bilang tugon sa hiling ng ina 5. Nakatuklas ng mga bagong specie ng palaka, tutubi/dragonfly at uwang/ beetle na malao’y ipapangalan sa kanya 6. Naglilok ng mga pigurin at estatwang bato atbp. 7. Tumanggap ng mga pasyente mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at ng daigdig 8. Nakilala at kinasama (live-in) si Josephine Bracken, na malao’y mistulang asawa na rin niya
  • 8. Raizza P. Corpuz © 9. Dinalaw siya ni Dr. Pio Valenzuela (sugo/emissary ni Andres Bonifacio) para alamin ang opinyon niya sa rebolusyong inoorganisa ng Katipunan; inalok siya ni Valenzuela na itakas para pamunuan niya ang rebolusyon, di pumayag si Rizal at sinabi rin niyang tutol siya sa rebolusyon dahil: a. Nangako siya sa mga Kastila na di tatakas sa Dapitan b. Hindi pa raw handa ang mga Pilipino (kulang sa armas atbp.) c. Wala pa raw pagkakaisa ang mga Pilipino d. Diumano’y hindi pa sanay mamahala ang mga Pilipino e. Marami raw madadamay na inosente 10. Sumulat si Jose kay Gob. Hen. Ramon Blanco para hilingin na payagan siyang pumunta sa Cuba para maging doktor sa Hukbong Kastila (Spanish Army; noo’y nagrerebolusyon na ang mga Cubano laban sa mga Kastila; ayon sa ibang aklat, sikretong plano ni Rizal na obserbahan ang taktikang gerilya/guerilla tactics na ginagamit ng mga Cubano laban sa Español) Agosto 23, 1896: Nagsimula ang hayagang pag-aalsa ng Katipunan laban sa mga Kastila Hulyo 1896: Pinayagan siya ni Blanco na pumunta sa Cuba; nakaalis ang bapor nila sa Maynila pero nasa Singapore pa lamang ang barkong sinasakyan niya’y muli siyang ipinaaresto (September 30). Nang makarating sa España ang kanilang barko ay inilipat siya sa isang barkong militar at ibinalik sa Pilipinas para ikulong saFort Santiago (sa loob ng Intramuros). Disyembre 8, 1896: Pinamili siya ng magiging abogado niya sa isang listahan; pinili niya si Luis Taviel de Andrade Disyembre 11, 1896: Binasahan siya ng sakdal/ipinaalam sa kanya ang mgaikinaso sa kanya: 1. Sedisyon o pag-uudyok ng pag-aalsa 2. Rebelyon o pagsulat ng aklat laban sa pamahalaan 3. Pagtatatag ng diumano’y lihim na samahan (La Liga) Depensa ni Rizal at kanyang abogado: Walang kinalaman si Rizal sa pag-aalsa ng Katipunan, dahil tutol nga siya sa rebolusyon (nagpalabas pa nga siya ng manipesto para patunayan ito); hindi subersibo o sedisyoso ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil hindi naman ito itinago ni Rizal kaninuman, layunin lamang niyang isiwalat ang katotohanan; Lalong hindi lihim
  • 9. Raizza P. Corpuz © ang La Liga Filipina dahil alam na nga ng mga Kastila ang tungkol dito at wala ring ginawang labag sa batas ang La Liga (humihingi lamang ito ng reporma) Paano nadiin si Rizal: Dahil sa pagbaligtad at pagtatraydor ng mga dati niyang kasamahan, mga kapwa Pilipino, lalo na si Dr. Pio Valenzuela (na nakakatawa ma’y siya pang nagdiin kay Rizal sa hukuman); galit na galit kay Rizal ang mga prayle dahil sa kanyang sinulat na nagsiwalat sa mga baho ng ilang miyembro ng Simbahan, kaya idiniin nila ito (gaya ng ginawa nila sa Gomburza), kaya kahit inosente’y hinatulan pa rin siya. Disyembre 28, 1896: Nilagdaan ni Gob. Hen. Camilo Polavieja ang hatol/sentensya ng kamatayan ni Rizal Disyembre 29, 1896: Sinulat niya ang kanyang huling tula: “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam/My Last Farewell) Disyembre 30, 1896: Binaril sa Bagumbayan (Luneta) si Rizal, habang sumisikat ang araw sa silangan, namatay siya nang di nakita ang pagsikat ng araw sa silangan (ang paglaya ng Pilipinas), ngunit di kalabisang sabihing siya ang isa sa nagmulat ng sambayanan upang makita nito ang kanyang aping kalagayan at sa huli’y mag-alsa upang lumaya sa pagkaalipin. MGA PAG-IBIG NI RIZAL 1. Segunda Katigbak – unang pag-ibig; kapatid ng kanyang kaibigang si Mariano; nakilala nang siya’y nasa UST; di gaanong matangkad, may mga matang nangungusap, kulay rosas na pisngi 2. Margarita Almeda-Gomez – ikalawang pag-ibig; taga-Pakil, Laguna; kayumangging kulay, kaakit-akit ang mga mata 3. Leonor Rivera – pinakadakilang pag-ibig ni Rizal; second cousin niya; si “Taimis”; pinaghanguan ng karakter ni Maria Clara; ikinasal sa British/Ingles na si Charles Henry Kipping 4. Jacinta Evardo Laza - si “Binibining L” 5. Leonor Valenzuela – kapitbahay sa Intamuros; kasulatan niya gamit ang asin at tubig; taga-Calamba; estudyante ng medisina
  • 10. Raizza P. Corpuz © 6. Suzanne Jacoby – nakilala sa Belgium; sandali lamang silang nagkaibigan ‘pagkat umalis din agad si Rizal para asikasuhin ang kaso ng pamilya sa Espanya 7. Gertrude Beckett – dalagang taga-London; kapamilya ng kanyang tinirhan doon; tumulong sa pag-aaral niya ng Ingles. 8. Magkapatid na Adelina at Nelly Boustead – noong una’y mas nagustuhan si Adelina na mas bata; si Nelly ay gusto rin ni Antonio Luna; dahil nangungulila kay Leonor (na nabalitaan niyang nagpakasal na), niyaya niya si Nelly na magpakasal; nagpatumpik- tumpik si Nelly dahil alam niyang nangungulila lang si Rizal kay Leonor at baka maging panakip-butas lang siya, isa pa, Protestante si Nelly at ayaw namang itakwil ni Rizal ang kanyang pagka-Katoliko. 9. Usui Seiko/O-Sei-San/O Sei Keio – nagturo ng wikang Hapon/Niponggo kay Rizal; muntik na rin niyang pakasalan kundi lang dahil sa bayan 10. Consuelo Ortiga y Perez – Kastila; inalayan ni Rizal ng tula; iniwan niya ‘pagkat gusto rin ni Eduardo de Lete na kanyang kaibigan 11. Josephine Bracken – itinuring niyang asawa; isang Irish; ampon ng isang Amerikanong taga-Hong Kong na nagpagamot kay Rizal; balingkinitan ang katawan at asul ang mata
  • 11. Raizza P. Corpuz © Ang BATAS RIZAL (ligal na batayan ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni Jose Rizal) Batas ng Republika Blg. 1425 Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956 Ipinatupad ng Lupon sa Pambansang Edukasyon (Committee of National Education) noong Agosto 16, 1956 Akda ni Sen. Claro M. Recto ang orihinal na bersyon (lolo ni dating Sen. Ralph Recto) Binatikos ng ilang grupo at senador ang bersyon ni Recto kaya naglabas ng pamalit o substitute bill si Sen. Jose P. Laurel Sr. (na batay sa panukala nina Sen. Emmanuel Pelaez at Roseller Lim); ito ang naging Batas Republika 1425 Mga Tumutol sa Orihinal na Bersyon ng Batas Rizal Sen. Decoroso Rosales (kapatid ni Arsobispo Rosales) Mariano Cuenco (kapatid ni Arsobispo Cuenco) Padre Jesus Cavanna Sen. Francisco “Soc” Rodrigo ilang grupo sa Simbahang Katoliko Puna sa Orihinal na Batas Rizal Nilalabag daw ang kalayaan sa pagpili ng relihiyon Bahagi na raw ng nakalipas ang Noli at Fili kaya di na dapat pag-aralan pa May 120 pahayag daw sa Noli laban sa Simbahang Katoliko Pagtatanggol sa Batas Rizal Pagpapalaganap ng nasyonalismo ang layunin ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni Rizal kaya walang masama rito
  • 12. Raizza P. Corpuz © Hindi pa nalulutas ang mga suliraning panlipunang tinalakay ng nobela kaya kailangan pa rin itong pag-aralan *Naayos ang gusot nang payagan ng bagong bersyon ng batas ang paggamit ng expurgated version ng mga nobela ni Rizal Tatlong Pangunahing Probisyon ng Batas Rizal Pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pribado at publiko ng kursong tungkol sa buhay at mga sinulat ni Rizal lalo na ang Noli at El Fili  Pagpapalimbag at libreng pamamahagi ng mga orihinal at mga salin ng mga akdang ito  Pagpapanatili at pagpapalawak ng koleksyong Rizaliana sa mga aklatan sa bawat paaralan sa bansa Paano pinili si Rizal bilang Pambansang Bayani? Pamantayan/Criteria sa Pagpili: 1. isang Pilipino 2. namayapa (patay na) 3. may matayog na pagmamahal sa bayan 4. may mahinahong damdamin (dapat ay ayaw sa rebolusyon, dahil noo’y sinasakop pa lang tayo ng mga Amerikano; kung rebolusyunaryo nga naman ang pambansang bayani, baka mag-alsa ang mga Pilipino laban sa kanila gaya ng nangyari noong panahon ng Kastila) Ang Pinagpiliang Listahan: 1. Marcelo H. del Pilar 2. Graciano Lopez-Jaena 3. Hen. Antonio Luna 4. Emilio Jacinto 5. Jose Rizal
  • 13. Raizza P. Corpuz © 6. Emilio Aguinaldo* 7. Apolinario Mabini* *Dahil sa bilang 2) at 3) ng pamantayan, inalis agad sa listahan sina Aguinaldo at Mabini, lalo pa’t para sa mga Amerikano, si Aguinaldo ay “mapusok” (nananawagan pa siyang ituloy ng mga Pilipino ang rebolusyon laban sa Amerikano, hanggang madakip siya sa Palanan, Isabela) at si Mabini nama’y “matigas ang ulo” (madali siyang nadakip siya ng mga Amerikano dahil lumpo; ayaw niyang manumpa ng katapatan sa simula sa mga Amerikano kaya pinatapon siya ng mga ito sa Guam; isa pa, nagpalabas din ng manipesto si Mabini, bago maaresto, na nagtatagubilin sa mga Pilipino na ituloy ang laban; pinatapon siya sa Guam sa takot ng mga Amerikano na maging simbolo siya ng rebolusyong Pilipino) Ang mga nagpasya kung sino ang dapat maging Pambansang Bayani: 1. Commissioner William Howard Taft (malao’y naging pangulo ng Estados Unidos) 2. Morgan Schuster 3. Bernard Moses 4. Dean Worcester 5. Henry Clay Ide 6. Trinidad Pardo de Tavera* 7. Gregorio Araneta* 8. Cayetano Arellano* 9. Jose Luzurriaga* *Mga Pilipinong may lahing-Kastila; nang dumating ang mga Amerikano para tayo’y sakupin, sila ang kauna-unahang nagtaksil sa Rebolusyong Pilipino para makakuha ng pwesto sa ilalim ng gobyernong Amerikano sa Pilipinas Imposibleng piliin si Antonio Luna, sapagkat anti-Amerikano na siya noon pa lamang; bago siya patayin ng mga kapwa Pilipinong tauhan ni Aguinaldo, siya ang nagbabala kay Aguinaldo na mag-ingat sa mga Amerikano
  • 14. Raizza P. Corpuz © Malabo ring piliin si Emilio Jacinto sapagkat itinuring siyang “Utak ng Katipunan,” bagamat patay na siya noong panahon ng mga Amerikano (mayorya sa mga natirang kasapi ng Katipunan sa buong bansa ay nagpatuloy sa paglaban sa mga Amerikano hanggang madakip si Aguinaldo) Halos kapantay lamang ni Rizal sina del Pilar at Jaena sa pagiging repormista (ayaw sa rebolusyon; bagamat nagpahayag si del Pilar na pabor siya sa rebolusyon bilang huling opsyon) ngunit lumamang si Rizal sa pagiging diumano’y mas dramatiko ng pagkamatay niya: siya’y binaril sa Bagumbayan, namatay naman sa tuberculosis si del Pilar at namatay rin sa sakit si Jaena (bagama’t kung tutuusin, dramatiko rin ang pagkamatay ni del Pilar na kaya nagkasakit ay sa kawalan ng perang pangkain; naubos ang kanyang pera sa paglalathala ng La Solidaridad na pangmulat sa mga Pilipino; namatay siyang isang pulubi sa Espanya). Gayunman, isang bagay ang di pinagtatalunan, at hindi tinututulan maging ng mga umaayaw kay Rizal bilang pambansang bayani: ang kadakilaan ng kanyang panulat: ang pagsulat niya sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo na parehong de-kalidad na obra-maestrang tumatalakay sa mga suliraning panlipunan at nagmulat sa mga Pilipinong inaalipin ng Espanya. Walang nakapantay sa husay niyang magsulat para magmulat.