1. ANG WIKANG FILIPINO
Wikang Filipino ay ating mahalin
Ito ang sagisag nitong bansa natin
Binubuklod nito ang damdamin
Ang ating isipan at mga layunin.
Wikang Filipino ay maitutulad
Sa agos ng tubig na mula sa dagat
Kahiman at ito’y sagkahan ng tabak
Pilit maglalagos, hahanap ng butas.
2. Napasok na nito’y maraming larangan
Ng mga gawain na pampaaralan
Transaksyon sa bayan at sa sambayanan
Mga paaralan sa sandaigdigan
Wikang Filipino’y dapat ipagtanggol
Lalo’t iisiping dito’y ginugugol
Ang maraming hirap,salapi’t panahon
Ng pamahalaan at ng masa ngayon
Wikang Filipino, ikaw ay mabuhay
Itataguyod ka sa lahat ng araw.
3. Wikang Filipino ay ating mahalin
Ito ang sagisag nitong bansa natin
Binubuklod nito ang damdamin
Ang ating isipan at mga layunin.
Wikang Filipino ay maitutulad
Sa agos ng tubig na mula sa dagat
Kahiman at ito’y sagkahan ng tabak
Pilit maglalagos, hahanap ng butas.
Napasok na nito’y maraming larangan
Ng mga gawain na pampaaralan
Transaksyon sa bayan at sa sambayanan
Mga paaralan sa sandaigdigan
Wikang Filipino’y dapat ipagtanggol
Lalo’t iisiping dito’y ginugugol
Ang maraming hirap,salapi’t panahon
Ng pamahalaan at ng masa ngayon
Wikang Filipino, ikaw ay mabuhay
Itataguyod ka sa lahat ng araw.
ANG WIKANG FILIPINO