2. Life Performance Outcome
Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan
at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may
pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok
Essential Performance Outcome
Pinag-iisipan kong mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa
ang kawastuan, pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay na
ibabahagi maging ang tono nito at kung paano ito dapat tanggapin at bigyang
kahulugan ng iba.
3. Intended Learning Outcome
Pinag-iisipan kong mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat
upang mapahalagahan ang nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
16. 1. Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop ng
mga Kanluranin.
2. Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng
mga Indian.
3. Si Mohandas Gandhi ang nanguna sa layuning matamo ang kalayaan ng India.
4. Ang pakikibaka ni Gandhi para sa kalayaan ng India ay sa pamamagitan ng
mapayapang paraan o non-violent means na sa relihiyon nila ay tinawag na ahimsa.
5.Ang ahimsa ay nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o non-vioelence.
Ang ibig sabihin ng mapayapang paraan ay ang paglalabas ng katotohanan
(satyagraha), pagdarasal, meditasyon, pag-aayuno (fasting), at pagboykot o hindi
pagbili sa mga kalakal o produktong Ingles.
ISAISIP
17. 6. Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759
7. Ang nasyonalismo ang nagbigay daan sa pagkakaisa ng mga Indian sa kabila ng
kanilang maraming wika at iba’t ibang pananampalataya.
8. Makikita sa mga halimbawang ipinakita na malaki ang impluwensya ng relihiyon sa
tradisyon at kultura ng lipunan.
9.May mga pagkakataong nagiging makabuluhan ang pagpapanatili ng tradisyong
nakaugat sa relihiyon subalit may mga pagkakataon ding ito ang nagiging sanhi ng
tunggalian lalo na sa usapin ng tradisyon laban sa modernisasyon.
10. May mga aspeto ang mga relihiyon na may direktang epekto sa kalagayan ng
kababaihan. Halimbawa ay ang sati sa India, o ang burka sa Afghanistan
ISAISIP
18. ILO: Pinag-iisipan kong mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang mapahalagahan ang
nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
3H