Tinutukoy ng aralin ang matalino at di matalinong paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa. Ipinapakita nito ang mga kinakailangang hakbang upang mapanatili ang mga yaman para sa susunod na henerasyon, tulad ng hagdang-hagdang pagtatanim at pagbuo ng mga sentrong kanlungan. Binibigyang-diin din ang importansya ng pagtuturo sa wastong pag-uugali patungkol sa pangangalaga ng kalikasan at mga likas na yaman.