Ang wika ay simbolong salita na ginagamit para sa paghahatid ng ideya at saloobin, nagmula ito sa salitang Latin na nangangahulugang 'dila'. Ang lipunan naman ay isang malaking grupo ng mga tao na may mga karaniwang ideya at nakatira sa isang tiyak na teritoryo. Ang wika ay may iba't ibang gamit tulad ng panghihikayat, pagpapahayag ng damdamin, pakikipag-ugnayan, at masining na pagpapahayag.