Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Ang pamahalaan
1. ANG PAMAHALAAN<br />Ingiti mo Kapatid!Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating pagiging masiyahin at positibo sa kahit anong sitwasyon. Ito man ay maging malungkot o masaya ang isang tunay na pinoy ay laging naka ngiti. Ang ating pagngiti ay tila isang simbolo ng ating pagkakaroon ng pag-asa sa ating sarili, kapwa Filipino at sa ating bayan. Ngunit hindi araw-araw na tayo’y nagkakaroon ng dahilan upang ngumiti. Tulad na lamang ng huling hostage taking sa Quirino Granstand na kung saan nakita natin at naramdaman ang sakit na dulot ng isang sitwasyong sana’y naagapan ng pamahalaan. Ang mga pulis na dapat ay marunong at pulido sa paggalaw ay nagmukhang mga baguhan na hindi marunong rumesponde sa isang kaso at ang mamamahayag na sana’y nabigyan ng tamang proseso sa kanilang pagbabalita ay nagmistulang kasabwat ng kaguluhan. Ang lahat ng kamaliang ito ay Gobyerno ang itinuturo. Isang pagkakataon na maipakita sa mundo na tayong mga Pilipino ay nakatayo sa sarili nating mga paa ay nagmukang isang napakalaking kahihiyan hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Nasaan ang gobyernong nagsasabing aalagaan tayo at magdudulot ng pagbabago?Isang tingin pa lang sa ating Gobyerno halos kasamaan at kakulangan ang mga bagay na lumalabas. Pagod na tayo sa mga taong nagsasabi na wala tayong kwenta, na tayo’y mga unggoy na walang pinag-aralan. Ang gobyerno ay hindi dapat nagiging simbolo ng ating pagkatao, kundi ito’y maging simbolo ng ating nais na pagbabago. Huwag nating hayaan ang kakulangan at kasamaan na ating nakikita sa gobyerno ay maging atin bilang isang mamamayan. Huwag nating isipin ang mga bagay na magagawa ng gobyerno para sa atin…kundi ispin din natin kung ano ang magagawa natin para sa ating bayan. Tayo’y mga Pilipino! Sa oras ng kagipitan at kalungkutan…tayo’y ngumiti at laging alalahanin na tayo ang simula. Huwag sisihin ang gobyerno kundi ang bawat isa ay tumayo ukol sa kanyang pinaniniwalaan at gumawa ng kabutihan upang magsilbing halimbawa sa ating kapwa Pilipino.Simulan natin ang pagbabago. Ingiti mo kapatid! <br />CRISTINA MENDOZA Mr.JULIUS GAT-EB<br />NAA(TTh 10:30-12:00) (INSTRUCTOR)<br />