1. Sangay ng Tagapagpaganap ang tumitiyak
na ang mga batas na ginawa ng Kongreso ay
naipatutupad upang mapangalagaan ang
kapakanan ng mga mamamayan.
Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na
ito. Kaagapay niya sa pagpapatupad ng mga
batas ang Gabinete na binubuo ng mga
Kalihim ng iba't ibang ahensya.
2. Veto power o ang kapangyarihang tanggihan
ang isang panukalang batas na ipinasa ng
Kongreso. Taglay ng Pangulong ang veto power
kaya maari niyang tanggihan ang anumang
panukalang batas na ipapasa ng Kongreso
3. Ipatupad sa buong bansa ang mga pinagtibay ng batas
Bilang punong tagapagpaganap, may kapangyarihan at
tungkulin ang Pangulo na ipatupad nang mahusay at
patas ang mga batas ng bansa.
Magpatibay ng batas
May kapangyarihan ang Pangulo na aprubahan o
tanggihan ang anumang batas na nagmula sa Kongreso
(Veto Power)