SlideShare a Scribd company logo
SEPTEMBER 7, 2023 DAY - HUWEBES
BANGHAY ARALIN SA
ESP 6
11:40-12:10-LAVANDER
I – Layunin
Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga
tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat
Pamantayan sa Pagkatuto: Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito. (EsP6PKP-
Ia-i-37)
Layunin:
1. Napapahalagahan ang pagpapanatiling pagkabukas ng isipan sa mga pagbabago sa
kapaligiran at pagkakaiba-iba ng mga pananaw. (Open Mindedness)
2. Naipakikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na isipan.
3. Naipamamalas ang pagkabukas ng isipan sa bawat sitwasyong naitatala.
II. Paksa:
Pagpapamalas ng Pagiging bukas ng Isipan (Open Mindedness)
Sanggunian: PIVOT 4A , Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
Integration : Filipino- pagbibigay kahulugan sa tekstong nabasa
Kagamitan: mga larawan, PPT
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Magsimula sa gawain sa silid-aralan
1. Panalangin
2. Paalala sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan ng silid-aralan
3. Pagtsek ng attendance
4. Mabilis na kamustahan
Pagsasanay:
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagkabukas ng isipan maliban sa?
A. Kahandang sumubok ng bagong bagay o mga bagong karanasan.
B. Nakikinig sa mga suhestiyon, opinion o ideya ng iba.
C. Natututo sa mga tagumpay at kabiguan mula sa sariling karanasan at karanasan ng iba.
D. Nakikisama sa pang bulalas ng kaklase na iba ang kinagisnan niyang kultura o relihiyon kaysa
nakakarami.
2. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagkasarado ng kaisipan maliban sa?
A. Ayaw ng pagbabago.
B. Ayaw na pinagsasabihan.
C. Nagpapatawad sa kapwa.
D. Nagpapakita ng pagkakitid sa pag-iisip.
3. Napadaan kayo ng iyong kaibigan sa may lamay. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong kaibigan at
kayo ay sinita ng may bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Irapan ang ale, sabay sabi anong paki mo?
B. Susuntukin ang kaibigan at maghingi na pasensiya sa ale.
C. Makisabay sa pagsigaw ng kaibigan at magpahabol sa ale.
D. Patigilin sa pagsigaw ang kaibigan at sabay hihingi ng pasensiya sa ale.
4. Nakikita mong nagsusunog ng basura ang tita mo, ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan lang.
B. Pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito.
C. Kunin mo din ang inyong basura at isunog ng sabay sa basura nila.
D. Aawayin mo siya, at pagbantaan na isusumbong mo kay Pangulong Duterte.
5. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa kung anong istasyon ng telebisyon ang
panunuorin. Ano ang maari mong gawin?
A. Sigawan mo sila, upang tumahimik.
B. Pabayaan mo silang – mag away-away.
C. Kunin mo ang remote, at ang gusto mo ang panoorin.
D. Kakausapin ng maayos ang bawat isa upang magkasundo kung ano ang panoorin.
Balik-Aral:
Panuto: Pagtugmain ang mga negatibong pahayag sa Hanay A sa angkop na positibong
pahayag na makikita sa Hanay B. Kulayan ng magkaparehong kulay ang magka tugma.
Hanay A
Mga Negatibong Pahayag
Hanay B
Mga Positibong Pahayag
Bigo ako! Patuloy kung gagawin ito, kaya
ko to!
Suko na ako! Susubukan ko at kung hindi ko
magawa ito, ako ay susubok muli
Hindi ako magaling nito Oo, Nagkamali ako, pero kaya
kong patuloy na magsikap! Kung
kailangan ko ng tulong, tatawag
ako ng kaibigan
Pagganyak:
Panuto:
1. Buuin ang tamang salita sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa Reflective Journal
A.
B.
U B K A P A G A S K G N P I N A S I
K A G A P D O R A S A G N P I S I
Gamit ang iyong sariling salita paano mo ilalarawan ang mga nabuong salita sa titik A at
B.
B. Panlinang na Gawain
Paglalahad:
Ano ang pagkabukas ng isipan? Mula sa isang sikolohikal na pananaw, ito ay ginagamit upang
ilarawan kung paano mo isaalang-alang ang iba pang mga pananaw o upang subukan ang bagong
karanasan. Ibig sabihin nito, na kapag bukas ang iyong pag-iisip nagkakaroon ka ng kakayahan upang
isaalang-alang ang iba pang mga pananaw at sinusubukan mong intindihin ang pananaw ng iba, kahit na
hindi ka sumasang-ayon sa kanila. Halimbawa, sabihin ng iyong magulang na bawal maglaro sa cellphone
hanggang hindi matapos ang gawaing bahay. Kahit hindi ka sang-ayon nito, gagawin mo parin ang sinabi
ng iyong magulang dahil inintindi mo ang kanilang pananaw at nang ginawa mo ito, nakikita mo ngayon
na ito ay para sa kabutihan mo at ng iyong tahanan. Ang kabaliktaran naman nito ay ang pagiging
pagkasarado ng kaisipan, sila yung mga tao na ayaw makinig o umintindi sa pananaw o opinyon ng iba,
gusto nila sila palagi ang masunod kahit mali. Halimbawa, ang isang anak na sinabihan ng ama na bawal
lumabas ng bahay ng walang face mask dahil sa banta ng COVID -19, lumabas parin ng walang face mask
at naglaro kasama ang mga kabataan sa kanilang barangay. Bakit? Dahil ayaw niyang makinig at timbangin
ng mabuti ang kabutihan ng sinasabi ng ama, ramdam niya para itong recorded audio na replay ng replay
at hindi siya naintindihan.
Sa puntong ito, suriin natin ang ating mga sarali, upang malaman natin ang mga taglay nating
katangiang nagpapakita ng pagka bukas ng pag-iisip. Ang mga katangian na ito ay bahagi ng nakasaad sa
“The Benefits of Being Open Minded” https://www.verywellmind.com/be-more-open-minded-4690673
Ginabayang Pagsasanay:
Hatiin ang klase sa tatlong na pangkat. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, ilahad ang
inyong sagot o tugon sa mga sitwasyong gamit ang isang mapanuring pag-iisip.
Pangkat I. Gusto mong makabili ng bagong bag kasi sira at luma na ang iyong bag. Ngunit
nagkasakit ng dengue fever ang iyong kapatid at malaki ang nagastos ng iyong mga magulang
sa pagpapagamot nito. Ano ang gagawin mo?
Pangkat II. May nakita kang pitaka sa daan ng iyong paaralan habang papunta ka ng kantina
kasama ng iyong kaibigan, nang binuksan ninyo ito may laman itong isang daan, wala namang
pangalan ng may-ari at walang ibang tao nang napulot ninyo iyon. Sinabi ng kaibigan mo na
hahatiin nalang ninyo ang pera. Ano ang gagawin mo?
Pangkat III. Kaarawan mo, at nagdala ka ng lunch packs sa paaralan at ipinamahagi mo ito
sa iyong mga kaklase ngunit ang mga kaklase mong Muslim at Adventist ay tinanggihan ang
mga ito dahil sa ulam na lechong baboy. Ano ang gagawin mo?
Malayang Pagsasanay
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa katabi na kolum kung paano mo ipamamalas ang
pagkabukas ng kaisipan sa sitwasyong natala.
Sitwasyon Paano ko maipamalas ang pagkabukas ng
isipan?
1. Umiiwas ng mga hamon
2. Hindi pinapakinggan ang suhestiyon at
ideya ng iba
3. Nang hindi nabilang sa top 10 na mga
batang magagaling sa klase, agad nawalan
ng pag-asa at sumuko.
4. Nagmamaktol ng pinabantay sa
nakababatang kapatid habang pumunta sa
palengke ang ina
5. Nagagalit nang pinagsabihan na hindi
masarap ang niluto niyang ulam
IV- Pagtataya:
Panuto: Ipamalas ang iyong pagiging bukas na isipan sa pamamagitan ng pagbasa at pag-iisip ng Mabuti
sa mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang mga sumusunod ay nag lalarawan ng pagkabukas ng isipan maliban sa?
A. Kahandang sumubok ng bagong bagay o mga bagong karanasan.
B. Nakikinig sa mga suhestiyon, opinion o ideya ng iba.
C. Natututo sa mga tagumpay at kabigoon mula sa sariling karanasan at karanasan ng iba.
D. Nakikisama sa pang bulalas ng kaklase na iba ang kinagisnan niyang kultura o relihiyon kay sa
nakakarami.
2. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagkasarado ng kaisipan maliban sa?
A. Ayaw ng pagbabago.
B. Ayaw na pinagsasabihan.
C. Nagpapatawad sa kapwa.
D. Nagpapakita ng pagkakitid sa pag-iisip.
3. Napadaan kayo ng iyong kaibigan sa may lamay. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong kaibigan at
kayo ay sinita ng may bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Irapan ang ale, sabay sabi anong paki mo?
B. Susuntukin ang kaibigan at maghingi na pasensiya sa ale.
C. Makisabay sa pagsigaw ng kaibigan at magpahabol sa ale.
D. Patigilin sa pagsigaw ang kaibigan at sabay hihingi ng pasensiya sa ale.
4. Nakikita mong nagsusunog ng basura ang tita mo, ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan lang.
B. Pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito.
C. Kunin mo din ang inyong basura at isunog ng sabay sa basura nila.
D. Aawayin mo siya, at pagbantaan na isusumbong mo kay Pangulong Duterte
5. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa kung anong istasyon ng telebisyon ang
panonoorin. Ano ang maari mong gawin?
A. Sigawan mo sila, upang tumahimik.
B. Pabayaan mo silang – mag away-away.
C. Kunin mo ang remote, at ang gusto mo ang panoorin.
D. Kakausapin ng maayos ang bawat isa upang magkasundo kung ano ang panoorin.
6. Napagkasundoan ng pamilya mo na maglinis ng loob at labas ng bahay ninyo sa Sabado, ngunit
inanyayahan ka ng iyong kaibigan na sumama sa pamilya niya na mag-swimming. Ano ang gagawin
mo?
A. Sasama sa pamilya ng kaibigan na mag-swimming.
B. Tutulong sa paglilinis ng nakasimangot at nagdadabog.
C. Gigising ng maaga upang maglinis bago sumama sa swimming.
D. Iiyak upang payagan ng pamilya na mag-swimming at hindi na tutulong maglinis.
7. Nakita mong nagnakaw ng pera ang iyong kaklase, ano ang gagawin mo.
A. Hayaan lang ang kaklase
B. Isumbong sa pulis ang kaklase
C. Kunan ng picture ang kaklase at i-post sa facebook.
D. Pagsabihan ang kaklase na mali ang kanyang ginawa at isumbong sa guro.
8. Nalaman mo na nakakulong ang ama ng kaibigan mo dahil sa droga. Ano ang magiging tugon mo, kung
ikaw ay nagsasabuhay ng pagkabukas ng isipan?
A. Hindi na makikipagkaibigan sa kanya.
B. Ipagpapatuloy ang pakikipagkaibigan sa kanya.
C. Magsisi kung bakit pa naging kaibigan ang katulad niya.
D. Ipagsigawan sa klase, na ang kaibigang ito ay anak ng adik.
9. Sino sa kanila ang nagsasabuhay ng may pagkabukas ang isipan.
A. Si Raymart na pinagagalitan ang kapatid dahil ito ay bading.
B. Si Sarah na nakikipagkaibigan sa mga kaklasing muslim at badjao.
C. Si Angel na ayaw patawarin ang kapatid na nakasira sa proyekto niya.
D. Si Nesthy na hindi nag-aaral ng mabuti dahil sa siya ay galing sa mahirap na pamilya.
10. Sino sa kanila ang hindi nagtataglay ng katangian ng pagkabukas ang isipan?
A. Si Mechel na tinatakpan ang tainga kapagpinagsasabihan ng ina.
B. Si Limpi na humihingi ng ideya ng pamilya kung ano ang gusto nilang ulam.
C. Si Louie nanatiling mapagkumbaba sa kabila ng tagumpay niya sa larangan ng sining at agham.
D. Si Rose na nakikiisa sa panawagan ng gobyerno na mag “Stay at Home” at “Social Distancing” oong
panahon ng pandemiya ng COVID 19.
V- Takdang Aralin:
Mag-isip ng pangyayari sa totoong buhay kung saan ikaw ay hindi nagpapakita ng pagkabukas ng isipan.
Isulat ang pangyayaring ito sa iyong Reflective Journal at ang natutunang aral mo mula sa pangyayaring
ito.
VI-LAVANDER
Proficiency Level
5x_____=_____
4x_____=_____
3x_____=_____
2x_____=_____
1x_____=_____
0x_____=_____
Total _________
PL____________

More Related Content

Similar to Q1-W2-DAY 3.docx

EsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfEsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdf
Aniceto Buniel
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
MarivicYang1
 
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up FridayGrade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
nicagargarita1
 
Character education 5
Character education 5Character education 5
Character education 5Eddy Reyes
 
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docxEsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
JoanBayangan1
 
weekly home learning plan and daily lesson log
weekly home learning plan and daily lesson  logweekly home learning plan and daily lesson  log
weekly home learning plan and daily lesson log
DAHLIABACHO
 
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEEsp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
cye castro
 
Final-CO2-Presentation.pptx
Final-CO2-Presentation.pptxFinal-CO2-Presentation.pptx
Final-CO2-Presentation.pptx
JULIETAFLORMATA
 
ST_ESP 6_Q2 (1).docx
ST_ESP 6_Q2 (1).docxST_ESP 6_Q2 (1).docx
ST_ESP 6_Q2 (1).docx
ssuser338782
 
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docxEsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
MaryfelBiascan
 
FIRST GRADING TEST IN ESP 5.docx
FIRST GRADING TEST IN ESP 5.docxFIRST GRADING TEST IN ESP 5.docx
FIRST GRADING TEST IN ESP 5.docx
Quinric Sevillejo
 
MODYUL 1-PPT.pptx
MODYUL 1-PPT.pptxMODYUL 1-PPT.pptx
MODYUL 1-PPT.pptx
JOVIE ANN PONTILLO
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
DonJamesVillaro1
 
ESP 10- MC.pptx
ESP 10- MC.pptxESP 10- MC.pptx
ESP 10- MC.pptx
JohnCachin
 
WEEK1DAY1.pptx
WEEK1DAY1.pptxWEEK1DAY1.pptx
WEEK1DAY1.pptx
ivanabando1
 
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
EDITHA HONRADEZ
 
Written Works 3.pptx
Written Works 3.pptxWritten Works 3.pptx
Written Works 3.pptx
CRYSTALGAYLEDCARPIO
 
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfTG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
JosePRizal2
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Ezekiel Patacsil
 

Similar to Q1-W2-DAY 3.docx (20)

EsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfEsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdf
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
 
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up FridayGrade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
 
Character education 5
Character education 5Character education 5
Character education 5
 
ppt.pptx
ppt.pptxppt.pptx
ppt.pptx
 
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docxEsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
 
weekly home learning plan and daily lesson log
weekly home learning plan and daily lesson  logweekly home learning plan and daily lesson  log
weekly home learning plan and daily lesson log
 
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEEsp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
 
Final-CO2-Presentation.pptx
Final-CO2-Presentation.pptxFinal-CO2-Presentation.pptx
Final-CO2-Presentation.pptx
 
ST_ESP 6_Q2 (1).docx
ST_ESP 6_Q2 (1).docxST_ESP 6_Q2 (1).docx
ST_ESP 6_Q2 (1).docx
 
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docxEsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
 
FIRST GRADING TEST IN ESP 5.docx
FIRST GRADING TEST IN ESP 5.docxFIRST GRADING TEST IN ESP 5.docx
FIRST GRADING TEST IN ESP 5.docx
 
MODYUL 1-PPT.pptx
MODYUL 1-PPT.pptxMODYUL 1-PPT.pptx
MODYUL 1-PPT.pptx
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
 
ESP 10- MC.pptx
ESP 10- MC.pptxESP 10- MC.pptx
ESP 10- MC.pptx
 
WEEK1DAY1.pptx
WEEK1DAY1.pptxWEEK1DAY1.pptx
WEEK1DAY1.pptx
 
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
 
Written Works 3.pptx
Written Works 3.pptxWritten Works 3.pptx
Written Works 3.pptx
 
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfTG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
 

Q1-W2-DAY 3.docx

  • 1. SEPTEMBER 7, 2023 DAY - HUWEBES BANGHAY ARALIN SA ESP 6 11:40-12:10-LAVANDER I – Layunin Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat Pamantayan sa Pagkatuto: Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito. (EsP6PKP- Ia-i-37) Layunin: 1. Napapahalagahan ang pagpapanatiling pagkabukas ng isipan sa mga pagbabago sa kapaligiran at pagkakaiba-iba ng mga pananaw. (Open Mindedness) 2. Naipakikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na isipan. 3. Naipamamalas ang pagkabukas ng isipan sa bawat sitwasyong naitatala. II. Paksa: Pagpapamalas ng Pagiging bukas ng Isipan (Open Mindedness) Sanggunian: PIVOT 4A , Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Integration : Filipino- pagbibigay kahulugan sa tekstong nabasa Kagamitan: mga larawan, PPT III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: Magsimula sa gawain sa silid-aralan 1. Panalangin 2. Paalala sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan ng silid-aralan 3. Pagtsek ng attendance 4. Mabilis na kamustahan Pagsasanay: Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagkabukas ng isipan maliban sa? A. Kahandang sumubok ng bagong bagay o mga bagong karanasan. B. Nakikinig sa mga suhestiyon, opinion o ideya ng iba. C. Natututo sa mga tagumpay at kabiguan mula sa sariling karanasan at karanasan ng iba. D. Nakikisama sa pang bulalas ng kaklase na iba ang kinagisnan niyang kultura o relihiyon kaysa nakakarami. 2. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagkasarado ng kaisipan maliban sa? A. Ayaw ng pagbabago. B. Ayaw na pinagsasabihan. C. Nagpapatawad sa kapwa. D. Nagpapakita ng pagkakitid sa pag-iisip. 3. Napadaan kayo ng iyong kaibigan sa may lamay. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong kaibigan at kayo ay sinita ng may bahay. Ano ang gagawin mo? A. Irapan ang ale, sabay sabi anong paki mo? B. Susuntukin ang kaibigan at maghingi na pasensiya sa ale.
  • 2. C. Makisabay sa pagsigaw ng kaibigan at magpahabol sa ale. D. Patigilin sa pagsigaw ang kaibigan at sabay hihingi ng pasensiya sa ale. 4. Nakikita mong nagsusunog ng basura ang tita mo, ano ang gagawin mo? A. Pabayaan lang. B. Pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito. C. Kunin mo din ang inyong basura at isunog ng sabay sa basura nila. D. Aawayin mo siya, at pagbantaan na isusumbong mo kay Pangulong Duterte. 5. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa kung anong istasyon ng telebisyon ang panunuorin. Ano ang maari mong gawin? A. Sigawan mo sila, upang tumahimik. B. Pabayaan mo silang – mag away-away. C. Kunin mo ang remote, at ang gusto mo ang panoorin. D. Kakausapin ng maayos ang bawat isa upang magkasundo kung ano ang panoorin. Balik-Aral: Panuto: Pagtugmain ang mga negatibong pahayag sa Hanay A sa angkop na positibong pahayag na makikita sa Hanay B. Kulayan ng magkaparehong kulay ang magka tugma. Hanay A Mga Negatibong Pahayag Hanay B Mga Positibong Pahayag Bigo ako! Patuloy kung gagawin ito, kaya ko to! Suko na ako! Susubukan ko at kung hindi ko magawa ito, ako ay susubok muli Hindi ako magaling nito Oo, Nagkamali ako, pero kaya kong patuloy na magsikap! Kung kailangan ko ng tulong, tatawag ako ng kaibigan Pagganyak: Panuto: 1. Buuin ang tamang salita sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa Reflective Journal A. B. U B K A P A G A S K G N P I N A S I K A G A P D O R A S A G N P I S I
  • 3. Gamit ang iyong sariling salita paano mo ilalarawan ang mga nabuong salita sa titik A at B. B. Panlinang na Gawain Paglalahad: Ano ang pagkabukas ng isipan? Mula sa isang sikolohikal na pananaw, ito ay ginagamit upang ilarawan kung paano mo isaalang-alang ang iba pang mga pananaw o upang subukan ang bagong karanasan. Ibig sabihin nito, na kapag bukas ang iyong pag-iisip nagkakaroon ka ng kakayahan upang isaalang-alang ang iba pang mga pananaw at sinusubukan mong intindihin ang pananaw ng iba, kahit na hindi ka sumasang-ayon sa kanila. Halimbawa, sabihin ng iyong magulang na bawal maglaro sa cellphone hanggang hindi matapos ang gawaing bahay. Kahit hindi ka sang-ayon nito, gagawin mo parin ang sinabi ng iyong magulang dahil inintindi mo ang kanilang pananaw at nang ginawa mo ito, nakikita mo ngayon na ito ay para sa kabutihan mo at ng iyong tahanan. Ang kabaliktaran naman nito ay ang pagiging pagkasarado ng kaisipan, sila yung mga tao na ayaw makinig o umintindi sa pananaw o opinyon ng iba, gusto nila sila palagi ang masunod kahit mali. Halimbawa, ang isang anak na sinabihan ng ama na bawal lumabas ng bahay ng walang face mask dahil sa banta ng COVID -19, lumabas parin ng walang face mask at naglaro kasama ang mga kabataan sa kanilang barangay. Bakit? Dahil ayaw niyang makinig at timbangin ng mabuti ang kabutihan ng sinasabi ng ama, ramdam niya para itong recorded audio na replay ng replay at hindi siya naintindihan. Sa puntong ito, suriin natin ang ating mga sarali, upang malaman natin ang mga taglay nating katangiang nagpapakita ng pagka bukas ng pag-iisip. Ang mga katangian na ito ay bahagi ng nakasaad sa “The Benefits of Being Open Minded” https://www.verywellmind.com/be-more-open-minded-4690673 Ginabayang Pagsasanay: Hatiin ang klase sa tatlong na pangkat. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, ilahad ang inyong sagot o tugon sa mga sitwasyong gamit ang isang mapanuring pag-iisip. Pangkat I. Gusto mong makabili ng bagong bag kasi sira at luma na ang iyong bag. Ngunit nagkasakit ng dengue fever ang iyong kapatid at malaki ang nagastos ng iyong mga magulang sa pagpapagamot nito. Ano ang gagawin mo? Pangkat II. May nakita kang pitaka sa daan ng iyong paaralan habang papunta ka ng kantina kasama ng iyong kaibigan, nang binuksan ninyo ito may laman itong isang daan, wala namang pangalan ng may-ari at walang ibang tao nang napulot ninyo iyon. Sinabi ng kaibigan mo na hahatiin nalang ninyo ang pera. Ano ang gagawin mo? Pangkat III. Kaarawan mo, at nagdala ka ng lunch packs sa paaralan at ipinamahagi mo ito sa iyong mga kaklase ngunit ang mga kaklase mong Muslim at Adventist ay tinanggihan ang mga ito dahil sa ulam na lechong baboy. Ano ang gagawin mo? Malayang Pagsasanay Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa katabi na kolum kung paano mo ipamamalas ang pagkabukas ng kaisipan sa sitwasyong natala.
  • 4. Sitwasyon Paano ko maipamalas ang pagkabukas ng isipan? 1. Umiiwas ng mga hamon 2. Hindi pinapakinggan ang suhestiyon at ideya ng iba 3. Nang hindi nabilang sa top 10 na mga batang magagaling sa klase, agad nawalan ng pag-asa at sumuko. 4. Nagmamaktol ng pinabantay sa nakababatang kapatid habang pumunta sa palengke ang ina 5. Nagagalit nang pinagsabihan na hindi masarap ang niluto niyang ulam IV- Pagtataya: Panuto: Ipamalas ang iyong pagiging bukas na isipan sa pamamagitan ng pagbasa at pag-iisip ng Mabuti sa mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Ang mga sumusunod ay nag lalarawan ng pagkabukas ng isipan maliban sa? A. Kahandang sumubok ng bagong bagay o mga bagong karanasan. B. Nakikinig sa mga suhestiyon, opinion o ideya ng iba. C. Natututo sa mga tagumpay at kabigoon mula sa sariling karanasan at karanasan ng iba. D. Nakikisama sa pang bulalas ng kaklase na iba ang kinagisnan niyang kultura o relihiyon kay sa nakakarami. 2. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagkasarado ng kaisipan maliban sa? A. Ayaw ng pagbabago. B. Ayaw na pinagsasabihan. C. Nagpapatawad sa kapwa. D. Nagpapakita ng pagkakitid sa pag-iisip. 3. Napadaan kayo ng iyong kaibigan sa may lamay. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong kaibigan at kayo ay sinita ng may bahay. Ano ang gagawin mo? A. Irapan ang ale, sabay sabi anong paki mo? B. Susuntukin ang kaibigan at maghingi na pasensiya sa ale. C. Makisabay sa pagsigaw ng kaibigan at magpahabol sa ale. D. Patigilin sa pagsigaw ang kaibigan at sabay hihingi ng pasensiya sa ale. 4. Nakikita mong nagsusunog ng basura ang tita mo, ano ang gagawin mo? A. Pabayaan lang. B. Pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito. C. Kunin mo din ang inyong basura at isunog ng sabay sa basura nila. D. Aawayin mo siya, at pagbantaan na isusumbong mo kay Pangulong Duterte 5. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa kung anong istasyon ng telebisyon ang panonoorin. Ano ang maari mong gawin? A. Sigawan mo sila, upang tumahimik. B. Pabayaan mo silang – mag away-away. C. Kunin mo ang remote, at ang gusto mo ang panoorin. D. Kakausapin ng maayos ang bawat isa upang magkasundo kung ano ang panoorin. 6. Napagkasundoan ng pamilya mo na maglinis ng loob at labas ng bahay ninyo sa Sabado, ngunit inanyayahan ka ng iyong kaibigan na sumama sa pamilya niya na mag-swimming. Ano ang gagawin mo? A. Sasama sa pamilya ng kaibigan na mag-swimming. B. Tutulong sa paglilinis ng nakasimangot at nagdadabog.
  • 5. C. Gigising ng maaga upang maglinis bago sumama sa swimming. D. Iiyak upang payagan ng pamilya na mag-swimming at hindi na tutulong maglinis. 7. Nakita mong nagnakaw ng pera ang iyong kaklase, ano ang gagawin mo. A. Hayaan lang ang kaklase B. Isumbong sa pulis ang kaklase C. Kunan ng picture ang kaklase at i-post sa facebook. D. Pagsabihan ang kaklase na mali ang kanyang ginawa at isumbong sa guro. 8. Nalaman mo na nakakulong ang ama ng kaibigan mo dahil sa droga. Ano ang magiging tugon mo, kung ikaw ay nagsasabuhay ng pagkabukas ng isipan? A. Hindi na makikipagkaibigan sa kanya. B. Ipagpapatuloy ang pakikipagkaibigan sa kanya. C. Magsisi kung bakit pa naging kaibigan ang katulad niya. D. Ipagsigawan sa klase, na ang kaibigang ito ay anak ng adik. 9. Sino sa kanila ang nagsasabuhay ng may pagkabukas ang isipan. A. Si Raymart na pinagagalitan ang kapatid dahil ito ay bading. B. Si Sarah na nakikipagkaibigan sa mga kaklasing muslim at badjao. C. Si Angel na ayaw patawarin ang kapatid na nakasira sa proyekto niya. D. Si Nesthy na hindi nag-aaral ng mabuti dahil sa siya ay galing sa mahirap na pamilya. 10. Sino sa kanila ang hindi nagtataglay ng katangian ng pagkabukas ang isipan? A. Si Mechel na tinatakpan ang tainga kapagpinagsasabihan ng ina. B. Si Limpi na humihingi ng ideya ng pamilya kung ano ang gusto nilang ulam. C. Si Louie nanatiling mapagkumbaba sa kabila ng tagumpay niya sa larangan ng sining at agham. D. Si Rose na nakikiisa sa panawagan ng gobyerno na mag “Stay at Home” at “Social Distancing” oong panahon ng pandemiya ng COVID 19. V- Takdang Aralin: Mag-isip ng pangyayari sa totoong buhay kung saan ikaw ay hindi nagpapakita ng pagkabukas ng isipan. Isulat ang pangyayaring ito sa iyong Reflective Journal at ang natutunang aral mo mula sa pangyayaring ito. VI-LAVANDER Proficiency Level 5x_____=_____ 4x_____=_____ 3x_____=_____ 2x_____=_____ 1x_____=_____ 0x_____=_____ Total _________ PL____________