PAGSULAT NG SURING
PELIKULA
Mga Layunin
1. Maunawaan ang mga elemento o
sangkap ng pelikula.
2. Magamit ang kaalaman sa pagsulat ng
tekstong ekspositori.
3. Makasulat ng isang maayos at
mabisang suring pelikula.
Mga Elemento ng Pelikula
Direksiyon
Paano pinatakbo ng direktor
ang pelikula. Sa kanya
nakasalalay ang bisa at husay
ng pelikula sa kabuuan.
Mga Elemento ng Pelikula
Iskrip (Screenplay)
Ito ang nakasulat na kuwento
ng isang pelikula. Maaaring ito
ay tradisyonal o eksperimental.
Mga Elemento ng Pelikula
Sinematograpiya
Pagsasalarawan ng kuwento
gamit ang iba’t ibang teknik sa
pag-iilaw, texture, pagkukulay,
komposisyon, galaw ng
kamera, anggulo ng kamera.
Mga Elemento ng Pelikula
Editing
Ito ang pagdudugtong-
dugtong ng mga imahen
para makabuo ng
kwento.
Mga Elemento ng Pelikula
Akting
Pagganap ng mga tauhan
sa kuwento.
Mga Elemento ng Pelikula
Disenyo
Lahat ng biswal na sangkap
ng mapapanood kasama na
ang set, kostyum, make-up,
props, at pati na ang visual
effects.
Mga Elemento ng Pelikula
Tunog: Mga naririnig na mga
elementong pandinig tulad
ng diyalogo, natural na tunog,
o sound effects.
Musika: Ang paggamit ng
angkop na musika para
magbigay damdamin sa
eksena at buong pelikula.
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Introduksiyon
Isama rito ang mga mahalagang impormasyon
tulad ng pamagat ng pelikula, direktor, mga aktor,
kailan ipinalabas, atbp.
Isulat ang buod ng pelikula (iklian at iwasan ang
spoiler) at ilahad ang tesis na pangungusap o kung
ano ang pokus ng rebyu.
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Katawan ng papel
Naglalaman ng mga talatang sumusuporta sa tesis
na pangungusap.
Suportahan ng mga ebidensiya o halimbawa mula
sa pelikula ang anumang opinyon.
Maging konsistent sa punto de bista (impersonal o
di-impersonal) at sa estilo ng pagsulat (pormal o di-
pormal).
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Katawan ng papel
Iminumungkahi na ang unang bahagi ay nakatuon sa
pagsusuri ng mga pormal na elemento:
•Gaano kahusay ang direksiyon?
•Kapani-paniwala ba ang mga pangyayari o diyalogo?
•Kapani-paniwala ba ang pagganap?
•Malinaw ba ang daloy ng mga pangyayari?
•Nakatulong ba ang shots, anggulo, at galaw ng kamera
sa pagdebelop ng kuwento at karakter?
•Angkop ba ang disenyo sa kuwento?
•Nakatulong ba ang tunog at musika sa kuwento?
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Katawan ng papel
Sa ikalawang bahagi, maaaring suriin ang nilalaman
(content) ng pelikula:
•Ano ang layunin ng pelikula?
•Anong isyu ang tinalakay?
•Napapanahon ba ang paksa?
•Ano ang bago sa pelikula?
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Kongklusyon
Isulat ang iyong pangkalahatang reaksiyon sa
pelikulang pinanood.
Nakakonekta ka ba sa pinanood?
Inirerekomenda mo ba ito?
Mga Tip
• Maging pamilyar sa direktor
at sa iba pa niyang pelikula.
• Magtala habang nanonood.
• Gumamit ng mga
halimbawa mula sa pelikula.
• Maging tapat sa inyong
ebalwasyon.
• Gawing interesante ang
pagsusuri.
BALANGKAS NG PAGSUSURI NG
PELIKULA
I. BUOD
II. PAGSUSURI
A. Paksa
B. Banghay
C. Skrip
D. Pag-arte
E. Disenyo ng Produksyon
F. Tunog
G. Potograpiya
H. Direksyon
I. Pag-dit
J. Konklusyon
HALIMBAWA NG SURING PELIKULA
PAGSUSURI SA PELIKULANG
‘ CAREGIVER’
I. BUOD
Tipikal na istorya ng isang Pilipinang may
ambisyon para sa pamilya ang papel ni Sarah.
Dahil sa hangarin niyang matulungan ang
asawang si Teddy (John Estrada) ay nag-aral siya
ng kursong caregiving at naging isa sa 150,000
OFWs na nagtatrabaho sa United Kingdom.
Magkasama nilang iniwan sa Pilipinas ang anak
na si Paulo (John Manalo) na binilhan niya ng
winter coat kalakip ang pangakong pag-iipunan
niya ang pamasahe nito upang makasama nila
sa London.
Hindi ang oportunidad na
makapagtrabaho lamang sa ibang bansa ang
naging katuparan ng mga pangarap ni Sarah.
Bumigat ang pagtitimbang sa maraming bagay.
Kaalinsunod nito ang mga pagbabago sa
kanyang pagkatao, manapa'y ang pagkakatuklas
tungkol sa kanyang sarili. Magmula sa isang
pagiging masunurin at maamong maybahay kay
Teddy, at bilang katuwang sa pagsisinop ng
kanilang pamilya hanggang sa pagkakaroon ng
kapangyarihan, dignidad at pagpapahalaga sa
kanyang sarili bilang isang babae, at bilang
isang taong may silbi sa kanyang mundong
ginagalawan.
Makalipas ang sigla at kasabikan na
makatapak sa London, nagsimulang matikman ni
Sarah ang lahat ng uri ng paghamon na siya ring
pinagdaanan ng lahat ng OFWs sa kanilang araw-
araw na pamumuhay sa ibang bansa: ang
kakaibang lamig ng klima, ang hirap nang
pakikitungo sa samut saring ugali ng mga
nakakasalamuhang tao at ang kalbaryo ng
sukdulang pagtitiis sa pag-aalaga sa isang
maysakit. Kinalaunan ay namuo ang mga tensyon
- sa banyagang lugar na kanyang kinasadlakan, sa
relasyon nila bilang mag-asawa ni Teddy, at sa
kanyang ginagampananang tungkulin. Ngunit sa
gitna nang unos ay pinanatili ni Sarah ang pagiging
matatag at may nag-uumapaw na pang-unawa,
higit sa lahat, ang dedikasyon at determinasyong
mapagtagumpayan ang piniling larangan.
Iginupo si Teddy ng mga pagsubok
hanggang sa dumating sa puntong
napagpasiyahan na niya ang bumalik sa
Pilipinas. Hinimok niya si Sarah na sumama
sa kanya upang umuwi. Dito mahahati ang
desisyon ni Sarah. Isang matalinong
pagpapasiya kung ano ang nararapat niyang
gawin: ang manatili sa London kakambal
nang matiim na hangaring magtagumpay sa
kanyang propesyon sa kabila nang pagkawala
ng kanilang relasyon bilang mag-asawa, o
ang paglaho ng kanyang mga pangarap
kapalit nang pagiging buo ng kanilang
pamilya.
II. PAGSUSURI
A. PAKSA
Ang pelikulang ito ay nagbigay diin sa
pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan upang mabigyan
ng magandang buhay o kinabukasan ang mga minamahal sa
bayang pansamantalang iniwan. Ito ay patungkol sa mga
OFW’s o Overseas Filipino Workers na nagtitiis sa mga hirap na
nararanasan nila at sa patuloy na pagkayod para sa ikabubuti
o kapakanan ng kani-kanilang pamilya.
Isa pa, napagtuunan din ang transpormasyon ng mga
indibidwal tungo sa ikauunlad o ikababagsak ng kanilang
pagkatao. Una, sa parte ni Sarah(Sharon Cuneta), mula sa
nakasanayan niyang pagsunod sa bawat kagustuhan ng
kanyang asawa ay nabago niya ang takbo ng kanyang buhay;
malaya siyang nakapagpasiya para sa alam niyang mas
makabubuti sa buhay niya. Sa kabilang banda, mula sa
nasimulang determinasyong gumanda ang buhay, naipakita ni
Teddy(John Estrada) ang isang nakakabiglang pagbabago, at
ito ay ang desisyon niyang sumuko na sa trabahong sa tingin
niya ay hindi naman karapat-dapat sa kanya...
Bukod pa rito, natalakay rin ang mga
katangian ng isang tunay na Pilipino. Isa sa mga ito
ay buong pusong pagbibigay serbisyo, pagtulong
sa abot ng makakaya, paggalang sa kapwa, at higit
sa lahat, ang pagkapit sa tamang paniniwala o ang
pagsulong sa tamang prinsipyo.
Ang paksa ay masasabing tunay at
matapat. Sa pelikula, ipinakita ang realidad ng
buhay sa kabila ng mga paghihirap at problemang
kinakaharap. Ang pamumuhay nina Sarah at Teddy
sa United Kingdom sa kabila ng matinding pagtitiis
sa hirap, ang pagsasakripisyo ni Sarah para sa
pamilya, lalong lalo na sa kanyang anak na si Pau,
ang pagpupursigi ng iba pang pangunahing tauhan
sa trabaho sa UK, at ang pagharap ng bawat
karakter sa mga problemang dumadagsa sa
kanilang buhay ay ilan sa mga katibayan na ito ay
naging tunay at matapat na paksa.
B. BANGHAY
Ang kuwento ay nagsimula noong napagpasyahan na nga ni
Sarah na sumunod na patungong UK upang doon ay makasama sa
trabaho ang kanyang asawa at upang matulungan na rin niya itong
maitaguyod ang pamilya sa Pilipinas. Nang makarating si Sarah sa UK
upang makapagtrabaho, noong una ay naging mahirap sa kanyang
gampanan ang kanyang trabaho bilang isang caregiver sapagkat hindi
niya masikmura ang maglinis ng puwet ng matandang hindi naman
niya kaano-ano. Kinalaunan ay minahal na rin niya ang kanyang
trabaho; na kahit alam niyang naghihintay na lamang ng kamatayan
ang mga matatandang inaalagaan niya, hindi siya sumuko sa mga
tungkulin at pananagutan niya. Dahil sa pagkakaroon ng dedikasyon
sa trabaho, napamahal na din siya sa mga ito kaya naman sa tuwing
may binabawian ng buhay sa sinuman sa kanyang alaga, hindi na niya
mapigil ang sobrang pag-iyak at paghihinagpis.
Sa gitnang parte ng kuwento, nasaksihan din ang
pagbagsak ng loob ni Teddy dahil sa paniniwalang hindi katanggap-
tanggap ang trabahong napapunta para sa kanya. Tunay na nahirapan
si Sarah na maayos ang sitwasyon sapagkat dumating ang mga araw
na lagi na lamang may inom o kaya naman ay hindi pumapasok sa
trabaho si Teddy. Nawalan ng loob si Teddy sa kanyang trabaho, at ito
rin marahil ang isa sa mga dahilan ng kalungkutan ni Sarah habang
siya ay
nananatiling nagtatrabaho sa UK kasama ang kanyang
asawang si Teddy. Nang hindi na matanggap ni Teddy ang mga
kabiguan niya noong siya ay napadpad sa bansang UK,
nagpasya siyang bumalik na lamang sa Pilipinas upang doon
na lamang ituloy ang mga pangarap para sa kanyang pamilya.
Sa kabila nito, naging matatag si Sarah habang malaya siyang
nakabuo ng pasya para sa mga pinapaniwalaan niya. Hindi
niya hinayaang basta-basta na lamang masira ang pangarap na
nasimulan na niya para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang
anak. Nagtiyaga siyang ipagpatuloy ang trabaho bilang isang
caregiver at kinalaunan ay natupad niya ang pangako sa anak
na madala ito sa UK nang sa gayon ay magkasama na silang
mag-ina. Napatunayan ni Sarah sa kanyang sarili na kaya
niyang paunladin ang sarili niya lalo na’t para sa kanyang mga
minamahal at sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya.
Masasabing kawili-wili ang banghay ng pelikulang ito
dahil bukod sa pagiging payak nito ay nag-iwan din ito ng
kapani-paniwalang mga pangyayari. Mapapansin din ang
natural na daloy ng mga pangyayari, kumbaga, hindi na ito
nagpaligoy-ligoy upang maintindihan ng mga manonood ang
pelikulang ito.
C. SCRIPT
Sa pamamagitan ng script, naging organisado ang
daloy ng banghay. Isa pa, naging malinaw ang bawat
mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood. Batid
natin na mawawalang bahala ang banghay o ang mga
pangyayari kung wala ang script na magbibigay buhay sa
bawat detalye ng pelikula.
Masasabing makatotohanan ang mga paguusap ng
mga tauhan sapagkat ito ay naging makabuluhan at payak na
siyang naging daan para mabilis na maintindihan ang mga
pangyayaring nagaganap sa usapan ng mga karakter. Isa sa
mga patunay dito ay ang pangyayari kung saan naging bukas si
Sarah sa kanyang anak sa totoong dahilan sa pagsunod niya
kay Teddy sa UK. Mapapansing sa natural na paraan ng pag-
uusap, ay naiparating ang totoong nais niya iparating.
Nagtaglay ito ng maayos na yugto ng mga pangyayari.
Sa pamamagitan nito, hindi naging mahirap sa mga manonood
ang pag-unawa sa bawat pangyayaring nagaganap sa
kuwento. Isa pa, dahil din sa kaisahan ng mga pangyayari,
madaling napagtanto ng mga manonood ang mensaheng nais
iparating ng pelikulang ito.
Sa pamamagitan ng mga salitang binitawan ng
pangunahing tauhan na si Sarah, mabisang naipakita ang
paksa ng pelikula sa script. Litaw na litaw ang matinding mga
linyang binitawan ni Sarah lalo na sa parte kung saan hindi
niya napigilan ang sarili niya upang sabihin ang naging
saloobin kay Mr. Morgan, ang matandang noong una’y naging
masama ang pagtrato sa kanya bilang kanyang tagapag-alaga.
Hindi maikakailang naipakita sa script ang paksa ng pelikula, at
ito ay ang pagpapakahirap ni Sarah bilang isang caregiver sa
kabila ng kalungkutang kanyang nadarama.
Ang kuwentong nabuo sa script ay ang
pakikipagsapalaran ng ilan sa ating mga kapwa Pilipino sa
ibang bansa na pinatunayan ng mga paghihirap na kinaharap
nila para mapadama sa sarili nila pati na rin sa naiwang
pamilya ang magandang buhay na naging mailap sa kanilang
sariling bayan. Sa kabila nga mga suliraning kinaharap ng mga
tauhan, lalo na ni Sarah, nanatiling buo ang loob niyang ituloy
kung anu man ang nasimulan na niya sa UK kahit noong
bandang huli ay sumuko o nawalan na ng pag-asa ang kanyang
asawa. Sa pamamagitan ng mabisang script ay madaling
tumatak sa isipan ko ang istoryang nabuo sa pelikulang ito.
D. PAG-ARTE
Si Sharon Cuneta ang gumanap at nagbigay
buhay sa kanyang role bilang si Sarah. Alam nating
lahat na ang “Mega Star” ay kakikitaan ng mga
magagandang katangiang hinahangaan ng balana, at
bukod pa rito, kapansin-pansin din ang pagiging
masayahin ng aktres na kinatuwaan ng madami. Siya
ay isang mayamang aktres ngunit sa pagganap niya sa
pelikulang ito, taliwas ang mga nabanggit na
katangian sa pagganap niya bilang Sarah. Gumanap
siya bilang isang ordinaryong manggagawa. Bukod pa
dito, hindi pansin ang totoong estado niya sa buhay;
naipakita niyang kaya niyang gampanan ang mga
tungkulin ng kanyang role sa pelikula. Madamdamin
ang pagganap niya at kitang-kita ang pakikisimpatya
niya sa kanyang karakter. Natural ang mga kilos niya,
at bukod pa rito ay napamalas niya ang tunay na
karakter na dapat niyang gampanan.
Ang ganap ni Sarah ang nagpatunay sa totoong saloobin ng isang
inang naiipit sa bawat kagustuhan ng asawa. Isa pa, siya rin ang nagpamulat
ng mga sakripisyong kaya niyang gawin para sa mga taong minamahal at
naniniwala sa kanyang kakayahan.
Bilang karagdagan, masasabi rin na waring si Sarah ang tunay na
tao sa papel na ginampanan niya sapagkat tunay na kapansin-pasin ang
dedikasyon niya sa kanyang role at ang pag-iinternalisa ng bawat sitwasyong
kakaharapin niya. Hindi lamang malalaking role ang nabigyang-buhay ng mga
artista sa pelikula kundi pati ang maliliit na role. Masasabing malaki rin ang
kahalagahan ng mga tauhang may maliliit na role sapagkat kahit papaano ay
nasusuportahan nila ang takbo ng kwento ng pelikula. Maliit man ang
gampanin ng ilang artista, nakatutulong pa rin ito upang maiparating ang
maayos na mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari. Ilan sa
mga patunay dito ay ang tauhang si David, anak ni Mr. Morgan, na nagbigay
kulay sa daloy ng kuwento. Isa siya sa nagpabatid kay Sarah na habang may
buhay ay may pag-asa. Kahit hindi ganoon kahalaga ang ganap ni David,
nakatulong ang gampanin niya sa pagbuo ng mas matibay na karakter ni
Sarah. Isa pang makakapag-patunay dito ay ang ganap ni Sean na noong
simula ay nagbigay problema kay Sarah dahil sa nagawa nitong pagnanakaw sa
isang grocery store. Dahil dito, nagsimulang malapit ang loob ni Sarah sa bata
sapagkat gusto niya itong mapagbago. Dahil din sa nangyaring aksidente sa
batang ito na kung saan si Sarah ang nagdala sa kanya sa ospital, napagtanto
ni Sarah ang tunay na estado ng buhay ni Teddy sa trabaho niya. Nalaman ni
Sarah ang totoong trabaho ni Teddy. Makikita natin ang malinaw na
koneksyon ng bawat karakter sa pelikula.
E. DISENYO NG PRODUKSYON
Masasabing naipakita sa pelikula ang tunay na
kaligirang atmospera sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa
kabuuang disenyo, kasama ang tagpuan, kasuotan at kulay na
nagbibigay daan upang maging makatotohanan ang pelikula.
Sa pamamagitan ng kabuuang disenyo, mas madaling
naiparating sa mga manonood ang mensaheng nakapaloob sa
pelikula. Masasabing ang pagkaka-pili ng direktor ng bansang
paggaganapan ng pelikula ay nakatulong upang mas makita
ang totoong kaganapan sa bansang ito. Isang halimbawa na
lamang ay ang pag-snow sa London na nagsilbing instrumento
upang mas mapadama ang kalungkutan ni Sarah sa
pagkakawalay sa anak. Kung kasuotan ang pag-uusapan,
nabigyang diin ang ganap ni Sarah bilang caregiver sa
pamamagitan ng uniporme ng tunay na caregiver sa ibang
bansa. Kapansin-pansin din ang mga gayak ng pamilya ni Sarah
sa Pilipinas; sa unang tingin pa lamang sa kanila, mababatid
agad na sila ay kabilang sa gitnang antas ng lipunan.
Napatunayan ng mga kasuotan ang kaangkupan nito sa
pagkatao ng mga artista.
F. TUNOG
Naging epektibo naman ang pagdaragdag ng
tunog at musika sa pagbuo ng pelikula. Sa
pamamagitan ng mga ito, mas nadarama ang
emosyong taglay ng mga artistang gumanap sa
pelikulang ito. Nakatulong ang musika at tunog sa
pagpapadama ng tunay na kalungkutang kalakip ng
pelikulang ito. Halimbawa na lamang nito ay ang
pangyayari kung saan namatay si Mr. Morgan. Sa
pamamagitan ng mabagal at nakaka-iyak na musika,
nakatulong ito upang maging makatotohanan ang
pangyayari. Mas maipaparating ang totoong
damdamin ni Sarah sa bahaging ito. Sa pagdaragdag
ng mga angkop na tunog, mas maaantig ang
damdamin ng mga manonood o kaya nama’y mas
makikita nila ang katotohanang bawat emosyong
nakikita sa mga tauhan ay nangyayari sa totoong
buhay.
G. POTOGRAPIYA
Mapapansing ang kamera ay pinagalaw
nang maayos mula sa umpisa hanggang
katapusan ng pelikula. Upang mabigyang diin
ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa
pelikula, ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t
ibang anggulo. Tunay na may malaking epekto sa
pagbuo ng damdamin ang posisyon o paggalaw
ng kamera sa larawang ating nakikita sa
pinapanood. Kapansin-pansin ang malimit na
pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa
tuwing may matinding linyang binibitawan. Sa
pamamagitan nito, nabibigyang pansin ang
emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula.
H. DIREKSYON
Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos
na daloy ng mga pangyayari. Dahil dito, masasabing naging matagumpay
ang direksyon ng pelikulang ito. Litaw na litaw ang kontrol ng direktor sa
tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera,
pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdargdag ng script
dito. Sa kabila nito, may mga bahaging nagpakita ng kalakasan at
kahinaan ng direktor. Para sa akin, ang nagpamalas ng kahinaan ng
direktor ay ang parte kung saan binawian ng buhay ang isa sa mga
pasyente ni Sarah na naging sobrang malapit sa kanya. Naglaan si Sarah
ng oras para muling makapiling si Mr. Morgan. Bago pa man binawian ng
buhay ang butihing si Mr. Morgan ay nakasama pa siya ni Sarah at
ginugol ang mga natitirang oras sa pagpapalipad ng saranggolang gawa
ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi nagtagal ay tuluyan na ngang binawian
ng buhay si Mr. Morgan. Pagkatapos nito, hindi man lamang naipakita sa
pelikula ang mga detalye ng pagkamatay ni Mr. Morgan. Ipinakita lamang
kapagdaka ang pagdadalamhati ni Sarah sa pagkawala ng mahal na
kaibigan. Sa kabilang banda, naipakita naman ang kalakasan ng direktor
sa bahagi kung saan natupad ni Sarah ang pangako niyang pagkuha sa
anak mula sa Pilipinas. Naipakita ang pagtatagumpay ng karakter sa
desisyong binitawan at pinanindigan niya. Sa lahat ng ito, masasabing
nagtagumpay ang direktor na maabot ang orihinal nitong layunin. Hindi
lamang ito nakapag-abot ng mahahalagang impormasyon, nag-iwan din
ito ng aral sa buhay ng tao.
I.PAG-EDIT
Naipakita sa pelikula ang natural o makinis
na daloy ng mga pangyayari. Sa mga nasaksihang
pangyayari, mapapansin ang mahusay na pagkaka-
edit sapagkat hindi halata ang pagputol ng mga
bahagi mula sa simula hanggang sa wakas ng
pelikula na nagbigay daan upang makita ng mga
manonood ang tunay na nilalaman nito. Ang pag-
edit ay tunay na nakatulong upang matuklasan at
ganap na maunawaan ang paksa, banghay, at iba
pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng
pagtatanggal ng mga bahaging hindi ganoong
kahalaga sa daloy ng istorya, mas madali itong
maunawaan. Isa pa, mas gumaganda ang nilalaman
ng pelikula kung ang kabuuang pagpapalabas sa
mga bahagi nito ay detalyado at walang
nakasasagabal sa daloy ng bawat pangyayari.
J. KONKLUSYON
Ang pelikula ay kakikitaan ng tatlong kahalagahan:
Pangkawilihan, Pangkaalaman, at Pansining. Kahalagahang
Pangkawilihan ito kung nabihag nito ang interes o kawilihan
ng mga manonood. Maaaring ito ay nagpatawa o
nagpalungkot, nakapagpanabik sa mga susunod na tagpo,
nakapagbigay ng takot, at madami pang iba. Sa unang bahagi
pa lamang ng pelikula, nabihag na ako na waring walang oras
para ito’y mawala sa aking paningin. Habang pinapanood ko
ang pelikulang ito, hindi ko mapalampas ang bawat pangyayari
sapagkat nawili na agad ako sa kuwento nito.
Kapansin-pansin sa pelikulang ito ang mga
makabagbag damdamin ng mga tauhan lalo na ni Sarah.
Naantig ang aking puso sa ginawa niyang buong-pusong pag-
aaruga kay Mr. Morgan na kinalaunan ay naging napakalapit sa
kanya. Natuwa ako sa pagtratong inilaan niya sa matandang
inaruga niya. Hindi lamang niya nabigyang ligaya si Mr.
Morgan, nabago rin niya ang takbo ng buhay nito na mula sa
pagiging masungit, nahalinhan ito ng magaang loob sa lahat
ng taong makakasalamuha niya.
Sa isang bahagi ng pelikula kung saan nawalan na
ng pag-asa si Teddy, nangamba ako para kay Sarah sapagkat
maaari siyang maapektuhan sa nangyayari sa kanyang
asawa. Dahil dito, lalo pa akong nanabik sa mga susunod
pang mga pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon ni Teddy, hindi
napanghinaan ng loob si Sarah para harapin ang bukas.
Nagpursigi si Sarah sa trabaho niya nang sa gayon ay makuha
na niya ang kanyang anak sa Pilipinas. Hinangaan ko ang
desisiyon niyang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho kahit
alam niyang magkakahiwalay sila ni Teddy. Naging buo ang
loob niya sa kung ano ang pinaniniwalaan niyang mas
makabubuti sa kanya at sa mga taong minamahal niya.
Sa kabilang banda, litaw ang Kahalagahang
Pangkaalaman ng pelikulang ito sapagkat napakaraming
kaalaman o karagdagang impormasyon ang handog nito. Sa
pelikulang ito natin mapapagtanto ang tunay na
pagpupunyagi ng ating mga OFW’s o ang mga tinatawag
nating mga “bagong bayani” sa ibang bansa upang
mapaganda ang buhay ng mga minamahal na
pansamantalang iniwan sa paghahangad ng ikabubuti at mas
ikauunlad ng kanilang buhay.
Dito rin matututunan ang totoong ibig sabihin ng
sakripisyo. Sa pagsasakripisyo natin malalaman kung tayo ay
nagmamahal ng totoo. Sa ginawang sakripisyo ni Sarah, hindi
maikakailang nagsilbi siyang isang tunay na mapagmahal na
asawa, anak at higit sa lahat, sa pagiging mabuting ina.
Maipaparating din nito ang maayos na pagtrato ng kapwa.
Katulad ni David, ipinaglaban niya si Sarah mula sa maling iniisip
ng kanyang kapatid. Bukod pa rito, mas nabigyang diin ang
pagiging relihiyoso ng mga Pinoy saan mang sulok ng mundo.
Kahit na saan magpunta, hindi pa rin mawawala sa mga Pinoy ang
mga santo na pinaniniwalaang gagabay sa pang-araw-araw na
pamumuhay sa ibang bansa. Isa pa sa mga matututunan at mas
maiintindihan dito sa pelikulang ito ay ang kalayaan sa pagbuo ng
sariling desisiyon. Kagaya ni Sarah, kahit alam niyang mawawalay
siya kay Teddy, pinilit niyang maging matatag para sa
pagpapatuloy sa mga pangarap niya kasama ang kanyang anak.
Higit sa lahat, ang pelikulang ito ang nagbigay diin sa
mga pagtitiis at paghihirap ng mga OFW’s sa ibang bansa.
Kaugnay nito, nais nito iparating sa mga manonood na bigyan ng
sapat na puri at paggalang ang ating mga kababayang
nagpupursigi para sa pag-ahon ng kanilang pamilya, pati na rin ng
ating bayan.
Bilang huli, masasabing kakikitaan din ito ng Kahalagahang
Pansining sapagkat naisagawa naman at napaloob nito ang lahat ng
bahaging nararapat upang makatawag pansin at makaantig ng
damdamin. Sa pelikulang ito ay mabisang naipakita ang realidad ng
buhay. Si Sarah, bilang isang caregiver, ay nagpamalas ng buong
pusong laging handang sumuporta anu mang oras. Hindi niya
pinabayaan ang trabaho niya. Sa kabila ng mahirap na trabaho,
nagsumikap siyang magampanan ang lahat; lagi niyang isinasapuso
ang bawat responsibilidad niya bilang isang asawa at ina. Isa sa mga
pangyayaring nakaantig ng aking damdamin ay ang parte kung saan
nabago ni Sarah ang matandang sa una’y nagkaroon ng malamig na
pagtrato sa serbisyong ibinibigay niya. Si Mr. Morgan, mula sa
pagiging mainitin ang ulo marahil na rin siguro sa problema at mga
isipin, ay nakakita ng apeksyon kay Sarah. Naramdaman ni Mr.
Morgan na bilang isang tagapag-alaga niya, hindi ni Sarah basta-
bastang mapapabayaan ang kalagayan niya lalo na’t siya ay may
delikadong karamdaman. Ipinaramdam ni Sarah kay Mr. Morgan kung
gaano kahalaga sa kanya ang trabahong ginagampanan niya sa kabila
ng matinding kalungkutan sa pagkakaiwan niya sa pamilya para
lamang sa pagganap ng sinabi niyang thankless job. Dahil dito,
napagtanto ni Mr. Morgan na mali ang ginawa niyang pagpapabigat
ng nararamdaman ni Sarah sa simula. Mapapansin din dito ang
dakilang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Hindi ni Sarah
kinalimutan ang pangako sa kanyang anak, na ito’y kukunin niya mula
sa Pilipinas upang sila’y magkasama na muli.
ppt aralin 5.ppt

ppt aralin 5.ppt

  • 1.
  • 3.
    Mga Layunin 1. Maunawaanang mga elemento o sangkap ng pelikula. 2. Magamit ang kaalaman sa pagsulat ng tekstong ekspositori. 3. Makasulat ng isang maayos at mabisang suring pelikula.
  • 4.
    Mga Elemento ngPelikula Direksiyon Paano pinatakbo ng direktor ang pelikula. Sa kanya nakasalalay ang bisa at husay ng pelikula sa kabuuan.
  • 5.
    Mga Elemento ngPelikula Iskrip (Screenplay) Ito ang nakasulat na kuwento ng isang pelikula. Maaaring ito ay tradisyonal o eksperimental.
  • 6.
    Mga Elemento ngPelikula Sinematograpiya Pagsasalarawan ng kuwento gamit ang iba’t ibang teknik sa pag-iilaw, texture, pagkukulay, komposisyon, galaw ng kamera, anggulo ng kamera.
  • 7.
    Mga Elemento ngPelikula Editing Ito ang pagdudugtong- dugtong ng mga imahen para makabuo ng kwento.
  • 8.
    Mga Elemento ngPelikula Akting Pagganap ng mga tauhan sa kuwento.
  • 9.
    Mga Elemento ngPelikula Disenyo Lahat ng biswal na sangkap ng mapapanood kasama na ang set, kostyum, make-up, props, at pati na ang visual effects.
  • 10.
    Mga Elemento ngPelikula Tunog: Mga naririnig na mga elementong pandinig tulad ng diyalogo, natural na tunog, o sound effects. Musika: Ang paggamit ng angkop na musika para magbigay damdamin sa eksena at buong pelikula.
  • 11.
    Paano isusulat ang pagsusuri? Introduksiyon Isamarito ang mga mahalagang impormasyon tulad ng pamagat ng pelikula, direktor, mga aktor, kailan ipinalabas, atbp. Isulat ang buod ng pelikula (iklian at iwasan ang spoiler) at ilahad ang tesis na pangungusap o kung ano ang pokus ng rebyu.
  • 12.
    Paano isusulat ang pagsusuri? Katawanng papel Naglalaman ng mga talatang sumusuporta sa tesis na pangungusap. Suportahan ng mga ebidensiya o halimbawa mula sa pelikula ang anumang opinyon. Maging konsistent sa punto de bista (impersonal o di-impersonal) at sa estilo ng pagsulat (pormal o di- pormal).
  • 13.
    Paano isusulat ang pagsusuri? Katawanng papel Iminumungkahi na ang unang bahagi ay nakatuon sa pagsusuri ng mga pormal na elemento: •Gaano kahusay ang direksiyon? •Kapani-paniwala ba ang mga pangyayari o diyalogo? •Kapani-paniwala ba ang pagganap? •Malinaw ba ang daloy ng mga pangyayari? •Nakatulong ba ang shots, anggulo, at galaw ng kamera sa pagdebelop ng kuwento at karakter? •Angkop ba ang disenyo sa kuwento? •Nakatulong ba ang tunog at musika sa kuwento?
  • 14.
    Paano isusulat ang pagsusuri? Katawanng papel Sa ikalawang bahagi, maaaring suriin ang nilalaman (content) ng pelikula: •Ano ang layunin ng pelikula? •Anong isyu ang tinalakay? •Napapanahon ba ang paksa? •Ano ang bago sa pelikula?
  • 15.
    Paano isusulat ang pagsusuri? Kongklusyon Isulatang iyong pangkalahatang reaksiyon sa pelikulang pinanood. Nakakonekta ka ba sa pinanood? Inirerekomenda mo ba ito?
  • 16.
    Mga Tip • Magingpamilyar sa direktor at sa iba pa niyang pelikula. • Magtala habang nanonood. • Gumamit ng mga halimbawa mula sa pelikula. • Maging tapat sa inyong ebalwasyon. • Gawing interesante ang pagsusuri.
  • 17.
    BALANGKAS NG PAGSUSURING PELIKULA I. BUOD II. PAGSUSURI A. Paksa B. Banghay C. Skrip D. Pag-arte E. Disenyo ng Produksyon F. Tunog G. Potograpiya H. Direksyon I. Pag-dit J. Konklusyon
  • 18.
    HALIMBAWA NG SURINGPELIKULA PAGSUSURI SA PELIKULANG ‘ CAREGIVER’
  • 19.
    I. BUOD Tipikal naistorya ng isang Pilipinang may ambisyon para sa pamilya ang papel ni Sarah. Dahil sa hangarin niyang matulungan ang asawang si Teddy (John Estrada) ay nag-aral siya ng kursong caregiving at naging isa sa 150,000 OFWs na nagtatrabaho sa United Kingdom. Magkasama nilang iniwan sa Pilipinas ang anak na si Paulo (John Manalo) na binilhan niya ng winter coat kalakip ang pangakong pag-iipunan niya ang pamasahe nito upang makasama nila sa London.
  • 20.
    Hindi ang oportunidadna makapagtrabaho lamang sa ibang bansa ang naging katuparan ng mga pangarap ni Sarah. Bumigat ang pagtitimbang sa maraming bagay. Kaalinsunod nito ang mga pagbabago sa kanyang pagkatao, manapa'y ang pagkakatuklas tungkol sa kanyang sarili. Magmula sa isang pagiging masunurin at maamong maybahay kay Teddy, at bilang katuwang sa pagsisinop ng kanilang pamilya hanggang sa pagkakaroon ng kapangyarihan, dignidad at pagpapahalaga sa kanyang sarili bilang isang babae, at bilang isang taong may silbi sa kanyang mundong ginagalawan.
  • 21.
    Makalipas ang siglaat kasabikan na makatapak sa London, nagsimulang matikman ni Sarah ang lahat ng uri ng paghamon na siya ring pinagdaanan ng lahat ng OFWs sa kanilang araw- araw na pamumuhay sa ibang bansa: ang kakaibang lamig ng klima, ang hirap nang pakikitungo sa samut saring ugali ng mga nakakasalamuhang tao at ang kalbaryo ng sukdulang pagtitiis sa pag-aalaga sa isang maysakit. Kinalaunan ay namuo ang mga tensyon - sa banyagang lugar na kanyang kinasadlakan, sa relasyon nila bilang mag-asawa ni Teddy, at sa kanyang ginagampananang tungkulin. Ngunit sa gitna nang unos ay pinanatili ni Sarah ang pagiging matatag at may nag-uumapaw na pang-unawa, higit sa lahat, ang dedikasyon at determinasyong mapagtagumpayan ang piniling larangan.
  • 22.
    Iginupo si Teddyng mga pagsubok hanggang sa dumating sa puntong napagpasiyahan na niya ang bumalik sa Pilipinas. Hinimok niya si Sarah na sumama sa kanya upang umuwi. Dito mahahati ang desisyon ni Sarah. Isang matalinong pagpapasiya kung ano ang nararapat niyang gawin: ang manatili sa London kakambal nang matiim na hangaring magtagumpay sa kanyang propesyon sa kabila nang pagkawala ng kanilang relasyon bilang mag-asawa, o ang paglaho ng kanyang mga pangarap kapalit nang pagiging buo ng kanilang pamilya.
  • 23.
    II. PAGSUSURI A. PAKSA Angpelikulang ito ay nagbigay diin sa pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan upang mabigyan ng magandang buhay o kinabukasan ang mga minamahal sa bayang pansamantalang iniwan. Ito ay patungkol sa mga OFW’s o Overseas Filipino Workers na nagtitiis sa mga hirap na nararanasan nila at sa patuloy na pagkayod para sa ikabubuti o kapakanan ng kani-kanilang pamilya. Isa pa, napagtuunan din ang transpormasyon ng mga indibidwal tungo sa ikauunlad o ikababagsak ng kanilang pagkatao. Una, sa parte ni Sarah(Sharon Cuneta), mula sa nakasanayan niyang pagsunod sa bawat kagustuhan ng kanyang asawa ay nabago niya ang takbo ng kanyang buhay; malaya siyang nakapagpasiya para sa alam niyang mas makabubuti sa buhay niya. Sa kabilang banda, mula sa nasimulang determinasyong gumanda ang buhay, naipakita ni Teddy(John Estrada) ang isang nakakabiglang pagbabago, at ito ay ang desisyon niyang sumuko na sa trabahong sa tingin niya ay hindi naman karapat-dapat sa kanya...
  • 24.
    Bukod pa rito,natalakay rin ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino. Isa sa mga ito ay buong pusong pagbibigay serbisyo, pagtulong sa abot ng makakaya, paggalang sa kapwa, at higit sa lahat, ang pagkapit sa tamang paniniwala o ang pagsulong sa tamang prinsipyo. Ang paksa ay masasabing tunay at matapat. Sa pelikula, ipinakita ang realidad ng buhay sa kabila ng mga paghihirap at problemang kinakaharap. Ang pamumuhay nina Sarah at Teddy sa United Kingdom sa kabila ng matinding pagtitiis sa hirap, ang pagsasakripisyo ni Sarah para sa pamilya, lalong lalo na sa kanyang anak na si Pau, ang pagpupursigi ng iba pang pangunahing tauhan sa trabaho sa UK, at ang pagharap ng bawat karakter sa mga problemang dumadagsa sa kanilang buhay ay ilan sa mga katibayan na ito ay naging tunay at matapat na paksa.
  • 25.
    B. BANGHAY Ang kuwentoay nagsimula noong napagpasyahan na nga ni Sarah na sumunod na patungong UK upang doon ay makasama sa trabaho ang kanyang asawa at upang matulungan na rin niya itong maitaguyod ang pamilya sa Pilipinas. Nang makarating si Sarah sa UK upang makapagtrabaho, noong una ay naging mahirap sa kanyang gampanan ang kanyang trabaho bilang isang caregiver sapagkat hindi niya masikmura ang maglinis ng puwet ng matandang hindi naman niya kaano-ano. Kinalaunan ay minahal na rin niya ang kanyang trabaho; na kahit alam niyang naghihintay na lamang ng kamatayan ang mga matatandang inaalagaan niya, hindi siya sumuko sa mga tungkulin at pananagutan niya. Dahil sa pagkakaroon ng dedikasyon sa trabaho, napamahal na din siya sa mga ito kaya naman sa tuwing may binabawian ng buhay sa sinuman sa kanyang alaga, hindi na niya mapigil ang sobrang pag-iyak at paghihinagpis. Sa gitnang parte ng kuwento, nasaksihan din ang pagbagsak ng loob ni Teddy dahil sa paniniwalang hindi katanggap- tanggap ang trabahong napapunta para sa kanya. Tunay na nahirapan si Sarah na maayos ang sitwasyon sapagkat dumating ang mga araw na lagi na lamang may inom o kaya naman ay hindi pumapasok sa trabaho si Teddy. Nawalan ng loob si Teddy sa kanyang trabaho, at ito rin marahil ang isa sa mga dahilan ng kalungkutan ni Sarah habang siya ay
  • 26.
    nananatiling nagtatrabaho saUK kasama ang kanyang asawang si Teddy. Nang hindi na matanggap ni Teddy ang mga kabiguan niya noong siya ay napadpad sa bansang UK, nagpasya siyang bumalik na lamang sa Pilipinas upang doon na lamang ituloy ang mga pangarap para sa kanyang pamilya. Sa kabila nito, naging matatag si Sarah habang malaya siyang nakabuo ng pasya para sa mga pinapaniwalaan niya. Hindi niya hinayaang basta-basta na lamang masira ang pangarap na nasimulan na niya para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak. Nagtiyaga siyang ipagpatuloy ang trabaho bilang isang caregiver at kinalaunan ay natupad niya ang pangako sa anak na madala ito sa UK nang sa gayon ay magkasama na silang mag-ina. Napatunayan ni Sarah sa kanyang sarili na kaya niyang paunladin ang sarili niya lalo na’t para sa kanyang mga minamahal at sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya. Masasabing kawili-wili ang banghay ng pelikulang ito dahil bukod sa pagiging payak nito ay nag-iwan din ito ng kapani-paniwalang mga pangyayari. Mapapansin din ang natural na daloy ng mga pangyayari, kumbaga, hindi na ito nagpaligoy-ligoy upang maintindihan ng mga manonood ang pelikulang ito.
  • 27.
    C. SCRIPT Sa pamamagitanng script, naging organisado ang daloy ng banghay. Isa pa, naging malinaw ang bawat mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood. Batid natin na mawawalang bahala ang banghay o ang mga pangyayari kung wala ang script na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula. Masasabing makatotohanan ang mga paguusap ng mga tauhan sapagkat ito ay naging makabuluhan at payak na siyang naging daan para mabilis na maintindihan ang mga pangyayaring nagaganap sa usapan ng mga karakter. Isa sa mga patunay dito ay ang pangyayari kung saan naging bukas si Sarah sa kanyang anak sa totoong dahilan sa pagsunod niya kay Teddy sa UK. Mapapansing sa natural na paraan ng pag- uusap, ay naiparating ang totoong nais niya iparating. Nagtaglay ito ng maayos na yugto ng mga pangyayari. Sa pamamagitan nito, hindi naging mahirap sa mga manonood ang pag-unawa sa bawat pangyayaring nagaganap sa kuwento. Isa pa, dahil din sa kaisahan ng mga pangyayari, madaling napagtanto ng mga manonood ang mensaheng nais iparating ng pelikulang ito.
  • 28.
    Sa pamamagitan ngmga salitang binitawan ng pangunahing tauhan na si Sarah, mabisang naipakita ang paksa ng pelikula sa script. Litaw na litaw ang matinding mga linyang binitawan ni Sarah lalo na sa parte kung saan hindi niya napigilan ang sarili niya upang sabihin ang naging saloobin kay Mr. Morgan, ang matandang noong una’y naging masama ang pagtrato sa kanya bilang kanyang tagapag-alaga. Hindi maikakailang naipakita sa script ang paksa ng pelikula, at ito ay ang pagpapakahirap ni Sarah bilang isang caregiver sa kabila ng kalungkutang kanyang nadarama. Ang kuwentong nabuo sa script ay ang pakikipagsapalaran ng ilan sa ating mga kapwa Pilipino sa ibang bansa na pinatunayan ng mga paghihirap na kinaharap nila para mapadama sa sarili nila pati na rin sa naiwang pamilya ang magandang buhay na naging mailap sa kanilang sariling bayan. Sa kabila nga mga suliraning kinaharap ng mga tauhan, lalo na ni Sarah, nanatiling buo ang loob niyang ituloy kung anu man ang nasimulan na niya sa UK kahit noong bandang huli ay sumuko o nawalan na ng pag-asa ang kanyang asawa. Sa pamamagitan ng mabisang script ay madaling tumatak sa isipan ko ang istoryang nabuo sa pelikulang ito.
  • 29.
    D. PAG-ARTE Si SharonCuneta ang gumanap at nagbigay buhay sa kanyang role bilang si Sarah. Alam nating lahat na ang “Mega Star” ay kakikitaan ng mga magagandang katangiang hinahangaan ng balana, at bukod pa rito, kapansin-pansin din ang pagiging masayahin ng aktres na kinatuwaan ng madami. Siya ay isang mayamang aktres ngunit sa pagganap niya sa pelikulang ito, taliwas ang mga nabanggit na katangian sa pagganap niya bilang Sarah. Gumanap siya bilang isang ordinaryong manggagawa. Bukod pa dito, hindi pansin ang totoong estado niya sa buhay; naipakita niyang kaya niyang gampanan ang mga tungkulin ng kanyang role sa pelikula. Madamdamin ang pagganap niya at kitang-kita ang pakikisimpatya niya sa kanyang karakter. Natural ang mga kilos niya, at bukod pa rito ay napamalas niya ang tunay na karakter na dapat niyang gampanan.
  • 30.
    Ang ganap niSarah ang nagpatunay sa totoong saloobin ng isang inang naiipit sa bawat kagustuhan ng asawa. Isa pa, siya rin ang nagpamulat ng mga sakripisyong kaya niyang gawin para sa mga taong minamahal at naniniwala sa kanyang kakayahan. Bilang karagdagan, masasabi rin na waring si Sarah ang tunay na tao sa papel na ginampanan niya sapagkat tunay na kapansin-pasin ang dedikasyon niya sa kanyang role at ang pag-iinternalisa ng bawat sitwasyong kakaharapin niya. Hindi lamang malalaking role ang nabigyang-buhay ng mga artista sa pelikula kundi pati ang maliliit na role. Masasabing malaki rin ang kahalagahan ng mga tauhang may maliliit na role sapagkat kahit papaano ay nasusuportahan nila ang takbo ng kwento ng pelikula. Maliit man ang gampanin ng ilang artista, nakatutulong pa rin ito upang maiparating ang maayos na mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari. Ilan sa mga patunay dito ay ang tauhang si David, anak ni Mr. Morgan, na nagbigay kulay sa daloy ng kuwento. Isa siya sa nagpabatid kay Sarah na habang may buhay ay may pag-asa. Kahit hindi ganoon kahalaga ang ganap ni David, nakatulong ang gampanin niya sa pagbuo ng mas matibay na karakter ni Sarah. Isa pang makakapag-patunay dito ay ang ganap ni Sean na noong simula ay nagbigay problema kay Sarah dahil sa nagawa nitong pagnanakaw sa isang grocery store. Dahil dito, nagsimulang malapit ang loob ni Sarah sa bata sapagkat gusto niya itong mapagbago. Dahil din sa nangyaring aksidente sa batang ito na kung saan si Sarah ang nagdala sa kanya sa ospital, napagtanto ni Sarah ang tunay na estado ng buhay ni Teddy sa trabaho niya. Nalaman ni Sarah ang totoong trabaho ni Teddy. Makikita natin ang malinaw na koneksyon ng bawat karakter sa pelikula.
  • 31.
    E. DISENYO NGPRODUKSYON Masasabing naipakita sa pelikula ang tunay na kaligirang atmospera sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa kabuuang disenyo, kasama ang tagpuan, kasuotan at kulay na nagbibigay daan upang maging makatotohanan ang pelikula. Sa pamamagitan ng kabuuang disenyo, mas madaling naiparating sa mga manonood ang mensaheng nakapaloob sa pelikula. Masasabing ang pagkaka-pili ng direktor ng bansang paggaganapan ng pelikula ay nakatulong upang mas makita ang totoong kaganapan sa bansang ito. Isang halimbawa na lamang ay ang pag-snow sa London na nagsilbing instrumento upang mas mapadama ang kalungkutan ni Sarah sa pagkakawalay sa anak. Kung kasuotan ang pag-uusapan, nabigyang diin ang ganap ni Sarah bilang caregiver sa pamamagitan ng uniporme ng tunay na caregiver sa ibang bansa. Kapansin-pansin din ang mga gayak ng pamilya ni Sarah sa Pilipinas; sa unang tingin pa lamang sa kanila, mababatid agad na sila ay kabilang sa gitnang antas ng lipunan. Napatunayan ng mga kasuotan ang kaangkupan nito sa pagkatao ng mga artista.
  • 32.
    F. TUNOG Naging epektibonaman ang pagdaragdag ng tunog at musika sa pagbuo ng pelikula. Sa pamamagitan ng mga ito, mas nadarama ang emosyong taglay ng mga artistang gumanap sa pelikulang ito. Nakatulong ang musika at tunog sa pagpapadama ng tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito. Halimbawa na lamang nito ay ang pangyayari kung saan namatay si Mr. Morgan. Sa pamamagitan ng mabagal at nakaka-iyak na musika, nakatulong ito upang maging makatotohanan ang pangyayari. Mas maipaparating ang totoong damdamin ni Sarah sa bahaging ito. Sa pagdaragdag ng mga angkop na tunog, mas maaantig ang damdamin ng mga manonood o kaya nama’y mas makikita nila ang katotohanang bawat emosyong nakikita sa mga tauhan ay nangyayari sa totoong buhay.
  • 33.
    G. POTOGRAPIYA Mapapansing angkamera ay pinagalaw nang maayos mula sa umpisa hanggang katapusan ng pelikula. Upang mabigyang diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula, ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo. Tunay na may malaking epekto sa pagbuo ng damdamin ang posisyon o paggalaw ng kamera sa larawang ating nakikita sa pinapanood. Kapansin-pansin ang malimit na pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa tuwing may matinding linyang binibitawan. Sa pamamagitan nito, nabibigyang pansin ang emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula.
  • 34.
    H. DIREKSYON Simula palamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari. Dahil dito, masasabing naging matagumpay ang direksyon ng pelikulang ito. Litaw na litaw ang kontrol ng direktor sa tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdargdag ng script dito. Sa kabila nito, may mga bahaging nagpakita ng kalakasan at kahinaan ng direktor. Para sa akin, ang nagpamalas ng kahinaan ng direktor ay ang parte kung saan binawian ng buhay ang isa sa mga pasyente ni Sarah na naging sobrang malapit sa kanya. Naglaan si Sarah ng oras para muling makapiling si Mr. Morgan. Bago pa man binawian ng buhay ang butihing si Mr. Morgan ay nakasama pa siya ni Sarah at ginugol ang mga natitirang oras sa pagpapalipad ng saranggolang gawa ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi nagtagal ay tuluyan na ngang binawian ng buhay si Mr. Morgan. Pagkatapos nito, hindi man lamang naipakita sa pelikula ang mga detalye ng pagkamatay ni Mr. Morgan. Ipinakita lamang kapagdaka ang pagdadalamhati ni Sarah sa pagkawala ng mahal na kaibigan. Sa kabilang banda, naipakita naman ang kalakasan ng direktor sa bahagi kung saan natupad ni Sarah ang pangako niyang pagkuha sa anak mula sa Pilipinas. Naipakita ang pagtatagumpay ng karakter sa desisyong binitawan at pinanindigan niya. Sa lahat ng ito, masasabing nagtagumpay ang direktor na maabot ang orihinal nitong layunin. Hindi lamang ito nakapag-abot ng mahahalagang impormasyon, nag-iwan din ito ng aral sa buhay ng tao.
  • 35.
    I.PAG-EDIT Naipakita sa pelikulaang natural o makinis na daloy ng mga pangyayari. Sa mga nasaksihang pangyayari, mapapansin ang mahusay na pagkaka- edit sapagkat hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula sa simula hanggang sa wakas ng pelikula na nagbigay daan upang makita ng mga manonood ang tunay na nilalaman nito. Ang pag- edit ay tunay na nakatulong upang matuklasan at ganap na maunawaan ang paksa, banghay, at iba pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga bahaging hindi ganoong kahalaga sa daloy ng istorya, mas madali itong maunawaan. Isa pa, mas gumaganda ang nilalaman ng pelikula kung ang kabuuang pagpapalabas sa mga bahagi nito ay detalyado at walang nakasasagabal sa daloy ng bawat pangyayari.
  • 36.
    J. KONKLUSYON Ang pelikulaay kakikitaan ng tatlong kahalagahan: Pangkawilihan, Pangkaalaman, at Pansining. Kahalagahang Pangkawilihan ito kung nabihag nito ang interes o kawilihan ng mga manonood. Maaaring ito ay nagpatawa o nagpalungkot, nakapagpanabik sa mga susunod na tagpo, nakapagbigay ng takot, at madami pang iba. Sa unang bahagi pa lamang ng pelikula, nabihag na ako na waring walang oras para ito’y mawala sa aking paningin. Habang pinapanood ko ang pelikulang ito, hindi ko mapalampas ang bawat pangyayari sapagkat nawili na agad ako sa kuwento nito. Kapansin-pansin sa pelikulang ito ang mga makabagbag damdamin ng mga tauhan lalo na ni Sarah. Naantig ang aking puso sa ginawa niyang buong-pusong pag- aaruga kay Mr. Morgan na kinalaunan ay naging napakalapit sa kanya. Natuwa ako sa pagtratong inilaan niya sa matandang inaruga niya. Hindi lamang niya nabigyang ligaya si Mr. Morgan, nabago rin niya ang takbo ng buhay nito na mula sa pagiging masungit, nahalinhan ito ng magaang loob sa lahat ng taong makakasalamuha niya.
  • 37.
    Sa isang bahaging pelikula kung saan nawalan na ng pag-asa si Teddy, nangamba ako para kay Sarah sapagkat maaari siyang maapektuhan sa nangyayari sa kanyang asawa. Dahil dito, lalo pa akong nanabik sa mga susunod pang mga pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon ni Teddy, hindi napanghinaan ng loob si Sarah para harapin ang bukas. Nagpursigi si Sarah sa trabaho niya nang sa gayon ay makuha na niya ang kanyang anak sa Pilipinas. Hinangaan ko ang desisiyon niyang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho kahit alam niyang magkakahiwalay sila ni Teddy. Naging buo ang loob niya sa kung ano ang pinaniniwalaan niyang mas makabubuti sa kanya at sa mga taong minamahal niya. Sa kabilang banda, litaw ang Kahalagahang Pangkaalaman ng pelikulang ito sapagkat napakaraming kaalaman o karagdagang impormasyon ang handog nito. Sa pelikulang ito natin mapapagtanto ang tunay na pagpupunyagi ng ating mga OFW’s o ang mga tinatawag nating mga “bagong bayani” sa ibang bansa upang mapaganda ang buhay ng mga minamahal na pansamantalang iniwan sa paghahangad ng ikabubuti at mas ikauunlad ng kanilang buhay.
  • 38.
    Dito rin matututunanang totoong ibig sabihin ng sakripisyo. Sa pagsasakripisyo natin malalaman kung tayo ay nagmamahal ng totoo. Sa ginawang sakripisyo ni Sarah, hindi maikakailang nagsilbi siyang isang tunay na mapagmahal na asawa, anak at higit sa lahat, sa pagiging mabuting ina. Maipaparating din nito ang maayos na pagtrato ng kapwa. Katulad ni David, ipinaglaban niya si Sarah mula sa maling iniisip ng kanyang kapatid. Bukod pa rito, mas nabigyang diin ang pagiging relihiyoso ng mga Pinoy saan mang sulok ng mundo. Kahit na saan magpunta, hindi pa rin mawawala sa mga Pinoy ang mga santo na pinaniniwalaang gagabay sa pang-araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa. Isa pa sa mga matututunan at mas maiintindihan dito sa pelikulang ito ay ang kalayaan sa pagbuo ng sariling desisiyon. Kagaya ni Sarah, kahit alam niyang mawawalay siya kay Teddy, pinilit niyang maging matatag para sa pagpapatuloy sa mga pangarap niya kasama ang kanyang anak. Higit sa lahat, ang pelikulang ito ang nagbigay diin sa mga pagtitiis at paghihirap ng mga OFW’s sa ibang bansa. Kaugnay nito, nais nito iparating sa mga manonood na bigyan ng sapat na puri at paggalang ang ating mga kababayang nagpupursigi para sa pag-ahon ng kanilang pamilya, pati na rin ng ating bayan.
  • 39.
    Bilang huli, masasabingkakikitaan din ito ng Kahalagahang Pansining sapagkat naisagawa naman at napaloob nito ang lahat ng bahaging nararapat upang makatawag pansin at makaantig ng damdamin. Sa pelikulang ito ay mabisang naipakita ang realidad ng buhay. Si Sarah, bilang isang caregiver, ay nagpamalas ng buong pusong laging handang sumuporta anu mang oras. Hindi niya pinabayaan ang trabaho niya. Sa kabila ng mahirap na trabaho, nagsumikap siyang magampanan ang lahat; lagi niyang isinasapuso ang bawat responsibilidad niya bilang isang asawa at ina. Isa sa mga pangyayaring nakaantig ng aking damdamin ay ang parte kung saan nabago ni Sarah ang matandang sa una’y nagkaroon ng malamig na pagtrato sa serbisyong ibinibigay niya. Si Mr. Morgan, mula sa pagiging mainitin ang ulo marahil na rin siguro sa problema at mga isipin, ay nakakita ng apeksyon kay Sarah. Naramdaman ni Mr. Morgan na bilang isang tagapag-alaga niya, hindi ni Sarah basta- bastang mapapabayaan ang kalagayan niya lalo na’t siya ay may delikadong karamdaman. Ipinaramdam ni Sarah kay Mr. Morgan kung gaano kahalaga sa kanya ang trabahong ginagampanan niya sa kabila ng matinding kalungkutan sa pagkakaiwan niya sa pamilya para lamang sa pagganap ng sinabi niyang thankless job. Dahil dito, napagtanto ni Mr. Morgan na mali ang ginawa niyang pagpapabigat ng nararamdaman ni Sarah sa simula. Mapapansin din dito ang dakilang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Hindi ni Sarah kinalimutan ang pangako sa kanyang anak, na ito’y kukunin niya mula sa Pilipinas upang sila’y magkasama na muli.