Ang rondalya ay isang pangkat ng
mga instrumentong may kuwerdas. Ito
ay kinabibilangan ng mga instrumentong
may tono at maaring gamitin na
pansaliw sa pag-awit at maari rin
namang tumugtog bilang isang pangkat.
Karaniwang ginagamit ang rondalya
sa mga pagtitipong Filipiniana, sa mga
pataltuntunan sa paaralan at sa pistang
bayan.
Lima ang pangunahing
instrumentong bumubuo ng rondalya;
ang bandurya, oktabina, laud at baho
de arko. Ang instrumentong ito ay may
tiyak na tono at may kani-kaniyang
timbre kaya’t mayroong bahagi sa awit
o komposisyong musikal na bagay sa
kani-kanilang tunog. Ang rondalya ay
maihahambing sa pag-awit ng may
apatang tinig.
Ang bandurya ay may
maraming kuwerdas.
Mayroon itong tatlong
kuwerdas sa bawat tono. Ito
ay tinutugtog sa
pamamagitan ng “pick” na
pinagpapabalikbalik nang
mabilis sa isang tono ng
magkakalapit na kuwerdas.
Ito ay maaaring ihambing
sa soprano. Karaniwang
tinutugtog nito ang
pangunahing himig o
melodiya.
Ang oktabina ay
mas malaki kaysa
bandurya at ang hugis ay
tulad ng isang gitarang
maliit. Tulad ng bandurya
ay marami rin itong
kuwerdas na tinutugtog
sa pamamagitan ng
“pick”. Ito ang tenor ng
grupo sapagkat
mataginting ang timbre
nito.
Ang hugis ng laud
ay tulad ng sa bandurya
subalit ito ay mas
malaki nang kaunti.
Ang laud ay may
maraming kuwerdas at
tinutugtog tulad ng sa
bandurya at oktabina.
Mababa ang tunog ng
laud at ito ang
sumusuporta sa
melodiya. Ito ang alto
ng rondalya.
Ang baho de arko
ang pinakamalaking
instrumento ng rondalya.
Kasintaas ito ng tao kaya’t
ang tumutugtog nito ay
nakatayo. Apat lamang
ang kuwerdas ng baho de
arko at ang mga ito ay
tinutugtog sa
pamamagitan ng
pagkalabit ng mga daliri.
Matataba ang kuwerdas
nito kaya’t ang timbre ay
mababa.
Isang daloy na
himig lamang ang
natutugtog ng bandurya,
oktabina, laud at baho
kaya’t kinakailangan
ang instrumentong
pansaliw. Ang gitara ang
nagbibigay ng akorde
bilang pansaliw sa mga
melodiyang
nanggagaling sa mga
instrumento ng rondalya.
Panuto: Basahing mabuti ang mga
sumusunod na tanong. Piliin ang titik nang
wastong sagot.
1.Alin sa mga instrumentong rondalya ang
karaniwang tumutugtog ng pangunahing
himig?
A. oktabina
B. bandurya
C. piano
D. laud
2. Alin sa mga instrumento ang
magkakatulad ang hugis?
A. bandurya at oktabina
B. bandurya at laud
C. laud at oktabina
D. gitara at laud
3. Alin sa mga sumsusunod na
instrumentong ginagamit sa rondalya ang
maaaring gamiting pansaliw?
A. laud B. oktabina C. gitara
4. Alin sa grupo ng instrumentong rondalya
ang itinuturing na tenor ng grupo?
A. bandurya
B. gitara
C. laud
D. oktabina
5. Saan maaring ihambing ang rondalya?
A. sa pag-awit ng may limahang himig
B. sa pag-awit ng may apatang himig
C. sa pag-awit ng dalawahang himig
D. sa pag-awit ng may tatluhang himig.
Panuto: Iguhit ang mga
instrumentong rondalya sa
inyong notebook. Lagyan ng
kulay upang maging
maganda ang ginawa.

Mga Instrumentong Rondalya

  • 2.
    Ang rondalya ayisang pangkat ng mga instrumentong may kuwerdas. Ito ay kinabibilangan ng mga instrumentong may tono at maaring gamitin na pansaliw sa pag-awit at maari rin namang tumugtog bilang isang pangkat. Karaniwang ginagamit ang rondalya sa mga pagtitipong Filipiniana, sa mga pataltuntunan sa paaralan at sa pistang bayan.
  • 3.
    Lima ang pangunahing instrumentongbumubuo ng rondalya; ang bandurya, oktabina, laud at baho de arko. Ang instrumentong ito ay may tiyak na tono at may kani-kaniyang timbre kaya’t mayroong bahagi sa awit o komposisyong musikal na bagay sa kani-kanilang tunog. Ang rondalya ay maihahambing sa pag-awit ng may apatang tinig.
  • 4.
    Ang bandurya aymay maraming kuwerdas. Mayroon itong tatlong kuwerdas sa bawat tono. Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng “pick” na pinagpapabalikbalik nang mabilis sa isang tono ng magkakalapit na kuwerdas. Ito ay maaaring ihambing sa soprano. Karaniwang tinutugtog nito ang pangunahing himig o melodiya.
  • 5.
    Ang oktabina ay masmalaki kaysa bandurya at ang hugis ay tulad ng isang gitarang maliit. Tulad ng bandurya ay marami rin itong kuwerdas na tinutugtog sa pamamagitan ng “pick”. Ito ang tenor ng grupo sapagkat mataginting ang timbre nito.
  • 6.
    Ang hugis nglaud ay tulad ng sa bandurya subalit ito ay mas malaki nang kaunti. Ang laud ay may maraming kuwerdas at tinutugtog tulad ng sa bandurya at oktabina. Mababa ang tunog ng laud at ito ang sumusuporta sa melodiya. Ito ang alto ng rondalya.
  • 7.
    Ang baho dearko ang pinakamalaking instrumento ng rondalya. Kasintaas ito ng tao kaya’t ang tumutugtog nito ay nakatayo. Apat lamang ang kuwerdas ng baho de arko at ang mga ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng pagkalabit ng mga daliri. Matataba ang kuwerdas nito kaya’t ang timbre ay mababa.
  • 8.
    Isang daloy na himiglamang ang natutugtog ng bandurya, oktabina, laud at baho kaya’t kinakailangan ang instrumentong pansaliw. Ang gitara ang nagbibigay ng akorde bilang pansaliw sa mga melodiyang nanggagaling sa mga instrumento ng rondalya.
  • 9.
    Panuto: Basahing mabutiang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik nang wastong sagot. 1.Alin sa mga instrumentong rondalya ang karaniwang tumutugtog ng pangunahing himig? A. oktabina B. bandurya C. piano D. laud
  • 10.
    2. Alin samga instrumento ang magkakatulad ang hugis? A. bandurya at oktabina B. bandurya at laud C. laud at oktabina D. gitara at laud 3. Alin sa mga sumsusunod na instrumentong ginagamit sa rondalya ang maaaring gamiting pansaliw? A. laud B. oktabina C. gitara
  • 11.
    4. Alin sagrupo ng instrumentong rondalya ang itinuturing na tenor ng grupo? A. bandurya B. gitara C. laud D. oktabina 5. Saan maaring ihambing ang rondalya? A. sa pag-awit ng may limahang himig B. sa pag-awit ng may apatang himig C. sa pag-awit ng dalawahang himig D. sa pag-awit ng may tatluhang himig.
  • 12.
    Panuto: Iguhit angmga instrumentong rondalya sa inyong notebook. Lagyan ng kulay upang maging maganda ang ginawa.