4. Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:
● Bakit nakukuha ng mga babasahin ang ating interes?
● Bakit nagiging tila buhay sa ating isipan ang mga
kuwentong ating binabasa?
● Bakit nangyayari na nananatili sa ating isipan ang ating
mga binabasa?
7. Sagot para sa tanong 1:
Iiwanan na ng mga mag-aaral sa high school ang
yugto ng buhay na ito. Haharapin naman nila ang
panibagong yugto na kanilang buhay - ang kolehiyo.
8. “Huh?! 4:15 na pala, tsk..ang bilis naman, uwian na pala.”
“Uy! Ronel, ano ka ba? Tulala ka na naman, uwian na po. Nakopya
mo na ba yung assignment ni ma’am?”
“Nakopya ko na Arnice kanina pa.”
“ Tawag ka ni ma’m, lead the prayer daw.”
Dali-dali akong nagtungo sa harapan ng klase.
“Are you ready to pray classmates?”
“ Yes we are, In the name of the Father, and of the Son, and of the
Holy Spirit…Angel of God, my guardian dear……”
“ Paalam na po Bb. Maglipon”
“Uwian na naman, naku! pihadong siksikan na naman sa paglagay
ng gamit sa locker. Arnice bilisan mo sa paglagay ng gamit mo hintayin
ka namin nina John john sa tambayan.”
10. Mabilis akong nakapaglalagay ng gamit sapagkat wala akong kahati
sa locker. Hindi gaya ni Arnice na kailangan pang hintayin ang
girlfriend niya sa kabilang section dahil hawak nito ang susi ng
kanilang locker. Dali-dali na akong bumaba walang lingon likod
diretso ako sa paborito kong tambayan at ng buong tropa. Binaybay
ko ang daan patungo sa dating tinatawag na baranggay na naging
headquarters noong may scouting pa dito sa aming paaralan.
Ngayon, TLE Center naman ang bago nitong pangalan. Ang galing
nga eh iba-iba. Sakto wala pa sina Luci sa hagdanang malapit sa
baranggay, ay! TLE Center pala. Ito ang santuaryo ng aming buong
tropa…ang hagdan.
11. Sagot para sa tanong 2:
Ang tambayan nila ay nagmistulang santuaryo na
nilang magkakaibigan.
12. Wala pa sila, mabuti naman, kung minsan kasi masarap din ang nag-
iisa kagaya ngayon. Dahan-dahan kong inilapag ang aking bag sa
ikatlong baitang ng hagdan at umupo na rin. Hayyy…ang sarap
pagmasdan ang daang patungong covered court gawa ng mga
punong inihilera na nagtila mga arkong nagdadala sa iyo patungo
doon. Sayang hindi pa muling tumutubo ng husto ang mga damong
tinabas gawa ng nagdaang Sportsfest, paborito ko rin kasing tingnan
ang mga iyon sapagkat tila napapahinga ang aking mga mata sa
luntiang kulay ng damuhan. Sa tuwing nauupo ako dito ay
nakadarama ako ng kapayapaan para kasing perpekto ang lahat, kung
sabagay lahat naman talaga ng ginawa ng Dios ay perpekto, tayong
mga tao lamang ang sumisira nito.
13. Ang lamig, mas malamig ngayon kaysa kahapon. Bakit nga ba
malamig ang buwan ng Pebrero? Bigla akong natigilan. Kay bilis
naman ng panahon, Pebrero na nga pala. Ang kasiyahan kong
nadarama kani-kanina lamang ay tila bulang naglaho. Nakadama ako
ng kalungkutan. Sa susunod na buwan ay Marso na. Ang buwan na
hinihintay naming lahat…ang hinihintay naming
lahat…ngunit…bakit?...parang…ewan ko…parang…parang ayaw ko
pang sumapit ang buwan na iyon.
14. Tanong 3:
Ano ang hinihintay nilang lahat na
naghahatid rin ng kalungkutan kay Ronel?
15. “Uy! Super emote ka ah, senti?”
“Ikaw pala Devvie, si Arnice? Nasaan na?”
“ Tanong ka pa, para namang hindi mo alam, nasaan pa eh ‘di nandun kay
Jennylyn. Bakit super emote ka d’yan? Basted ka ba? Binasted ka ano?“
“Hindi ah! Ako basted? Sinong babae ang babasted sa akin? ‘Di pa isinisilang
yun.”
“Brrrrrrr…..lalong lumamig….may bagyo ba? Lalong lumakas ang hangin
eh…hehehe…”
“Patawa naman ito eh, nakalulungkot lang kasi gawa ng Marso na pala sa
sunod na buwan.”
“Oh, eh, ano ngayon? Ayaw mo nun? Graduation na.”
“Hindi ka nalulungkot? “
“Nalulungkot din, tara na nga…ang lamig-lamig na dito.Hinihintay tayo nina
Marc Jay sa McJo.”
16. Bitbit ko ang kalungkutang iyon hanggang sa pag-uwi. Hanggang
kinabukasan…hanggang sa sumunod pang bukas…mga
bukas…hanggang…hanggang…Marso na pala.
Ngayon ang unang linggo ng Marso, sa sunod na linggo ay huling
kapatang pagsusulit na namin. Nakaalis na si Bb.Maglipon,
nakaalis na rin ang halos lahat ng mga grade 10 pati na rin ang
mga grade 9 na kasama naming umuukupa sa palapag na ito.
Iniwan na rin ako nina Renz, alam kong iisa ang aming
sentimyento gaya rin ng marami sa amin. Nasa gitna kami ng
magkahalong emosyon.