2. Ang manunulat ng korido ay nagdarasal sa
Birheng Maria upang hindi siya
magkamali sa pagkukwento ng koridong ito at
upang malinawan ang pagiisip niya.
Hinihingi rin ng manunulat ng gabay sa
pagpaplano ng kanyang buhay. At sa
hulihan ang hiniling niya ay mapakinggan
siya ng Birheng Maria.
3.
4. Ang Berbanya ay ang kaharian ni Don Fernando. Si
Don Fernando ay isang mabuting hari at ginagalang niya
anglahat ng tao; mayaman man o mahirap.Si Donya
Valeryana ay ang asawa ni Don Fernando. Siya ay isang
maganda at mabait na reyna.Ang mga anak nila ay sina
Don Juan, Pedro at Diego. Si Don Pedro ay ang
panganay. Maganda ang kanyang katawan at siya ay may
magandang postura. Si Don Diego naman ay ang
pangalawang anak. Siya ay ang kaibahan ni Don Pedro
dahil siya ay mahina at malumnay. Si Don Juan naman
ay ang bunso. Siya ay ang paboritong anak ni Don
Fernando. Ayon kay Don Feranando siya ay ang araw ng
buhay niya at kapag may mangyaring masama sa kanya.
5.
6. Nagkaroon ng isang panaginip si haring Fernando na
may nangyaring masama sa kanyang anak. Ang
sususnod na araw siya ay sobrang lungkot na at
nagkasakit dahil dito. May dumating na isang
manggagamot at tiningnan si haring Fernando. Sabi
niya upang magamot ang kondisyon ni don Fernando,
kailangan niya marinig ang kanta ng ibong adarna.
Ang ibon na ito ay matatagpo daw sa bundok tabor
kung nasaan ang puno ng piedras platas.kung saan
natutulog ang ibon sa gabi. Agad inutusan ni don
Fernando ang kanyang mga anak para kunin at
hanapin ang ibong adarna.
7. Isang gabi ay nanaginip si Haring Fernandco. Ang
kanyang paboritong anak na si Don Juan ay
pinaslang ng mga hindi niya nakikilalang lalaki.
Labis na dinamdam ito ng hari at siya ay nagkasakit.
Walang manggagamot ang nakatuklas kung anong uri
ito ng sakit dahilan upang mag-alala nang husto si
Reyna Valeriana. Sa wakas, isang mangagamot ang
nagsabi ng tunay na dahilan ng pagkakasakit ng hari –
at ito nga ay dahil sa masamang panaginip. Ipinayo
rin niya na ang tanging makalulunas sa sakit nito ay
ang tinig ng mahiwagang ibon na matatagpuan sa
Bundok ng Tabor. Ang Ibong Adarna ay
naninirahan sa puno ng Piedras Platas.
8.
9. Ang una na sumunod sa anak ay si Don Pedro. Sumakay
siya ng kabayo at naglakbay ng 3 buwan. Nakarating siya
sa isang matatas na bundok at pinakawalan niya ang
kabayo at naglakad nalang papunta sa bundok tabor. Sa
bundok tabor, nakita niya ang isang makintab na puno. Sa
ilalim ng puno siya namahinga. Naisip niya na baka ito
ang piedras platas. Marami siyang nakitang mga ibon na
lumilipad. Sinisilipan ni Pedro kung saan dito ang
adarna. Hindi niya alam kung bakit wala sa lahat ng mga
ibon na lumilipad ay dumadapo sa punong iyon. Halos
buong gabi na siyang nakatulala sa puno kaso walang mga
ibon na dumadapo sa puno na iyon at walang gumagalaw
kung di ang mga sangga ng puno rin.
10. Halos buong gabi na siyang nakatulala sa puno kaso
walang mga ibon na dumadapo sa puno na iyon at walang
gumagalaw kung di ang mga sangga ng puno
rin. Natulog na siya at naisip niyang sa umaga niya
nalang hahanapin ang adarna. Habang siya ay tulog,
dumating ang ibong adarna. Nagayos ito ng balahibo at
nagsimulang umawit. ang ibong adarna ay parang isang
parol sa dahon ng piedras platas. Pitong kanta ang
maririnig mula sa adarna at nagpapalit siya ng balahibo
bawat kanta at ito ay nagbabawas bago matulog nang
magbawas siya, napatakan si Don Pedro at siya ay
naging bato.
11.
12. Nang hindi makabalik si Pedro, inutusan na ni
Don Fernando na si Don Diego na ang pumunta at
maghanap sa ibong adarna. Naglakbay siya ng 5
buwan at dumaan ng mga gubat, bundok at ilog ng
matapang at nakarating siya sa Bundok Tabor at
nakita niya ang Piedras Platas. Kagaya kay
Pedro, siya ay nagtaka rin tungkol sa mga ibon at
nakatulog rin siya sa ilalim ng puno. Dumating din
ang ibong adarna.
13. Nagpalit ng balahibo sabay sa awit niya.Naaliw
si Don Diego at nakatulog siya dahil sa pagkanta
ng ibon. Ang ibon ay muling kumanta, nagpalit
ng balahibo at nagbawas. Tulad kay Pedro, Si
Diego ay natalsikan din at nagging baton a rin
siya.
14.
15. Lalong sumama ang kalagayan ng hari sa hindi
pagbabalik ng dalawang magkapatid.Ayaw naman ng
hari na utusan ang anak niyang bunso dahil sa pag-
aalalang ito’y mawala. Nagsabi si Don Juan na siya
ang hahanap sa ibon at sa mga kapatid. May tatlong
taon ng di bumabalik ang dalawang magkapatid kaya
nababahala na ang kaharian.Una di pumapayag ang
hari ngunit pinilit ni Don Juan ay napapayag niya
rin ang kanyang ama Si Don Juan ay di gumamit ng
kabayo sa paglakbay.
16. Nagbaon ng limang tinapay at nanalangin sa
Inang Birhen. Hiningi niyang patnubayan siya
nito at ang hirap ay mapagtiisan. Binagtas ang
kabundukan, parang, ilog at iba pa. Gutom at
pagod ang kanyang naranasan pero di siya
sumuko. 4 buwan na siyang naglalakad. Kada
buwan ay isang tinapay ang kanyang
kinakain.Sa kanyang paglalakbay ay natagpuan
niya ang isang matandang sugatan.
23. May nakita si Don Juan na leproso. Ang leproso ay
humingi ng pagkain. Binigyan ni Don Juan ang
leproso ng kanyang huling tinpay niya. Kinuwento ni
Don Juan ang kanyang pakay. Binalik ng leproso ang
tinapay kay Don Juan pero do tinangap ni Don
Juan. Umalis na si Don Juan at pumunta siya sa
bahay ng isang ermitanyo. Nakita ni Don Juan ang
binigay na tinapay sa lemasa sa bahay ng ermitanyo.
Binigyan ng ermitango si Don Juan ng dayap, labaha
at sintas para makatulong sa paghuli sa Ibong
Adarna.