2. —Someone Famous
MGA TEKSTONG BABASAHIN:
Sanaysay at Talumpati
URI NG TEKSTO: Naglalahad
GRAMATIKA: Pangatnig sa pagbibigay ng
opinyon
Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo
sa pagtahak sa araling ito:
3. 1. Nabibigyang puna ang mga paraan ng pagsasalita ng
taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinyon
sa isang talumpati (F9PD-IId-47)
2. Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng
matibay na paninindigan (F9PS-IId-49)
3. Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa
napapanahong isyu sa lipunang Asya (F9PU-IId-49)
4. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi (F9WG-
IId49)
4. Ang tekstong naglalahad ay nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng mga
konsepto at mga bagay batay sa pansariling
saloobin, haka-haka, opinyon, o pananaw
ng manunulat. Sinasagot nito ang tanong
na paano. Ipinaliliwanag nito ang mga
payak na konsepto, iniisip, at palagay sa
pamamagitan ng paglalahad ng sariling
pananaw.
5. Ang tekstong inilalahad o ipinapaliwanag ay ang
mga impormasyon na hinggil sa anumang
paksang pasaklaw na may kaugnayan sa
kaalaman ng mga mambabasa. Nililinaw ang
mga katanungan sa babasahing ito sapagkat
tinutugunan nito ang ang pangangailangan ng
mga mambabasa na malaman ang mga
kaugnay na ideya o isyu. Naglalahad ng
masusing pagpapaliwanag kung paano ang
isang abstrak na konsepto na nasa isip ng tao
ay inuugnay sa isang tiyak na termino.
6. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA
PAGLALAHAD:
1. KALINAWAN-Malinaw ang paliwanag at
angkop at tama ang salitang ginagamit.
2. KATIYAKAN-nakapokus lamang sa paksang
tinatalakay.
3. KAUGNAYAN-magkakaugnay ang mga
pangungusap o talata.
4. DIIN-binibigyang diin ang mahalagang kaisipang
nais talakayin.