Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Paano kaya nagkaintindihan si Tarzan at ang
mga hayop sa gubat?
Batay sa kwento ng buhay ni Tarzan, nakikita
mo ba ang kahalagahan ng wika?
Sa iyong palagay, magiging mahirap ba para
sa isang lipunan kung ang mga naninirahan
dito ay may iba’t ibang wikang ginagamit?
TARZAN
Kwarter 1: Aralin 4- Gamit ng Wika sa Lipunan
Tinatawag na lingua franca ang wikang
ginagamit ng mas nakararami sa isang
lipunan. Itinuturing ang Filipino na lingua
franca sa Pilipinas batay sa isinagawang pag-
aaral ng Unibersidad ng Ateneo sa Manila
noong 1989. Sa Pilipinas, 92% ang
nakauunawa ng Filipino, 51% sa Ingles at 41%
sa Cebuano.
Ang Wika at ang Lipunan
Tulad ng ating paghinga at paglakad, kadalasan
ay hindi na natin napapansin ang kahalagahan ng
wika sa ating buhay. Marahil, dahil sa palagi na natin
itong ginagamit. Ngunit ang totoo ay hindi natin
matatawaran ang kahalagahan ng wika sa
pakikipagkapwa. Ang mga taong nasa isang lipunan
ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila
ay namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan
sa bawat isa.
Sinumang gumagamit ng wika upang
makipagkapwa ay dapat nakaaalam ng
wikang ginagamit ng kanyang
katalastasan. Ito ay mahalagang
instrumentong nag-uugnay sa bawat isa
sa lipunan. Ayon kay Durkheim (1985),
isang sociologist, nabubuo ang lipunan
ng mga taong naninirahan sa isang pook.
Hindi sila magkakaunawaan kung
hindi nila nababatid ang wikang
ginagamit ng isa’t isa. Kaya, ang mga
taong namumuhay sa isang lipunan
at nakapag-uusap gamit ang isang
wikang kapwa nila nasasalita at
nauunawaan ay mas nagkakasundo
at nagkakaisa.
Hindi maikakaila na ang wika ay nag-
uugnay sa mga tao sa isang kultura. Ito ang
kanilang identidad o pagkakakilanlan.
Nagbibigay ito ng anyo sa diwa at saloobin
ng isang kultura. Maiintindihan at
mapahahalagahan ang isang kultura sa
tulong ng wika, hindi lamang ng mga taong
kasapi sa grupo ngunit maging ng mga taong
hindi kabilang sa pangkat.
Tinukoy ng lingguwistang si W.P.
Robinson ang mga tungkulin ng wika sa
aklat niyang Language and Social
Behavior (1972). Ito ang sumusunod:
(1) pagkilala sa estado ng damdamin at
pagkatao, panlipunang
pagkakakilanlan, at ugnayan; at (2)
pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
Gamit ng Wika sa Lipunan
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang
magandang ehemplong magpapatunay rito ang
kuwento ni Tarzan. Kung may isang tao na bagong
lipat sa isang lugar na may ibang wika at hindi siya
makipag-ugnayan sa mga naninirahan rito, ay hindi
siya matututong magsalita sa paraang paano nagsalita
ang taga roon. Sadyang ang wika nga ay isang Sistema
ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao.
Marami-rami na rin ang nagtangkang i-
kategorya ang mga tungkulin ng wika
batay sa gampanin nito sa buhay, isa na
rito si M.A.K. Halliday na naglahad sa
anim na tungkulin ng wika na mababasa
sa kanyang aklat na Explorations in the
Functions of Language (Explorations in
Language Study) (1973).
Ang anim na tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K.
Halliday ay ang sumusunod:
1.Instrumental- Ito ang tungkulin ng wikang
tumutugon sa mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa
ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang
produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng
produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
2. Regulatoryo- Ito ang tungkulin ng
wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o
asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng
direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon
ng isang partikular na lugar; direksiyon sa
pagluluto ng isang ulam; direksiyon sa
pagsagot sa pagsusulit; at direksiyon sa
paggawa ng anumang bagay ay mga
halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
3. Interaksiyonal- Ang tungkuling ito ay
nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan
ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan;
pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa
partikular na isyu; pagkukuwento ng
malulungkot o masasayang pangyayari sa
isang kaibigan o kapalagayang loob;
paggawa ng liham-pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal- Saklaw ng tungkuling ito
ang pagpapahayag ng sariling
opinyon o kuro-kuro sa paksang
pinag-usapan. Kasama rin dito ang
pagsulat ng talaarawan at journal, at
ang pagpapahayag ng pagpapahalaga
sa anumang anyo ng panitikan.
5. Heuristiko- Ang tungkuling ito ay ginagamit
sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong
may kinalaman sa paksang pinag-aralan.
Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong
makasasagot sa mga tanong tungkol sa
paksang pinag-aralan; pakikinig sa radyo;
panood sa telebisyon; at pagbabasa ng
pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung
saan nakakukuha tayo ng mga imporamasyon.
6. Impormatibo- Ito ang kabaligtaran ng
heuristiko. Kung ang heuristiko ay
pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa pagbibigay
ng impormasyon sa paraang pasulat at
pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay
pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong
papel, tesis, panayam, at pagtuturo.
Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng
anim na paraan ng pagbabahagi ng wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)-
Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga
saloobin, damdamin, at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative) - Ito ay ang
gamit ng wika upang makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipagugnayan
(Phatic) - Ginagamit ang wika upang
makipag-ugnayan sa kapwa at
makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)
- Ipinakikita nito ang gamit ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang
pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro kuro (Metalingual) - Ito
ang tungkulin ng wika na lumilinaw sa mga
suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic)- Saklaw nito ang
gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,
sanaysay, at iba pa.
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Magbigay ka ng sarili mong
halimbawa para sa bawat paraan ng
pagbabahagi ng wika ayon sa mga sinasabi ni
Jakobson (2003). Gawing malikhain subalit
makatotohanan dahil sadyang nasasambit
mo ang mga paraang ito sa iyong pakikipag-
ugnayan o pakikipag-usap sa iba.
Mga Paraan ng Pagbabahagi ng Wika
Pagpapahayag ng
damdamin (emotive)
May isang taong
matagal mo nang lihim
na minamahal subalit
hindi mo masabi sa
kanya ang damdamin
mo. Ilahad sa ibaba ang
sasabihin mo sa kanya
kung sakaling
magkaroon ka nang
lakas ng loob na
ipahayag ito.
Panghihikayat (conative)
Gusto mong hikayatin
ang mga producer at
director ng pelikulang
Pilipino upang bumuo ng
matitino at mahuhusay
na pelikula tulad ng
Heneral Luna sapagkat
sawang-sawa ka na sa
mga paksang paulit-ulit
na tinatalakay sa
pinilakang tabing. Paano
mo sila hihikayatin?
Pagsisimula ng
pakikipag-ugnayan
(phatic)
Isang bagong lipat na
kamag-aral ang nakita
mong nag-iisa at wala
pang kaibigan.
Lumalapit ka at
magsimula ng usapan
para mapalagay ang
loob niya.
Paggamit bilang
sanggunian (referential)
Lagi mong sinasabi sa
kapatid mong tigilan na
niya ang labis na pagkain
sa fastfood dahil hindi ito
nakakabubuti sa
kalusugan. Ngayon ay
gumamit ka ng
sanggunian para Makita
niyang hindi mo lang
opinyon ang sinasabi mo
sa kanya kundi may
sangguniang
magpapatunay rito.
Paggamit ng kuro-kuro
(metalingual)
Ang buwis na
binabayaran sa Pilipinas
ay pinakamataas sa
buong Asya subalit hindi
nararamdaman ng
karamihan ang
serbisyong ibinabalik sa
taumbayan kapalit ng
mataas na buwis na ito.
Magpahayag ka ng iyong
kuro-kuro kaugnay ng
usaping ito.
Patalinghaga (poetic)
Muling isipin ang taong
matagal mo nang lihim
na minamahal. Lumikha
ka ngayon ng
pagpapahayag ng iyong
damdamin para sa
kanya sa
patalinghagang paraan.
Maaaring isang
maikling tula ang ialay
mo para sa kanya.
Maraming Salamat!!!!
Kwarter 1: Aralin 5-Kasaysayan ng Wikang Pambansa Unang Bahagi (Ang Pinagmulan ng Wika)
Batid na natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay.
Ito ay isang instrumento ng pagkakaunawaan. Ayon sa mga
propesor sa Komunikasyon na sina Emmert at Donaghy
(1981), ang wika, kung ito ay pasalita ay isang sistema ng
mga sagisag na binubuo ng mga tunog,: kung ito naman ay
pasulat, ito ay iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating
iparating sa ibang tao. Ngunit saan ba nagmula ang wika?
Walang nakaaalam kung paano ito nagsimula ngunit
maraming mga haka-haka at teorya tungkol sa pinagmulan
ng wika.
Ang mga lingguwistang nag-aral at
nagsuri ng wika ay nakakalap ng iba’t
ibang teoryang maaaring magbigay-
linaw sa pinagmulan ng wika, bagama’t
ang mga ito ay hindi makapagpapatunay
o makapagpapabulaan sa
pinanggalingan ng wika. Ang ilan sa mga
ito ay makikita sa susunod na pahina:
1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon
Ang teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng
wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat. Sa Genesis
2:20 naisulat na “At pinangalanan ng lalaki ang lahat
ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang
bawat ganid sa parang.” Ang tao ay nilalang na may
kakayahang makipag-ugnayan gamit ang wika.
Kasabay ng paglalang ay ang pagsilang din ng wika na
ginagamit sa pakikipagtalastasan. Basahin sa Genesis
11:1-9 na kung saan dito natin makikita ang
pinagmulan ng pagkakaiba-iba ng wika.
2. Ebolusyon
Ayon sa antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon
ang mga tao ay nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip. Umunlad
ang kakayahan nila sa pagtuklas ng mga bagay na kakailanganin nila
upang mabuhay kaya nakadiskubre sila ng mga wikang kanilang
ginamit sa pakikipagtalastasan. Nagsulputan ang sumusunod na
mga teoryang nagtatangkang ipaliwanag ang pinagmulan ng wika.
a. Teoryang Ding Dong
Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng
mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan. Ito ang dahilan
kung bakit ang boom, splash at whoosh ay ginagamit parin natin sa
ngayon. Sinasabing ang panggagaya sa mga tunog sa kalikasan ay
bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita ng sinaunang tao.
b. Teoryang Bow-Wow
Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
c. Teoryang Pooh-Pooh
Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika
sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao
nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad
ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.
Ang patalim ay tinawag na ai ai sa Basque sa
kadahilanang ai ai ang winiwika kapag nasasaktan. Ibig
sabihin ng ai ai sa Basque ay “aray”.
d. Teoryang Ta-Ta
Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng
kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita. Ayon sa mga nag-
aral ng ebolusyon ng tao, ang salita raw ay mula sa mga galaw at
kumpas na humantong sa pagkilala ng wika.
e. Teoryang Yo-he-ho
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama,
lalo na kapag nagtatrabaho nang magkasakasama. Sinasabing ang mga
tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila ay
magkasamang nagtatrabaho ay ang pinagmulan ng wika.
Sa sanaysay na isinulat ni Jean- Jacques Rosseau, ang pagkalikha ng
wika ay hindi nagmula sa pangangailangan nito ngunit nanggaling sa
silakbo ng damdamin.
Maraming
Salamat!!!

Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang pilipino

  • 1.
    Komunikasyon at Pananaliksik saWika at Kulturang Pilipino
  • 2.
    Paano kaya nagkaintindihansi Tarzan at ang mga hayop sa gubat? Batay sa kwento ng buhay ni Tarzan, nakikita mo ba ang kahalagahan ng wika? Sa iyong palagay, magiging mahirap ba para sa isang lipunan kung ang mga naninirahan dito ay may iba’t ibang wikang ginagamit? TARZAN
  • 3.
    Kwarter 1: Aralin4- Gamit ng Wika sa Lipunan Tinatawag na lingua franca ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan. Itinuturing ang Filipino na lingua franca sa Pilipinas batay sa isinagawang pag- aaral ng Unibersidad ng Ateneo sa Manila noong 1989. Sa Pilipinas, 92% ang nakauunawa ng Filipino, 51% sa Ingles at 41% sa Cebuano.
  • 4.
    Ang Wika atang Lipunan Tulad ng ating paghinga at paglakad, kadalasan ay hindi na natin napapansin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay. Marahil, dahil sa palagi na natin itong ginagamit. Ngunit ang totoo ay hindi natin matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagkapwa. Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila ay namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan sa bawat isa.
  • 5.
    Sinumang gumagamit ngwika upang makipagkapwa ay dapat nakaaalam ng wikang ginagamit ng kanyang katalastasan. Ito ay mahalagang instrumentong nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan. Ayon kay Durkheim (1985), isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook.
  • 6.
    Hindi sila magkakaunawaankung hindi nila nababatid ang wikang ginagamit ng isa’t isa. Kaya, ang mga taong namumuhay sa isang lipunan at nakapag-uusap gamit ang isang wikang kapwa nila nasasalita at nauunawaan ay mas nagkakasundo at nagkakaisa.
  • 7.
    Hindi maikakaila naang wika ay nag- uugnay sa mga tao sa isang kultura. Ito ang kanilang identidad o pagkakakilanlan. Nagbibigay ito ng anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Maiintindihan at mapahahalagahan ang isang kultura sa tulong ng wika, hindi lamang ng mga taong kasapi sa grupo ngunit maging ng mga taong hindi kabilang sa pangkat.
  • 8.
    Tinukoy ng lingguwistangsi W.P. Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang Language and Social Behavior (1972). Ito ang sumusunod: (1) pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan; at (2) pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
  • 9.
    Gamit ng Wikasa Lipunan Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang kuwento ni Tarzan. Kung may isang tao na bagong lipat sa isang lugar na may ibang wika at hindi siya makipag-ugnayan sa mga naninirahan rito, ay hindi siya matututong magsalita sa paraang paano nagsalita ang taga roon. Sadyang ang wika nga ay isang Sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao.
  • 10.
    Marami-rami na rinang nagtangkang i- kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa buhay, isa na rito si M.A.K. Halliday na naglahad sa anim na tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study) (1973).
  • 11.
    Ang anim natungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K. Halliday ay ang sumusunod: 1.Instrumental- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
  • 12.
    2. Regulatoryo- Itoang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksiyon sa pagluluto ng isang ulam; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit; at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
  • 13.
    3. Interaksiyonal- Angtungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang loob; paggawa ng liham-pangkaibigan; at iba pa.
  • 14.
    4. Personal- Saklawng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-usapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
  • 15.
    5. Heuristiko- Angtungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aralan; pakikinig sa radyo; panood sa telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga imporamasyon.
  • 16.
    6. Impormatibo- Itoang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, at pagtuturo.
  • 17.
    Si Jakobson (2003)naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. 1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)- Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon. 2. Panghihikayat (Conative) - Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
  • 18.
    3. Pagsisimula ngpakikipagugnayan (Phatic) - Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. 4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) - Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
  • 19.
    5. Paggamit ngkuro kuro (Metalingual) - Ito ang tungkulin ng wika na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. 6. Patalinghaga (Poetic)- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
  • 20.
    KARAGDAGANG GAWAIN Panuto: Magbigayka ng sarili mong halimbawa para sa bawat paraan ng pagbabahagi ng wika ayon sa mga sinasabi ni Jakobson (2003). Gawing malikhain subalit makatotohanan dahil sadyang nasasambit mo ang mga paraang ito sa iyong pakikipag- ugnayan o pakikipag-usap sa iba.
  • 21.
    Mga Paraan ngPagbabahagi ng Wika Pagpapahayag ng damdamin (emotive) May isang taong matagal mo nang lihim na minamahal subalit hindi mo masabi sa kanya ang damdamin mo. Ilahad sa ibaba ang sasabihin mo sa kanya kung sakaling magkaroon ka nang lakas ng loob na ipahayag ito. Panghihikayat (conative) Gusto mong hikayatin ang mga producer at director ng pelikulang Pilipino upang bumuo ng matitino at mahuhusay na pelikula tulad ng Heneral Luna sapagkat sawang-sawa ka na sa mga paksang paulit-ulit na tinatalakay sa pinilakang tabing. Paano mo sila hihikayatin? Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) Isang bagong lipat na kamag-aral ang nakita mong nag-iisa at wala pang kaibigan. Lumalapit ka at magsimula ng usapan para mapalagay ang loob niya.
  • 22.
    Paggamit bilang sanggunian (referential) Lagimong sinasabi sa kapatid mong tigilan na niya ang labis na pagkain sa fastfood dahil hindi ito nakakabubuti sa kalusugan. Ngayon ay gumamit ka ng sanggunian para Makita niyang hindi mo lang opinyon ang sinasabi mo sa kanya kundi may sangguniang magpapatunay rito. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual) Ang buwis na binabayaran sa Pilipinas ay pinakamataas sa buong Asya subalit hindi nararamdaman ng karamihan ang serbisyong ibinabalik sa taumbayan kapalit ng mataas na buwis na ito. Magpahayag ka ng iyong kuro-kuro kaugnay ng usaping ito. Patalinghaga (poetic) Muling isipin ang taong matagal mo nang lihim na minamahal. Lumikha ka ngayon ng pagpapahayag ng iyong damdamin para sa kanya sa patalinghagang paraan. Maaaring isang maikling tula ang ialay mo para sa kanya.
  • 23.
  • 24.
    Kwarter 1: Aralin5-Kasaysayan ng Wikang Pambansa Unang Bahagi (Ang Pinagmulan ng Wika) Batid na natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay. Ito ay isang instrumento ng pagkakaunawaan. Ayon sa mga propesor sa Komunikasyon na sina Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay pasalita ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog,: kung ito naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating iparating sa ibang tao. Ngunit saan ba nagmula ang wika? Walang nakaaalam kung paano ito nagsimula ngunit maraming mga haka-haka at teorya tungkol sa pinagmulan ng wika.
  • 25.
    Ang mga lingguwistangnag-aral at nagsuri ng wika ay nakakalap ng iba’t ibang teoryang maaaring magbigay- linaw sa pinagmulan ng wika, bagama’t ang mga ito ay hindi makapagpapatunay o makapagpapabulaan sa pinanggalingan ng wika. Ang ilan sa mga ito ay makikita sa susunod na pahina:
  • 26.
    1. Paniniwala saBanal na Pagkilos ng Panginoon Ang teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat. Sa Genesis 2:20 naisulat na “At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang.” Ang tao ay nilalang na may kakayahang makipag-ugnayan gamit ang wika. Kasabay ng paglalang ay ang pagsilang din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Basahin sa Genesis 11:1-9 na kung saan dito natin makikita ang pinagmulan ng pagkakaiba-iba ng wika.
  • 27.
    2. Ebolusyon Ayon saantropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip. Umunlad ang kakayahan nila sa pagtuklas ng mga bagay na kakailanganin nila upang mabuhay kaya nakadiskubre sila ng mga wikang kanilang ginamit sa pakikipagtalastasan. Nagsulputan ang sumusunod na mga teoryang nagtatangkang ipaliwanag ang pinagmulan ng wika. a. Teoryang Ding Dong Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit ang boom, splash at whoosh ay ginagamit parin natin sa ngayon. Sinasabing ang panggagaya sa mga tunog sa kalikasan ay bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita ng sinaunang tao.
  • 28.
    b. Teoryang Bow-Wow Angwika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop. c. Teoryang Pooh-Pooh Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla. Ang patalim ay tinawag na ai ai sa Basque sa kadahilanang ai ai ang winiwika kapag nasasaktan. Ibig sabihin ng ai ai sa Basque ay “aray”.
  • 29.
    d. Teoryang Ta-Ta Bataysa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita. Ayon sa mga nag- aral ng ebolusyon ng tao, ang salita raw ay mula sa mga galaw at kumpas na humantong sa pagkilala ng wika. e. Teoryang Yo-he-ho Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang magkasakasama. Sinasabing ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila ay magkasamang nagtatrabaho ay ang pinagmulan ng wika. Sa sanaysay na isinulat ni Jean- Jacques Rosseau, ang pagkalikha ng wika ay hindi nagmula sa pangangailangan nito ngunit nanggaling sa silakbo ng damdamin.
  • 30.