Ang pagbuo ng makabuluhang poster ay epektibong paraan ng pagpapahayag ng impormasyon sa pamamagitan ng pangunahing ideya na madaling maunawaan. Mahalaga ang angkop na kulay, hugis, istilo, at laki ng letra upang mas makatawag pansin. Dapat na isaalang-alang ang tema ng paligsahan at maging maingat sa paggamit ng mga kagamitan.