ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
Isang nakawiwiling uri ng akda ang pabula na kapupulutan ng aral.Ang layunin nito ay maturuan ng tamang pagpapahalaga ang bawat isa lalo na ang mga kabataan.
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
Isang nakawiwiling uri ng akda ang pabula na kapupulutan ng aral.Ang layunin nito ay maturuan ng tamang pagpapahalaga ang bawat isa lalo na ang mga kabataan.
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
If you want to help or donate please donate at my paypal:
dyokimura@gmail.com
Mga Munting Tinig
SUPPORT ME:
https://www.buymeacoffee.com/dyokimura6
CHECK MY GAMING CHANNEL:
https://www.youtube.com/channel/UCoKOObshfyyxhVkw1VjyQNA
1. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
Awtput Sa
Filipino 105
(Kontemporaryong Panitikang Filipino)
Suring Pelikula
Pinasa Ni:
Christopher Geaga
Bachelor of Elementary Education III
Pinasa Kay:
Quifzyn D. Pasaporte MAEd.
Dalubguro sa Filipino
Petsa:
2. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
Pelikula Blg. # 1
A. Pamagat
# Walang Forever
B. Tauhan
a. Jericho Rosales- Ethan Isaac
b. Jennelyn Mercado- Mia Nolasco
c. Lorna Tolentino- Betchay Nolasco
d. Jerald Napoles- Tonypet
e. Pepe Herera- Aldus
f. Kim Molina- Lulie
g. Sasha
C. Buod:
Nagsimula ang kwento sa pamamgitan ng pag-iinterbew kay mia sa isang
preskon para mabigyan ng pangkalahatang ideya kung ano ang mangyayari sa
pelikula; ang masasaya at kabiguan nina Mia at Ethan.
Sa simula ng kwento napanood ko ang mga pinakamagandang naisulat na mga
pelikula ni Mia na hango sa totoong kwentong paq-ibig. Marming pagbabalik
tanaw sa pelikula. Sa mga pelikula naiulat ni Mia makikta kung gaano kasaya ng
kanilang relasyon ni Ethan. Isang araw dinalaw ni Ethan ang kanyang yaya sa
tahanan ng mga matatanda at kasama niya si Mia ang hindi alam ni Mia yun ding
araw na mag popropos si Ethan sa kanya ginamit niya ang kanyang yaya sa
kanyang gimik at masaya na mang tinangap ni Mia ang alok ni Ethan. Nag-
simula ang hidwaan nilang dalawa nang yayain ni Ethan si Mia na umuwi sa
lugar ng mama niya sa Taiwan kaya lang ayaw ni mia sumama at dun mismo
sinauli ni Mia ang singsing na binigay sa kanya ni Ethan. Halos gagawin lahat ni
Lulie para magkabalikan lang ang dalawa kasi apektado na ang karera ni Mia
3. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
halos lahat na sinusulat niya ay hindi maganda nakailang rebisyon na siya ng
kanyang iskrip. Dinala ni Lulie si Mia sa isang Coffe Shop at pinapunta niya si
Ethan. Sa hindi sinasadya nasira ni Ethan ang Laptop ni Mia na kanyang
kinagalit ng husto kaya palpak ang plano ni Lulie na pagbatiin ang dalawa.
Nasorpresa si Ethan ng napanood niya ang pelikula nanaisulat ni Mia halos
kapareha ng kanilang relasyon kaya bumili pa siya ng maraming kopya ng
pelikula at isa-isa itong pinanood.
Nagkabati ang dalawa pero hindi naman sinabi sa pelikula kung talagang
nagkabalikan silang dalawa.
Halos malalag ang panga ni Mia nang sabihin ni Ethan na may pakakasalan na
siyang ibang babae at mahal na niya ito kaya isang malutong na sampal ang
inabot ni Ethan kay Mia at tumalikod na ito papalayo. Umiyak nalang si Ethan
dahil hindi niya masabi ang katotohanan na may sakit pala siya at malapit na
siyang mamatay.
Isang gabi nagpadispidida si Ethan imbitado lahat ng kaibigan maliban
lang si Mia. Sa gabing iyon nandiyan si Aldus , tonypet, kaibigan nilang bakala
na engage sa isang dayuhan. Nang bigla pumasok si Lulie at agad inaway si
Ethan kung bakit hindi na niya kinakausap si Mia.. at kung ano-ano pa ang
pinagsasabi niya. Umalis nalang si Ethan hindi dahil sa hiya kundi na malaman
nila ang tunay na karamdaman nito. Si Aldus na mismo ang nagsabi kung ano
ang dahilan at natahimik naman si Lulie. Kinaumagahan agad pumunta si Lulie
sa bahay nina Mia at sinabi nito ang katotohanan. Pumunta agad si Mia sa
paliparan upang maaubutan si Ethan at nagsusumamo ito sa kanya na tanggap
na niya kung ano man ang mangyayari kaya nabigo ito. Sa kabilang banda
nakauwi na si Ethan sa Taiwan sa mama niya. Pumunta si Mia sa Taiwan upang
sundan si Ethan. Sa isang coffe shop doon, nagkabati ang dalawa at sinabi nila
na mamahalin nila ang isat-isa hangang wakas. Nag wakas ang pelikula sa isang
interview.
4. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
D. Mga Katanungan atKasagutan
1. Sino-sino ang mga tauhan at ilarawan ang mga katangian?
a. Ethan Isaac- Mayaman at naiisang anak, nagmahal kay Mia ng
sobra. Dahil sa sakit na kanser ay binawian din siya ng buhay pero
nagging masaya naman siya bago lumisan.
b. Mia Nolasco- Isang mapagmahal na anak at kapatid handing
gawing ang lahat para sa pamilya at handa isakripisyo ang sarili
para sa kapakanan ng pamilya. Siya ang babaeng nakapagpabago
kay Ethan.
c. Betchay Nolasco- Isang mapagmahal na ina sa kanyang mga
anak, maalagain at maaalahanin.
d. Tonypet- Isang maaasahang kaibigan.
e. Aldus- Mabait na kaibigan ni Ethan. Siya lagi ang kumakausap kay
Ethan tuwing may problema. Karamay sa kawalan ng pag-asa.
f. Lulie- Matapang na kaibigan ni Mia at handing gawin ang lahat
para sa kaibigan.
g. Sasha-Isang mapagkatiwalaang kasambahay at inaanak. Karamay
din siya ni Ethan kapag may problema ito.
2. Ilarawan ang mga sumusunod:
5. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
a. Salitang Ginamit o uri ng wika:
Kolokyal ang salitang ginamit Sa pelikula sapagkat ito ay ingles at
filipino
b. Ayos at uri ng kagamitan
Sa Salas
May dalawang malaking sofa kung saan nakahiga si Mia sa
isang sofa at si Ethan naman nakaupo sa parang de bolang upuan
na kulay puting upuan habang nakahawak sa kontrol ng kompyuter.
May maliit na mesa sa harap nito. May malalaking unan na kulay
puti din at may dalawang malilit na unan na kulay itim. Sa likod ng
sofa ay may malalaking bintana na yari sa mamahaling Kristal. Sa
kabuuan sobarang maganda ang paligid.
c. Kasuotan:
Moderno ang mga damit at kasoutan sa pelikula.
d. Tatlong lugar na pinangyarihan
a. Sa tapat ng Paaralan- dito unang nagkakilala sina Ethan
at Mia malakas pa nga ang ulan at pinahiram ni Ethan si
Mia ng payong.
b. Sabahay ni mia- dito nagkaroon ng hindi pagkaunawaan
sina Mia at Ethan na nauwi sa hiwalayan.
c. Sa isang coffe shop sa Taiwan- dito ang
painakamalungkot na bahagi ng pelikula dahil dito
nagmakaawa si Mia na balikan siya ni Ethan upang
maalagaan nito ang nobyo hangang wakas.
e. Haba ng pelikula- ito ay may habang____________oras.
3. Bakit ‘#WALANG FOREVER’ ang pamagat?
6. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
Naging walang forever ang pamagat ng pelikula sapagkat hindi
nagkaroon ng mahabang panahon ang pagsasama ng dalawa kasi
nga namatay si Ethan kagad-agad.
4. Kung ikaw ang director ano ang pamagat ang iyong ibibigay?
Forever is Over- dahil ang istorya nila ay sobarang lungkot kaya
bagay ang pamagat na binigay ko.
5. Angkop ba nag pelikula sakasalukuyang gamit wika o uri ng
gamit.
Oo dahil sumasalamin ito sa makabago o modernong pamumuhay ng
mga Pilipino.
Repleksyon:
Habang ako’y nanood ng pelikulang #walang Forever, marami akong natutunan at mga
katulad din na mga karanasan sa buhay. Tumatak sa isipan ko ang senaryo nina Ethan
at Mia sa isang coffee shopsa Taiwan kung saan malungkot ng scene na iyon. Naisip
ko na may mga bagay talaga sa mundo gustuhin mo mang gawin ngunit parang hindi
nakikisabay ang tadhana sa iyo. Malungkot isipinkapag sa sarili ko yun mangyari ang
nangyari kay Ethan. May pagkakatulad din ako kay Mia pero sa ibang banda lang, yung
tipo ng tao na gagawin ang lahat para sa pamilya.
Ito ang mga hindi ko makakalimutang repleksiyon sa pelikulang ito.
Una, Lahat tayo may karapatan para sa ikalawang pagkakataon- alam ko sa sarili
ko namarami ding mga bagay kung saan ako minsang nabigo may mga bagay din
pinagsisihan ko n asana hindi ko to ginawa, dapat ganito ang ginawa ko. Ngunit sa
kabila ng lahat na iyon binibigyan ko ang sarili ko na bumangon at bigyan ng ikalawang
pagkakataon ang sarili ko na bumangon uli at sinasabi ko na sa pagkaktaong ito sana
magagawa ko na ang tama.
Pangalawa, kailangan din kalimutan ang masasakit na ala-ala- oo mahirap
kalimutan ang mga masasakit na mga ala-ala pero kailangan gawin dahil may bukas
pang darating.
7. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
Pangatlo, lahat tayo ay may kwento sa buhay- Sana huwag tayong basta-basta
nalang nagbibigay konklusiyon sa isang bagay na hindi naman alam ang buong kwento.
Marunong tayong making sa kwento, bago husgahan ang isang tao dahil sobarang
masakit sa isang tao ang hinuhusgahan ng iba dahil alam niya sa sarili niya na hindi
ganun ang kwento.
Pelikula Blng. 2
8. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
A. Pamagat: Home Swetie Home ika 24 ng Septyembre,2016 na
labas.
B. Tauhan:
a) John Loyd- Romeo Valentino
b) Toni Gonzaga- Julie Matahimik
c) Miles Ocampo- Gigi Matahimik
d) Clarence Delgado- Rence Matahimik
e) Sandy Andolong- Nanay Loidi
f) Mitoy Onting- Mang L.A.
g) Christine Co- Maria
h) Ogie Diaz- Boss Paeng
i) Bearwin Meily- Ed
C. Buod:
Nanganak na si Julie at lumabas na sila sa ospital at pauwi na sa kanilang bahay. Sa
tapat ng kanilang bahay ay maraming ng mga kapit bahay nila ang gustong makakita sa
bagong silang na sangol ngunit itoy pinigilan ni Romeo dahil baka mahawa sa sakit
mula sa mga tao sa labas dahilan para magtampo ang mga ito. Naging mahirap sa
mag-asawa ang pagkakaroon ng bagong silang na sangol dahil nga una nilang
maranasan ang pagiging mga magulang ni Baby Summer. Unang gabi palang talagang
sinukat na ang kanilang tibay sa pagbabantay sa kanilang anak mabuti na lang at
nandiyan si Aling Loidi na nagagabay sa mag-asawa kung ano ang gagawin. Sa
kabilang banda inutusan ni Jiji si Renz na hanapin ang mga lumang damit na ginamit
niya noong bata pa siya ngunit tila wala lang sa kanya at halata naman na nagseselos
si Renz kay Baby Summer kasi hindi na siya ang magiging bunso sa pamilya para kasi
sa kanya may bago nang kagigiliwan ang pamilya at yun ay ang bagong silang na
sangol at iniisip niya na wala ng mag aalaga sa kanya.
Masyadong maiyakin si summer kaya hirap ang mag asawa na mag adjust sa kanya
tulog bangon ang ginagawa nila. Isang umaga umalis si Aling Loidi para mag hanap ng
katulong sa Bicol kaya napilitan ang mag asawa na magbantay sa bata at nangako
naman si Aling Loidi na babalik ka agad. Habang silang dalawa lamang ang sa bahay
talagang natatakot ang mag asawa kung ano gagawin kung sakaling magiiyak na
naman si Summer lalo na itong si Julie kunting iyak lang ng kanyang anak ay
nagtataranta na siya umiiyak pa nga ito. Sa kabilang banda, lumabas ng maaga sina Sir
Paeng kasama ang mga iba pang impleyado nito at palagi naman itong nagmamadali
kaya naiwan si Maria para ipagpatuloy ang ginagawa nitong report. Nag presinta naman
si Ed na may alam itong daan na mas madali papunta kina Romeo sa kasamaang
palad tuluyan na silang naligaw at hindi alam ang daan kaya tuluyan ding nagwala si Sir
Paeng na kinaugalian na niya itong Gawain.
9. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
Sa bahay, iyak ng iyak si Summer kaya parang mababaliw si Julie dahil di niya alam
ang gagawin ganun din si Romeo kaya umakyat na sina Mang L.A at nag suhistiyon
naman si Obet na padighayin lang ang bata baka may kabag lamang ito at totoo nga at
yun ok na si Baby Summer! At masaya si Julie kasi tumigil na sa kakaiyak ang anak
niya. At dung natatapos ang edisyong ito….
D. Mga Katanungan:
1. Sino-sino ang mga tauhan. Ilarawan ang kanilang mga katangian.
a. Romeo Valentino- Isang masipag na asawa ni Julie kaopisina ni Boss
Paeng. Mabait na kuya sa mga kababatang kapatid ni Julie at
Pinakasalan si Julie ng dalawang beses.
b. Julie Matahimik- Isang guro at asawa ni Romeo pinakasalan niya si
Romeo ng dalawang beses. Sa idisyong ito naging matapang si Julie
sa pagiging ina nito sa bagong silang na si Baby Summer.
c. Nanay Loidi- Isang mapagmahal na ina sakanyang mga anak kasi
palagi siyang nakasuporta sa mga ito. Hindi lang sa mga anak kundi
sa kanyang unang apo sa katunayan siya ang nangunguna s
apagbantay sa bata. Sobrang mapagmahal at maalagain sa pamilya.
d. Gigi Matahimaik- Kapatid ni Julie masayahin minsan baliw, at
mapagmahal sa magulang at sa mga kapatid.
e. Rence Matahimik- Makulit, masumpungin, minsan palatampo.
f. Boss Paeng- Isang istriktong employer ni Romeo. Boss kung umasta
maliit lang na pagkamali ay agad nagagalit.
g. Maria- Magandang dalaga na katrabaho ni Romeo sa opisina at
personal na sekretarya ni Boss Paeng. Mahinhin kung tingnan.
h. Mang L.A- siya ang may ari ng tinadahan at bidyoke sa tapat ng
bahay nina Romeo.
i. Ed- kaopisina ni Romeo palaging pinapagalitan ng boss lalo na nag
maligaw sila ng daan papunta kina Romeo.
10. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
2. Ilarawan ang sumusunod:
A. Salitang ginamit o Uri ng wika.
Makikita sa pelikula na ang gamit na wika ay Informal o Kolokyal sapagkat itoy
pinaghalong Ingles at Filipino. Maayos naman ang pagkagamiy ng mga salita
walang kabastusan ang mag salita na ginagamit sa kwento.
B. Ayus at uri ng mga kagamitan.
Sa loob ng kwarto nina Julie at Romeo.- sa loob ng kwarto makikita ang
malaking kama kung saan may kuna sa paanan nito, may maliit na mesa sa kaliwa;
may nakalagay na alarm clock, may lampshade at stuff toys. Sa kanan kung saan nag
latag ng banig si Aling Loidi para doon matulog. May malkaing cabinet sa kanan nito.
Ang kulay ng kutson na ginamit na pangbalat sa mattress ng mag asawa ay kakulay ng
bahaghari kasi maraming kulay nan aka stripe pati na rin ang kanilang unan at kumot ay
magkaterno din.
C. Kasutan
Moderno ang ginamit na kasuutan nga mga artista halata naming naninirahan s
alungsod ang magkapamilya dahil sa uri ng kasuutan nila.
D. 3 Lugar na pinagyarihan.
a. Kwarto- Dito natutulog ang magasawa kasama ang bagong silang nilang
anak. At ito rin ang may pianakahabang oras na tagpuan sa kwento.
b. Hapag-Kainan-sa set ng pelikula dito magkasama ang buong pamilya na
kumakain ng hapunan sabay-sabay silang kumain kaya lang hindi piantapos
ni Aling Loidi ang pagkain dahil magbabantay pa siya sa kanyang apong
natutulog sa kwarto.
c. Tapat ng Bahay- ang lugar na ito kung saan maraming mga tao ang
nkatambay, dumadaan nag haharutan atbp. Dito rin kadalasang kinukuha ang
iba pang setting na kailangan sa set ng Pelikula. Sa tapat ng bahy nina
Romeo nandiyan yung Tindahan Ni Mang L A. May bidyoke rin ditto.
E. Haba ng Pelikula
11. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo
Sa isang episode ng pelikula tumatagal lamang ito nga 45 minuto hindi pa
kasama ang patalastas ngunit tuwing Ala sais ng Sabado ito nilalabas.
3. Bakit Home Sweetie Home ang Pamagat.
Para sa akin kaya ito ang pamagat kasi pumapatungkol ito sa kwento ng
magkapamilya na nagsasama sa isang bubong iba-iba ang paniniwala at prinsipyo pero
ginagawa naman ang lahat para magkasundo saloob ng bahay.
4. Kung ikaw ang director anong pamagat ang iyong ibibigay? Bakit?
Para sa akin siguro ‘Ang Pamilyang #Hapi’
5. Angkop ba sa kasalukuyan ang pelikula?
Oo naman, kasi pinapakita ng pelikula ang usaping Pampamilya kung ano dapat
ang gagawin bilang isang miyembro ng pamilya, pinapakita rin ditto ang kahalagahan
ng pagkakaunawaan ng pamilya ay dapat mahalaga sapagkat ang pamilya ay sandigan
ng bawat kasapi nito.
6. Gumawa ng Repleksyon:
Habang pinapanood ko ang episode ng Home Sweetie Home noong nakaraang
Sabado ay naala-ala ko sa sarili ko noong maliliit pa ang mga kapatid ko at ako ang
kanilang Yayo tatlo pa naman sila alam ko kung gaano kahirap magbantay ng isang
sanggol lalo na kapag ang bata ay sutil naku sobrang hirap talaga minsan nakakiyak
na. yung tipong hindi mo na alam ang gagawin sa bata parang gusto mo nang sumuko
at pabayaan nalang. Kapag mahal mo ang pamilya mo titiisin lahat para sa kanila kaya
yun nlang ang iniisip ko kapag nagbantay ako sa mga bata. Mahirap talaga kapag
unang sangol palang ang inaalagaan ng isang ina sa una nakakpraning din kung
minsan pero sa pagdaan ng mga panaho naka adjust ang isang ina
Kagaya sa pelikula natataranta si Julie para sa anak kunting karamdaman lang ay
akala mo kung anon a ang nangyayarri sa kanya. Dapat kapag nagaalaga ng sangol ay
palaging relaks lang at iparamdam sa bat na mahalaga siya para sayo.
Kaya sa mga first time na mga nanay dapat alam ang mga gagawin kung sakaling
umiyak ang kanilang mga sangol.
12. Republic of the Philippines
Northern Iloilo Polytechnic State College
Lemery Campus
Lemery, Iloilo