7. Ang pakikipagkapwa ay
napapatatag ng mga birtud ng
________ at _______ .
katarungan at kawanggawa
pagmamahal at pagmamalasakit
pagmamahal at respeto
8. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay
pagtugon sa pangangailangan ng iba nang
may__________ ?
paggalang
respeto
pagmamahal
katarungan
10. Ang tao ay likas na __________
.
panlipunang nilalalang
walang pake
masama
mapanagutan
11. Ayon kay Licuanan (1992) ang
pakikipagkapwa tao ay isa sa mga
_____.
kalakasan ng Pilipino
kahinaan ng Pilipino
kasiyahan ng
Pilipino
kinaiinisan ng Pilipino
12. Ano ang iba’t – ibang samahan o
organisasyon sa lipunan ang inaasahang
magtaguyod ng ugnayang may ___________ .
pagkakaisa
komunikasyon
kooperasyon
panglilingkod
13.
14. “ Kaya kong mabuhay ng mag- isa! “
Pahayag ng isang mag-aaral na sanay mapag-
isa. May mga pagkakataon naman daw na
naiiwan siyang mag- isa at nakakayang
mabuhay dahil marunong sya sa bagay-
bagay … Mayroon din siyang cellphone at
computer na maaari siyang makipag- chat
kaya hindi siya tunay na nag- iisa .
15. Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan
at maging bahagi nito ay ang likas na katangian
na ikinaiba ng tao. Nilikha ang tao ayon sa
larawan at wangis ng DIYOS, binigyan ng
kapamahalaan sa iba at binigyan ng
makakasama at makakatulong. Niloob ng
Diyos na ang tao ay mamumuhay ng may
kasama at maging lipunang nilalang o social
being at hindi ang mamuhay nang nag- iisa o
salitang being.
16. Makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan
sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting
pakikipag- kapwa. Marami sa mga relihiyon
sa buong mundo ang naniniwala sa
kahalagahan ng mabuting pagtrato at
pakikitungo sa kapwa. “ Huwag mong gawin
sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo.
Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng
pagmamahal mo sa sarili mo. Makitungo sa
kapwa sa paraang gusto mo upang
17. Naranasan mo na bang magkaroon ng kasama na
hindi mo makasundo? Maaaring dahil mayabang sya
o makasarili at gusto nya na sya ang laging
magaling, mas matalino o mas mataas sya kaysa sa
iyo. Paano mo siya pakikisamahan? May mga
pagkakataon na kahit likas sa tao ang makipag-
ugnayan sa iba, humahantong ang ugnayan o
samahan sa hindi pagkakasundo. Ang
pagmamalasakit sa kabutihan ng sarili at ng kapwa
ang nagiging dahilan ng pagkakaisa upang makamit
ang kabutihang panlahat.
18. Ang kabutihang panlahat ay nakasalalay sa
pagkakaisa at pagkakasundo ng iba’t- ibang yunit ng
lipunan na kung saan kayang pamahalaan at pag-
ingatan ng bawat yunit ng sariling pagkakakilanlan at
kasarinlan nito. Ang pagtataguyod ng mga
boluntaryong samahan at instutusyon sa loob at labas
ng bansa ay kailagan upang mas maraming tao an
makikibahagi at makiisa sa mga gawaing panlipunan
na tutugon sa pagkamit ng mga layuning
pangkabuhayan at panlipunan.
19. Ayon kay Licuanan (1992) ang pakikipagkapwa- tao
ay isa sa mga kalakasan ng mga pilipino.
Naipapakita ito ng mga pilipino sa pamamagitan ng
pagmamalasakit sa kapwa, kakayahan umunawa sa
damdamin ng iba (empathy). Pagtulong at
pakikiramay, bayanihan at sa pagiging
mapagpatuloy (hospitable). Ngunit ang labis na
pagpapahalaga sa personal na ugnayan ay
nagdudulot ng kawalan ng malinaw na
paghihiwalay sa obhektibong gawain at emosyonal
na pakikisangkot.
20. Ang isang makabuluhan at mabuting
pakikipag- ugnayan sa kapwa ay
nagbibigay ng kaligayahan at
kapanatagan sa tao. Napatunayan sa mga
pag- aaral na ang isang taong may
matatag na samahan ng magkakaibigan
madalas magkasakit, madaling
gumaling, mahaba ang buhay at may
kaaya- ayang disposisyon sa buhay.
21. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa.
Bawat tao ay bukod- tangi at may kakayahan.
Pakikinig at pagsagot nang ayon sa sinsabi ng iyong
kausap.
Pagpapakita ng empathy o kakayahang ilagay
ang sarili sa sitwasyon ng taong kausap, upang
maramdaman ang kaniyang nararamdaman at
maunawaan ang ibig niyang sabihin.
22. Pagmamalasakit at pagiging maaalahin
Pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan ay
kasiyahan; at pag- iwas sa mga sitwasyong
magbubunga ng di pagkakasundo o pagtatalo.
Pagpapahayag ng mga damdamin. Susi sa isang
maayos na pakikipag- ugnayan ang pagkakaroon
ng malaya at mapanagutang pagpapahayag ng
damdamin, ideya at pangangailangan sa isa’t- isa
nang hindi nangangamba na husgahan.
23. Pagtanggap sa kapwa. Bahagi ng paggalang sa
dignidad ng tao ang pagtanggap sa kaniyang
pagkatao- sa kaniyang kalakasan, pati na ang
kahinaan. Di dapat husgahan ang iyong kapwa
batay lamang sa pansariling pamantayan.
Pag-iingatan sa mga bagay na ibinahagi
ng kapwa (confidences). Isang
napakalaking karangalan ang
mapagkatiwalaan ka nga mga sensitibo at
personal na impormasyon ng iyong
kapwa.
24. Nagiging kahinaan ng Pilipino ang
pakikipagkapwa.
Ang tao ay may kakayahang tugunan ang
kaniyang sariling pangangailangan.
Naipapahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang
tunay na pagkalinga.
25. Pagkakaroon ng iba’t- ibang samahan.
Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga
birtud ng katarungan at pagmamahal.
Pagpapakita ng empathy o ng kakayahang
ilagay ang sarili sa sitwasyon ng taong
kausap.
Ang kahalagahan ng pagbubuo at pagsali
sa mga samahan.
26. Kaya kong mabuhay ng mag- isa.
Ang kakayahan ng tao na mamuhay
sa lipunan.