Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga pinagkukunang-yaman upang makalikha ng mga produkto at serbisyo. Kabilang dito ang lupa, paggawa, at kapital na ginagamit sa paglikha ng output mula sa input. Ang entreprenyur ay ang taong nag-uugnay ng mga salik ng produksyon upang matugunan ang pangangailangan ng tao.