Ang pangatnig at transitional devices ay mga salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang mga pangungusap at sugnay. Ang mga halimbawa ng pangatnig ay subalit, ngunit, at saká, habang ang mga halimbawa ng transitional devices ay kaya naman at sa wakas. Mahalaga ang wastong paggamit ng mga ito upang maging malinaw ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.