5. IV. Proponent:
John Chris Soriano
Paulyn Zarate
Hillary Cassandra De Vera
Camille Joyce Ashley Aquino
Norman Dick Soriano
Samantha Abalos
Marie Franz Esguerra
Mark Nathaniel Ferrer
Jessa Mae Sabado
Michelle Delos Reyes
John Kenneth Jimenez
Mark Joshua Lopez
6. V. Mga Kalahok:
Kasama sa proyekto ang mga guro,
magulang, mga batang mag-aaral, lokal na
komunidad, at mga organisasyon na may
layuning mapalawak ang edukasyon sa
Baybay Lopez.
7. VI. Rasyunale
Ang pagtatatag ng silid aklatan para sa mga kabataan sa
daycare center ng Baybay Lopez ay isang makabuluhang
hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan. Sa
pamamagitan nito, nagbibigay tayo ng espasyo para sa pag-
aaral at pag-unlad ng mga batang mag-aaral.
Sa bagong silid aklatan, nagbibigay tayo ng pagkakataon
para sa masusing pag-aaral at pagbibigay halaga sa edukasyon.
Dito, maaaring makakita ng iba't ibang aklat at materyales ang
mga kabataan na naglalaman ng mga kwento, aral, at
kaalaman na makakatulong sa kanilang paglago.
8. Higit pa rito, ang proyektong ito ay nagbibigay inspirasyon sa
prinsipyo ng "Kapwa Magaaral ko, Tulungan ko." Sa pagtutulungan ng
komunidad, binubuksan natin ang pintuan ng pag-unlad para sa mga
kabataan. Ang bawat aklat na itataguyod sa silid aklatan ay nagiging
kasangkapan upang maitaguyod ang kritikal na pag-iisip at
pangangatawan ng mga kabataan.
Sa simpleng hakbang na ito, nagiging bahagi tayo ng pangarap
ng mas maliit na komunidad ng Baybay Lopez na maging mas
matagumpay at mabuting mamamayan sa hinaharap. Ang pagbibigay
ng silid aklatan ay hindi lamang isang proyektong pang-edukasyon,
kundi isang hakbang tungo sa paghubog ng magagaling at
responsableng mamamayang handang magtulungan para sa
ikabubuti ng lahat.
9. VII. Layunin
Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng access sa edukasyon
at kaalaman sa mga kabataan sa daycare center ng Baybay Lopez sa
pamamagitan ng pagtatag ng silid aklatan. Ang mga layunin ng proyekto ay
kinabibilangan ng pagpapalaganap ng pagbabasa, pag-unlad ng kreatibidad,
pagpapahalaga sa edukasyon, pakikipagtulungan at komunidad, pagsusulong
ng kagandahang asal, at pagsusulong ng pag-unlad.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng silid aklatan, inaasahan na mas
mapapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa iba't ibang larangan,
magiging masigla ang kanilang kaisipan, at mapagtutuunan ng kahalagahan
ang edukasyon at tamang pag-uugali. Ang proyekto ay nagsusulong din ng
pakikipagtulungan sa komunidad upang mas mapalakas ang ugnayan sa
pagitan ng mga miyembro ng daycare center at ng buong komunidad ng
Baybay Lopez. Sa pangkalahatan, layunin ng proyekto na maging instrumento
sa pag-unlad ng mga kabataan sa larangan ng edukasyon.
10. VIII.Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwalitatibong disenyo
upang masusing suriin ang pangangailangan ng mga kabataan sa
daycare center ng Baybay Lopez ukol sa pagkakaroon ng isang silid-
aklatan, layunin nitong maunawaan ang damdamin at pangangailangan
ng mga kabataan. Ang pangunahing suliranin ay kung paano maitatatag
ang isang epektibong silid-aklatan na nagtatangi sa mga
pangangailangan ng mga kabataan at naglalayong palaguin ang
pagmamahal sa pag-aaral.
11. IX. Mga Gagawin sa Palatuntunan
Para sa pagtatatag ng solidong aklatan para sa mga kabataan sa
daycare center ng Brgy. Baybay Lopez, narito ang ilang mga hakbang na
maaaring gawin sa palatuntunan: Pangangalap ng Aklat ,Pagsasaayos ng
Aklatan, at Magtatag ng promosyon para sa pagbabasa. Sa
pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaaring maitatag ang isang
solidong aklatan na maghahatid ng kaalamang pangkabataan para sa
mga batang taga-Brgy. Baybay Lopez. Ang mga hakbang na ito ay
magbibigay-daan sa mga kabataan na mas mapalaganap at
pahalagahan ang kahalagahan ng pagbabasa.
12. X. Ahensiyang Pagkukunan ng Badyet sa
Institusyon ng Kahingian ng Pagbabadyet
Ang badyet para sa proyektong ito ay inaasahang manggagaling
mula sa mga dinasyon ng mga ilan sa baranggay officials ng baranggay
Baybay Lopez. Ang mga proponent at mag sasagawa ng mensahe ng
pahintulot para sa pag so-solicit sa mga baranggay officials at
ipapaliwanag kung ano ang layunin at kung saan mapupunta ang
perang malalagap. Ang badyet na malalagap ay magsisilbeng daan
upang maging matagumpay at magkaroon ng mas malawakang suporta
ang isasagawang proyekto ng mga proponent.
13. XI. Implementation
Ang implementation para sa proyektong ito ay maaaring magmula sa
pagtukoy ng mga kagamitan at materyales na kinakailangan para sa silid
aklatan. Maaari ding mag-organisa ng mga volunteers o community
members na magtuturo ng basic reading at storytelling sa mga bata at
magbigay ng guidance sa kanilang pagbabasa. Magkaroon ng mga
regular na schedule para sa paggamit ng silid aklatan at pagtuturo ng
mga magulang at caregivers sa kahalagahan ng pagbabasa sa kanilang
mga anak. Bukod dito, maaari ring ipatayo ng mga libro-han o mini-
library sa mga barangay upang mas mapalawak ang access ng mga
kabataan sa mga libro at materyales para sa kanilang pag-aaral.
15. XIII. Organisasyon na Pamamahala sa Proyekto
Ang proyektong ito ay naglalayong palaganapin ang kultura at
wika, itatag sa pamamagitan ng pagbuo ng grupo na magtutulungan sa
pagpaplano at pagpapatupad ng mga aktibidad. Ang plano ay
naglalaman ng timeline at mga responsibilidad ng bawat miyembro.
Magkakaroon din ng kampanya sa komunidad, kabilang ang pagbisita
sa mga paaralan, isa na dito ang pagtatag ng silid aklatan para sa mga
kabataan ng daycare center Baybay Lopez upang matulungan ang mga
kabataan sa pagbabasa at matutunang maunawaan ang kanilang mga
binabasa. Ang proyektong ito ay magaganap sa pagtutulungan ng isang
organisasyon upang mas lumawak at maging bukas puso ang mga
kabataan sa pag aaral.
16. XIV. Evaluation
Sa proposal na ito para sa pagtatatag ng solidong aklatan sa day
care center sa Brgy. Baybay Lopez, mahalaga ang layunin na magbigay
ng edukasyon at kasiyahan sa mga batang nasa nasabing lugar. Ang
pagkakaroon ng maayos at komprehensibong aklatan ay magbibigay-
daan sa mga bata na mapalawak ang kanilang kaalaman at maipahayag
ang kanilang imahinasyon. Mahalaga rin ang pagtutok sa kalidad ng
mga aklat at iba pang materyales upang maging kaaya-aya at kaakit-akit
ito sa mga kabataan.
17. Nabatid:
Layunin ng proyekto na maging instrumento ng pag-asa at
oportunidad sa edukasyon para sa mga kabataan ng Baybay Lopez, na
naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa
pamamagitan ng pagtatatag ng isang aklatan na maglalaman ng
makabagong kaalaman at pag-aaral.