SlideShare a Scribd company logo
1 of 42
Sinaunang Paniniwala at kaugalian
Mataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mga
ninunong pumanaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan, mga ilog at
halamang-gamot, malalaking punungkahoy, kwebang sambahan, mabababangis na
hayop. Higit ang pagkilala nila sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno, kung kaya’t
inaalayan nila ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin. Naniniwala
rin sila sa kabilang buhay. Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao na
namamangka sa takip ng tapayang Manunggul na pinangangahulugang paglalakbay
patungo sa kabilang buhay.
Bawat kapuluan ay may sari-sariling paniniwala. Katunayan, iba-iba ang mga
katawagan nila sa kanilang mga Diyos: Abba sa mga Cebuano, Kabunian sa mga
Ilokano, Bathala sa mga Tagalog, at Laon sa mga Bisaya. May iba-iba ring katauhan
ang kanilang diyos tulad nina Sidapa, naghaharing diyos sa langit ng mga Bisaya;
Sisiburanen, naghaharing diyos sa impyerno ng mga Bisaya; Hayo, diyos ng karagatan
ayon sa mga Tagalog; at Dian Maslanta, diyos ng pag-ibig ayon sa mga Tagalog. Ang
seremonya sa pag-aalay sa mga diyos o anito ay pinangungunahan ng tinatawag nilang
katalonan sa Tagalog at babaylang sa Bisaya, ang mga ito’y maaaring lalaki o babae na
pinaniniwalang tagapamagitan sa sinasamba.
Kaugalian sa Kasal – May kanya-kanyang paraan ng pagdaraos ng kasalan ang mga
sinaunang Pilipino sa bawat kapuluan. Kadalasan, sa bahay ng datu ang tagpuan ng
mga kamag-anak ng ikakasal. Ang nakatakdang babaylan (o baylanes) o katalonan
(catalonan) ay magsasagawa ng seremonya ng kasal. Pauupuin ang ikakasal na
magkaharap
Kababaihan sa Pilipinas
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saDalagang Pilipina)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang babaeng Tagalog (nasa kanan) na nilalarawan sa Boxer Codex ng ika-16 daantaon.
Ang gampanin ng mga kababaihan sa Pilipinas (mga Pinay) ay ipinaliwanag ayon sa diwa ng
kalinangang Pilipino, pamantayan, pananaw at kaisipan. Nilarawan ang Pilipinas bilang isang
bansa ng mga matatatag na mga kababaihan, na tuwiran at hindi tuwirang nagpapatakbo sa mag-
anak, negosyo, mga tanggapan ng pamahalaan at mga hasyenda. Bagaman pangkalahatang
pinakakahuluganan nila ang kanilang mga sarili sa isang tagpuan sa Asya na napapangibabawan
ng mga kalalakihan sa isang lipunang dumaan sa kolonyalismo at Katoliko, namumuhay ang
mga Pilipinong kababaihan sa isang kulturang nakatuon ang pansin sa pamayanan, na ang mag-
anak ang pangunahing bahagi ng lipunan. Dito sa balangkas na ito - na may kayariang
pangkahanayan, pagkakaiba-ibang antas sa lipunan, kadahilanang makapananampalataya, at
pamumuhay sa isang umuunlad na bansa ng mundo - nakikibaka ang mga kababaihang Pilipino.
Kung ihahambing sa ibang mga bahagi ng Timog-silangang Asya, palagiang nakakatamasa ng
mas malaking antas ng kapantayang makabatas ang mga kababaihang nasa lipunan ng
Pilipinas.[1][2][3][4]
[baguhin]Katayuan bago maging kolonya
Ang kayariang panlipunan ng Pilipinas bago maging kolonya ay nagbibigay ng pantay na
pagpapahalaga sa kahanayang maka-ina at maka-ama. Dahil sa pamamaraang ito, napagkalooban
ang mga kababaihang Pilipino ng higit na kapangyarihan sa loob ng isang angkan. Mayroon
silang karapatang magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan at maaaring hiwalayan o
dibosiyuhin ang asawang lalaki. Maaari rin silang maging pinuno ng nayon kung walang
tagapagmanang lalaki sa katungkulan. Bago dumating ang mga Kastila, maaari ring makamit ng
mga Pilipinong babae ang katayuang babaylan, mga babaeng manggagamot o mataas na babaeng
pari at astrologa.[4][5][6][7]
Diwata
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Diwata&oldid=919618"
SamitolohiyangPilipino, ang Diwata ay isang katauhan na katulad ng mga engkanto (fairies) o
nimpa (nymph). Sinasabing naninirahan sila sa mga puno, katulad ng aksiya at balete at
tagapagbantay ng ispiritu ng kalikasan, na nagdadala ng pagpapala o sumpa sa mga taong
nagbibigay ng benipisyo o pinsala sa mga gubat at mga bundok. Ito ang baybay Filipino ng
Sanskritna salitang devadha, ngunit hinango sa kahuli-hulihan sa salitang Sanskrit na dev,
nangangahulugang diyos.
Animismo
Ang animismo ay isang katutubong paniniwala na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng
mundo. Ang isa sa mga katangian ng animismo ay ang paniniwalang may mga
mabuti at masasamang ispirito at nilalang na nanatili sa mundo na dapat igalang o
dili naman kaya’y sambahin.
Nilalaman
[itago]
1Deskripsyon
2Mga Kilalang Diyos
3Pagsamba sa mga Ispirito
4Mga Tagapanguna sa Pagsamba
5Mga Impluwensiya ng Animismo sa Ngayon
6Sanggunian
7Pagkilala
Deskripsyon
Ang animismo ay laganap sa Pilipinas noong pahanong bago dumating ang mga
Kastila. Ang tawag nila sa pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si “Bathala,”
habang ang iba namang mga ispirito ay mga “diwata” at “anito”. Ito ay kaugnay din
sa pagsamba sa kalikasan, sapagkat pinaniniwalaang ang mga anito ay nakatira sa
mga puno, bato, hayop at iba pang mga bagay na matatagpuan sa kapaligiran.
Mga Kilalang Diyos
Maliban kay Bathala, may iba pang mga sinasabi ang mga animista ng sinaunang
panahon. Ang ilan sa mga diyos na sinasamba ay sina Adlaw (araw), Tala (bituin) at
Mayari (buwan), na siyang tatlong anak ni Bathala. Kabilang din sa listahang ito sina
Lakampati, na siyang diyos ng mga pananim, Hayo, na diyos ng karagatan, at
Anitong Tabo, na siyang diyos ng ulan at hangin. Sa Bisayas naman ay sinasamba
ang diyos na si Kanlaon, pati sina Maguayan na diyos ng dagat at Kaptan na diyos
ng hangin.
Pagsamba sa mga Ispirito
Ang mga ispiritong ginagalang ng mga animista ay maaaring mga ispiritong
nagmula sa kalikasan, at mayroon din namang mga ispirito ng kanilang mga ninuno.
Para sa kanila, ang pagsamba sa mga ispirito ay magdudulot ng magagandang
bunga, tulad ng mas maunlad na pananim at magandang panahon. Kinakailangan
nilang gumawa ng mga bagay, katulad ng pag-alay sa mga ispirito, upang mapabuti
ang kalooban ng mga ispirito sa kanila. Ang mga masasamang ispirito naman, ayon
sa kanila, ay dapat iwasan o di kaya’y bigyan din ng mga alay, upang hindi sila
magdulot ng mga panganib at sakuna.
Mga Tagapanguna sa Pagsamba
Ang mga taong nangunguna sa mga ritwal ng animismo ay tinatawag na mga
babaylan at catalonan. Sila ang nangunguna ng mga ritwal ng pangungusap sa mga
ispirito. Karaniwang gumagamit sila ng mga awit at sayaw upang simulan ang ritwal.
Ang mga babaylan at catalonan ay lubusang ginagalang sa komunidad, at bahagi
din ng kanilang mga gawain ay ang pagbibigay lunas sa mga karamdaman at ang
pagbibigay ng payo ukol sa paggawa ng mga importanteng desisyon. Karamihan sa
mga babaylan ay mga kababaihan.
Mga Impluwensiya ng Animismo sa Ngayon
Ngayon, tinatayang may dalawang porsyento pa rin ng mga Pilipino ang animista.
Karamihan sa mga animista sa Pilipinas sa kasalukyan ay mga pangkat na
katutubo. Maski na rin halos lahat ng mga Pilipino ay mga Katoliko, may mga
paniniwala pa rin ang mga Pilipino na masasabing nag-uugat sa mga paniniwalang
animismo. Halimbawa, laganap pa rin ang paniniwala ng mga Pilipino sa
masasamang ispiritong tulad ng aswang at barang na nagdudulot ng panganib. Ang
mga paniniwala sa mga duwende, nuno sa punso at mga diwata ay masasabing
ugat din ng animismo.
Pati ang paniniwalang Katoliko ng mga Pilipino ay nahahaluan din ng animismo.
Ang pag-aalay ng itlog sa istatwa ni Sta. Clara upang makasigurong hindi uulan ay
isang halimbawa nito.
Sanggunian
Animism Profile,
http://www.omf.org/omf/cambodia/about_cambodia/animism_profileAnimism,
http://encyclopedia.jrank.org/ANC_APO/ANIMISM_from_animus_or_anima_mi.html
Animism, http://www.themystica.com/mystica/articles/a/animism.htm Animism,
Sacred Texts http://www.sacred-texts.com/sha/anim/anim04.htm
Sinaunang Panahon ng Pilipinas
(Inilihis mula Sinaunang Panahon ng Filipinas)
Bago pa pangalanang Filipinas ang bansa, marami nang naganap sa iba't ibang
panig ng kapuluan na pawang kakikitaan ng pag-iral ng mga sinaunang tao. Ayon sa
antropologong si Jesus T. Peralta, tinatayang may 6,000–8,000 BK taon na ang
nakalilipas nang umiral ang mga sinaunang tao sa kapuluan. At mapatutunayan ito
sa pamamagitan ng mga antigong kagamitan at palayok na nahukay sa lupa o
nasisid sa dagat.
Mga pananaw
Dalawang pangunahing pananaw o teorya ang makapagpapaliwanag hinggil sa
paglitaw ng mga sinaunang tao sa kapuluan. Una, ang daloy ng wikang
Austronesyano ay maaaring nagmula sa Formosa at Timog Tsina noong 5000 BK,
tumawid sa hilaga ng Filipinas, at bumaba pa-silangan tungong kalapit na mga
bansa. Ikalawa, nagsimula ang paglaganap ng wikang Austronesyano mulang timog
ng Filipinas at hilagang Indonesia, saka lumaganap pa-silangan tungong ibang pook
sa Pasipiko.
Panahon ng palayok
Matatagpuan din sa kapuwa dulong hilaga at dulong timog ng Filipinas ang
pinakamatandang uri ng piraso ng palayok, ayon kay Alexander Spoehr. Sa Isla
Sanga-sanga ay may natuklasang mga piraso ng palayok at takupis na tinatayang
nasa panahong 5955–5520 BK. Samantala, natagpuan sa Yungib Laurente ang
mga bahagi ng sinaunang anyo ng sasakyang pandagat at ilang palayok at
kagamitang nasa panahong 5880 BK. Matatagpuan ang nasabing yungib sa
munisipalidad ng Penablanca, Lambak Cagayan. Higit pa rito ang tanda ng
natuklasang ang mga antigong palayok at lumaganap noong 4,000 at 5,000 BK.
Tinirahan na umano ang nasabing yungib noong 1600 BK. Samantala, ang
pinakamatandang panahong lumitaw ang palayok sa Filipinas ay tinatayang nasa
4475–4425 BK, ayon kay Robert Fox.
"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong saWikifilipinoat palawakin pa ito !"
Panitikan sa Pilipinas
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang halimbawa ng pantikang Pilipino ang Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at ng Caniyang mga
Nacasama na isinulat ni Honorio Lopez noong 1912.
Malawakang bahagi ng buhay pampanitikan ng mga Pilipino ang nobelang Noli me Tangere (c. 1887) ng
kanilang pambansang bayaning si Dr. José Rizal.
Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning
uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga
panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan
ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa.
Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino[1]
ang Panitikan ng Pilipinas.[2]
Sa kasalukuyan,
tinatawag din itong Panitikang Filipino[3]
, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang
pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan
ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha,
sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan,
pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo,
pangtelebisyon at pampelikula[3][4][5]
o
[baguhin]Kahulugan ng Panitikang Pilipino
Pangunahing lathalain: Panitikan
May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa
panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina
Joey Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.[6]
Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat
ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa
kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain
pamamaraan.[6]
Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.
Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang
ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang
pantaong natatangi sa sangkatauhan.[6]
[baguhin]Mga katangian ng Panitikang Pilipino
Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na
guni-guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy,
panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay
ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay ang panitikan sapagkat may
sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng
isang buong lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.[6]
Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o
pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.[4]
Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng
panitikan sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya.
Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan
sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape
recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter.[3]
Dahil sainternet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa
nang instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki
sa kanilang pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.[4]
[baguhin]Kahalagahan ng Panitikang Pilipino
May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang
panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang
matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging
makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang
pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng
ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang
kanilang tulay sa naiwan nilang bansa.[4]
Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng
pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.[4]
[baguhin]Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral at pagkakaroon ng
kurikulum na ukol sa panitikang Pilipino.[4]
Bilang isang kurso sa paaralan, dalubhasaan, o
pamantasan, ginagamitan ang pag-aaral ng Panitikan sa Pilipinas ng makasaysayang pananaw.
Sinasaklawan nito ang kasaysayan ng Panitikang Pilipino sa iba't ibang panahong pinagdaanan
ng bansang Pilipinas. Sakop din nito ang mga mga uri at anyo ng Panitikang Pilipino, paglinang
nito, mga manunulat, mga bayani, at mga mithiin ng sangkabansaan.[1]
[baguhin]Pag-uuring pampanitikan
[baguhin]Mga paraan ng pag-uuri
May dalawang ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sapaghahalin at ang ayon sa kaanyuan o
anyo.[3]
[baguhin]Ayon sa paghahalin
May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa paghahalin. Ito ang
pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.[3]
[baguhin]Pasalindila
Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sadila at bibig ng tao. Noong hindi
pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila
ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga
Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang
pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at
pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o
henerasyon ng mga Pilipino.[3]
[baguhin]Pasalinsulat
Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang
panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang sinaunang
abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito.
[baguhin]Pasalintroniko
Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa
pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga
halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape
recorderat ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel,
bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter.[3]
[baguhin]Ayon sa anyo
Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at patanghal.[3]
[baguhin]Patula
Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga
taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-
tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang
patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng
mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang
paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin
ang bawat isa sa mga ito:[3]
Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahahalaga sa
buhay ng tao. Mayroon itong tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at kurido, at ang
balad.
May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit,
pastoral, at oda.
May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya, trahedya,
parsa, saynete, at melodrama.
May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan.[3]
[baguhin]Patuluyan
Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-araw na
paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan
ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.[3]
Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay, at
kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat, mulamat o mito,
pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.[3]
[baguhin]Patanghal
Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga
bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap
na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga
yugto na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat
yugto.Samoro-moro, na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang
tagpo. Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.[3]
[baguhin]Sinaunang Panitikang Pilipino
Pangunahing lathalain: Sinaunang Panitikan sa Pilipinas
Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong
unang mga kapanahunan.[3][5]
Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon
at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na
dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin,
ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang
Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi
ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa
Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa
ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.[5]
[baguhin]Paraan ng pagbasa at pagpapaliwanag
Mayroong dalawang pamamaraan ng pagbasa at papaliwanang ng mga tekstong pampanitikan:
ang makasaysayan o historikal na paraan at ang pormalistikong kaparaanan.[7]
[baguhin]Paraang historikal
Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ng mga tekstong
pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang
pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-
unlad ng panitikan sa Pilipinas.[7]
Sa ganitong paraan, nagkaroon ng apat na kahatian ang kapanahunang pangkasaysayan ng
Pilipinas: ang Panahon ng Pananakop Bago Dumating ang mga Kastila o Pre-Spanish Colonial
Period (1400-1600), ang Panahon ng mga Kastila o Spanish Period (1600-1898), Panahon ng
mga Amerikano o American Occupation (1898-1946), at ang Pangkasalukuyang Panahon
Pagkaraan ng Kolonyalismo o Contemporary Post-colonial Period.[7]
Kaugnay ng panitikang Pilipino, sina Jose Villa Panganiban at Teofilo del Castillo ang unang
gumamit ng ganitong paraan upang makamit ang interpretasyon ng pangliteraturang mga
teksto.[7]
[baguhin]Paraang pormalistiko
Ang paraang pormalistiko ay isang pormal at empirikal na pamamaraan ng pagbasa at
pagpapaliwanag – maging pagsulat – ng tekstong pampanitikan na Dumating sa Pilipinas ang
ganitong paraan sa pamamagitan ng Amerikanong sistemang pang-edukasyon.[7]
Sa ganitong paraan, mas detalyado at empirikal (batay sa karanasan, obserbasyon, pagsubok o
eksperimento, ayon sa praktikal na karanasan, sa halip na teoriya[8]
) ang pamamaraan ng pagbasa
ng pampanitikang teksto na may layuning tuklasin ang kung ano talaga ang makapampanitikan o
literaryo sa teksto. Nag-iiba-iba ang mga kaparaanan mula sa diin at patutunguhan o direksyon
ng mga gumagamit nito. Kabilang sa pinagtutuunan ng pansin dito ang pagkakaroon ng
pagkakaisa o unidad ng katawan ng teksto, o sa madalaing sabi: nakatuon mismo sa
pinakateksto.[7]
kkk
Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Panitikan_sa_Pilipinas&oldid=1175791"
Kategorya:
Sinaunang Pamumuhay ng mga Pilipino
Home
Ang Pilipinas
Ang Pananakop ng mga
Dayuhan
Contact Me
Mga Magagandang
Tanawin sa Pilipinas
Sinaunang Pamumuhay
ng mga Pilipino
Marming Salamat!!!
Sinaunang Pamahalaan
PAMAHALAAN: Mga pinuno, batas at hukuman
PINUNO: Rajah, Datu, Sultan
Tungkulin ng pinuno: Gumagawa at nagpapatupad ng batas, tagahatol,
nagbibigay ng parusa, pinuno sa dogmaan, nagdedeklara ng digmaan,
Nakikipagkasundo sa kalapit na barangay, Nagaayos ng gulo o away, Lider
sa pananampalataya, atbp...
Mga Batas:
Ang mga batas ay pinagkakasunduuan ng matandang konseho at isinisigaw
ng umalahokan ang bagong batas sa barangay. Mahigpit ang pagpapatupad
ng batas. Malupit din ang mga parusa tulad ng pagputol ng daliri, pagiging
alipin, kamatayan, atbp.
Lipunan:
Ang Maharlika ay binubuo ng kaanak ng datu.
Ang Timawa ay binubuo ng mga malayang tao.
Ang Alipin ay maaaring namamahay (may pag-asang maging timawa) o
saguiguilid (wala nang pagasang maging timawa).
Pananampalataya:
Sinasaklawan nito ang kanilang mga kaugalian. Sa paglilibing, pagpapakasal,
at sa pang-arawaraw na gawain. Marami silang pinararangalang diyos.
Mga Pamahiin:
Paglilibing: kasamang inilalagay sa kabaong ang mga paboritong kagamitan
ng namatay, minsan ay isinansama ang isang alipin, paglulukasa sa
pamamagitan ng pagsusuot ng puti, di pagkain at paginom ng
alak,nagaayuno, baliktad ang paglalagay ng balaraw, atbp...
panliligaw: kailangang dumaan muna sa magulang bago sa anaak,
paninilbihan ang pamilya ng babae, hindi maaaring magtagpo, magkakaloob
ng bigay kaya ang lalaki kung nakapasa na siya sa unang pagsubok at
maayos na pakikipag usap ng magkabilang panig.
Wika at Panulat:
May 17 titik lamang ang ginagamit noon. 14 na katinig at 3 patinig ngunit 5
ang gamit nito. Dagta ng kahoy ang ginagamit na tinta, dahon ng saging o
malapad na dahon ng kahoy ang nagsisilbing papel, at ang lapis ay lanseta o
pinatulis na bakal.
Alibata
L A R A W A N N G M G A S I N A U N A N G B A H A Y S A PILIPINAS
Isa sa mga yungib sa Tabon, Palawan, paulit-ulit na tinitirhan ng iba’t ibangpangkat ng mga unang tao sa
Pilipinas simula 24,000 taon, maaaring higit pa,sa nakaraan.Sa mga ilonggo’t kalinga, ang kanilang bahay
ay nasa itaas ng mga punungkahoy
.
Ang mga Samal ay nagtatayo ng mga tirahan sa mababaw na b ahagi ng
dagat.Matataas na kawayan ang haligi nito upang hindi abutin ng tubig-dagat ang
sahigkung tumataas ang tubig-dagat.Ang mga Ifugao ay nakatira sa bahay na yari sa kahoy at
pawid at nakaangat salupa. Wala itong bintana. May hagdan ito na yari sa kahoy. Inaalis ito kung sila
aymatutulog o kaya ay aalis ng bahay.
Ang mga Badjao ay nakatira sa mga bangkang bahay.
tl.wikipedia.org/wiki/Kuwebang_Tabon
Kultura ng Pilipinas
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nangangailangan ang lathalaing ito ng mga karagdagang mga pagbanggit ng mga batayan
para mapatunayan.
Pakitulong lamang na mapainam pa ang lathalaing ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas matibay
na mga sanggunian. Maaaring hamunin ang katotohanan at alisin ang mga kabatirang walang
sanggunian. (Setyembre 2010)
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga
katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333
taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas
kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa
mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na
seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng
malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga
distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar
ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang
nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay
nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India,
Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas.
Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga
Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang
Tagalog at iba pang wika saPilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting
halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami
sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa
mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga
tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at
pamahalaan.
Lipunang Pilipino
Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa
pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang
bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga
nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at
ng mga mahihirap.
Kaugaliang Pilipino
Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan
kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga
sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay
agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang
nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng
mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na
sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay
kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa
kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga
Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak,
kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang
bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga
nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.
Pakikisama[1]
: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda
at mabuting pakikitungo sa iba.
Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala
na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay
nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa
kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang
pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay
pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.
Utang na Loob[1]
: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga
pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan
Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. citation needed
Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.citation
needed
Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang
mga sinabi nitong mga salita o pan
Sanggunian
1. ↑ 1.01.1
"Tungkol sapakikisama, at utang na loob". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New
Day Publishers). (1970/2007).
Tatlong pangkat ng sinaunang mga tao sa Pilipinas
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ibinibilang ang karamihan sa mga mamamayan ng Pilipinas sa mga liping Mongoloid, ngunit
bagaman kalapit at kaugnay sila "sa dugo" ng mga Intsik, Hapones, at taga-Malaysia, mayroon
pang naunang mga grupo ng mga tao na nagpunta at nanirahan sa sinaunang Pilipinas. Kabilang
dito ang Taong Tabon at ang mga nagsidating na mga Negrito, Indones (mga sinaunang
Indonesyano), at mga sinaunang Malay. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa kapuluan ng
Pilipinas, palagian nang nakikipag-unayan ang mga Intsik - bilang mga mangangalakal - sa mga
mamamayan ng sinaunang Pilipinas. Sa loob ng maraming mga dantaon, nagkaroon ng
pagpapakasal sa pagitan ng mga sinaunang mamamayan ng arkipelago at mga Intsik. Ang lahat
ng mga ito ang tinatawag na mga unang mga mamamayang namuhay sa kapuluan, subalit may
natatanging tatlong pangkat ng mga sinaunang taong dumating sa Pilipinas: ang mga
Negrito, mga Indones, at mga Malay.[1]
o
Mga ninuno ng Pilipino
Ilan sa mga ninuno ng mga Pilipino ang nagbuhat sa mga pangunahing-lupain ng Timog-
Silangang Asya, at pinaniniwalaang naglakbay at naglakad sa ibabaw ng mga "tulay na lupa" na
dating nagkakabit at nagdurugtong ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Ang mga salinlahi ng
mga ninunong ito ang naging nakikilalang mga Pilipino sa kasalukuyan at naging mayoridad sa
Pilipinas.[1]
Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[2]
Naganap pa
ang iba pang migrasyonsa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang
libong taon.[2]
Katawagang Pilipino
Sa malawakang diwa, maaaring tawagin silang mga unang "Pilipino" sa sinaunang Pilipinas,
subalit noong mga panahon ng mga lagom,kolonyalismong Kastila, orihinal na tumutukoy ang
terminong Pilipino o Filipino sa mga Kastilang isinilang sa Pilipinas at tinatawag ding mga
insular, kriyolyo o Pilipinong Espanyol. Binubukod nito ang mga Kastilang ipinanganak
saEuropa kung saan kilala ang mga huli bilang mga peninsular. Ngunit sa pagsapit ng panggitna
hanggang mga huli ng ika-19 dantaon, nagsimulang gamitin ang terminong "Pilipino" para sa
mga katutubo o indihenang populasyon ng Pilipinas. Ayon sa manunulat ng kasaysayang si
Ambeth Ocampo, si José Rizal ang unang tumawag sa mga katutubong mga naninirahan sa
Pilipinas bilang mga "Pilipino". Sa kasalukuyan, ginagamit rin ang Pilipino para sa mga
nasyonalidad at pagka-mamamayan ng isang taong nagmula sa Pilipinas. Nangangahulugan na
tumutukoy din ang "Pilipino" hindi lamang sa mga katutubong Awstronesyanong mayoridad,
kundi para na rin sa iba pang may mga pinagmulang etniko, katulad ng mga Pilipinong may-
liping Amerikano, Kastila, Indyano, Hapones, at Intsik.
Mga Negrito
Ang mga Negrito ang bumubuo sa mga pinakamatanda o sinaunang mga nabubuhay pang grupo
sa Pilipinas. Tinatawag ding mga pygmy o pigmi (mga maliliit na tao), at mabababa ang taas
kaysa mga pangkaraniwang mga Pilipino. Namumuhay pa rin sila sa pamamagitan ng
pangangaso, pangingisda, at pagtitinda ng mga produktong mula sa kagubatan. Matatagpuan sila
sa mga panloob na bahagi ng Luzon, Panay, at mga pulo sa Mindanao.[1]
Tumutukoy ang terminong Negritosa ilang mga grupong etnikong namumuhay sa ilang mga
lugar sa Timog-Silangang Asya.[3]
Kabilang sa kanilang mga populasyon sa kasalukuyan ang
mga Aeta (o Ita), Agta, Ayta, Ati, Dumagat at may mga 25 pang ibang tribo sa Pilipinas, ang
Semang ng peninsulang Malay, ang mga Mani ng Taylandiya at 12 tribong Andamanes ng
Kapuluang Andaman ng Indya.
Mga Indones
Dalawang pangkat ng mga Indones ang unang dumating sa sinaunang Pilipinas. Ito ay Una at
Ikalawang pangkat.
Unang pangkat
Nagmula ang mga unang Indones sa Timog-silangang Asya. Maputi ang kanilang balat,
balingkinitan ang katawan, makitid ang hugis ng mukha may malapad na noo, may kalaliman
ang mata ngunit matangos ang mga ilong. Mas makabago ang kanilang kalinangan kung
ihahambing sa mga Negrito. Nagtayo sila ng mga bahay na may-hukay sa lupa o nasa tuktok ng
mga puno. Marunong silang pumana, mangisda, magkaingin at niluluto nila ang kanilang mga
pagkain.Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng Caraballo.
Pangalawang pangkat
Kaiba ang pangalawang pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang kanilang balat, malapad
ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at
malaki ang mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa
mga baybay ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat.
Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe.
Mga Malay
Pangunahing lathalain: Mga Malay
Mga Malay ang tawag sa mga pangkat etnikong Awstronesyo. Sa Pilipinas, sila ang mga ninuno
ng mga naging Bisaya, Tagalog, Ilokano, Moro, Bikolano, Kampampangan, mga Panggasinense,
Ifugao, at iba pa.
Tumira sila sa Pilipinas ng 100 hangang 200 na taon.[kailangan ng sanggunian]
Ang mga armas nila ay
itak, kris, balaraw at lantaka.
Mga sanggunian
Talababa
1. ↑ 1.01.11.2
"Philippines, The People". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng
Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
2. ↑ 2.02.1
"Philippines - Early History". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
3. ↑Snow, Philip. The Star Raft: China's Encounter With Africa. Cornell Univ. Press, 1989 (ISBN
0801495830)
Katayuang panlipunan sa Pilipinas bago ang kolonisasyon
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saMga katayuang panlipunan sa Pilipinas bago ang kolonisasyon)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang ulila ang artikulong ito dahil nabibilang o walang artikulo ang nakaturo dito.
Makakatulong po kayo sa paglalagay ng panturo sa mga kaugnay na artikulo. (Nobyembre 2009)
Ang artikulo o bahaging ito ay maaring kinakailangang isa-Wiki upang matugunan ang
pamantayan sa kalidad ng Wikipedia.
Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga
bahagi, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong)(Nobyembre 2009)
Maaaring naglalaman ang artikulo o seksyong ito ng orihinal na pagsasaliksik o kaya hindi pa
natitiyak na mga pag-aangkin.
Pagbutihin ang artikulo sa paglalagay ng mga sanggunian. Silipin ang usapang pahina para sa mga detalye.
(Nobyembre 2009)
ANG UNANG KASAYSAYANG PANLIPUNAN SA PULO NG GINTO O LUZON BAGO
PA DUMATING ANG KOLONISASYON
Ang mga taal na katayuan sa lipunan at likas na kinabihasnang galaw ng mga katutubo sa
katagalugan noong mga kapanahunang wala o hindi pa nakararating ang mga taga yuropa
(kastila o portugis) sa lusong o pulo ng ginto, ay tatlo lamang: ang "MAGINOO,
MANDIRIGMA at TIMAWA". Wala pa sa dila at baybayin ng mga taga-ilog ang salita't
katauhan ng "ALIPIN at MAHARLIKA" na dumatal sa kaisipang katutubo pagkaraan lamang ng
ilang mga siglo, matapos magkaroon ng pakikipag-ugnayan ang mga manlalakbay na
nangangalakal sa lupaing "MALAYA" mula sa malayong kanluran ng ibayong dagat. Sila ang
mga banyagang bisaya, muslim, hindu at mga taga yuropa na itinuring na mga "DAYUHAN" sa
isip at hinuha ng mga katutubong "TAGA-ILOG".
MAGINOO
Isang lahi ng mga katutubong Tagalog na may paninidigan sa kasarinlan ng pulo ng ginto noong
unang panahon. Sila ang umugit ng kaharian at pamayanan ng lupaing mabunga ng lalawigang
KALALILA na sa ngayon ay kilalang-kilala na KALAKHANG MAYNILA, CAVITE,
LAGUNA, BATANGAS, RIZAL, QUEZON, BULACAN, BATAAN at ZAMBALES.
Sila ay isang angkan na tunay na iginagalang noong panahon ng mga timawa o katutubong
malaya sa tulong ng mga mandirigmang Tagalog na naniniwala sa kapatirang likas ng lahat ng
tao. Ang mga maginoo ang naging sandigan ng kaisipang MAGDIWANG na pilit pinagyaman
ng KAPATIRANG KATIPUNAN nina Ladislaw Diwa, Emilio Jacinto, at Andres Bonifacio
noong panahon ng mga Kastila.
MANDIRIGMA
Ang lipon ng mga mamamayang itinakda upang maging tagapamayapa at tagatangkilik ng
kaayusan sa taal na lipunang tagalog. Pinailalim sila sa masikhay na paghahanda at pagsasanay
sa angkop na pagtatanggol sa sarili at pamayanan sa pamamagitan ng katutubong galaw na
KALI. Pinipili sila sa mga mamamayang tagalog na may angking tayog ng talino, lakas ng
pangangatawan at ganda ng asal at ugali upang sanayin sa loob ng mahabang panahon sa isang
pulo sa dakong silangan ng KALILAYA na tinawag nilang PULILYO. Lahat-lahat ng kanilang
nalalaman sa suntukan, bakbakan, sikaran, sipaan, maging sa panlalait, murahan o paninira ng
karangalan ng mga nilalang ay pinagsasama-sama bilang mga aralin o kaalaman upang
mapaghusay ang kanilang paghahanda bilang mga mandirigma.
Dumaan ang mga panahon at ang kahulugan ng mandirigma ay napalitan ng mga dayuhan bilang
mga katutubong gumagawa ng gulo, dahil nga sila, ang mga mandirigma, ang nagiging hadlang
sa mga pansariling hangarin ng mga dayuhan para maghari-harian sa tinubuang lupa ng mga
malaya.
MAHARLIKA
Ang maharlika ay isang salitang katutubo mula sa ibang lugar ng mundo ng madyapahit,
bidyaya, hindu o gitnang silangan na nakarating dito sa pulo ng ginto maraming daang taon na
ang nakaraan. Sila ay mga manlalakbay na tuluyang nanirahan sa Luzon na may taglay ns
karangyaan sa pamumuhay na halos maitutulad o kawangki ng mga maginoong Tagalog.
Napagkamalan ng maraming dayuhan na ibilang sila bilang mga katutubo rin ng ating mga pulo.
Nag-ugat sila sa Indiya at mga kahariang muslim sa gitnang silangan at nagtangkang magtatag
ng sariling kaharian sa pulong Tagalog sa pamamagitan ng kanilang mga datu, raha, sultan at
lakan, na hindi naman pinayagan ng mga naghaharing lipi at namamayaning lahi sa Katagalugan
na lubos pa ang pananalig at pananampalataya sa anito ng mga maginoong pinga. Isang
maharlikang lakan ang hinayaan ng mga katutubong mandirigma na manirahan sa gilid ng ilog
pasig malapit sa lawang maynilad na kakambal ng lawang babaye. Ang mga dayuhang tinuran ay
hinayaan na lamang sa kanilang hangaring mamuhay ng payapa't tiwasay bilang paggalang sa
kanilang karapatan at angking katauhan. Ang mga mandirigma at timawa ang tunay na katutubo
ng katagalugan noong unang panahon sa ilalim ng taal na pangangasiwa ng kanilang mga
maginoo.
TIMAWA
Ang timawa ang pinakamalayang tao sa pulo ng ginto, noong hindi pa nakararating ang mga taga
dayuhan sa kahariang malaya ng mga Tagalog. May karapatan rin sila magkalakal at
makipagsapalaran sa anumang antas ng buhay. Hindi sila namumuno bilang timawa, hindi rin
mga alipin. Kapag ninais nilang sumapi o humalubilo sa ibang pamayanan at lipunan, kanilang
binibigay ang sarili sa mga namumunong gat at dayang. Sila naman ay bibigyan ng
pangangalaga't patnubay sa lahat ng oras ng panganib at pangangailangang pangkabuhayan.
Kapalit ng mga ito ay ang katapatan ng paglilingkod nila sa mga maginoo, kasama rin ang
kanilang pakikiisa sa mga mandirigmang tagalog sa panahon ng pakikihamok sa mga dayuhang
manliligalig, gayon din ang kanilang pagtulong sa pagsasaka at pangingisda sa larangan ng mga
mamamayang katutubo.
ALIPIN
Ang mga alipin ang mababang antas ng tao na hindi likas sa mga Tagalog. Dalawa ang uri ng
mga timawa sa katagalugan noong unang panahon" ang "sagigilid" at "namamahay" na ikinapit
ng mga dayuhan sa mga bisayang alipin o bug-os'. Ang alipin ay galing salitang "oripun" ng mga
bisaya na pinatingkad sa antas na "bug-os" o "lubos na alipin" na lumaganap lamang sa
Katagalugan bago pa dumating ang mga taga Europa dito sa Luzon o pulo ng ginto. Kasama ng
mga Kastila ang mga oripun o aliping Muslim, Bisaya at Meksikano sa pagsalakay sa kahariang
Tagalog at naratnan nila dito sa pulong tagalog ang mga maharlikang kadugo't kababayan nila na
may sariling mga utusan at tagasunod, subalit hindi nila napagtanto na ang mga ito ay mga
panauhin lamang na pinayagang manirahan sa paligid at baybayin ng lawang maynilad sa pulo
ng ginto. Ang mga maginoong Tagalog ay may sariling pamamahala sa mga balanghay at
lalawigan na alam nila na sakop noon ng kahariang mabunga sa ilalim ng basbas o pamumuno ng
maginoong angkan. Pinamamahala nila ang kaayusan ng pamayanan sa mga gat at dayang na
tunay ring iginagalang ng mga mandirigma at timawa, at ang kalagayang ito ang siyang dinatnan
ng mga dayuhan na tinulungan ng mga morong muslim at bisaya para makubkob at magapi nila
ng tuluyan ang pulo ng luzon.
Pamahalaan ng Pilipinas/Mga Barangay
Ang barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. Dati rin itong tinawag nabarrio. Ang
mga bayan at lungsod ay binubuo ng mga barangay.Sa kasalukuyan, may 41,995 barangay sa
buong Pilipinas.
Kasaysayan
Isinabi na ang barangay bilang isang yunit ng pamahalaang lokal ay nakakuha ng inspirasyon sa
mga balangay (isang uri ng bangka) na ginamit ng mga ninunong Pilipino sa kanilang pagdating
sa Pilipinas. Sa panahon ng mga ninuno o bago ng kolonisasyon, isang barangay ay binuo ng
mga taong galing sa iba't-ibang bahagi ng Timog-silangang Asya na dumating sa pook na iyon sa
pamamagitan ng bangka. Ang mga namumuno sa mga barangay noon ay ang datu.
Sa panahon ng mga Espanyol o Kastila, ang mga iba't-ibang barangay ay pinagsamahan upang
makabuo ng mga bayan at lungsod. Ang mga datu ay naging cabeza de barangay at sila ay
naging bahagi ng principalía. Ayon sa utos ni Haring Felipe II, ang mga karapatan at pribilehiyo
ng mga datu bilang cabeza de barangay ay dapat protektahan. Ang pangunahing responsabilidad
ng mga cabeza de barangay ay kumulekta ng mga buwis mula sa residente ng kanilang mga
barangay.
Pagdating ng mga Amerikano, inihalal na ang mga cabeza de barangay at nawala ang kanilang
mga pribilehiyo sa ilalim ng mga Kastila. Sa panahong ito itinatawag na rin ang mga barangay
bilang barrio. Ang pangalang barrio ay ibinalik sa barangay sa utos ni Pangulong Ferdinand
Marcos noong 1978, at ito na ang ginagamit na salita.
Ikinodigo ang mga barangay at ang kayarian nito sa ilalim ng Kodigo sa Lokal na Pamahalaan ng
1991 (Local Government Code of 1991).
Ang barangay ay binubuo ng isang Punong Barangay at pitong kagawad. Dahil isang kasaping ex
officio ng Kapulungang Pambarangay (Barangay Council) ang lokal na pangulo ng Sangguniang
Kabataan, may walong kagawad ang isang barangay.
Sa ilalim ng Kapulungang Pambarangay, may walong lupon kung saan namumuno ang isang
kagawad. Ang mga lupon ay ang sumusunod:
1. Lupon sa Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order Committee)
2. Lupon sa Imprastraktura (Infrastructure Committee)
3. Lupon sa Edukasyon (Education Committee)
4. Lupon sa Kalusugan (Health Committee)
5. Lupon sa Pagsasaka (Agriculture Committee)
6. Lupon sa Turismo (Tourism Committee)
7. Lupon sa Pananalapi (Finance Committee)
8. Lupon sa Kabataan at Palakasan (Youth and Sports Committee)
Anito
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Iminumungkahi na ang artikulo ay hatiin sa mga artikulo na pinamagatang Anito,
Deidad at Idolo, na matutunghayan sa pahina ng paglilinaw. (Pag-usapan)
Ang anito o idolo ay isang tao o bagay na hinahangaan o sinasamba.[1]
Maaari rin itong
anumang bagay na sinasamba sa halip na ang tunay na Diyos. Sa mga kapanahunan sa Bibliya,
kalimitang mga istatwa ng hindi totoong mga diyos ang mga anito. Maaaring yari ang mga
idolong ito sa kahoy, bato, o metal.[2]
Tinatawag naidolatriya ang pagsamba sa mga diyus-
diyosan o bulag na paghanga sa mga idolong nabanggit.[1]
Mayroon ding naniniwala sa mga
larawan ng mga diyus-diyosang sinasaad na nagbabantay sa tahanan, katulad ng nabanggit na
mga "diyus-diyusang pangtahanan" o terafim (mula sa wikang Hebreo) ni Laban sa Aklat ng
Henesis (Henesis 31:19), na katumbas ng mga penates ng sinaunang mga Romano at ng anito ng
sinaunang mga Pilipino. Batay sa mga dalubhasa, nagkakaroon ng karapatan sa mana ng isang
ama ang sinumang nagdadala ng mga terafim, babae man o lalaki.[3]
Mga sanggunian
1. ↑ 1.01.1
Gaboy, Luciano L.. "Idol, anito, idolo; idolatry, idolatriya". Gabby's Dictionary,
Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-
Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
2. ↑The Committee on Bible Translation. (1984). "Idol". The New Testament, God's Word,
The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado,
USA.,Dictionary/Concordance, pahina B5.
3. ↑Abriol, Jose C.. (2000). "Diyus-diyusan, diyus-diyosan, penates, anito, terafim". Ang
Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing
House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 53.
1.
2. NINUNO MO, NINUNO KO: Paghanap sa mga Unang Pilipino
3. ‘Isang Pahayag Tungkol Sa Mga Taong Ligaw’
Chu Fan Chih ni Chao Ju-kua, ang unang sumulat tungkol sa mga Pilipino
4. MAHIGIT 50 taon ang pagitan - 1225 at 1280 - ng 2 tantiya kung kailan sinulat ni Chao Ju-kua ang
kanyang pahayag tungkol sa pulo-pulo ng mga ‘taong ligaw’ na tatawaging Pilipinas pagkaraan ng halos
300 taon. Mahigit 60 taon naman ang pagitan ng 2 pagsalin sa ulat ni Chao Ju-kua,
kapwa nakalathala dito. Mahigit 700 taon na ang nakaraan at may katwirang itanong,
ano ang katuturan ng 50 at 60 taon, sa dami ng naganap at nagbago mula nuon?
5. Una, ito ang pinakaunang paglarawan ng mga unang Pilipino at, sabi niWH Scott,
hindi maiiwasan na sitsitin ng mga nag-agham sa pagka-Pilipino ang bawat himulmol
ng ulat. Pang-2,sa hulaan ng mga puok na sinuri, maisasali ba o hindi ang Manila at
ang ilog nitong pilipit na tatawaging Pasig pagtagal? Nuong lamang 1290 naging
tagpuang kalakal ang Manila kaya sina Emma Blair at James Robertson lamang
tumuring duon. (Ang Tondosa kabila at mas mayuming panig ng ilog, ay mas
matandang nayon ng mga mangingisda na nakipagkalakal sa mga kalapit baranggay
lamang. Lahat nito ay nasaAng Unang Conquistador na kasama sa website na ito.)
TAÓN NG 1280
ayon kina Emma Helen Blair at James A.
Robertson nuong 1903
TAÓN NG 1225
ayon sa pagsalin ni I-hsiung Ju at ni William
Henry Scott nuong 1968
ANG bayan ng Ma-yi ay nasa hilaga ng
Poni. Bandang 1,000 mag-aanak ang
naninirahan sa mga pampang ng isang
pasikut-sikot na ilog. Nagdadamit ang mga
tao ng telang deilo (linen) na parang mga
kumot, o tinatakpan ang kanilang katawan ng
mga sarong. Sa liblib ng mga gubat, nagkalat
ang mga tansong estatwa ng Buddha, subalit
walang makapagsabi kung saan nanggaling
ang mga ito. Bihira
magpunta duon ang mga
mandarambong.
Pagdating ng mga
barkong nagkakalakal,
dumadaong sila sa
tinatawag na puok ng
mga ginoo (mandarins).
Iyon ang ginagamit
bilang pamilihan
(market), kung saan
ginaganap ang palitan ng
mga paninda ng iba’t
bang bayan. Pagka-
angkla, naghahandog ang
capitan ng barko ng mga
puting payong na gamit
araw-araw duon dahil kailangang makaibigan
ang mga ginoo.
Ang gawi ng kalakal ay sama-sama ang mga
taong ligaw (barbarians) may kani-kanyang
buslo (baskets), at kinukuha ang mga paninda
sa barko. Bagaman at hindi kakilala ang mga
kumuha, walang paninda na nawawala o
nananakaw kahit kailan.
Nilalako ng mga taong ligaw ang mga
paninda sa ibang mga pulo kaya 8 o 9 buwan
ang nagdaraan bago maibalik ang katumbas
ng nailakong mga paninda. Napipilitang
maghintay ang mga barkong nagkakalakal
kaya ang nangyayari, laging kulelat sa uwian
ang mga nagkakalakal sa Ma-yi.
Ang bayan ng Ma-i ay nasa hilaga (north) ng
Borneo. Ang mga katutubo ay nakatira sa
malalaking nayon ng mahigit 1,000 bahay-
bahay, sa magkabilang pampang ng isang
ilog, at nagdadamit sila ng tela na hawig sa
kumot, o nagtatakip lamang sa katawan ng
bahag. Sa mga liblib at gubat, nagkalat ang
mga estatwa, mga Buddha na hindi mawari
kung saan nagmula. Bihira nakarating duon
ang mga mandarambong (pirates).
Pagdating ng mga barkong dagat, dumadaong
sila sa harap ng tiyangge (plaza, market), ang
pamilihan ng bayan, upang magpugay at
magpatala sa mga namamahala. Pagkatapos,
maaari na silang makihalo sa mga tao. Dahil
gawi ng mga pinuno ng bayan na mag-
payong ng puti (white umbrellas), kailangang
handugan sila ng puting payong ng
sinumang dumating sa barko upang
magkalakal. Ang ugali ng pagkalakal duon ay
dinadayo lahat ng bangka ang barkong
dumating at inilalagay ang mga paninda
(merchandise) sa maraming buslo (baskets).
Tapos alisan na ang mga bangka, tangay-
tangay ang mga paninda. Kahit na hindi nila
(ng mga taga-barko) kilala ang mga naka-
bangka na kumuha, pagtagal-tagal
namumukhaan na rin nila, kaya sa huling
tuusan, walang nawawala sa mga paninda
kahit isa.
Ang mga kumuha ay lumiligid sa iba’t ibang
pulo sa paligid upang ipagpalit ang mga
paninda ng mga katutubong kalakal. Umaabot
hanggang Septiembre o Octobre bago sila
makabalik upang bayaran ang mga kinuhang
paninda ng kung anuman ang naipagpalit nila.
Nangyayari pa na mas matagal pa bago
bumalik ang ibang lumigid kaya ang mga
barko na nagkalakal sa Ma-i ang
pinakahuling makabalik (sa China).
Katulad ng Ma-i ang mga puok na tinawag na
Ang mga natatanging puok sa bayang iyon ay
San-hsii, Pai-pu-yen, Pu-li-lu na malapit sa
San-hsii, Li-yin-tung, Lin-hsin at Li-han.
Ang San-hsii o ‘3 Pulo’ ay sakop ng Ma-yi.
Ang pangalan nila ay Ka-may-en, Pa-lao-yu
at Pa-chi-neng.
Ang mga kalakal sa bayang iyon ay pagkit
na dilaw (yellow wax), bulak (cotton),
perlas, bahay-pagong (tortoise shells), ikmo
at bunga (betel nuts) at telang yu-ta (jute,
sako). Ang paninda ng mga dayuhan ay
porselana, gintong pangkalakal
(commercial gold), pira-pirasong bakal (iron)
at tingga (lead), mga holen (glass beads),
mga karayom at perlas na may kulay.
SAN-HSII
Ang bawat pulo ay may sari-sariling lipi at
kalat-kalat ang mga tahanan nila duon, subalit
pagdating ng barkong nagkakalakal,
nagtitipon silang lahat. Ang pangalan ng lahat
ng pulo ay San-hsii at ang ugali nila ay
kahawig sa Ma-yi. Ang bawat lipi ay binubuo
ng 1,000 familia. Maraming bundok sa
bayang iyon na kasing tarik ng malalaking
pader. Ang bahay ng mga tao ay gawa sa
kawayan (bamboo). Bihira ang mga sapa sa
taas ng bundok kaya bumababa ang mga
babae at umaakyat uli, may dala-dalang 2 o 3
palayok ng tubig sa kanilang ulo. Hindi nila
pinapansin ang bigat ng dala-dala,
pumapanhik sa bundok nang kasing gilas ng
paglakad nila sa patag.
Sa looban, ang mga libis (valleys) ay
tinitirahan ng isang lahi na tinawag na Hay-
tan. Punggok sila, bilog at dilaw ang mga
mata, kulot-kulot ang buhok at kitang-kita
ang mga ipin nila sa bibig. Nagpupugad sila
sa mga sanga-sanga ng mga punong kahoy at
isang mag-anak, 3 hanggang 5 tao, ang
tumitira sa bawat pugad. Palaboy-laboy sila
San-hsu, Pai-pu-yen, Pu-li-lu, Li-yin-tung,
Liu-hsin, Li-han at iba pa.
Ang mga katutubong kalakal ay pagkit
(beeswax), bulak (cotton), tunay na perlas
(true pearls), ikmo na panghimasmas
(medicinal betel), telang yu-ta (jute? sako?) at
bahay-pagong (tortoise shells). Bilang
kapalit, nagkakalakal (ang mga Intsik) ng
porselana, gintong pangkalakal, palayok
na bakal, tingga, karayom na bakal at mga
sari-saring kulay na holen o maliliit na
pirasong salamin (glass beads).
SAN-HSU
Ang San-hsu o Tatlong Pulo ay katulad ng
Ma-i, at may mga pangalan gaya ng Chia-
ma-yen, Pa-lao-yu at Pa-chi-nang. Sa bawat
pulo, kalat-kalat at kani-kanila ang mga lipi
na lumalaot upang magkalakal tuwing dating
ng mga barko. Lahat-lahat, tinawag ang mga
pulo na San-hsu, at ang mga ugali nila ay
kahawig sa Ma-i. Mahigit 1,000 mag-anak
(familias) ang kabilang sa bawat lipi.
Dikit-dikit ang mga gulod at bangin sa mga
lupa, ang iba ay kasing tarik ng dingding ng
bahay. Duon sa mga tuktok nila itinatayo ang
kanilang mga kubo, mga bahay na gawa sa
himay-himay na kawayan (bamboo) at
rattan (caña, reeds). Dahil walang tubig sa
tuktok ng bundok, bumababâ ang mga babae,
2 o 3 sisidlan ang patong-patong sa kanilang
ulo. Umiigib sila ng tubig bago umaakyat uli
sa bundok nang buong gilas at hinhin, parang
naglalakad lamang sa patag.
Sa mga liblib na libis (valleys) mayroong
ibang uri ng mga pamahayan, tinawag na
Hai-tan. Ang mga tao duon ay pungok
(short), ang mga mata nila ay bilog at
matingkad, ang buhok nila ay kulot-kulot, at
usli ang kanilang mga ipin. Namamahay sila
sa mga sukal ng gubat at hindi nakikita ng
mga nagdaraan, na pinapana nila. Kaya sila
kinakatakutan. Kapag binigyan sila ng
porselanang mangkok, tinatanggap nila sabay
yuko bilang pasalamat. Tapos, takbuhan na
sila, hiyawan nang hiyawan sa tuwa.
Pagsapit ng mga dayuhan sa nayon ng mga
taong ligaw, iaangkla nila ang barko sa gitna
ng pasigan (current o agos) ngunit hindi sila
maaaring bumaba mula sa barko.
Nagpapatunog sila ng tambol, saka darating
ang mga taong ligaw sa kanilang mga
bangka, dala-dala ang kanilang kalakal na
bulak, niyog, camote, makikinis na banig at
lahat ng maiaalok nila kapalit sa paninda ng
mga Intsik.
Kung hindi magkasundo sa halaga ng palitan,
kailangang ipatawag ang pinuno ng nayon
upang siya ang makipag-ayos nang harapan
kung anong halaga ang ikaliligaya ng bawat
isa.
Ang mga paninda ng mga Intsik ay mga
sutlang payong at telang sutla, porselana,
damaskong itim (black damask), mga perlas
na magkakaiba ang kulay, tingga, lata (tin) at
isang uri ng buslo na gawa sa rattan. Bilang
siguro (bond), nag-iiwan sa barko ng mga
kalakal na 2 o 3 mas malaki ang halaga kaysa
mga paninda na ilalako sa nayon. Pagkaraan
ng 3 o 4 araw, ibinababa na ang mga siguro
at isinasauli na sa mga taong ligaw. Babalik
na sa barko ang mga dayuhan at tutuloy sa
susunod na nayon at magkakalakal uli duon
sapagkat ang mga nayon sa dalampasigan ng
3 Pulo ay hindi kabilang sa iisang
pamahalaan.
Tinatakpan ng mga bundok ang mga barko
mula sa malakas na hangin kapag tag-ulan ng
silangang hilaga (northeast monsoon). Subalit
kapag panahon ng bagyo (southwest
sa taas ng mga punong kahoy (treetops).
Kung minsan, 3 o 4 sa kanila ang patago-tago
sa gubat at pinapana nila ang sinumang
nagdaan, at marami ang nasaktan nila nang
ganito. Subalit kung nag-iiwan ng porselana
sa sukal, hinahanap nila at sinusunggaban
kapag natagpuan. Tapos, nagtatakbuhan sila,
naghihiyawan at nagtatawanan.
Kahit kailan dumating barkong nagkakalakal
sa isang nayon, hindi sila pangahas na
bumababa agad. Tumitigil muna sila sa gitna
ng pasigan (midstream) at magta-tambol
upang tawagin ang mga tao na una-unahan
namang darating, sakay sa kanilang mga
bangka at dala ang kanilang mga kalakal gaya
ng pagkit, bulak, kakaibang tela (strange
cloth) at mga banig na hawi sa puso ng
niyog (coconut-heart mats).
Kung hindi nagkasundo sa halaga ng palitan,
tiyak na darating ang pinuno ng mga tagapulo
upang yariin ang tawaran. Pagkatapos,
hinahandugan siya (ng mga Intsik) ng mga
payong na sutla (silk umbrellas), porselana
o mga buslo na gawa sa rattan. Kahit
nagkasundo na, 1 o 2 tao ang naiiwan sa
barko bilang patibay (hostages) habang
nagkakalakal sa lupa ang mga dayuhan.
Kapag tapos na lahat ng bilihan saka lamang
pinapawalan ang mga patibay. Hindi
lumalagpas ng 3 o 4 araw, likas na ang barko
papunta sa ibang nayon o pulo. Walang isang
naghahari sa lahat ng mga taong ligaw
(barbarians) sa San-hsu (maniwari, sila ay
malalaya).
Nakahilig ang mga bundok, nakaturo sa
silangang hilaga (northeast), at madalas
kapag tag-ulan, humahampas sa mga bundok
ang malalaking alon kaya hindi nakakahimpil
duon ang mga barko at kaskasan sila sa gitna
ng dagat. Dahil dito, ang mga barkong
nagkakalakal sa San-hsu ay karaniwang
monsoon), malakas ang hampas ng alon sa
dalampasigan at natatangay ang mga barko
kahit naka-angkla. Kaya natatagalan ng 4 o 5
buwan ang pagbalik ng mga nagkakalakal sa
3 Pulo.
Ang Pu-li-lu ay malapit sa 3 Pulo. Ang mga
baranggay at nayon duon are punong-puno ng
tao, subalit sila ay malupit at mahilig
mandambong (piracy). Ang dagat naman ay
maraming batuhan (coral reefs) at ang
dalampasigan ay may mga bato na uka-uka,
gaya ng bulok na kahoy, at matutulis na
parang mga sibat. Upang makarating duon
ang mga barko, lumilihis sila nang malayo sa
mga matulis na bato. May mga coral duon
subalit mahirap makuha. Ang mga ugali at
gawi duon ay katulad sa 3 Pulo.
umuuwi (sa China) bandang Mayo-Junio.
Kalakihan ng kinakalakal duon ay mga
porselana, lata (tin), sutla (pongee silk),
makukulay na holen (glass beads) at tingga
na pabigat sa lambat (lead fishnet sinkers).
Kaugnay ng Pu-li-lu ang San-hsu subalit
mas malalaki ang mga nayon duon.
Mababangis ang mga tao at mahilig
mandambong (plunder). Ang dagat duon as
puno ng butas-butas na bato (coral),
matutulis, parang mga sibat at palakol kaya
ilag ang mga barko pagdaan duon upang
hindi mawakwak. Nagkakalakal sila ng shan
hu (mamahaling puno ng coral) subalit
mahirap makuha ito.
Tagasaan Ang
TIYAK NA Mindoro ang Ma-i sapagkat Mait
pa ang pangalan sa pulo nang dumating ang
mga Español (sina Miguel Lopez de Legazpi
nuong 1565), at siyang tawag pa hanggang
ngayon ng mga tagabundok at mangingisda
duon at sa mga karatig pulo. Malinaw na ang
Pai-pu-yen ay ang kapuluan ng Babuyan
Islands, kilalang landas ng mga
mandarambong na sumalakay sa Fujian nuon
pang panahon ni Chao Ju-kua.
Ang Pa-lao-yu naman ay ang Pa-lao-yuan o
Palawan sa 2 landasan ng paglayag (sailing
directions) na nalathala sa China 400 taon
pagkamatay ni Chao Ju-kua.
Sapantaha ni Antoon Postma, dalubhasa
tungkol sa pagka-Mangyan, na ang Chia-
ma-yen ay bigkas Intsik ng ‘ka-mangyan’ at
ang ‘kamangyanan’ o puok ng mga Mangyan
na naging pangalan ng kapuluan ng
Calamian (Calamianes, Calamian Islands)
Mga Pangalan
ngPilipinas na tinatahak ng mga barkong
Intsik mula Mindoro hanggang Borneo
patungo sa Maluku (Moluccas, spice
islands). Ito ang landas na inilarawan ng isa
pang dalubhasa sa China, si Chang Hsieh, sa
kanyang Tung Hsi Yang Kao (Silangan at
Kanlurang Landas Dagat) na nalathala nuong
1618.
Hula rin ang ginawa ng mga dalubhasa
ngayon sa pagtunton sa Li-yin-tung, na
Lingayen daw, sa Pangasinan, Liu-Hsin, na
Luzon naman daw, at Li-han, na pulo ng
Lubang daw, kahanay ng Batangas, sa
hilaga ng Mindoro. Hindi pa rin matunton
ang Pa-chi-nung at ang loobang gubat sa
libis ng Hai-tan.
Mahirap paniwalaan na ang Pu-li-lu ay
Polillo sa silangang baybayin ng Pilipinas
dahil hindi dadaan ang mga barko ng China
papuntang timog (south) sa malayo at
sa pagitan ng Palawan at Mindoro.
Ang iba pang mga pangalan ay hindi na
matunton ngayon, pulos mga walang
kabuluhang paglalarawan sa wikang Intsik
maliban sa San-hsu, ang 3 Pulo. Bagaman at
iyon ang salin ng kataga, ang tunay na ibig
sabihin nito ay maraming maliliit at
makakalapit na pulo. Halimbawa, upang
linawin ang kalituhan: Maaaring isalin ang
San-hsu sa Pulo-pulo upang ipahiwatig,
hindi 2 pulo lamang kundi maraming pulo.
Mahuhulà na ang Pulo-pulo ay Visayas, ang
maraming pulo sa kalagitnaan
mapanganib na gilid ng dagat Silangan
(Pacific Ocean). Isa pa, Polillo ay ‘munting
pulo’ sa wikang Español, na malamang
nagbigay ng pangalang iyon 300 taon
pagkamatay ni Chao Ju-kua.
Ang shan hu o mamahaling sanga-sangang
coral na nasabing natatagpuan duon ay ang
tinawag na pulang coral (red corral) nuong
unang panahon sa dagat Mediterranean, sa
pagitan ng Europa at Africa. Subalit bihira
itong matagpuan sa Pilipinas maliban sa
isang lihim na puok, ayon sa balita nuong
1983, sa silangan ng kapuluan ng Cuyo (sa
pagitan ng Palawan at Panay).
Kung ito nga ang tinawag na San-hsu o
Pulu-pulo, maniwaring lakbayan ng mga
nagkalakal na Intsik ang mga baybayin ng
Palawan at Calamianes hanggang Mayo o
Junio, pagkatapos ay nagkakanlong sila sa
Mindoro hanggang Septiembre o Octobre,
paglipas ng masamang panahon.
Wala sa mga puok ang nasabing sakop o
naka-ilalim sa ibang puok, gayong nasabing
‘kaugnay’ ng Pu-li-lu ang San-hsu.
Lantad na Ma-i ang pinaka-tanyag sa lahat:
Ito lamang ang tinawag na ‘bayan’ at naulat
na nakipagkalakal ito sa Canton 250 taon
bago sumulat si Chao Ju-kua, at mawawari
na ito ang pangunahing tambakan (entrepot)
ng kalakal ng Intsik na ipinagbibili sa iba’t
ibang pulo sa paligid. Duon humihimpil ang
mga barkong kalakal, nagpapalista (register)
bago magkalakal, tapos binabangka ang mga
paninda sa mga puok na hindi kilala ng mga
Intsik.
Sinumang naghari sa Ma-i, pati na ang mga
tao na pinagharian niya, ay waring mga
bagong salta sa puok, sapagkat hindi nila
alam kung saan nagmula o ano ang mga
Ang pagkit (beeswax) na bahay-bubuyog ay
iniluluwas pa mula sa mga bundok. Inilalako pa sa
mga pamilihang bayan (public markets)
hanggang ngayon ang ikmo at banig pandan. Ang
telang abaca (tinawag ding sinamay) ay hinahawi
ng kamay, hindi ng maquina (textile mills), at ang
coral, bahay-pagong at perlas ay kasalukuyang
mamahaling kalakal panglabas (export
commodities).
Malawak ang paggawa ng telang bulak
(cotton cloth industry) nuong unang pasok ng
mga Español sa kapuluan at patuloy na
pinagbili sa China hanggang panahon ng
Amerkano. Nakatuklas pa ng mga ligaw na
puno ng bulak sa Cebu kailan lamang. Mali
ang taguri ng ibang aklat na kapok ang puno
ng bulak - hindi nahahawing tela ang kapok
at ginagamit lamang palaman sa mga kutson
(colchones, cushions, mattresses).
[Ang pagtanim at paggamit ng bulak ay laganap sa
India mula pa nuong unang panahon at maaaring
nakaabot sa Pilipinas nuong limot nang nakaraan.]
Kagila-gilalas, walang binanggit si Chao Ju-
kua tungkol sa ginto na laganap na kalakal sa
estatwa ni Buddha na nagkalat sa gubat
duon.
Ang mga kalakal ng mga katutubo ay
inilalako sa maaakit na taguri, gaya ng ikmo
na panghimasmas (medicinal betel) na
maaaring walang galing gumamot kaysa
karaniwang ikmo. At ang banig ng puso ng
niyog (coconut-heart mats) ay katunayang
karaniwang banig na hawi sa rattan o
pandan (pandanus mats). Ang iba pang
kalakal na inilista ni Chao Ju-kua ay
kagulat-gulat sapagkat kalakal pa hanggang
ngayon.
Pilipinas nuon, lalo na’t binanggit niya ang
paggamit ng gintong pangkalakal at, sa
ibang bahagi ng kanyang aklat, ang
paminsan-minsang palitan ng ginto sa
Taiwan. Maniwaring hindi minina (mining)
ng mga Pilipino ang ginto upang ipagpalit sa
mga dayuhan.
Higit malamang, inilihim ng mga Intsik ang
nakalakal na ginto at walang nagsabi kay
Chao Ju-kua na, sa huling tuusan, ay isang
pinuno ng pamahalaan ng China at baka ilitin
lahat ang ginto.
Kuru-kuro Ni
Taong Ligaw (barbarian) - Tawag ng Intsik
sa lahat ng hindi Intsik, maliban lamang ang
mga taga-Korea, Japan at Annam (North
Vietnam ang tawag ngayon)
Pasikut-sikot na ilog - Malamang ito ang
ilog Pasig at ang nayon ay Manila
Ma-yi - Lumang pangalan ng Luzon, mula sa
Bahi o Ba-i ang dating tawag sa luok ng Bay
(Laguna de Bay). Sa ibang wikang Intsik, ang
pangalan ay isinulat na Ma-yit, Ba-hi o Ba-
yit. Ang parangal ng mga pangunahing
Tagalog ng Bulacan nuong pagpasok ng mga
Español ay Gat-maytan kaya aking
sapantaha na Ma-yi malamang ang lumang
pangalan ng Bulacan na nuon pa ay
pinakamayamang bahagi ng Luzon. Ang
buong kapuluan ng Pilipinas ay tinawag na
Ma-yi ni Chao Ju-kua. Ayon kay Doctor
Hirth, ang titik na Ma-hi sa wikang Intsik ay
mababasa ring Mo-yat, Ba-ek, Ma-i, Ma-yek
at iba pa.
Poni - Dating tawag ng Intsik sa pulo ng
Blumentritt
Mga estatwa ng Buddha - Patibay ito na dati
ay malawak ang pagsamba ng buddhist sa
Pilipinas, nanggaling sa India. (Ayon kina
Blair at Robertson: Mas malamang, dala ang
mga estatwa ng mga Intsik at ipinagbili sa
mga mapamahiin (superstitious people) at
hindi kailan man pumasok o lumawak ang
pagsambang buddhist sa Pilipinas, kahit na
paniwala ni P.L. Stangl na pumasok ang
pagsamba mula sa Java.)
San-hsii - Ang ibig sabihin ay 3 Pulo at baka
turing sa Visayas. Ang Pai-pu-yen ay baka
ang kapuluan ng Babuyan. Ang Pu-li-lu ay
maaaring Mindanao. Ang Li-yin-tung ay
Lingayen. Magkahawig ang bigkas sa Lin-
hsin at Lin-hsing (Lin-sung ayon kay
Stangl) na tawag ng Intsik sa Luzon, subalit
maniwaring Calilaya (Tayabas) ang
tinuturing ng Intsik. Li-han ang lumang
tawag ng Intsik sa Malolos, at ang parangal
sa mga pinuno duon ay Gat-salihan o
Gatsalian.
Yu-ta - Maniwaring tawag sa abaca.
Borneo.
Sarong - Tawag ng Malay sa tapis (skirt).
Ka-may-en ay Mait o Mindoro.
Pa-lao-yu ay Paragua o Palawan.
Pa-chi-neng ay maaari ring bigkasin sa Intsik
na Pa-kat-lung o Ba-ki-lung. Parang ito ang
tawag nila sa Visayas, samantalang San-hsii
ang turing nila sa buong Visayas, kasama
ang Mindoro at Palawan.
Gintong pangkalakal - salapi ng Java at
Thailand? Baka ginamit sa Pilipinas. [Blair at
Robertson: Ang sulat ni Stangl dito ay may
kadugtong na ‘subalit paano nakarating sa kapuluan?’
Baka ito ay buhaghag na ginto (gold dust) o mga
alahas (gold ornaments). Hindi kapani-paniwala na
gamit dito ang salaping ginto ng Java o Thailand at
kung mayroon man, malamang ang mga Intsik na rin
mismo ang nagdala, dahil matagal na nilang narating
ang mga bayang iyon.]
Hay-tan ay mga Aeta, Ita o Negrito.
Nagulat kami sa tanda ng tawag na ito,
parang pang-kasalukuyan ang paglarawan na
isinulat ni Chao Ju-kua bagaman at nalito
siya sa sinulat na ‘pugad’ ng mga ito sa taas
ng mga punong kahoy, na gawain ng ibang
mga tribo sa Mindanao. [Blair at Robertson:
Nuong Marso 14, 1905, sinulat ni LeRoy na natutulog
paminsan-minsan ang mga Negrito sa mga sanga ng
punong kahoy subalit mahirap paniwalaang
‘nagpugad’ sila o gumawa ng mga bahay sa mga puno,
na ugali ng ibang mga Malay sa Pilipinas na may
halong dugo ng mga Negrito.]
[Pagdating nina Ferdinand Magellan sa Pilipinas
nuong 1521, nakita nilang nagbahay ang ibang mga
taga-Cebu sa itaas ng mga punong kahoy. Nasa Ang
Unang Español ni Antonio Pigafetta, kasama sa
website na ito. ]
Kitang-kita ang ipin - Gawi ng mga indio
na kulayan ng itim ang mga ipin, dating ugali
ng maraming mga Malay. Ang mga Negrito
ay hindi nagkukulay ng ipin.
Lipi - paniwala ko na ang tinukoy ay
baranggay o nayon.
Bilog at dilaw na mata - [Blair at Robertson:
Ang salin ni Stangl dito ay ‘bilog at makintab na mga
mata’ (round eyes of a shining appearance).]
Bulak - Dapat paniwalaang mga telang hawi
sa bulak. [Blair at Robertson: Hindi kailangan.
Sulat ni Stangl na dapat ituring ang puno ng kapok, na
tubong ligaw sa Pilipinas, dahil sa katagang ginamit ni
Chao Ju-kua, maniwaring katagang Intsik. Ang tanim
na bulak ay tinawag na kapas sa Java.]
Hindi kabilang sa iisang pamahalaan -
Idinidiin ni Chao Ju-kua na walang malawak
na kaharian sa Visayas. Pahiwatig ito na sa
Luzon, may ilan-ilang nayon na sakop ng
isang hari o panginuon. [Blair at Robertson:
Hindi kailangang pahiwatig ito.]
Pu-li-lu ay...punung-puno ng tao - Mas
maraming tao sa Mindanao nuon kaysa
ngayon (1890). Ang pulo ng Sarangani na
ngayon (1890) ay may 1,500 Bilan at 100
Moro ay puno ng mga tao nuong 1548
(panahon ni Ruy Lopez de Villalobos),
mayroon pa silang kuta (fort) sa tuktok ng
isang bundok duon.
Marami ring batuhang matutulis (sharp
coral reefs) sa mga dalampasigan duon, ayon
sa mga sulat ng mga frayleng Español, gaya
nang sinulat ni Chao Ju-kua. At ang lihis
nang malayo ng mga barko duon ay tulad sa
nilalandas ng mga barko ngayon (nuong
1890), lalo na sa banda ng Cape San Agustin
(sa dulong timog ng Davao del Sur).
Sino Si
SI Ferdinand Blumentritt ay kinilalang
dalubhasa sa mga unang tao (anthropologist),
lalo na sa agham (science) ng gawi at buhay
ng mga napag-iwanan ng kabihasnan
(ethnology), ang tinatawag na mga primitivo
(ethnics).
Isinilang siya nuong 1853 sa Prague, punong
lungsod ngayon ng Czech Republic subalit
nuon ay bahagi lamang ng malawak na
Austria-Hungarian Empire. Nagtapos siya
nuong 1877 at sa gulang ng 24 taon,
nagsimulang magturo bilang professor sa
Leitmeritz, sa Austria. Inilathala niya ang
unang niyang aklat pagkaraan ng 2 taon, Ang
mga Intsik Sa Pilipinas (The Chinese in the
Philippines).
Nasa Europa nuon si Jose Rizal na akit sa
anumang ulat tungkol sa pinagmulan ng mga
unang Pilipino. Nakipagsulatan at nakilala
niya si Blumentritt, dinalaw pa niya sa
Leitmeritz nuong 1887, nang isinulat niya
ang Noli Me Tangere. Naging magkatalik
sila at pinag-ibayo ni Blumentritt ang
pagsiyasat sa kasaysayan ng mga unang
Pilipino, kaya naging dalubhasa siya kahit na
hindi siya nakarating sa Pilipinas kahit
minsan. Ipinaalam niyang lahat kay Rizal.
Blumentritt?
Nang simulan ng mga Pilipino
sa España na ilathala ang La
Solidaridad nuong 1889,
nagpadala si Blumentritt ng
kanyang pagsusuri upang maisali sa
pahayagan. Nuong taon ding iyon,
ipinagtanggol din niya si Rizal sa isang sulat
nang laitin ng mga frayleng Español sa
Manila ang Noli Me Tangere.
Sinulat ni Blumentritt ang paunang hayag
(introduction) sa Sucesos delas Islas Filipinas
ni Antonio de Morga na kinuro at
dinagdagan ni Rizal ng paliwanag bago
ipinalathala nuong 1890. Sa sumunod na taon,
1891, sinulat uli ni Blumentritt ang paunang
sabi (foreword) sa pang-2 aklat ni Rizal, ang
El Filibusterismo. Patuloy ang kanilang
sulatan habang 4 taon nakatapon si Rizal sa
Dapitan. Malaki ang dalamhati ni
Blumentritt nang bitayin si Rizal ng mga
Español sa Manila nuong 1896.
Isa sa mga sinuri ni Blumentritt tungkol sa
mga unang Pilipino ay itong ulat ni Chao Ju-
kua na isinalin niya sa wikang Aleman
(German) at dinagdagan ng mga paliwanag
na natutunan niya sa pagdadalubhasa tungkol
sa Pilipinas. Kasama ang mga ito sa pagsalin
nina Blair at Robertson at nakalahad ngayon
dito sa wikang Pilipino.
Paunawa Nina Blair
WALANG sumulat kung kailan nabuhay si
Chao Ju-kua subalit nabanggit ang pangalan
niya sa Talaan Ng Hari (Imperial
Catalogue) at maniwaring kamag-anakan
(descendant) siya ng angkan ng mga haring
Sung (Sung dynasty), na ang tunay na
pangalan ay Chao. Pahiwatig din na
At Robertson
Sa tungkuling ito, may pagkakataon siyang
mag-ukilkil sa mga dumating matapos
magkalakal sa labas ng China,mas marami
nuong panahong iyon kaysa nuong nakaraan
o pagkatapos, kaya madaling gawin. Ang
sinulat niya ay ang Chu-fan-shih, halos lahat
ay copia lamang ng mga nakaraang ulat,
ipinanganak siya nuong huling bahagi ng ika-
12 sandaang taon (12th century).
Pinuno siya ng mga tagasingil ng buwis sa
asin (salt tax) sa lalawigan ng Fo-kien
(Fujian ang tawag ngayon) at ang parangal
niya ay Shih-po o ‘kapatas ng kalakal dagat’
(commissioner of customs ang tawag ngayon).
Hindi nagtagal ang tungkuling ito sa Fujian,
mula 1277 hanggang 1287 lamang, at
maniwaring sa mga taon na ito matutuos ang
panahon ni Chao Ju-kua.
[ Kahanga-hanga ang nagawa nina Blair at Robinson,
subalit mahirap paniwalaan ang tanto nilang mahigit
80 taon gulang na si Chao nang manungkulan at isulat
itong hayag tungkol sa Pilipinas.]
subalit mas maraming tukoy sa ibang bayan
kaysa sa ibang kasulatan ng kaharian (court
records).
Ang hinalaw na kabanata na isinalin dito ay
mula sa Periodico Hebdomadario Escolar o
Linguhang Pahayagan Ng Mga Mag-aaral
(Students Weekly Journal) nuong Noviembre
9, 1901, ang ika-6 limbag (issue). Si
Clemente J. Zulueta ang naglathala, history
professor nuon, pagkatapos ay naging
tagasaliksik ng mga kasulatan at kasaysayan
sa España para sa Kagawarang Pilipinas
(Philippines Department) ng pamahalaan ng
America (United States government).
Ipinahiram ang pahayagan sa amin ni James
A. LeRoy, dalubhasa sa pagka-Pilipino
(Philippine ethnological expert).
May palatastas ng patnugot (editor’s note)
sina Blair at Robertson sa harap ng
kabanata:
‘Paniwala namin na mahalaga itong salaysay
ni Chao Ju-kua sa kasaysayan, lalo na
tungkol sa mga unang panahon ng Filipinas,
na isinulat 300 taon bago dumaling si
Ferdinand Magellan, kaya namin isinalin sa
English mula sa isang pagsalin sa Español.
Isinalin ni Professor Blumentritt sa Aleman
mula sa isang pagsalin sa English. Ayon kay
Blumentritt, isinalin ni Doctor Hirth sa
English mula sa Intsik nuong 1891.’
Hindi namin natunton ang pahayag ni Hirth,
kaya napilitan kaming gamitin ang ulat ni
Blumentritt na isinalin namin uli sa English.
Isinulat sa amin ni LeRoy nuong Enero 27,
1904, na ‘Pag-aari ni Zulueta ang liham at
pagsalin ni Blumentritt, ipinadala niya kay Rizal
nang nakatapon (exiled) ito nuong 1894. Ang
liham ang patunay na si Blumentritt ang sumulat
ng mga kuru-kuro.’
May isang pahayag sa wikang Español, may
kasamang pagsalin sa English, na nalathala sa
Revista historica de Filipinas o Repaso Ng
Kasaysayang Pilipino (Filipino Historical
Review) nuong Junio 1905, ang ika-2 limbag,
ay nilagdaan ni P.L. Stangl. Kakaiba ito sa
ulat ni Blumentritt na nilathala ni Zulueta,
hati sa 2 kabanata, Ma-yi ang una, San-Hsii
ang pang-2.
Ang pinili naming isalin ay ang version ni
Zulueta, kasama ang mga kuru-kuro ni
Blumentritt, dahil hindi namin alam kung
paano binuo ang version ni Stangl.
Paliwanag Ni
SI CHAO JU-KUAay kapatas ng kalakal-dagat
WH Scott
work on the Chinese and Arab trade in the
sa Chuan-chou, sa lalawigan ng Fukien
(Fujian) nang isulat niya ang kanyang ‘Isang
Pahayag Tungkol Sa Mga Taong Ligaw’
(Chao Fan Chih, An account of the various
barbarians) nuong 1225. Bagaman at bahagi
ng aklat ay binatay sa mga naunang ulat gaya
ng Ling-wai Tai-ta, ang bahagi tungkol sa
Pilipinas ay lantad na batay sa mga lahad ng
mga bumalik pagkatapos magkalakal sa ibang
bayan, kaya kasalukuyan sa panahong iyon.
Ang ulat ni Chao Ju-kua ay bunyag na sa
Enn pang 1911 nang ilathala nina Friedrich
Hirth at WW Rockhill ang kanilang aklat,
Chao Ju-kua: his
12th and 13th century entitled Chu Fanchi
(Ang sinulat ni Chao Ju-kua tungkol sa
kalakal ng Intsik at Arabe nuong ika-12 at
ika-13 sandaan taon).
May ilang mali sa pagsalin nina Firth at
Rockhill na maaari sanang huwag nang
pansinin subalit masugid ang pagsipat ng mga
manalaysay (historians) sa bawat kataga
tungkol sa Pilipinas at, sa malas, naisali sa
mga aklat na ginagamit pa hanggang ngayon
sa mga paaralan. Kaya itinanghal ko rito ang
mas makabagong pagsalin na ginawa namin
ni I-hsiung Ju nuong 1968.
Ang mga pinagkunan
Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson,
nilimbag sa Manila, 1903, Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998
Prehispanic Source Materials For the Study of Philippine History, ni William Henry
Scott,New Day Publishers (revised edition), Quezon City, 1984
Balik sa itaasMga Intsik Sa PilipinasTahanan ng mga Kasaysayan ng PilipinasPang-email ng tanong o kuru-
kuro

More Related Content

What's hot

Anoangkultura 161122022530
Anoangkultura 161122022530Anoangkultura 161122022530
Anoangkultura 161122022530edwin planas ada
 
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOMGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOBIGMISSSTEAK
 
Relihiyong Paganismo
Relihiyong PaganismoRelihiyong Paganismo
Relihiyong PaganismoRuth Cabuhan
 
Paglaganap ng Kristiyanismo sa Bansa
Paglaganap ng Kristiyanismo sa BansaPaglaganap ng Kristiyanismo sa Bansa
Paglaganap ng Kristiyanismo sa BansaEddie San Peñalosa
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 
Aralin 6 lipunan ng sinaunang pilipino
Aralin 6  lipunan ng sinaunang pilipinoAralin 6  lipunan ng sinaunang pilipino
Aralin 6 lipunan ng sinaunang pilipinoKCGon1
 
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...KNNN CyberCafe
 
Paniniwala at Tradisyon ng Sinaunang Pilipino
Paniniwala at Tradisyon ng Sinaunang PilipinoPaniniwala at Tradisyon ng Sinaunang Pilipino
Paniniwala at Tradisyon ng Sinaunang PilipinoEddie San Peñalosa
 
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyalPamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyalALVINFREO1
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaRivera Arnel
 
Paniniwala noon at ngayon
Paniniwala noon at ngayonPaniniwala noon at ngayon
Paniniwala noon at ngayonRuth Cabuhan
 
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6jeffreyflores18
 
Encomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y serviciosEncomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y serviciosBilly Rey Rillon
 
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6   kultura ng mga Sinaunang FilipinoAralin 6   kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang FilipinoForrest Cunningham
 
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipinoModyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino南 睿
 
Modyul 4 ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 4   ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 4   ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 4 ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa asya南 睿
 

What's hot (20)

Anoangkultura 161122022530
Anoangkultura 161122022530Anoangkultura 161122022530
Anoangkultura 161122022530
 
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOMGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINO
 
Relihiyong Paganismo
Relihiyong PaganismoRelihiyong Paganismo
Relihiyong Paganismo
 
Paglaganap ng Kristiyanismo sa Bansa
Paglaganap ng Kristiyanismo sa BansaPaglaganap ng Kristiyanismo sa Bansa
Paglaganap ng Kristiyanismo sa Bansa
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 
Aralin 6 lipunan ng sinaunang pilipino
Aralin 6  lipunan ng sinaunang pilipinoAralin 6  lipunan ng sinaunang pilipino
Aralin 6 lipunan ng sinaunang pilipino
 
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
 
Paniniwala at Tradisyon ng Sinaunang Pilipino
Paniniwala at Tradisyon ng Sinaunang PilipinoPaniniwala at Tradisyon ng Sinaunang Pilipino
Paniniwala at Tradisyon ng Sinaunang Pilipino
 
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyalPamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
 
Paniniwala noon at ngayon
Paniniwala noon at ngayonPaniniwala noon at ngayon
Paniniwala noon at ngayon
 
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6
 
Pag aalsa sa san jose
Pag aalsa sa san josePag aalsa sa san jose
Pag aalsa sa san jose
 
Encomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y serviciosEncomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y servicios
 
Sinaunang pilipino
Sinaunang pilipinoSinaunang pilipino
Sinaunang pilipino
 
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6   kultura ng mga Sinaunang FilipinoAralin 6   kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
 
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipinoModyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
 
Modyul 4 ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 4   ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 4   ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 4 ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa asya
 
Ang mga Panahanang Pilipino
Ang mga Panahanang PilipinoAng mga Panahanang Pilipino
Ang mga Panahanang Pilipino
 

Similar to Sinaunangpaniniwalaatkaugalian 121224010021-phpapp01

Proyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxProyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxjennellemendez
 
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...GIFTQUEENSAAVEDRA
 
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...dianarasemana1
 
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptxARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptxAngeloBernio
 
Pananampalatayang paganismo
Pananampalatayang paganismoPananampalatayang paganismo
Pananampalatayang paganismojetsetter22
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaMerland Mabait
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaMarie Louise Sy
 
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaPanahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaJered Adal
 
dokumen.tips_pinagmulan-ng-unang-pangkat-ng-tao-sa-pilipinas.pdf
dokumen.tips_pinagmulan-ng-unang-pangkat-ng-tao-sa-pilipinas.pdfdokumen.tips_pinagmulan-ng-unang-pangkat-ng-tao-sa-pilipinas.pdf
dokumen.tips_pinagmulan-ng-unang-pangkat-ng-tao-sa-pilipinas.pdfGereonDeLaCruzJr
 
Araling Panlipunan - Aralin 2:Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
Araling Panlipunan - Aralin 2:Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino Araling Panlipunan - Aralin 2:Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
Araling Panlipunan - Aralin 2:Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino Mavict De Leon
 
Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino Mavict De Leon
 
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptxpaniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptxPaulineMae5
 
Mga Teorya ng Pagsasatao sa Pilipinas.pdf
Mga Teorya ng Pagsasatao sa Pilipinas.pdfMga Teorya ng Pagsasatao sa Pilipinas.pdf
Mga Teorya ng Pagsasatao sa Pilipinas.pdfClarenceJarantilla
 
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng QuezonAng Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng QuezonYosef Eric C. Hipolito, BA, LPT
 
ANG KULTURA NG MGA IFUGAO PROJECT SUBMITTED.pdf
ANG KULTURA NG MGA IFUGAO PROJECT SUBMITTED.pdfANG KULTURA NG MGA IFUGAO PROJECT SUBMITTED.pdf
ANG KULTURA NG MGA IFUGAO PROJECT SUBMITTED.pdfJpAngeloCombate
 
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptxFIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptxSalimahAAmpuan
 

Similar to Sinaunangpaniniwalaatkaugalian 121224010021-phpapp01 (20)

Proyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxProyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docx
 
Panitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptxPanitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptx
 
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
 
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
 
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptxARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx
 
Alamat
AlamatAlamat
Alamat
 
Pananampalatayang paganismo
Pananampalatayang paganismoPananampalatayang paganismo
Pananampalatayang paganismo
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
 
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaPanahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
 
dokumen.tips_pinagmulan-ng-unang-pangkat-ng-tao-sa-pilipinas.pdf
dokumen.tips_pinagmulan-ng-unang-pangkat-ng-tao-sa-pilipinas.pdfdokumen.tips_pinagmulan-ng-unang-pangkat-ng-tao-sa-pilipinas.pdf
dokumen.tips_pinagmulan-ng-unang-pangkat-ng-tao-sa-pilipinas.pdf
 
Araling Panlipunan - Aralin 2:Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
Araling Panlipunan - Aralin 2:Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino Araling Panlipunan - Aralin 2:Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
Araling Panlipunan - Aralin 2:Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
 
Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
Ang Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino
 
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptxpaniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
 
Mga Teorya ng Pagsasatao sa Pilipinas.pdf
Mga Teorya ng Pagsasatao sa Pilipinas.pdfMga Teorya ng Pagsasatao sa Pilipinas.pdf
Mga Teorya ng Pagsasatao sa Pilipinas.pdf
 
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng QuezonAng Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
 
AP Q1 W2-W3.pptx
AP Q1 W2-W3.pptxAP Q1 W2-W3.pptx
AP Q1 W2-W3.pptx
 
ANG KULTURA NG MGA IFUGAO PROJECT SUBMITTED.pdf
ANG KULTURA NG MGA IFUGAO PROJECT SUBMITTED.pdfANG KULTURA NG MGA IFUGAO PROJECT SUBMITTED.pdf
ANG KULTURA NG MGA IFUGAO PROJECT SUBMITTED.pdf
 
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptxFIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
 
Presentation.pptx
Presentation.pptxPresentation.pptx
Presentation.pptx
 

Sinaunangpaniniwalaatkaugalian 121224010021-phpapp01

  • 1. Sinaunang Paniniwala at kaugalian Mataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninunong pumanaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan, mga ilog at halamang-gamot, malalaking punungkahoy, kwebang sambahan, mabababangis na hayop. Higit ang pagkilala nila sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno, kung kaya’t inaalayan nila ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay. Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao na namamangka sa takip ng tapayang Manunggul na pinangangahulugang paglalakbay patungo sa kabilang buhay. Bawat kapuluan ay may sari-sariling paniniwala. Katunayan, iba-iba ang mga katawagan nila sa kanilang mga Diyos: Abba sa mga Cebuano, Kabunian sa mga Ilokano, Bathala sa mga Tagalog, at Laon sa mga Bisaya. May iba-iba ring katauhan ang kanilang diyos tulad nina Sidapa, naghaharing diyos sa langit ng mga Bisaya; Sisiburanen, naghaharing diyos sa impyerno ng mga Bisaya; Hayo, diyos ng karagatan ayon sa mga Tagalog; at Dian Maslanta, diyos ng pag-ibig ayon sa mga Tagalog. Ang seremonya sa pag-aalay sa mga diyos o anito ay pinangungunahan ng tinatawag nilang katalonan sa Tagalog at babaylang sa Bisaya, ang mga ito’y maaaring lalaki o babae na pinaniniwalang tagapamagitan sa sinasamba. Kaugalian sa Kasal – May kanya-kanyang paraan ng pagdaraos ng kasalan ang mga sinaunang Pilipino sa bawat kapuluan. Kadalasan, sa bahay ng datu ang tagpuan ng mga kamag-anak ng ikakasal. Ang nakatakdang babaylan (o baylanes) o katalonan (catalonan) ay magsasagawa ng seremonya ng kasal. Pauupuin ang ikakasal na magkaharap Kababaihan sa Pilipinas Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya (Idinirekta mula saDalagang Pilipina) Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
  • 2. Isang babaeng Tagalog (nasa kanan) na nilalarawan sa Boxer Codex ng ika-16 daantaon. Ang gampanin ng mga kababaihan sa Pilipinas (mga Pinay) ay ipinaliwanag ayon sa diwa ng kalinangang Pilipino, pamantayan, pananaw at kaisipan. Nilarawan ang Pilipinas bilang isang bansa ng mga matatatag na mga kababaihan, na tuwiran at hindi tuwirang nagpapatakbo sa mag- anak, negosyo, mga tanggapan ng pamahalaan at mga hasyenda. Bagaman pangkalahatang pinakakahuluganan nila ang kanilang mga sarili sa isang tagpuan sa Asya na napapangibabawan ng mga kalalakihan sa isang lipunang dumaan sa kolonyalismo at Katoliko, namumuhay ang mga Pilipinong kababaihan sa isang kulturang nakatuon ang pansin sa pamayanan, na ang mag- anak ang pangunahing bahagi ng lipunan. Dito sa balangkas na ito - na may kayariang pangkahanayan, pagkakaiba-ibang antas sa lipunan, kadahilanang makapananampalataya, at pamumuhay sa isang umuunlad na bansa ng mundo - nakikibaka ang mga kababaihang Pilipino. Kung ihahambing sa ibang mga bahagi ng Timog-silangang Asya, palagiang nakakatamasa ng mas malaking antas ng kapantayang makabatas ang mga kababaihang nasa lipunan ng Pilipinas.[1][2][3][4] [baguhin]Katayuan bago maging kolonya Ang kayariang panlipunan ng Pilipinas bago maging kolonya ay nagbibigay ng pantay na pagpapahalaga sa kahanayang maka-ina at maka-ama. Dahil sa pamamaraang ito, napagkalooban ang mga kababaihang Pilipino ng higit na kapangyarihan sa loob ng isang angkan. Mayroon silang karapatang magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan at maaaring hiwalayan o dibosiyuhin ang asawang lalaki. Maaari rin silang maging pinuno ng nayon kung walang tagapagmanang lalaki sa katungkulan. Bago dumating ang mga Kastila, maaari ring makamit ng mga Pilipinong babae ang katayuang babaylan, mga babaeng manggagamot o mataas na babaeng pari at astrologa.[4][5][6][7]
  • 3. Diwata Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Diwata&oldid=919618" SamitolohiyangPilipino, ang Diwata ay isang katauhan na katulad ng mga engkanto (fairies) o nimpa (nymph). Sinasabing naninirahan sila sa mga puno, katulad ng aksiya at balete at tagapagbantay ng ispiritu ng kalikasan, na nagdadala ng pagpapala o sumpa sa mga taong nagbibigay ng benipisyo o pinsala sa mga gubat at mga bundok. Ito ang baybay Filipino ng Sanskritna salitang devadha, ngunit hinango sa kahuli-hulihan sa salitang Sanskrit na dev, nangangahulugang diyos.
  • 4.
  • 5. Animismo Ang animismo ay isang katutubong paniniwala na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ang isa sa mga katangian ng animismo ay ang paniniwalang may mga mabuti at masasamang ispirito at nilalang na nanatili sa mundo na dapat igalang o dili naman kaya’y sambahin. Nilalaman [itago] 1Deskripsyon 2Mga Kilalang Diyos 3Pagsamba sa mga Ispirito 4Mga Tagapanguna sa Pagsamba 5Mga Impluwensiya ng Animismo sa Ngayon 6Sanggunian 7Pagkilala Deskripsyon
  • 6. Ang animismo ay laganap sa Pilipinas noong pahanong bago dumating ang mga Kastila. Ang tawag nila sa pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si “Bathala,” habang ang iba namang mga ispirito ay mga “diwata” at “anito”. Ito ay kaugnay din sa pagsamba sa kalikasan, sapagkat pinaniniwalaang ang mga anito ay nakatira sa mga puno, bato, hayop at iba pang mga bagay na matatagpuan sa kapaligiran. Mga Kilalang Diyos Maliban kay Bathala, may iba pang mga sinasabi ang mga animista ng sinaunang panahon. Ang ilan sa mga diyos na sinasamba ay sina Adlaw (araw), Tala (bituin) at Mayari (buwan), na siyang tatlong anak ni Bathala. Kabilang din sa listahang ito sina Lakampati, na siyang diyos ng mga pananim, Hayo, na diyos ng karagatan, at Anitong Tabo, na siyang diyos ng ulan at hangin. Sa Bisayas naman ay sinasamba ang diyos na si Kanlaon, pati sina Maguayan na diyos ng dagat at Kaptan na diyos ng hangin. Pagsamba sa mga Ispirito Ang mga ispiritong ginagalang ng mga animista ay maaaring mga ispiritong nagmula sa kalikasan, at mayroon din namang mga ispirito ng kanilang mga ninuno. Para sa kanila, ang pagsamba sa mga ispirito ay magdudulot ng magagandang bunga, tulad ng mas maunlad na pananim at magandang panahon. Kinakailangan nilang gumawa ng mga bagay, katulad ng pag-alay sa mga ispirito, upang mapabuti ang kalooban ng mga ispirito sa kanila. Ang mga masasamang ispirito naman, ayon sa kanila, ay dapat iwasan o di kaya’y bigyan din ng mga alay, upang hindi sila magdulot ng mga panganib at sakuna. Mga Tagapanguna sa Pagsamba Ang mga taong nangunguna sa mga ritwal ng animismo ay tinatawag na mga babaylan at catalonan. Sila ang nangunguna ng mga ritwal ng pangungusap sa mga ispirito. Karaniwang gumagamit sila ng mga awit at sayaw upang simulan ang ritwal. Ang mga babaylan at catalonan ay lubusang ginagalang sa komunidad, at bahagi din ng kanilang mga gawain ay ang pagbibigay lunas sa mga karamdaman at ang pagbibigay ng payo ukol sa paggawa ng mga importanteng desisyon. Karamihan sa mga babaylan ay mga kababaihan. Mga Impluwensiya ng Animismo sa Ngayon Ngayon, tinatayang may dalawang porsyento pa rin ng mga Pilipino ang animista. Karamihan sa mga animista sa Pilipinas sa kasalukyan ay mga pangkat na katutubo. Maski na rin halos lahat ng mga Pilipino ay mga Katoliko, may mga
  • 7. paniniwala pa rin ang mga Pilipino na masasabing nag-uugat sa mga paniniwalang animismo. Halimbawa, laganap pa rin ang paniniwala ng mga Pilipino sa masasamang ispiritong tulad ng aswang at barang na nagdudulot ng panganib. Ang mga paniniwala sa mga duwende, nuno sa punso at mga diwata ay masasabing ugat din ng animismo. Pati ang paniniwalang Katoliko ng mga Pilipino ay nahahaluan din ng animismo. Ang pag-aalay ng itlog sa istatwa ni Sta. Clara upang makasigurong hindi uulan ay isang halimbawa nito. Sanggunian Animism Profile, http://www.omf.org/omf/cambodia/about_cambodia/animism_profileAnimism, http://encyclopedia.jrank.org/ANC_APO/ANIMISM_from_animus_or_anima_mi.html Animism, http://www.themystica.com/mystica/articles/a/animism.htm Animism, Sacred Texts http://www.sacred-texts.com/sha/anim/anim04.htm Sinaunang Panahon ng Pilipinas (Inilihis mula Sinaunang Panahon ng Filipinas) Bago pa pangalanang Filipinas ang bansa, marami nang naganap sa iba't ibang panig ng kapuluan na pawang kakikitaan ng pag-iral ng mga sinaunang tao. Ayon sa antropologong si Jesus T. Peralta, tinatayang may 6,000–8,000 BK taon na ang nakalilipas nang umiral ang mga sinaunang tao sa kapuluan. At mapatutunayan ito sa pamamagitan ng mga antigong kagamitan at palayok na nahukay sa lupa o nasisid sa dagat. Mga pananaw Dalawang pangunahing pananaw o teorya ang makapagpapaliwanag hinggil sa paglitaw ng mga sinaunang tao sa kapuluan. Una, ang daloy ng wikang Austronesyano ay maaaring nagmula sa Formosa at Timog Tsina noong 5000 BK, tumawid sa hilaga ng Filipinas, at bumaba pa-silangan tungong kalapit na mga bansa. Ikalawa, nagsimula ang paglaganap ng wikang Austronesyano mulang timog ng Filipinas at hilagang Indonesia, saka lumaganap pa-silangan tungong ibang pook sa Pasipiko. Panahon ng palayok
  • 8. Matatagpuan din sa kapuwa dulong hilaga at dulong timog ng Filipinas ang pinakamatandang uri ng piraso ng palayok, ayon kay Alexander Spoehr. Sa Isla Sanga-sanga ay may natuklasang mga piraso ng palayok at takupis na tinatayang nasa panahong 5955–5520 BK. Samantala, natagpuan sa Yungib Laurente ang mga bahagi ng sinaunang anyo ng sasakyang pandagat at ilang palayok at kagamitang nasa panahong 5880 BK. Matatagpuan ang nasabing yungib sa munisipalidad ng Penablanca, Lambak Cagayan. Higit pa rito ang tanda ng natuklasang ang mga antigong palayok at lumaganap noong 4,000 at 5,000 BK. Tinirahan na umano ang nasabing yungib noong 1600 BK. Samantala, ang pinakamatandang panahong lumitaw ang palayok sa Filipinas ay tinatayang nasa 4475–4425 BK, ayon kay Robert Fox. "Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong saWikifilipinoat palawakin pa ito !" Panitikan sa Pilipinas Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin Isang halimbawa ng pantikang Pilipino ang Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at ng Caniyang mga Nacasama na isinulat ni Honorio Lopez noong 1912.
  • 9. Malawakang bahagi ng buhay pampanitikan ng mga Pilipino ang nobelang Noli me Tangere (c. 1887) ng kanilang pambansang bayaning si Dr. José Rizal. Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino[1] ang Panitikan ng Pilipinas.[2] Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino[3] , sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pangtelebisyon at pampelikula[3][4][5] o [baguhin]Kahulugan ng Panitikang Pilipino Pangunahing lathalain: Panitikan
  • 10. May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina Joey Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.[6] Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.[6] Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.[6] [baguhin]Mga katangian ng Panitikang Pilipino Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.[6] Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.[4] Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter.[3] Dahil sainternet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa nang instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.[4] [baguhin]Kahalagahan ng Panitikang Pilipino May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa.[4]
  • 11. Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.[4] [baguhin]Pag-aaral ng Panitikang Pilipino Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral at pagkakaroon ng kurikulum na ukol sa panitikang Pilipino.[4] Bilang isang kurso sa paaralan, dalubhasaan, o pamantasan, ginagamitan ang pag-aaral ng Panitikan sa Pilipinas ng makasaysayang pananaw. Sinasaklawan nito ang kasaysayan ng Panitikang Pilipino sa iba't ibang panahong pinagdaanan ng bansang Pilipinas. Sakop din nito ang mga mga uri at anyo ng Panitikang Pilipino, paglinang nito, mga manunulat, mga bayani, at mga mithiin ng sangkabansaan.[1] [baguhin]Pag-uuring pampanitikan [baguhin]Mga paraan ng pag-uuri May dalawang ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sapaghahalin at ang ayon sa kaanyuan o anyo.[3] [baguhin]Ayon sa paghahalin May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa paghahalin. Ito ang pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.[3] [baguhin]Pasalindila Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sadila at bibig ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino.[3] [baguhin]Pasalinsulat Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito. [baguhin]Pasalintroniko Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape
  • 12. recorderat ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter.[3] [baguhin]Ayon sa anyo Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at patanghal.[3] [baguhin]Patula Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma- tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin ang bawat isa sa mga ito:[3] Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahahalaga sa buhay ng tao. Mayroon itong tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at kurido, at ang balad. May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda. May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya, trahedya, parsa, saynete, at melodrama. May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan.[3] [baguhin]Patuluyan Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-araw na paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.[3] Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay, at kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat, mulamat o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.[3] [baguhin]Patanghal Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat
  • 13. yugto.Samoro-moro, na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo. Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.[3] [baguhin]Sinaunang Panitikang Pilipino Pangunahing lathalain: Sinaunang Panitikan sa Pilipinas Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong unang mga kapanahunan.[3][5] Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.[5] [baguhin]Paraan ng pagbasa at pagpapaliwanag Mayroong dalawang pamamaraan ng pagbasa at papaliwanang ng mga tekstong pampanitikan: ang makasaysayan o historikal na paraan at ang pormalistikong kaparaanan.[7] [baguhin]Paraang historikal Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ng mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag- unlad ng panitikan sa Pilipinas.[7] Sa ganitong paraan, nagkaroon ng apat na kahatian ang kapanahunang pangkasaysayan ng Pilipinas: ang Panahon ng Pananakop Bago Dumating ang mga Kastila o Pre-Spanish Colonial Period (1400-1600), ang Panahon ng mga Kastila o Spanish Period (1600-1898), Panahon ng mga Amerikano o American Occupation (1898-1946), at ang Pangkasalukuyang Panahon Pagkaraan ng Kolonyalismo o Contemporary Post-colonial Period.[7] Kaugnay ng panitikang Pilipino, sina Jose Villa Panganiban at Teofilo del Castillo ang unang gumamit ng ganitong paraan upang makamit ang interpretasyon ng pangliteraturang mga teksto.[7] [baguhin]Paraang pormalistiko Ang paraang pormalistiko ay isang pormal at empirikal na pamamaraan ng pagbasa at pagpapaliwanag – maging pagsulat – ng tekstong pampanitikan na Dumating sa Pilipinas ang ganitong paraan sa pamamagitan ng Amerikanong sistemang pang-edukasyon.[7]
  • 14. Sa ganitong paraan, mas detalyado at empirikal (batay sa karanasan, obserbasyon, pagsubok o eksperimento, ayon sa praktikal na karanasan, sa halip na teoriya[8] ) ang pamamaraan ng pagbasa ng pampanitikang teksto na may layuning tuklasin ang kung ano talaga ang makapampanitikan o literaryo sa teksto. Nag-iiba-iba ang mga kaparaanan mula sa diin at patutunguhan o direksyon ng mga gumagamit nito. Kabilang sa pinagtutuunan ng pansin dito ang pagkakaroon ng pagkakaisa o unidad ng katawan ng teksto, o sa madalaing sabi: nakatuon mismo sa pinakateksto.[7] kkk Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Panitikan_sa_Pilipinas&oldid=1175791" Kategorya:
  • 15.
  • 16.
  • 17. Sinaunang Pamumuhay ng mga Pilipino Home Ang Pilipinas Ang Pananakop ng mga Dayuhan Contact Me Mga Magagandang Tanawin sa Pilipinas Sinaunang Pamumuhay ng mga Pilipino Marming Salamat!!! Sinaunang Pamahalaan PAMAHALAAN: Mga pinuno, batas at hukuman PINUNO: Rajah, Datu, Sultan Tungkulin ng pinuno: Gumagawa at nagpapatupad ng batas, tagahatol, nagbibigay ng parusa, pinuno sa dogmaan, nagdedeklara ng digmaan, Nakikipagkasundo sa kalapit na barangay, Nagaayos ng gulo o away, Lider sa pananampalataya, atbp... Mga Batas: Ang mga batas ay pinagkakasunduuan ng matandang konseho at isinisigaw ng umalahokan ang bagong batas sa barangay. Mahigpit ang pagpapatupad ng batas. Malupit din ang mga parusa tulad ng pagputol ng daliri, pagiging alipin, kamatayan, atbp. Lipunan: Ang Maharlika ay binubuo ng kaanak ng datu. Ang Timawa ay binubuo ng mga malayang tao. Ang Alipin ay maaaring namamahay (may pag-asang maging timawa) o saguiguilid (wala nang pagasang maging timawa). Pananampalataya: Sinasaklawan nito ang kanilang mga kaugalian. Sa paglilibing, pagpapakasal, at sa pang-arawaraw na gawain. Marami silang pinararangalang diyos. Mga Pamahiin: Paglilibing: kasamang inilalagay sa kabaong ang mga paboritong kagamitan ng namatay, minsan ay isinansama ang isang alipin, paglulukasa sa pamamagitan ng pagsusuot ng puti, di pagkain at paginom ng alak,nagaayuno, baliktad ang paglalagay ng balaraw, atbp... panliligaw: kailangang dumaan muna sa magulang bago sa anaak, paninilbihan ang pamilya ng babae, hindi maaaring magtagpo, magkakaloob ng bigay kaya ang lalaki kung nakapasa na siya sa unang pagsubok at maayos na pakikipag usap ng magkabilang panig. Wika at Panulat: May 17 titik lamang ang ginagamit noon. 14 na katinig at 3 patinig ngunit 5 ang gamit nito. Dagta ng kahoy ang ginagamit na tinta, dahon ng saging o malapad na dahon ng kahoy ang nagsisilbing papel, at ang lapis ay lanseta o pinatulis na bakal.
  • 18. Alibata L A R A W A N N G M G A S I N A U N A N G B A H A Y S A PILIPINAS Isa sa mga yungib sa Tabon, Palawan, paulit-ulit na tinitirhan ng iba’t ibangpangkat ng mga unang tao sa Pilipinas simula 24,000 taon, maaaring higit pa,sa nakaraan.Sa mga ilonggo’t kalinga, ang kanilang bahay ay nasa itaas ng mga punungkahoy .
  • 19.
  • 20. Ang mga Samal ay nagtatayo ng mga tirahan sa mababaw na b ahagi ng dagat.Matataas na kawayan ang haligi nito upang hindi abutin ng tubig-dagat ang sahigkung tumataas ang tubig-dagat.Ang mga Ifugao ay nakatira sa bahay na yari sa kahoy at pawid at nakaangat salupa. Wala itong bintana. May hagdan ito na yari sa kahoy. Inaalis ito kung sila aymatutulog o kaya ay aalis ng bahay.
  • 21.
  • 22. Ang mga Badjao ay nakatira sa mga bangkang bahay.
  • 23. tl.wikipedia.org/wiki/Kuwebang_Tabon Kultura ng Pilipinas Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
  • 24. Nangangailangan ang lathalaing ito ng mga karagdagang mga pagbanggit ng mga batayan para mapatunayan. Pakitulong lamang na mapainam pa ang lathalaing ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas matibay na mga sanggunian. Maaaring hamunin ang katotohanan at alisin ang mga kabatirang walang sanggunian. (Setyembre 2010) Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian. Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika saPilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan. Lipunang Pilipino Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.
  • 25. Kaugaliang Pilipino Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano. Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala. Pakikisama[1] : Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba. Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob. Utang na Loob[1] : Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. citation needed Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.citation needed Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pan Sanggunian 1. ↑ 1.01.1 "Tungkol sapakikisama, at utang na loob". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). (1970/2007). Tatlong pangkat ng sinaunang mga tao sa Pilipinas Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
  • 26. Ibinibilang ang karamihan sa mga mamamayan ng Pilipinas sa mga liping Mongoloid, ngunit bagaman kalapit at kaugnay sila "sa dugo" ng mga Intsik, Hapones, at taga-Malaysia, mayroon pang naunang mga grupo ng mga tao na nagpunta at nanirahan sa sinaunang Pilipinas. Kabilang dito ang Taong Tabon at ang mga nagsidating na mga Negrito, Indones (mga sinaunang Indonesyano), at mga sinaunang Malay. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, palagian nang nakikipag-unayan ang mga Intsik - bilang mga mangangalakal - sa mga mamamayan ng sinaunang Pilipinas. Sa loob ng maraming mga dantaon, nagkaroon ng pagpapakasal sa pagitan ng mga sinaunang mamamayan ng arkipelago at mga Intsik. Ang lahat ng mga ito ang tinatawag na mga unang mga mamamayang namuhay sa kapuluan, subalit may natatanging tatlong pangkat ng mga sinaunang taong dumating sa Pilipinas: ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay.[1] o Mga ninuno ng Pilipino Ilan sa mga ninuno ng mga Pilipino ang nagbuhat sa mga pangunahing-lupain ng Timog- Silangang Asya, at pinaniniwalaang naglakbay at naglakad sa ibabaw ng mga "tulay na lupa" na dating nagkakabit at nagdurugtong ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Ang mga salinlahi ng mga ninunong ito ang naging nakikilalang mga Pilipino sa kasalukuyan at naging mayoridad sa Pilipinas.[1] Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[2] Naganap pa ang iba pang migrasyonsa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.[2] Katawagang Pilipino Sa malawakang diwa, maaaring tawagin silang mga unang "Pilipino" sa sinaunang Pilipinas, subalit noong mga panahon ng mga lagom,kolonyalismong Kastila, orihinal na tumutukoy ang terminong Pilipino o Filipino sa mga Kastilang isinilang sa Pilipinas at tinatawag ding mga insular, kriyolyo o Pilipinong Espanyol. Binubukod nito ang mga Kastilang ipinanganak saEuropa kung saan kilala ang mga huli bilang mga peninsular. Ngunit sa pagsapit ng panggitna hanggang mga huli ng ika-19 dantaon, nagsimulang gamitin ang terminong "Pilipino" para sa mga katutubo o indihenang populasyon ng Pilipinas. Ayon sa manunulat ng kasaysayang si Ambeth Ocampo, si José Rizal ang unang tumawag sa mga katutubong mga naninirahan sa Pilipinas bilang mga "Pilipino". Sa kasalukuyan, ginagamit rin ang Pilipino para sa mga nasyonalidad at pagka-mamamayan ng isang taong nagmula sa Pilipinas. Nangangahulugan na tumutukoy din ang "Pilipino" hindi lamang sa mga katutubong Awstronesyanong mayoridad, kundi para na rin sa iba pang may mga pinagmulang etniko, katulad ng mga Pilipinong may- liping Amerikano, Kastila, Indyano, Hapones, at Intsik. Mga Negrito
  • 27. Ang mga Negrito ang bumubuo sa mga pinakamatanda o sinaunang mga nabubuhay pang grupo sa Pilipinas. Tinatawag ding mga pygmy o pigmi (mga maliliit na tao), at mabababa ang taas kaysa mga pangkaraniwang mga Pilipino. Namumuhay pa rin sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at pagtitinda ng mga produktong mula sa kagubatan. Matatagpuan sila sa mga panloob na bahagi ng Luzon, Panay, at mga pulo sa Mindanao.[1] Tumutukoy ang terminong Negritosa ilang mga grupong etnikong namumuhay sa ilang mga lugar sa Timog-Silangang Asya.[3] Kabilang sa kanilang mga populasyon sa kasalukuyan ang mga Aeta (o Ita), Agta, Ayta, Ati, Dumagat at may mga 25 pang ibang tribo sa Pilipinas, ang Semang ng peninsulang Malay, ang mga Mani ng Taylandiya at 12 tribong Andamanes ng Kapuluang Andaman ng Indya. Mga Indones Dalawang pangkat ng mga Indones ang unang dumating sa sinaunang Pilipinas. Ito ay Una at Ikalawang pangkat. Unang pangkat Nagmula ang mga unang Indones sa Timog-silangang Asya. Maputi ang kanilang balat, balingkinitan ang katawan, makitid ang hugis ng mukha may malapad na noo, may kalaliman ang mata ngunit matangos ang mga ilong. Mas makabago ang kanilang kalinangan kung ihahambing sa mga Negrito. Nagtayo sila ng mga bahay na may-hukay sa lupa o nasa tuktok ng mga puno. Marunong silang pumana, mangisda, magkaingin at niluluto nila ang kanilang mga pagkain.Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng Caraballo. Pangalawang pangkat Kaiba ang pangalawang pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang kanilang balat, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe. Mga Malay Pangunahing lathalain: Mga Malay Mga Malay ang tawag sa mga pangkat etnikong Awstronesyo. Sa Pilipinas, sila ang mga ninuno ng mga naging Bisaya, Tagalog, Ilokano, Moro, Bikolano, Kampampangan, mga Panggasinense, Ifugao, at iba pa. Tumira sila sa Pilipinas ng 100 hangang 200 na taon.[kailangan ng sanggunian] Ang mga armas nila ay itak, kris, balaraw at lantaka.
  • 28. Mga sanggunian Talababa 1. ↑ 1.01.11.2 "Philippines, The People". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977). 2. ↑ 2.02.1 "Philippines - Early History". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22. 3. ↑Snow, Philip. The Star Raft: China's Encounter With Africa. Cornell Univ. Press, 1989 (ISBN 0801495830) Katayuang panlipunan sa Pilipinas bago ang kolonisasyon Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya (Idinirekta mula saMga katayuang panlipunan sa Pilipinas bago ang kolonisasyon) Tumalon sa: nabigasyon, hanapin Isang ulila ang artikulong ito dahil nabibilang o walang artikulo ang nakaturo dito. Makakatulong po kayo sa paglalagay ng panturo sa mga kaugnay na artikulo. (Nobyembre 2009) Ang artikulo o bahaging ito ay maaring kinakailangang isa-Wiki upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga bahagi, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong)(Nobyembre 2009) Maaaring naglalaman ang artikulo o seksyong ito ng orihinal na pagsasaliksik o kaya hindi pa natitiyak na mga pag-aangkin. Pagbutihin ang artikulo sa paglalagay ng mga sanggunian. Silipin ang usapang pahina para sa mga detalye. (Nobyembre 2009) ANG UNANG KASAYSAYANG PANLIPUNAN SA PULO NG GINTO O LUZON BAGO PA DUMATING ANG KOLONISASYON Ang mga taal na katayuan sa lipunan at likas na kinabihasnang galaw ng mga katutubo sa katagalugan noong mga kapanahunang wala o hindi pa nakararating ang mga taga yuropa (kastila o portugis) sa lusong o pulo ng ginto, ay tatlo lamang: ang "MAGINOO, MANDIRIGMA at TIMAWA". Wala pa sa dila at baybayin ng mga taga-ilog ang salita't katauhan ng "ALIPIN at MAHARLIKA" na dumatal sa kaisipang katutubo pagkaraan lamang ng ilang mga siglo, matapos magkaroon ng pakikipag-ugnayan ang mga manlalakbay na nangangalakal sa lupaing "MALAYA" mula sa malayong kanluran ng ibayong dagat. Sila ang mga banyagang bisaya, muslim, hindu at mga taga yuropa na itinuring na mga "DAYUHAN" sa isip at hinuha ng mga katutubong "TAGA-ILOG".
  • 29. MAGINOO Isang lahi ng mga katutubong Tagalog na may paninidigan sa kasarinlan ng pulo ng ginto noong unang panahon. Sila ang umugit ng kaharian at pamayanan ng lupaing mabunga ng lalawigang KALALILA na sa ngayon ay kilalang-kilala na KALAKHANG MAYNILA, CAVITE, LAGUNA, BATANGAS, RIZAL, QUEZON, BULACAN, BATAAN at ZAMBALES. Sila ay isang angkan na tunay na iginagalang noong panahon ng mga timawa o katutubong malaya sa tulong ng mga mandirigmang Tagalog na naniniwala sa kapatirang likas ng lahat ng tao. Ang mga maginoo ang naging sandigan ng kaisipang MAGDIWANG na pilit pinagyaman ng KAPATIRANG KATIPUNAN nina Ladislaw Diwa, Emilio Jacinto, at Andres Bonifacio noong panahon ng mga Kastila. MANDIRIGMA Ang lipon ng mga mamamayang itinakda upang maging tagapamayapa at tagatangkilik ng kaayusan sa taal na lipunang tagalog. Pinailalim sila sa masikhay na paghahanda at pagsasanay sa angkop na pagtatanggol sa sarili at pamayanan sa pamamagitan ng katutubong galaw na KALI. Pinipili sila sa mga mamamayang tagalog na may angking tayog ng talino, lakas ng pangangatawan at ganda ng asal at ugali upang sanayin sa loob ng mahabang panahon sa isang pulo sa dakong silangan ng KALILAYA na tinawag nilang PULILYO. Lahat-lahat ng kanilang nalalaman sa suntukan, bakbakan, sikaran, sipaan, maging sa panlalait, murahan o paninira ng karangalan ng mga nilalang ay pinagsasama-sama bilang mga aralin o kaalaman upang mapaghusay ang kanilang paghahanda bilang mga mandirigma. Dumaan ang mga panahon at ang kahulugan ng mandirigma ay napalitan ng mga dayuhan bilang mga katutubong gumagawa ng gulo, dahil nga sila, ang mga mandirigma, ang nagiging hadlang sa mga pansariling hangarin ng mga dayuhan para maghari-harian sa tinubuang lupa ng mga malaya. MAHARLIKA Ang maharlika ay isang salitang katutubo mula sa ibang lugar ng mundo ng madyapahit, bidyaya, hindu o gitnang silangan na nakarating dito sa pulo ng ginto maraming daang taon na ang nakaraan. Sila ay mga manlalakbay na tuluyang nanirahan sa Luzon na may taglay ns karangyaan sa pamumuhay na halos maitutulad o kawangki ng mga maginoong Tagalog. Napagkamalan ng maraming dayuhan na ibilang sila bilang mga katutubo rin ng ating mga pulo. Nag-ugat sila sa Indiya at mga kahariang muslim sa gitnang silangan at nagtangkang magtatag ng sariling kaharian sa pulong Tagalog sa pamamagitan ng kanilang mga datu, raha, sultan at lakan, na hindi naman pinayagan ng mga naghaharing lipi at namamayaning lahi sa Katagalugan na lubos pa ang pananalig at pananampalataya sa anito ng mga maginoong pinga. Isang maharlikang lakan ang hinayaan ng mga katutubong mandirigma na manirahan sa gilid ng ilog pasig malapit sa lawang maynilad na kakambal ng lawang babaye. Ang mga dayuhang tinuran ay hinayaan na lamang sa kanilang hangaring mamuhay ng payapa't tiwasay bilang paggalang sa kanilang karapatan at angking katauhan. Ang mga mandirigma at timawa ang tunay na katutubo
  • 30. ng katagalugan noong unang panahon sa ilalim ng taal na pangangasiwa ng kanilang mga maginoo. TIMAWA Ang timawa ang pinakamalayang tao sa pulo ng ginto, noong hindi pa nakararating ang mga taga dayuhan sa kahariang malaya ng mga Tagalog. May karapatan rin sila magkalakal at makipagsapalaran sa anumang antas ng buhay. Hindi sila namumuno bilang timawa, hindi rin mga alipin. Kapag ninais nilang sumapi o humalubilo sa ibang pamayanan at lipunan, kanilang binibigay ang sarili sa mga namumunong gat at dayang. Sila naman ay bibigyan ng pangangalaga't patnubay sa lahat ng oras ng panganib at pangangailangang pangkabuhayan. Kapalit ng mga ito ay ang katapatan ng paglilingkod nila sa mga maginoo, kasama rin ang kanilang pakikiisa sa mga mandirigmang tagalog sa panahon ng pakikihamok sa mga dayuhang manliligalig, gayon din ang kanilang pagtulong sa pagsasaka at pangingisda sa larangan ng mga mamamayang katutubo. ALIPIN Ang mga alipin ang mababang antas ng tao na hindi likas sa mga Tagalog. Dalawa ang uri ng mga timawa sa katagalugan noong unang panahon" ang "sagigilid" at "namamahay" na ikinapit ng mga dayuhan sa mga bisayang alipin o bug-os'. Ang alipin ay galing salitang "oripun" ng mga bisaya na pinatingkad sa antas na "bug-os" o "lubos na alipin" na lumaganap lamang sa Katagalugan bago pa dumating ang mga taga Europa dito sa Luzon o pulo ng ginto. Kasama ng mga Kastila ang mga oripun o aliping Muslim, Bisaya at Meksikano sa pagsalakay sa kahariang Tagalog at naratnan nila dito sa pulong tagalog ang mga maharlikang kadugo't kababayan nila na may sariling mga utusan at tagasunod, subalit hindi nila napagtanto na ang mga ito ay mga panauhin lamang na pinayagang manirahan sa paligid at baybayin ng lawang maynilad sa pulo ng ginto. Ang mga maginoong Tagalog ay may sariling pamamahala sa mga balanghay at lalawigan na alam nila na sakop noon ng kahariang mabunga sa ilalim ng basbas o pamumuno ng maginoong angkan. Pinamamahala nila ang kaayusan ng pamayanan sa mga gat at dayang na tunay ring iginagalang ng mga mandirigma at timawa, at ang kalagayang ito ang siyang dinatnan ng mga dayuhan na tinulungan ng mga morong muslim at bisaya para makubkob at magapi nila ng tuluyan ang pulo ng luzon. Pamahalaan ng Pilipinas/Mga Barangay Ang barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. Dati rin itong tinawag nabarrio. Ang mga bayan at lungsod ay binubuo ng mga barangay.Sa kasalukuyan, may 41,995 barangay sa buong Pilipinas. Kasaysayan Isinabi na ang barangay bilang isang yunit ng pamahalaang lokal ay nakakuha ng inspirasyon sa mga balangay (isang uri ng bangka) na ginamit ng mga ninunong Pilipino sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Sa panahon ng mga ninuno o bago ng kolonisasyon, isang barangay ay binuo ng
  • 31. mga taong galing sa iba't-ibang bahagi ng Timog-silangang Asya na dumating sa pook na iyon sa pamamagitan ng bangka. Ang mga namumuno sa mga barangay noon ay ang datu. Sa panahon ng mga Espanyol o Kastila, ang mga iba't-ibang barangay ay pinagsamahan upang makabuo ng mga bayan at lungsod. Ang mga datu ay naging cabeza de barangay at sila ay naging bahagi ng principalía. Ayon sa utos ni Haring Felipe II, ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga datu bilang cabeza de barangay ay dapat protektahan. Ang pangunahing responsabilidad ng mga cabeza de barangay ay kumulekta ng mga buwis mula sa residente ng kanilang mga barangay. Pagdating ng mga Amerikano, inihalal na ang mga cabeza de barangay at nawala ang kanilang mga pribilehiyo sa ilalim ng mga Kastila. Sa panahong ito itinatawag na rin ang mga barangay bilang barrio. Ang pangalang barrio ay ibinalik sa barangay sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1978, at ito na ang ginagamit na salita. Ikinodigo ang mga barangay at ang kayarian nito sa ilalim ng Kodigo sa Lokal na Pamahalaan ng 1991 (Local Government Code of 1991). Ang barangay ay binubuo ng isang Punong Barangay at pitong kagawad. Dahil isang kasaping ex officio ng Kapulungang Pambarangay (Barangay Council) ang lokal na pangulo ng Sangguniang Kabataan, may walong kagawad ang isang barangay. Sa ilalim ng Kapulungang Pambarangay, may walong lupon kung saan namumuno ang isang kagawad. Ang mga lupon ay ang sumusunod: 1. Lupon sa Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order Committee) 2. Lupon sa Imprastraktura (Infrastructure Committee) 3. Lupon sa Edukasyon (Education Committee) 4. Lupon sa Kalusugan (Health Committee) 5. Lupon sa Pagsasaka (Agriculture Committee) 6. Lupon sa Turismo (Tourism Committee) 7. Lupon sa Pananalapi (Finance Committee) 8. Lupon sa Kabataan at Palakasan (Youth and Sports Committee) Anito Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin Iminumungkahi na ang artikulo ay hatiin sa mga artikulo na pinamagatang Anito, Deidad at Idolo, na matutunghayan sa pahina ng paglilinaw. (Pag-usapan) Ang anito o idolo ay isang tao o bagay na hinahangaan o sinasamba.[1] Maaari rin itong anumang bagay na sinasamba sa halip na ang tunay na Diyos. Sa mga kapanahunan sa Bibliya, kalimitang mga istatwa ng hindi totoong mga diyos ang mga anito. Maaaring yari ang mga
  • 32. idolong ito sa kahoy, bato, o metal.[2] Tinatawag naidolatriya ang pagsamba sa mga diyus- diyosan o bulag na paghanga sa mga idolong nabanggit.[1] Mayroon ding naniniwala sa mga larawan ng mga diyus-diyosang sinasaad na nagbabantay sa tahanan, katulad ng nabanggit na mga "diyus-diyusang pangtahanan" o terafim (mula sa wikang Hebreo) ni Laban sa Aklat ng Henesis (Henesis 31:19), na katumbas ng mga penates ng sinaunang mga Romano at ng anito ng sinaunang mga Pilipino. Batay sa mga dalubhasa, nagkakaroon ng karapatan sa mana ng isang ama ang sinumang nagdadala ng mga terafim, babae man o lalaki.[3] Mga sanggunian 1. ↑ 1.01.1 Gaboy, Luciano L.. "Idol, anito, idolo; idolatry, idolatriya". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English- Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 2. ↑The Committee on Bible Translation. (1984). "Idol". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.,Dictionary/Concordance, pahina B5. 3. ↑Abriol, Jose C.. (2000). "Diyus-diyusan, diyus-diyosan, penates, anito, terafim". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 53. 1. 2. NINUNO MO, NINUNO KO: Paghanap sa mga Unang Pilipino 3. ‘Isang Pahayag Tungkol Sa Mga Taong Ligaw’ Chu Fan Chih ni Chao Ju-kua, ang unang sumulat tungkol sa mga Pilipino 4. MAHIGIT 50 taon ang pagitan - 1225 at 1280 - ng 2 tantiya kung kailan sinulat ni Chao Ju-kua ang kanyang pahayag tungkol sa pulo-pulo ng mga ‘taong ligaw’ na tatawaging Pilipinas pagkaraan ng halos 300 taon. Mahigit 60 taon naman ang pagitan ng 2 pagsalin sa ulat ni Chao Ju-kua, kapwa nakalathala dito. Mahigit 700 taon na ang nakaraan at may katwirang itanong, ano ang katuturan ng 50 at 60 taon, sa dami ng naganap at nagbago mula nuon? 5. Una, ito ang pinakaunang paglarawan ng mga unang Pilipino at, sabi niWH Scott, hindi maiiwasan na sitsitin ng mga nag-agham sa pagka-Pilipino ang bawat himulmol ng ulat. Pang-2,sa hulaan ng mga puok na sinuri, maisasali ba o hindi ang Manila at ang ilog nitong pilipit na tatawaging Pasig pagtagal? Nuong lamang 1290 naging tagpuang kalakal ang Manila kaya sina Emma Blair at James Robertson lamang tumuring duon. (Ang Tondosa kabila at mas mayuming panig ng ilog, ay mas matandang nayon ng mga mangingisda na nakipagkalakal sa mga kalapit baranggay lamang. Lahat nito ay nasaAng Unang Conquistador na kasama sa website na ito.) TAÓN NG 1280 ayon kina Emma Helen Blair at James A. Robertson nuong 1903 TAÓN NG 1225 ayon sa pagsalin ni I-hsiung Ju at ni William Henry Scott nuong 1968
  • 33. ANG bayan ng Ma-yi ay nasa hilaga ng Poni. Bandang 1,000 mag-aanak ang naninirahan sa mga pampang ng isang pasikut-sikot na ilog. Nagdadamit ang mga tao ng telang deilo (linen) na parang mga kumot, o tinatakpan ang kanilang katawan ng mga sarong. Sa liblib ng mga gubat, nagkalat ang mga tansong estatwa ng Buddha, subalit walang makapagsabi kung saan nanggaling ang mga ito. Bihira magpunta duon ang mga mandarambong. Pagdating ng mga barkong nagkakalakal, dumadaong sila sa tinatawag na puok ng mga ginoo (mandarins). Iyon ang ginagamit bilang pamilihan (market), kung saan ginaganap ang palitan ng mga paninda ng iba’t bang bayan. Pagka- angkla, naghahandog ang capitan ng barko ng mga puting payong na gamit araw-araw duon dahil kailangang makaibigan ang mga ginoo. Ang gawi ng kalakal ay sama-sama ang mga taong ligaw (barbarians) may kani-kanyang buslo (baskets), at kinukuha ang mga paninda sa barko. Bagaman at hindi kakilala ang mga kumuha, walang paninda na nawawala o nananakaw kahit kailan. Nilalako ng mga taong ligaw ang mga paninda sa ibang mga pulo kaya 8 o 9 buwan ang nagdaraan bago maibalik ang katumbas ng nailakong mga paninda. Napipilitang maghintay ang mga barkong nagkakalakal kaya ang nangyayari, laging kulelat sa uwian ang mga nagkakalakal sa Ma-yi. Ang bayan ng Ma-i ay nasa hilaga (north) ng Borneo. Ang mga katutubo ay nakatira sa malalaking nayon ng mahigit 1,000 bahay- bahay, sa magkabilang pampang ng isang ilog, at nagdadamit sila ng tela na hawig sa kumot, o nagtatakip lamang sa katawan ng bahag. Sa mga liblib at gubat, nagkalat ang mga estatwa, mga Buddha na hindi mawari kung saan nagmula. Bihira nakarating duon ang mga mandarambong (pirates). Pagdating ng mga barkong dagat, dumadaong sila sa harap ng tiyangge (plaza, market), ang pamilihan ng bayan, upang magpugay at magpatala sa mga namamahala. Pagkatapos, maaari na silang makihalo sa mga tao. Dahil gawi ng mga pinuno ng bayan na mag- payong ng puti (white umbrellas), kailangang handugan sila ng puting payong ng sinumang dumating sa barko upang magkalakal. Ang ugali ng pagkalakal duon ay dinadayo lahat ng bangka ang barkong dumating at inilalagay ang mga paninda (merchandise) sa maraming buslo (baskets). Tapos alisan na ang mga bangka, tangay- tangay ang mga paninda. Kahit na hindi nila (ng mga taga-barko) kilala ang mga naka- bangka na kumuha, pagtagal-tagal namumukhaan na rin nila, kaya sa huling tuusan, walang nawawala sa mga paninda kahit isa. Ang mga kumuha ay lumiligid sa iba’t ibang pulo sa paligid upang ipagpalit ang mga paninda ng mga katutubong kalakal. Umaabot hanggang Septiembre o Octobre bago sila makabalik upang bayaran ang mga kinuhang paninda ng kung anuman ang naipagpalit nila. Nangyayari pa na mas matagal pa bago bumalik ang ibang lumigid kaya ang mga barko na nagkalakal sa Ma-i ang pinakahuling makabalik (sa China). Katulad ng Ma-i ang mga puok na tinawag na
  • 34. Ang mga natatanging puok sa bayang iyon ay San-hsii, Pai-pu-yen, Pu-li-lu na malapit sa San-hsii, Li-yin-tung, Lin-hsin at Li-han. Ang San-hsii o ‘3 Pulo’ ay sakop ng Ma-yi. Ang pangalan nila ay Ka-may-en, Pa-lao-yu at Pa-chi-neng. Ang mga kalakal sa bayang iyon ay pagkit na dilaw (yellow wax), bulak (cotton), perlas, bahay-pagong (tortoise shells), ikmo at bunga (betel nuts) at telang yu-ta (jute, sako). Ang paninda ng mga dayuhan ay porselana, gintong pangkalakal (commercial gold), pira-pirasong bakal (iron) at tingga (lead), mga holen (glass beads), mga karayom at perlas na may kulay. SAN-HSII Ang bawat pulo ay may sari-sariling lipi at kalat-kalat ang mga tahanan nila duon, subalit pagdating ng barkong nagkakalakal, nagtitipon silang lahat. Ang pangalan ng lahat ng pulo ay San-hsii at ang ugali nila ay kahawig sa Ma-yi. Ang bawat lipi ay binubuo ng 1,000 familia. Maraming bundok sa bayang iyon na kasing tarik ng malalaking pader. Ang bahay ng mga tao ay gawa sa kawayan (bamboo). Bihira ang mga sapa sa taas ng bundok kaya bumababa ang mga babae at umaakyat uli, may dala-dalang 2 o 3 palayok ng tubig sa kanilang ulo. Hindi nila pinapansin ang bigat ng dala-dala, pumapanhik sa bundok nang kasing gilas ng paglakad nila sa patag. Sa looban, ang mga libis (valleys) ay tinitirahan ng isang lahi na tinawag na Hay- tan. Punggok sila, bilog at dilaw ang mga mata, kulot-kulot ang buhok at kitang-kita ang mga ipin nila sa bibig. Nagpupugad sila sa mga sanga-sanga ng mga punong kahoy at isang mag-anak, 3 hanggang 5 tao, ang tumitira sa bawat pugad. Palaboy-laboy sila San-hsu, Pai-pu-yen, Pu-li-lu, Li-yin-tung, Liu-hsin, Li-han at iba pa. Ang mga katutubong kalakal ay pagkit (beeswax), bulak (cotton), tunay na perlas (true pearls), ikmo na panghimasmas (medicinal betel), telang yu-ta (jute? sako?) at bahay-pagong (tortoise shells). Bilang kapalit, nagkakalakal (ang mga Intsik) ng porselana, gintong pangkalakal, palayok na bakal, tingga, karayom na bakal at mga sari-saring kulay na holen o maliliit na pirasong salamin (glass beads). SAN-HSU Ang San-hsu o Tatlong Pulo ay katulad ng Ma-i, at may mga pangalan gaya ng Chia- ma-yen, Pa-lao-yu at Pa-chi-nang. Sa bawat pulo, kalat-kalat at kani-kanila ang mga lipi na lumalaot upang magkalakal tuwing dating ng mga barko. Lahat-lahat, tinawag ang mga pulo na San-hsu, at ang mga ugali nila ay kahawig sa Ma-i. Mahigit 1,000 mag-anak (familias) ang kabilang sa bawat lipi. Dikit-dikit ang mga gulod at bangin sa mga lupa, ang iba ay kasing tarik ng dingding ng bahay. Duon sa mga tuktok nila itinatayo ang kanilang mga kubo, mga bahay na gawa sa himay-himay na kawayan (bamboo) at rattan (caña, reeds). Dahil walang tubig sa tuktok ng bundok, bumababâ ang mga babae, 2 o 3 sisidlan ang patong-patong sa kanilang ulo. Umiigib sila ng tubig bago umaakyat uli sa bundok nang buong gilas at hinhin, parang naglalakad lamang sa patag. Sa mga liblib na libis (valleys) mayroong ibang uri ng mga pamahayan, tinawag na Hai-tan. Ang mga tao duon ay pungok (short), ang mga mata nila ay bilog at matingkad, ang buhok nila ay kulot-kulot, at usli ang kanilang mga ipin. Namamahay sila
  • 35. sa mga sukal ng gubat at hindi nakikita ng mga nagdaraan, na pinapana nila. Kaya sila kinakatakutan. Kapag binigyan sila ng porselanang mangkok, tinatanggap nila sabay yuko bilang pasalamat. Tapos, takbuhan na sila, hiyawan nang hiyawan sa tuwa. Pagsapit ng mga dayuhan sa nayon ng mga taong ligaw, iaangkla nila ang barko sa gitna ng pasigan (current o agos) ngunit hindi sila maaaring bumaba mula sa barko. Nagpapatunog sila ng tambol, saka darating ang mga taong ligaw sa kanilang mga bangka, dala-dala ang kanilang kalakal na bulak, niyog, camote, makikinis na banig at lahat ng maiaalok nila kapalit sa paninda ng mga Intsik. Kung hindi magkasundo sa halaga ng palitan, kailangang ipatawag ang pinuno ng nayon upang siya ang makipag-ayos nang harapan kung anong halaga ang ikaliligaya ng bawat isa. Ang mga paninda ng mga Intsik ay mga sutlang payong at telang sutla, porselana, damaskong itim (black damask), mga perlas na magkakaiba ang kulay, tingga, lata (tin) at isang uri ng buslo na gawa sa rattan. Bilang siguro (bond), nag-iiwan sa barko ng mga kalakal na 2 o 3 mas malaki ang halaga kaysa mga paninda na ilalako sa nayon. Pagkaraan ng 3 o 4 araw, ibinababa na ang mga siguro at isinasauli na sa mga taong ligaw. Babalik na sa barko ang mga dayuhan at tutuloy sa susunod na nayon at magkakalakal uli duon sapagkat ang mga nayon sa dalampasigan ng 3 Pulo ay hindi kabilang sa iisang pamahalaan. Tinatakpan ng mga bundok ang mga barko mula sa malakas na hangin kapag tag-ulan ng silangang hilaga (northeast monsoon). Subalit kapag panahon ng bagyo (southwest sa taas ng mga punong kahoy (treetops). Kung minsan, 3 o 4 sa kanila ang patago-tago sa gubat at pinapana nila ang sinumang nagdaan, at marami ang nasaktan nila nang ganito. Subalit kung nag-iiwan ng porselana sa sukal, hinahanap nila at sinusunggaban kapag natagpuan. Tapos, nagtatakbuhan sila, naghihiyawan at nagtatawanan. Kahit kailan dumating barkong nagkakalakal sa isang nayon, hindi sila pangahas na bumababa agad. Tumitigil muna sila sa gitna ng pasigan (midstream) at magta-tambol upang tawagin ang mga tao na una-unahan namang darating, sakay sa kanilang mga bangka at dala ang kanilang mga kalakal gaya ng pagkit, bulak, kakaibang tela (strange cloth) at mga banig na hawi sa puso ng niyog (coconut-heart mats). Kung hindi nagkasundo sa halaga ng palitan, tiyak na darating ang pinuno ng mga tagapulo upang yariin ang tawaran. Pagkatapos, hinahandugan siya (ng mga Intsik) ng mga payong na sutla (silk umbrellas), porselana o mga buslo na gawa sa rattan. Kahit nagkasundo na, 1 o 2 tao ang naiiwan sa barko bilang patibay (hostages) habang nagkakalakal sa lupa ang mga dayuhan. Kapag tapos na lahat ng bilihan saka lamang pinapawalan ang mga patibay. Hindi lumalagpas ng 3 o 4 araw, likas na ang barko papunta sa ibang nayon o pulo. Walang isang naghahari sa lahat ng mga taong ligaw (barbarians) sa San-hsu (maniwari, sila ay malalaya). Nakahilig ang mga bundok, nakaturo sa silangang hilaga (northeast), at madalas kapag tag-ulan, humahampas sa mga bundok ang malalaking alon kaya hindi nakakahimpil duon ang mga barko at kaskasan sila sa gitna ng dagat. Dahil dito, ang mga barkong nagkakalakal sa San-hsu ay karaniwang
  • 36. monsoon), malakas ang hampas ng alon sa dalampasigan at natatangay ang mga barko kahit naka-angkla. Kaya natatagalan ng 4 o 5 buwan ang pagbalik ng mga nagkakalakal sa 3 Pulo. Ang Pu-li-lu ay malapit sa 3 Pulo. Ang mga baranggay at nayon duon are punong-puno ng tao, subalit sila ay malupit at mahilig mandambong (piracy). Ang dagat naman ay maraming batuhan (coral reefs) at ang dalampasigan ay may mga bato na uka-uka, gaya ng bulok na kahoy, at matutulis na parang mga sibat. Upang makarating duon ang mga barko, lumilihis sila nang malayo sa mga matulis na bato. May mga coral duon subalit mahirap makuha. Ang mga ugali at gawi duon ay katulad sa 3 Pulo. umuuwi (sa China) bandang Mayo-Junio. Kalakihan ng kinakalakal duon ay mga porselana, lata (tin), sutla (pongee silk), makukulay na holen (glass beads) at tingga na pabigat sa lambat (lead fishnet sinkers). Kaugnay ng Pu-li-lu ang San-hsu subalit mas malalaki ang mga nayon duon. Mababangis ang mga tao at mahilig mandambong (plunder). Ang dagat duon as puno ng butas-butas na bato (coral), matutulis, parang mga sibat at palakol kaya ilag ang mga barko pagdaan duon upang hindi mawakwak. Nagkakalakal sila ng shan hu (mamahaling puno ng coral) subalit mahirap makuha ito. Tagasaan Ang TIYAK NA Mindoro ang Ma-i sapagkat Mait pa ang pangalan sa pulo nang dumating ang mga Español (sina Miguel Lopez de Legazpi nuong 1565), at siyang tawag pa hanggang ngayon ng mga tagabundok at mangingisda duon at sa mga karatig pulo. Malinaw na ang Pai-pu-yen ay ang kapuluan ng Babuyan Islands, kilalang landas ng mga mandarambong na sumalakay sa Fujian nuon pang panahon ni Chao Ju-kua. Ang Pa-lao-yu naman ay ang Pa-lao-yuan o Palawan sa 2 landasan ng paglayag (sailing directions) na nalathala sa China 400 taon pagkamatay ni Chao Ju-kua. Sapantaha ni Antoon Postma, dalubhasa tungkol sa pagka-Mangyan, na ang Chia- ma-yen ay bigkas Intsik ng ‘ka-mangyan’ at ang ‘kamangyanan’ o puok ng mga Mangyan na naging pangalan ng kapuluan ng Calamian (Calamianes, Calamian Islands) Mga Pangalan ngPilipinas na tinatahak ng mga barkong Intsik mula Mindoro hanggang Borneo patungo sa Maluku (Moluccas, spice islands). Ito ang landas na inilarawan ng isa pang dalubhasa sa China, si Chang Hsieh, sa kanyang Tung Hsi Yang Kao (Silangan at Kanlurang Landas Dagat) na nalathala nuong 1618. Hula rin ang ginawa ng mga dalubhasa ngayon sa pagtunton sa Li-yin-tung, na Lingayen daw, sa Pangasinan, Liu-Hsin, na Luzon naman daw, at Li-han, na pulo ng Lubang daw, kahanay ng Batangas, sa hilaga ng Mindoro. Hindi pa rin matunton ang Pa-chi-nung at ang loobang gubat sa libis ng Hai-tan. Mahirap paniwalaan na ang Pu-li-lu ay Polillo sa silangang baybayin ng Pilipinas dahil hindi dadaan ang mga barko ng China papuntang timog (south) sa malayo at
  • 37. sa pagitan ng Palawan at Mindoro. Ang iba pang mga pangalan ay hindi na matunton ngayon, pulos mga walang kabuluhang paglalarawan sa wikang Intsik maliban sa San-hsu, ang 3 Pulo. Bagaman at iyon ang salin ng kataga, ang tunay na ibig sabihin nito ay maraming maliliit at makakalapit na pulo. Halimbawa, upang linawin ang kalituhan: Maaaring isalin ang San-hsu sa Pulo-pulo upang ipahiwatig, hindi 2 pulo lamang kundi maraming pulo. Mahuhulà na ang Pulo-pulo ay Visayas, ang maraming pulo sa kalagitnaan mapanganib na gilid ng dagat Silangan (Pacific Ocean). Isa pa, Polillo ay ‘munting pulo’ sa wikang Español, na malamang nagbigay ng pangalang iyon 300 taon pagkamatay ni Chao Ju-kua. Ang shan hu o mamahaling sanga-sangang coral na nasabing natatagpuan duon ay ang tinawag na pulang coral (red corral) nuong unang panahon sa dagat Mediterranean, sa pagitan ng Europa at Africa. Subalit bihira itong matagpuan sa Pilipinas maliban sa isang lihim na puok, ayon sa balita nuong 1983, sa silangan ng kapuluan ng Cuyo (sa pagitan ng Palawan at Panay). Kung ito nga ang tinawag na San-hsu o Pulu-pulo, maniwaring lakbayan ng mga nagkalakal na Intsik ang mga baybayin ng Palawan at Calamianes hanggang Mayo o Junio, pagkatapos ay nagkakanlong sila sa Mindoro hanggang Septiembre o Octobre, paglipas ng masamang panahon. Wala sa mga puok ang nasabing sakop o naka-ilalim sa ibang puok, gayong nasabing ‘kaugnay’ ng Pu-li-lu ang San-hsu. Lantad na Ma-i ang pinaka-tanyag sa lahat: Ito lamang ang tinawag na ‘bayan’ at naulat na nakipagkalakal ito sa Canton 250 taon bago sumulat si Chao Ju-kua, at mawawari na ito ang pangunahing tambakan (entrepot) ng kalakal ng Intsik na ipinagbibili sa iba’t ibang pulo sa paligid. Duon humihimpil ang mga barkong kalakal, nagpapalista (register) bago magkalakal, tapos binabangka ang mga paninda sa mga puok na hindi kilala ng mga Intsik. Sinumang naghari sa Ma-i, pati na ang mga tao na pinagharian niya, ay waring mga bagong salta sa puok, sapagkat hindi nila alam kung saan nagmula o ano ang mga Ang pagkit (beeswax) na bahay-bubuyog ay iniluluwas pa mula sa mga bundok. Inilalako pa sa mga pamilihang bayan (public markets) hanggang ngayon ang ikmo at banig pandan. Ang telang abaca (tinawag ding sinamay) ay hinahawi ng kamay, hindi ng maquina (textile mills), at ang coral, bahay-pagong at perlas ay kasalukuyang mamahaling kalakal panglabas (export commodities). Malawak ang paggawa ng telang bulak (cotton cloth industry) nuong unang pasok ng mga Español sa kapuluan at patuloy na pinagbili sa China hanggang panahon ng Amerkano. Nakatuklas pa ng mga ligaw na puno ng bulak sa Cebu kailan lamang. Mali ang taguri ng ibang aklat na kapok ang puno ng bulak - hindi nahahawing tela ang kapok at ginagamit lamang palaman sa mga kutson (colchones, cushions, mattresses). [Ang pagtanim at paggamit ng bulak ay laganap sa India mula pa nuong unang panahon at maaaring nakaabot sa Pilipinas nuong limot nang nakaraan.] Kagila-gilalas, walang binanggit si Chao Ju- kua tungkol sa ginto na laganap na kalakal sa
  • 38. estatwa ni Buddha na nagkalat sa gubat duon. Ang mga kalakal ng mga katutubo ay inilalako sa maaakit na taguri, gaya ng ikmo na panghimasmas (medicinal betel) na maaaring walang galing gumamot kaysa karaniwang ikmo. At ang banig ng puso ng niyog (coconut-heart mats) ay katunayang karaniwang banig na hawi sa rattan o pandan (pandanus mats). Ang iba pang kalakal na inilista ni Chao Ju-kua ay kagulat-gulat sapagkat kalakal pa hanggang ngayon. Pilipinas nuon, lalo na’t binanggit niya ang paggamit ng gintong pangkalakal at, sa ibang bahagi ng kanyang aklat, ang paminsan-minsang palitan ng ginto sa Taiwan. Maniwaring hindi minina (mining) ng mga Pilipino ang ginto upang ipagpalit sa mga dayuhan. Higit malamang, inilihim ng mga Intsik ang nakalakal na ginto at walang nagsabi kay Chao Ju-kua na, sa huling tuusan, ay isang pinuno ng pamahalaan ng China at baka ilitin lahat ang ginto. Kuru-kuro Ni Taong Ligaw (barbarian) - Tawag ng Intsik sa lahat ng hindi Intsik, maliban lamang ang mga taga-Korea, Japan at Annam (North Vietnam ang tawag ngayon) Pasikut-sikot na ilog - Malamang ito ang ilog Pasig at ang nayon ay Manila Ma-yi - Lumang pangalan ng Luzon, mula sa Bahi o Ba-i ang dating tawag sa luok ng Bay (Laguna de Bay). Sa ibang wikang Intsik, ang pangalan ay isinulat na Ma-yit, Ba-hi o Ba- yit. Ang parangal ng mga pangunahing Tagalog ng Bulacan nuong pagpasok ng mga Español ay Gat-maytan kaya aking sapantaha na Ma-yi malamang ang lumang pangalan ng Bulacan na nuon pa ay pinakamayamang bahagi ng Luzon. Ang buong kapuluan ng Pilipinas ay tinawag na Ma-yi ni Chao Ju-kua. Ayon kay Doctor Hirth, ang titik na Ma-hi sa wikang Intsik ay mababasa ring Mo-yat, Ba-ek, Ma-i, Ma-yek at iba pa. Poni - Dating tawag ng Intsik sa pulo ng Blumentritt Mga estatwa ng Buddha - Patibay ito na dati ay malawak ang pagsamba ng buddhist sa Pilipinas, nanggaling sa India. (Ayon kina Blair at Robertson: Mas malamang, dala ang mga estatwa ng mga Intsik at ipinagbili sa mga mapamahiin (superstitious people) at hindi kailan man pumasok o lumawak ang pagsambang buddhist sa Pilipinas, kahit na paniwala ni P.L. Stangl na pumasok ang pagsamba mula sa Java.) San-hsii - Ang ibig sabihin ay 3 Pulo at baka turing sa Visayas. Ang Pai-pu-yen ay baka ang kapuluan ng Babuyan. Ang Pu-li-lu ay maaaring Mindanao. Ang Li-yin-tung ay Lingayen. Magkahawig ang bigkas sa Lin- hsin at Lin-hsing (Lin-sung ayon kay Stangl) na tawag ng Intsik sa Luzon, subalit maniwaring Calilaya (Tayabas) ang tinuturing ng Intsik. Li-han ang lumang tawag ng Intsik sa Malolos, at ang parangal sa mga pinuno duon ay Gat-salihan o Gatsalian. Yu-ta - Maniwaring tawag sa abaca.
  • 39. Borneo. Sarong - Tawag ng Malay sa tapis (skirt). Ka-may-en ay Mait o Mindoro. Pa-lao-yu ay Paragua o Palawan. Pa-chi-neng ay maaari ring bigkasin sa Intsik na Pa-kat-lung o Ba-ki-lung. Parang ito ang tawag nila sa Visayas, samantalang San-hsii ang turing nila sa buong Visayas, kasama ang Mindoro at Palawan. Gintong pangkalakal - salapi ng Java at Thailand? Baka ginamit sa Pilipinas. [Blair at Robertson: Ang sulat ni Stangl dito ay may kadugtong na ‘subalit paano nakarating sa kapuluan?’ Baka ito ay buhaghag na ginto (gold dust) o mga alahas (gold ornaments). Hindi kapani-paniwala na gamit dito ang salaping ginto ng Java o Thailand at kung mayroon man, malamang ang mga Intsik na rin mismo ang nagdala, dahil matagal na nilang narating ang mga bayang iyon.] Hay-tan ay mga Aeta, Ita o Negrito. Nagulat kami sa tanda ng tawag na ito, parang pang-kasalukuyan ang paglarawan na isinulat ni Chao Ju-kua bagaman at nalito siya sa sinulat na ‘pugad’ ng mga ito sa taas ng mga punong kahoy, na gawain ng ibang mga tribo sa Mindanao. [Blair at Robertson: Nuong Marso 14, 1905, sinulat ni LeRoy na natutulog paminsan-minsan ang mga Negrito sa mga sanga ng punong kahoy subalit mahirap paniwalaang ‘nagpugad’ sila o gumawa ng mga bahay sa mga puno, na ugali ng ibang mga Malay sa Pilipinas na may halong dugo ng mga Negrito.] [Pagdating nina Ferdinand Magellan sa Pilipinas nuong 1521, nakita nilang nagbahay ang ibang mga taga-Cebu sa itaas ng mga punong kahoy. Nasa Ang Unang Español ni Antonio Pigafetta, kasama sa website na ito. ] Kitang-kita ang ipin - Gawi ng mga indio na kulayan ng itim ang mga ipin, dating ugali ng maraming mga Malay. Ang mga Negrito ay hindi nagkukulay ng ipin. Lipi - paniwala ko na ang tinukoy ay baranggay o nayon. Bilog at dilaw na mata - [Blair at Robertson: Ang salin ni Stangl dito ay ‘bilog at makintab na mga mata’ (round eyes of a shining appearance).] Bulak - Dapat paniwalaang mga telang hawi sa bulak. [Blair at Robertson: Hindi kailangan. Sulat ni Stangl na dapat ituring ang puno ng kapok, na tubong ligaw sa Pilipinas, dahil sa katagang ginamit ni Chao Ju-kua, maniwaring katagang Intsik. Ang tanim na bulak ay tinawag na kapas sa Java.] Hindi kabilang sa iisang pamahalaan - Idinidiin ni Chao Ju-kua na walang malawak na kaharian sa Visayas. Pahiwatig ito na sa Luzon, may ilan-ilang nayon na sakop ng isang hari o panginuon. [Blair at Robertson: Hindi kailangang pahiwatig ito.] Pu-li-lu ay...punung-puno ng tao - Mas maraming tao sa Mindanao nuon kaysa ngayon (1890). Ang pulo ng Sarangani na ngayon (1890) ay may 1,500 Bilan at 100 Moro ay puno ng mga tao nuong 1548 (panahon ni Ruy Lopez de Villalobos), mayroon pa silang kuta (fort) sa tuktok ng isang bundok duon. Marami ring batuhang matutulis (sharp coral reefs) sa mga dalampasigan duon, ayon sa mga sulat ng mga frayleng Español, gaya nang sinulat ni Chao Ju-kua. At ang lihis nang malayo ng mga barko duon ay tulad sa nilalandas ng mga barko ngayon (nuong 1890), lalo na sa banda ng Cape San Agustin (sa dulong timog ng Davao del Sur).
  • 40. Sino Si SI Ferdinand Blumentritt ay kinilalang dalubhasa sa mga unang tao (anthropologist), lalo na sa agham (science) ng gawi at buhay ng mga napag-iwanan ng kabihasnan (ethnology), ang tinatawag na mga primitivo (ethnics). Isinilang siya nuong 1853 sa Prague, punong lungsod ngayon ng Czech Republic subalit nuon ay bahagi lamang ng malawak na Austria-Hungarian Empire. Nagtapos siya nuong 1877 at sa gulang ng 24 taon, nagsimulang magturo bilang professor sa Leitmeritz, sa Austria. Inilathala niya ang unang niyang aklat pagkaraan ng 2 taon, Ang mga Intsik Sa Pilipinas (The Chinese in the Philippines). Nasa Europa nuon si Jose Rizal na akit sa anumang ulat tungkol sa pinagmulan ng mga unang Pilipino. Nakipagsulatan at nakilala niya si Blumentritt, dinalaw pa niya sa Leitmeritz nuong 1887, nang isinulat niya ang Noli Me Tangere. Naging magkatalik sila at pinag-ibayo ni Blumentritt ang pagsiyasat sa kasaysayan ng mga unang Pilipino, kaya naging dalubhasa siya kahit na hindi siya nakarating sa Pilipinas kahit minsan. Ipinaalam niyang lahat kay Rizal. Blumentritt? Nang simulan ng mga Pilipino sa España na ilathala ang La Solidaridad nuong 1889, nagpadala si Blumentritt ng kanyang pagsusuri upang maisali sa pahayagan. Nuong taon ding iyon, ipinagtanggol din niya si Rizal sa isang sulat nang laitin ng mga frayleng Español sa Manila ang Noli Me Tangere. Sinulat ni Blumentritt ang paunang hayag (introduction) sa Sucesos delas Islas Filipinas ni Antonio de Morga na kinuro at dinagdagan ni Rizal ng paliwanag bago ipinalathala nuong 1890. Sa sumunod na taon, 1891, sinulat uli ni Blumentritt ang paunang sabi (foreword) sa pang-2 aklat ni Rizal, ang El Filibusterismo. Patuloy ang kanilang sulatan habang 4 taon nakatapon si Rizal sa Dapitan. Malaki ang dalamhati ni Blumentritt nang bitayin si Rizal ng mga Español sa Manila nuong 1896. Isa sa mga sinuri ni Blumentritt tungkol sa mga unang Pilipino ay itong ulat ni Chao Ju- kua na isinalin niya sa wikang Aleman (German) at dinagdagan ng mga paliwanag na natutunan niya sa pagdadalubhasa tungkol sa Pilipinas. Kasama ang mga ito sa pagsalin nina Blair at Robertson at nakalahad ngayon dito sa wikang Pilipino. Paunawa Nina Blair WALANG sumulat kung kailan nabuhay si Chao Ju-kua subalit nabanggit ang pangalan niya sa Talaan Ng Hari (Imperial Catalogue) at maniwaring kamag-anakan (descendant) siya ng angkan ng mga haring Sung (Sung dynasty), na ang tunay na pangalan ay Chao. Pahiwatig din na At Robertson Sa tungkuling ito, may pagkakataon siyang mag-ukilkil sa mga dumating matapos magkalakal sa labas ng China,mas marami nuong panahong iyon kaysa nuong nakaraan o pagkatapos, kaya madaling gawin. Ang sinulat niya ay ang Chu-fan-shih, halos lahat ay copia lamang ng mga nakaraang ulat,
  • 41. ipinanganak siya nuong huling bahagi ng ika- 12 sandaang taon (12th century). Pinuno siya ng mga tagasingil ng buwis sa asin (salt tax) sa lalawigan ng Fo-kien (Fujian ang tawag ngayon) at ang parangal niya ay Shih-po o ‘kapatas ng kalakal dagat’ (commissioner of customs ang tawag ngayon). Hindi nagtagal ang tungkuling ito sa Fujian, mula 1277 hanggang 1287 lamang, at maniwaring sa mga taon na ito matutuos ang panahon ni Chao Ju-kua. [ Kahanga-hanga ang nagawa nina Blair at Robinson, subalit mahirap paniwalaan ang tanto nilang mahigit 80 taon gulang na si Chao nang manungkulan at isulat itong hayag tungkol sa Pilipinas.] subalit mas maraming tukoy sa ibang bayan kaysa sa ibang kasulatan ng kaharian (court records). Ang hinalaw na kabanata na isinalin dito ay mula sa Periodico Hebdomadario Escolar o Linguhang Pahayagan Ng Mga Mag-aaral (Students Weekly Journal) nuong Noviembre 9, 1901, ang ika-6 limbag (issue). Si Clemente J. Zulueta ang naglathala, history professor nuon, pagkatapos ay naging tagasaliksik ng mga kasulatan at kasaysayan sa España para sa Kagawarang Pilipinas (Philippines Department) ng pamahalaan ng America (United States government). Ipinahiram ang pahayagan sa amin ni James A. LeRoy, dalubhasa sa pagka-Pilipino (Philippine ethnological expert). May palatastas ng patnugot (editor’s note) sina Blair at Robertson sa harap ng kabanata: ‘Paniwala namin na mahalaga itong salaysay ni Chao Ju-kua sa kasaysayan, lalo na tungkol sa mga unang panahon ng Filipinas, na isinulat 300 taon bago dumaling si Ferdinand Magellan, kaya namin isinalin sa English mula sa isang pagsalin sa Español. Isinalin ni Professor Blumentritt sa Aleman mula sa isang pagsalin sa English. Ayon kay Blumentritt, isinalin ni Doctor Hirth sa English mula sa Intsik nuong 1891.’ Hindi namin natunton ang pahayag ni Hirth, kaya napilitan kaming gamitin ang ulat ni Blumentritt na isinalin namin uli sa English. Isinulat sa amin ni LeRoy nuong Enero 27, 1904, na ‘Pag-aari ni Zulueta ang liham at pagsalin ni Blumentritt, ipinadala niya kay Rizal nang nakatapon (exiled) ito nuong 1894. Ang liham ang patunay na si Blumentritt ang sumulat ng mga kuru-kuro.’ May isang pahayag sa wikang Español, may kasamang pagsalin sa English, na nalathala sa Revista historica de Filipinas o Repaso Ng Kasaysayang Pilipino (Filipino Historical Review) nuong Junio 1905, ang ika-2 limbag, ay nilagdaan ni P.L. Stangl. Kakaiba ito sa ulat ni Blumentritt na nilathala ni Zulueta, hati sa 2 kabanata, Ma-yi ang una, San-Hsii ang pang-2. Ang pinili naming isalin ay ang version ni Zulueta, kasama ang mga kuru-kuro ni Blumentritt, dahil hindi namin alam kung paano binuo ang version ni Stangl. Paliwanag Ni SI CHAO JU-KUAay kapatas ng kalakal-dagat WH Scott work on the Chinese and Arab trade in the
  • 42. sa Chuan-chou, sa lalawigan ng Fukien (Fujian) nang isulat niya ang kanyang ‘Isang Pahayag Tungkol Sa Mga Taong Ligaw’ (Chao Fan Chih, An account of the various barbarians) nuong 1225. Bagaman at bahagi ng aklat ay binatay sa mga naunang ulat gaya ng Ling-wai Tai-ta, ang bahagi tungkol sa Pilipinas ay lantad na batay sa mga lahad ng mga bumalik pagkatapos magkalakal sa ibang bayan, kaya kasalukuyan sa panahong iyon. Ang ulat ni Chao Ju-kua ay bunyag na sa Enn pang 1911 nang ilathala nina Friedrich Hirth at WW Rockhill ang kanilang aklat, Chao Ju-kua: his 12th and 13th century entitled Chu Fanchi (Ang sinulat ni Chao Ju-kua tungkol sa kalakal ng Intsik at Arabe nuong ika-12 at ika-13 sandaan taon). May ilang mali sa pagsalin nina Firth at Rockhill na maaari sanang huwag nang pansinin subalit masugid ang pagsipat ng mga manalaysay (historians) sa bawat kataga tungkol sa Pilipinas at, sa malas, naisali sa mga aklat na ginagamit pa hanggang ngayon sa mga paaralan. Kaya itinanghal ko rito ang mas makabagong pagsalin na ginawa namin ni I-hsiung Ju nuong 1968. Ang mga pinagkunan Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, nilimbag sa Manila, 1903, Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998 Prehispanic Source Materials For the Study of Philippine History, ni William Henry Scott,New Day Publishers (revised edition), Quezon City, 1984 Balik sa itaasMga Intsik Sa PilipinasTahanan ng mga Kasaysayan ng PilipinasPang-email ng tanong o kuru- kuro