2. Nakapagbibigay ng puna o mungkahi
para sa ikabubuti ng pamayanan.
(Give comments or suggestions for the
welfare of the community)
HGJA-IVb-4
3. Sa araling ito ay inaasahan na
malilinang sa iyo ang kaalaman,
kasanayan at pag unawa sa pagbibigay
ng komento o suhestyon para sa kapakanan
ng komunidad. Sa pamamagitan nito ay maaari
mong maibahagi ang iyong sariling kakayanan
upang makatulong sa ikabubuti ng pamayanan.
Ang bawat gawain sa pagkatuto ay
nilikha upang matugunan ang iyong
pangangailangan na akma at hahasa sa
iyong kakayahan.
5. Magbigay ng tatlong
mabuting naidudulot ng
programang “Community
Pantry” ngayong
panahon ng pandemya.
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Isulat sa sagutang papel ang
iyong tugon.
6. 1. Ano ang iyong pananaw sa programang “Community Pantry”?
2. Bilang isang mamamayan ano ang iyong maaaring ambag sa
nasabing programa?
3. Naniniwala ka bang ito ay isang rebolusyonaryong hakbangin laban
sa gobyerno?
4. Anu-ano ang mga mabubuting katangian ng Pilipino na lumitaw sa
programang “Community Pantry”?
7. Magdala ng mga gamit upang makagawa ng poster.
• short bond paper
• art materials
Maaaring mag search sa internet ng mga halimbawa.
8. Mag isip ng isang
programa na
maaaring makatulong
sa iyong pamayanan.
Gumawa ng poster
ayon dito.