RIZAL ESSAY WRITING CONTEST      Bakit nga ba mahirap ang Pilipinas?      Hindi maipagkakaila na mahirap ang Pilipinas sap...
Isa pa sa dahilan ay ang ating mga namumuno sa pamahalaan na ang ilan sakanila ay mga ganib na nanungurakot sa kaban ng ba...
nating bansa laban sa mapang-abusong mga dayuhan. Dapat tayong magmuni-munipara baguhin natin ang maling kaugaliang Pilipi...
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Rizal essay writing final

1,586

Published on

Published in: Education
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
1,586
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
0
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Rizal essay writing final

  1. 1. RIZAL ESSAY WRITING CONTEST Bakit nga ba mahirap ang Pilipinas? Hindi maipagkakaila na mahirap ang Pilipinas sapagkat sa maraming mgaaspetong nakapaloob dito. Ang mga Pilipino ay may mga katangian sanhi ng kahirapan dinaranas natinngayon. Isa na rito, ang pagkakaroon natin ng “Crab mentality”. Maraming mga Pilipinoang hirap umasenso dahil sa mga taong mabilis mainggit at naghahatak sa kapwapababa. Makikita ito sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, sila-sila mismoang naghihilahan pababa o nagsisiraan. Pangalawa, ang “Ningas kugon”. Sinisimulanang isang trabaho ngunit hindi tinatapos nang maayos. Sanay tayong mga Pilipino nasimulan ang isang bagay ngunit kapag tinamad na o nawalan ng gana, hindi na itotinatapos o pinababayaan na lamang. Pangatlo, ang “Mañana habit”. Ang katangiangganito ay pinagpapabukas pa ang mga bagay na puwede namang gawin na. Ito aytanda ng isang katamaran o pagiging tamad ng mga Pilipino. Pang-apat, ay ang“Bahala na”. Ito yong ugaling nagpapakita ng kakulangan sa pag-iingat at pagsisikap .Ilan sa mga nakasaad dito ay malamang na likas na ugali natin o maaring nagawa nanatin ng hindi sinasadaya o namamalayan. Hindi ito maiiwasan dahil ang ilan dito aysadyang nasa dugo nating mga Pilipino. Maaari ding marami sa kaugaliang ito ay isa samga dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay hirap na umasenso gayun din angbansang Pilipinas. Siguro kung mababago natin ang kaugaliang ito malaki angpossibilidad na magbago rin ang kalagayan ng bansang Pilipinas
  2. 2. Isa pa sa dahilan ay ang ating mga namumuno sa pamahalaan na ang ilan sakanila ay mga ganib na nanungurakot sa kaban ng bayan na sana’y gagamitin paramakaahon sa kahirapan, kasabay din nito ang mga batas na ipinangakong ipatupadngunit ang lahat ay nabigo dahil ang batas ng bayan ay sinawalang bahala kaya angmga tao sa ating bansa ay pawang nalululong sa masasamang gawain sapagkatumaasa sila sa mga namamahala sa pamahalaan na akala nila buong tapat itongnagsisilbi sa taong bayan. Hindi rin makuntrol ng pamahalaan ang paglubo ngpopulasyon ng Pilipinas, at nagreresulto ito sa kahirapan ng mga mahirap na pamilya.Kapag mas marami ang mga tao, mas marami rin ang mga taong kailangang pakainin.Nahihirapan tuloy ang mga tao sa kanilang pamumuhay kaya naglipana ang mga taongwalang trabaho na napipilitang gumagawa ng ibat ibang karahasan, mga kabataanngayon na sa murang gulang ay ibinibenta ang sarili upang mairaos ang pang arawaraw na buhay, mga batang gumagamit ng bawal na gamot at dahil dito’y nagigingsanhi pa ito ng pagkitil ng buhay ng kapwa tao. Ang patuloy ang pag-angat ngkahirapan na nadaragdagan pa ng mga kalamidad na kalahati nito ay kasalanan din ngmga mamamayan at ng pamahalaan kagaya na ng “Global Warming” ang dahilan nitoay ang pagpapabaya ng ating mga kababayan, gaya na lamang ang walangpakundangang pagputol ng mga punongkahoy, ngunit may mga programa angpamahalaan na isinasagawa upang maiwasan ito pero hindi nila siniseryoso ang mgasuliranin datapwat naging daan pa ang mga programang ito upang makakurakot ngmga pundo para sa sariling kapakanan. Ano ba ang nangyayari sa atin? Nakakalimutan na yata natin ang nagawangpakikipaglaban ng ating mga bayani para lang tayo maiahon sa kalugmukan sa sarili
  3. 3. nating bansa laban sa mapang-abusong mga dayuhan. Dapat tayong magmuni-munipara baguhin natin ang maling kaugaliang Pilipino na nagiging sagabal sa ating pag-unlad. Karamihan sa mga kaugaliang ito’y tila anay na sumisira sa ating pagkatao,pagkabansa, at organisasyong kinabibilangan natin. ‘Wag na tayong magtago sa atingsariling anino. ‘Wag tayong makontento na maging isang kahig, at isang tuka. Dapat aymay layunin tayong makaahon sa kahirapan at maging matagumpay. Gayunpaman,hindi pa huli ang lahat. Bumangon tayo at magtulungang talunin at kalabanin ang atingsariling anino at tumawag tayo ng pagbabago laban sa kahirapan upang maiangat angating bansa. Tahakin natin ang liwanag na landas at hikayatin natin ang mgamamamayan at humukin natin sila na makiisa sa pagtawid na gumawa ng tama,malinis, responsable, respeto sa batas at alituntunin, respeto sa karapatan ng iba,masipag, matipid at namumuhunan, buo ang loob gumawa nang malaki, tapat sa oras,at sikapin natin ilatag ang sistema na magpapabuti, magpapaganda at higit sa lahatang paunlarin ang ating bansa.

×