If you want to help or donate please donate at my paypal:
dyokimura@gmail.com
Sa Pagitan ng Sabaw ng Chaolong at Hilab ng Tiyan buod: MAIKLING KWENTO. FILIPINO
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Sa Pagitan ng Sabaw ng Chaolong at Hilab ng Tiyan buod
1. Sa Pagitan ng Sabaw ng Chaolong at Hilab ng Tiyan{ BUOD}
Nagsimula ang kwento ng magising si Ryan ng alas tres ng umaga dahil sa
paghilab ng kanyang tiyan. Burubos ang kanyang dumi sa kadahilanang
ininom niya ng free taste na 8 in 1 coffee sa Abad Supermarket, isang grocery
store sa kanila kahapon. Hindi siya makatulog ng madaling araw na iyon
kaya naman pinagpasiyahan niyang manood ng TV ngunit home tv shopping
lang naman at iyong programa lamang ni Pastor Quibuloy ang kanyang
napapanood sa mga oras na iyon. Ngunit siya ay nabigo pa rin sa pagdapo
ng tulog. Napagpasyahan magpahangin at lumabas muna at manigarilyo. At
una niyang nakita ang isang babae na kumakain ng Chaolong Noodles mula
sa Palawan. Siya si Rhea, bagong lipat sa kabilang apartment na
pinaparentahan sa tabi ng kanilang bahay. Agad na nakapagpalagayan sila
ng loob ni Ryan at inalok siya ng isnag mangkok ng Chaolong, isang
noodles na nagmula sa Vietnam ngunit natutunang lutuin ng mga taga
Palawan. Sila ay nagkwentuhan at laking gulat ni Ryan ng humingi ng pabor
si Rhea na itapon nila ang isang kuting na dumudumi sa kanyang
inuupahang apartment. Umayon siya at tinulungan nga niyang itapon ito sa
NIA road ng madaling araw. Ngunit laking gulat nila ng magbalik ang kuting
sa apartment na putikan makalipas ng isnag araw at ito’y dumumi na naman.
Kaya namannagpagpasyahan ulit ni Rhea na itapon sa kabilang barangay.
Isinako na nila ito kasi naaalala ng mga pusa ang pinangalingan nila at
idinalaya sa malayong lugar at maputik at di na sakop ng kanilang barangay.
Napalayo ng lugar na pinagdalhan nila at ng pauwi na sana sila ay tila paikot
ikot sa lugar. Labis na nangamba at umiyak si Rhea sapagkat di nila matunton
ang palabas sa kakahuyan. Ngunit nagulat sila ng marinig ang pag-ngiyaw
ng kuting. Sinundan nila ito upang makalabas sa kakahuyan. Laking ligaya
ng dalawa ng natunton nila ang tamang daraanan. At dinala ulit ni Rhea ang
kuting sa apartment. Mataas na ang sikat ng araw ng sila ay makauwi at
buong araw at magdamag silang
nakatulog dahil sa kapaguran. Alarm ng cellphone na lamang ang gumising
kay Ryan at kumakalam na ang kaniyang tiyan dahil sa mahigit walong oras
2. itong nakatulog. Nais niyang kumain ng chaolong. Bumaba siya at nagtungo
sa kanilang sala. Doon ay naamoy niya ang samyo ng chaolong mula sa
apartment na inuupahan ni Rhea. Dali dali siyang lumabas ngunit wala ng
tao sa tinutuluyan niya bagkus isang malaking For Rent na nakasulat kamay
na lamang ang nakalagay sa harap ng pinto. Wala na si Rhea at ang ginagawa
nitong chaolong. Nalumbay si Ryan at naamoy pa rin niya ang chaolong. Sa
huli ay bumalik na lamang siya sa kanyang kuwarto, sinindi and TV at nanood
ng sermon ni Pator Quibuloy.