Uri ng Paglalagom: 2 Sinopsis
Pagkatapos ng araling ito,
inaasahang maisasagawa ng mga
mag-aaral ang sumusunod:
1. Nakakasusulat nang maayos na
akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-
0d-f-92
Pagsulat ng Sinopsis
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom
na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng
kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula,
pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba
pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring
buoin ng isang talata o higit pa o maging
ng ilang pangungusap lamang.
Maaaring 1/3 ng pahina lamang
ng buong nabasang teksto o
mas maikli pa nito ang sinopsis
o buod. Sa pagsulat nito,
mahalagang maibuod ang
nilalaman ng binasang akda
gamit ang sariling salita.
Ang pagbubuod o pagsulat ng
sinopsis ay naglalayong
makatulong sa madaling pag-
unawa sa diwa ng seleksyon o
akda, kung kaya’t nararapat na
maging payak ang mga salitang
gagamitin.
Layunin din nitong maisulat ang
pangunahing kaisipang taglay ng akda
sa pamamagitan ng pagtukoy sa
pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng
tesis ay maaaring lantad na makikita sa
akda o minsan naman, ito ay
dituwirang nakalahad kaya
mahalagang basahing mabuti ang
kabuoan nito.
•Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng
akda, mahalagang matukoy ang sagot
sasumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit?
Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na ito,magiging madali ang pagsulat
ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o
buod ,mahalagang maipakilala sa mga
babasa nito kung anong akda ang iyong
ginawan ng buod sa pamamagitan ng
pagbanggit sa pamagat , at pinanggalingan
ng akda .
•Makatutulong ito upang
maipaunawa sa mga mambabasa na
ang mga kaisipang iyong inilahad ay
hindi galingsa iyo kundi ito ay buod
lamang ng akdangiyong nabasa.
Iwasan din ang magbigay ng iyong
sariling pananaw o paliwanag
tungkol sa akda at kailangang
maging obhetibo sa pagsulat nito .
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sinopsis o Buod
1.Gumamit ng ikatlong panauhang
panghalip na (isahan o maramihan) sa
pagsulat nito.
2.Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat
ng orihinal na sipi nito. Kung ang
damdaming naghahari sa akda ay
malungkot ,dapat na maramdaman din
3.Kailangang mailahad o maisama rito ang mga
pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at mga suliranin kanilang
kinakaharap.
4.Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay
( gayunpaman,kung gayon,
samakatuwid,gayundin, sa kabilang
daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga
pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung
ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng dalawa o
higit pang talata
5.Tiyaking wasto ang gramatika,
pagbabaybay,at mga bantas na
ginamit sa pagsulat.
6.Huwag kalimutang isulat ang
sangguniang ginamit kung saan
hinango o kinuha ang orihinal na
sipi ng akda.
Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis
1.Basahin ang buong seleksyon o
akda at unawaing mabuti hanggang
makuha ang buong kaisipan o paksa
ng diwa nito.
2.Suriin at hanapin ang pangunahin
at di pangunahing kaisipan.
3. Habang
nagbabasa,magtala kung
maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling
pangungusap at huwag
lagyan ng sariling opinyon o
kuro-kuro ang isinusulat.
5.Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal
na pagkakasunod-sunod. Laging sa
pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa.
Gamitan din ng malaking titik ang
pangalan
ng karakter sa unang pagbanggit
nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista
kung sino
ang nagkukwento
6.Basahin ang unang ginawa,
suriin at kung mapaikli pa ito
nang hindi mababawasan ang
kaisipan ay lalong magiging
mabisa ang isinusulat na
buod. Narito ang halimbawa
ng sinopsis o lagom

SINOPSIS.pptx...........................

  • 1.
    Uri ng Paglalagom:2 Sinopsis Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU- 0d-f-92
  • 2.
    Pagsulat ng Sinopsis Angsinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang.
  • 3.
    Maaaring 1/3 ngpahina lamang ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.
  • 4.
    Ang pagbubuod opagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag- unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin.
  • 5.
    Layunin din nitongmaisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay dituwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito.
  • 6.
    •Sa pagkuha ngmahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sasumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito,magiging madali ang pagsulat ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat , at pinanggalingan ng akda .
  • 7.
    •Makatutulong ito upang maipaunawasa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi galingsa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdangiyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito .
  • 8.
    Mga Dapat Tandaansa Pagsulat ng Sinopsis o Buod 1.Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito. 2.Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot ,dapat na maramdaman din
  • 9.
    3.Kailangang mailahad omaisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap. 4.Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay ( gayunpaman,kung gayon, samakatuwid,gayundin, sa kabilang daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata
  • 10.
    5.Tiyaking wasto anggramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6.Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
  • 11.
    Mga hakbang saPagsulat ng Sinopsis 1.Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. 2.Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
  • 12.
    3. Habang nagbabasa,magtala kung maaariay magbalangkas. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
  • 13.
    5.Ihanay ang ideyasang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino ang nagkukwento
  • 14.
    6.Basahin ang unangginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod. Narito ang halimbawa ng sinopsis o lagom